May pinapatunguhan! | |
REY MARFIL |
Magandang balita na naman ang pagdating sa bansa ng dalawang FA-50 ‘Golden Eagle’ jet fighters mula sa South Korea na bababa sa Clark airbase.
Kumuha ang administrasyong Aquino ng 12 two-seater aircraft mula sa Korean Aerospace Inc. na nagkakahalaga ng P18.9 bilyon na bahagi ng programang modernisasyon ng militar.
Inaasahang darating sa bansa ang kabuuang 12 mga eroplano sa 2017 na kabilang sa malasakit ni Pangulong Benigno Noynoy ‘PNoy’ Aquino III na palakasin ang lakas ng militar ng Pilipinas.
Sumakay si Philippine Air Force (PAF) commander Lieutenant General Jeffrey Delgado sa isa sa mga eroplano nang isagawa ang test flight nito sa South Korea.
Ikinokonsiderang upgraded version ng KAI’s supersonic T-50 advance trainer jet ang FA-50 na inaasahang magpapalakas sa kakayahan ng Philippine Air Force (PAF) na bantayan ang himpapawid ng bansa.
Patunay ito ng malaking suporta ni Pangulong Aquino sa sektor ng militar na napabayaan ng nakalipas na mga administrasyon.
***
Magbubunga ng karagdagang trabaho ang desisyon ni PNoy na taasan ang pondo ng pampublikong imprastraktura sa Mindanao sa susunod na taon.
Inihayag ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Sec. Rogelio Singson na kabilang sa prayoridad ni Pangulong Aquino ang paglalaan ng malaking pondo sa Mindanao.
Sa badyet ng DPWH sa susunod na taon, magpapatuloy ang malaking biyaya na bahagi rin ng naging prayoridad ng pamahalaan sa nakalipas na tatlong taon.
Sa katunayan, umabot sa P97.3 bilyon o 33 porsiyento ng kabuuang badyet ng DPWH para sa 2015 ang mapupunta sa Mindanao upang ipatupad ang mahahalagang mga proyektong imprastraktura roon.
Sa nasabing pondo, aabot sa P12 bilyong infrastructure budget ang direktang mapupunta sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).
Umabot naman sa P30 bilyon ang pondo sa Region X habang halos tig-P19 bilyon naman ang nakalaan sa Regions IX at XI. Siguradong karagdagang trabaho para sa mga taga-Mindanao ang malilikha ng mga proyektaong ipatutupad sa Mindanao.
Batid ni Pangulong Aquino sa tulong ng kanyang matuwid na daan na malaking ginahawa ang maibibigay ng malaking pondo para sa kabuhayan ng maraming Pilipino.
Laging tandaan: “Bata mo ‘ko at Ako ang Spy n’yo.” (Twitter: follow@dspyrey)
No comments:
Post a Comment