Wednesday, May 2, 2012




  ‘Di hawak sa leeg!
REY MARFIL



Kinumpirma sa pina­kabagong survey ng Social Weather Stations (SWS) na nagpapakita na mayor­ya ng mga Pilipino ang naniniwalang nagkasala si Supreme Court (SC) Chief Justice Renato Corona sa mga reklamo laban sa kanya ang malaking suporta ng publiko sa posis­yon ni Pangulong Noynoy ‘PNoy’ Aquino na linisin ang pinakamataas na korte.
Ika nga ni Mang Kanor: Kung may natitira pang kaunting dangal at respeto sa kanyang sarili si Corona, mas makakabuting ilabas niya ang sarili sa publiko, buksan ang lahat ng accounts -- lokal man o dollar accounts, ilantad ang mga ari-arian at humarap sa witness stand.
Sa kabilang banda, hindi rin ikinagulat ng mga kurimaw ang resulta ng survey dahil sinasalamin lamang nito ang mabigat at matibay na mga ebidensiyang iniharap ng prosekusyon.
Ipinakita rin ng SWS na matagum­pay na nagawa ng prosekus­yon ang kanilang mandato para sa paglilitis ni Corona.
Malinaw rin ang lehitimong kagustuhan ng publiko na isulong ang makatotohanang reporma sa SC sa pamamagitan ng pagtanggal sa “supreme error” na si Corona.
Sa resulta ng SWS survey, lumabas na 63% ng respondents ang kumbinsidong mayroong tagong yaman si Corona at 58% naman ang umaayon na nais ng Punong Mahistrado na tulungan ang bilanggong da­ting Pangulo at kasaluku­yang Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo at mister nitong si dating Unang Ginoo Jose Miguel ‘Mike’ Arroyo na makatakas ng bansa.
Lumabas rin sa SWS na 57% ng respondents ang umayon kontra sa 14% kumontra at 28% ang hindi makapagdesisyon na tumanggap si Corona ng espesyal na mga pabor ka­tulad ng diskuwento sa pagbili ng condominium at ti­ket sa eroplano.
Nabatid pa sa survey na 46% ang nagsasabing people power ang dapat gamitin kay Corona para mapatalsik ito sa posisyon kung hindi ipapataw ng Senate Impeachment Court ang hatol na guilty.
Anyway, ipinapakita sa pinal na hatol ng Supreme Court sa pagkakaloob sa mga magsasaka ng lupain sa Hacienda Luisita sa Tarlac na buhay na buhay ang demokrasya at kitang-kita ang “independence” ng tatlong mahistrado na itinalaga ni PNoy.
Malinaw na kumilos ang tatlong mahistrado ng Malacañang ayon sa kanilang sari­ling desis­yon at hindi nagpakita ng anumang pagbabayad ng utang na loob kay PNoy -- ito’y malayo kumpara noong araw kung saan talaga namang kumakampi ang mga itinatalaga sa administrasyon.
Kabilang sa tatlong iti­nalagang mahistrado ng administrasyong Aquino sa SC na kabilang sa mga kumontra sa interes ng angkan ni PNoy sa isyu ng pagkakaloob ng 4,915.75 ektar­yang Hacienda Luisita sa 6,296 na magsasaka sina Associate Justices Bienvenido Reyes, Ma. Lourdes Sereno at Estela Perlas-Bernabe.
Ibig sabihin, hindi hawak sa leeg ang mga appointment ni PNoy at hindi iniimplu­wensiyahan ng palasyo.
***
Noong nakaraang linggo, pinag-initan ang talum­pati ni PNoy sa Phi­lippine Press Institute (PPI) pero tanging “guilty” ang pu­malag.
Ika nga ni Mang Kanor: Dapat din namang bigyan ng media ng konting bigat at espasyo sa pag-uulat ang magagandang mga ba­lita para makapagbigay ng inspiras­yon sa publiko.
Kabilang sa isa sa mga magagandang balita ang pagkilala ng World Bank (WB) sa Pilipinas bilang modelo sa pagbibigay ng ayuda sa mga tao upang mabawasan ang epekto ng pandaigdigang krisis pinansiyal at problema sa ekonomiya.
Nangangahulugan na nakikita ng WB na tama ang diskarte ni PNoy sa pagsusulong ng mga programa nito para sa mga mahihirap upang makasabay sa agos ng buhay sa tulong ng mga subsidiya.
Sa pagsisimula kamakailan ng 2012 WB-IMF Spring Meetings, pinuri ni WB president Robert Zoellick ang patuloy na paglaki ng Pantawid Pamil­yang Pilipino Program (4P) ng pamahalaan na nagkakaloob ng direktang tulong sa mga mahihirap.
Nagsimula ang 4P o conditional cash transfer program ng pamahalaan noong 2008 at nagnanais na targetin ang 5.2 milyong benepisyunaryo sa pamamagitan ng pagkakaloob ng cash.
Sa ilalim ng General Appropriations Act of 2012, nag­laan si Pangulong Aquino sa pamamagitan ng Kongreso ng P39 bilyon para magkaroon ng karagdagang 700,000 benepisyunaryo ang programa ngayong taon at uma­bot sa tatlong mil­yon. Target naman na magkaroon ng 5.2 mil­yong household-beneficiaries sa 2015.
Nais ng pamahalaan na pagbutihin pa ang 4P sa pamamagitan ng pagpapahaba ng panahon na makakatanggap ng cash ang mga benepisyunaryo.
Laging tandaan: “Bata n’yo ko at Ako ang Spy n’yo.” (mgakurimaw.blogspot.com)


2 comments:

Anonymous said...

Tuta ka ni PNOY ano? Hirap talaga ngayon pati mga reporters at journalists kuno nababayaran na. Tandaan mo hindi opinyon mo ang kailangan ng taumbayan, kundi impormasyon na puro at walang halong kasinungalingan.

jasonbob said...

off white jordan 1
kobe shoes
kevin durant shoes
curry 6
curry shoes
jordan 1 high
kenzo clothing
bathing ape
golden goose francy
golden goose