Wednesday, February 22, 2012


Tamang direksyon!
REY MARFIL

Mula sa pagkakaroon ng reputasyong “milking cow” o gatasan ng ilang abusado at pabayang mga pampublikong opisyal, matagumpay na nareporma ni Pangulong Noynoy ‘PNoy’ Aquino ang imahe ng government-owned and controlled corporations (GOCCs) upang maging kapaki-pakinabang, malakas at kumikitang kumpanya ang mga ito.

Isang napakagandang balita na nakapagbigay ang 21 GOCCs ng P19.283 bilyong dibidendo sa pamahalaan na makakatulong upang pondohan ang mga makamahirap na programa ng administrasyong Aquino.

Kung babalikan ang nakaraan, napupunta ang malaking kita ng GOCCs sa ilalim ng nakalipas na pamahalaan sa bulsa ng nagpapasasang mga opisyal sa pamamagitan ng malalaking suweldo at nakakalulang mga benepisyo -- ito ang rason kaya umuusok ang ilong sa galit ni PNoy at naglatag ng agarang mga reporma at pagbabago.

Ipinapakita lamang ng Punong Ehekutibo ang kanyang determinasyon na tuparin ang kanyang pangako sa publiko at talagang nakakabilib o kahanga-hanga rin ang kanyang pahayag na walang puwang sa kanyang pamahalaan ang mga pampublikong opisyal na nagsasamantala, kasabay ng banta na papapanagutin ang sinumang lalabag at magkakanulo sa kanilang sinumpaang tungkulin.

Isa pang good news, ang mababang inflation rate na 3.9% nitong Enero mula sa 4.2% noong nakalipas na Disyembre 2011. Kaya’t dapat tayong magpasalamat sa pagsusumikap ng administrasyong Aquino matapos mapababa ang pagtaas sa presyo ng mga pagkain bunsod ng sapat na suplay ng ilang mga pagkain katulad ng gulay at asukal.

At bilang aksyon, nagbuhos ng pondo si PNoy sa “pantawid pasada” para saklolohan at ibsan ang hirap ng mga tricycle at jeepney driver lalo pa’t walang kontrol ang gobyerno sa pagsirit ng presyo ng gasolina.

Take note: Hindi umaasa lamang sa importasyon ng langis ang Pilipinas kaya’t nakatali ang kamay sa presyuhan.

Wala rin dapat ipangamba ang publiko dahil nananatiling nakatutok naman ang BSP sa presyo ng mga pangunahing bilihin at iba pang bagay para tiyaking hindi maaabuso ito.

***

Napag-uusapan ang good news, maayos nakauwi ang limampu’t-apat na Pinoy workers mula Beirut -- ito’y makaraang atasan ni Labor and Employment Sec. Rosalinda Baldoz ang lahat ng Philippine Overseas Labor Offices (POLO) na gawing prayoridad ang pagbabalik sa bansa ng Filipino domestic workers na nasa Filipino Workers Resource Cen­ters (FWRCs) sa buong mundo.

Isang magandang balita dahil napababa na ang bilang ng mga nasa FWRC sa kapitolyo ng Lebanon at ipinapakita ang determinasyon ng pamahalaan na tulungan ang mga naiipit na OFWs.

Aminin o hindi ng mga kritikong nangangarap mag-senador sa 2013 election, ginagawa ni PNoy ang lahat ng makakaya nito para sa promosyon ng interes at kagalingan ng OFWs, partikular ang mga kailangan nang umuwi at makasama ang kanilang mga pamilya at muling magkaroon ng panibagong oportunidad sa bansa.

Sa programa ng DOLE, maaaring lumahok ang nagbalik na domestic workers sa Balik-Pinay Balik Hanapbuhay Program na nagkakaloob sa bawat umuuwing OFW ng P10,000 tulong para makapagnegosyo.

Hindi lang ‘yan, meron ding pagsasanay para makapagsimula ng maliliit na negosyo ang nagbabalik na OFWs ka­tulad ng cosmetology, manicure/pedicure, haircutting, hairdressing, foot spa, reflexology, massage, flower arrangement, food processing, meat processing, green skills, handi­craft at household care.

Nariyan din ang opisina ni Secretary Joel Villanueva -- ito ang pangunahing nagsanay sa mga taong gustong ma­linang ang kanilang kaalaman o skills. Ika ni Sec Joel V, “Sa TESDA, may choice ka”.

Laging tandaan: “Bata n’yo ko at Ako ang Spy n’yo”. (mgakurimaw.blogspot.com)

No comments: