Monday, December 21, 2015

Malinaw na resulta! REY MARFIL


Malinaw na resulta!
REY MARFIL



Nakita ng mayorya ng mga Pilipino ang magandang ibinubunga ng matuwid na daang kampanya ni Pangulong Noynoy “PNoy” Aquino kaya naman inaasahan nilang magiging matagumpay itong presidente base sa resulta ng bagong Social Weather Stations (SWS) survey.
Ipinapakita ng SWS survey ang patuloy na pagbibigay ni Pangulong Aquino ng inspirasyon dahil sa ginhawang naibibigay ng pamahalaan upang umasenso ang kanilang buhay.
Sa survey na isinagawa nitong Setyembre 2 hanggang 5, lumitaw na 35 porsiyento ng respondents ang nagsasabing magiging matagumpay si PNoy habang 26 porsiyento lamang ang kontra at 39 porsiyento naman ang naniniwalang maaga pa upang magbigay ng pahayag.
Malaki ang iniangat ng mga datos kumpara sa na­ging resulta noong Hunyo 2014 survey kung saan 29 porsiyento ang naniniwalang magiging matagumpay si PNoy habang 21 naman ang nagsabi ng kabaligtaran at 50 porsiyento ang nagsabing maaga pa para magsalita.
Malinis at mabuting pamamahala ang patuloy na ipinapakita ni PNoy na walang anomang bahid ng katiwalian.
Kaya naman kinakasiyahan siya ng maraming mga Pilipino dahil sa taglay na katapatan na paglingkuran ang mga Pilipino.
Sumama tayo kay PNoy upang lalong sumulong ang bansa na pakikinabangan ng napakaraming mga tao.
Asahan nating magpapatuloy ang magandang sini­mulan ni PNoy hanggang sa huling araw ng kanyang termino.
***
Makatuwirang natin si PNoy sa mga hakbang na tiyaking magiging maayos, mapayapa at kapani-paniwala ang magiging resulta ng halalan.
Isinasagawa ng administrasyong Aquino ang lahat upang matiyak ang seguridad, kaayusan at katahimikan sa pagdaraos ng eleksyon sa darating na taon, kabilang ang kaligtasan ng lahat sa panahon ng kampanya.
Sa ngayon, masusi ang koordinasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) sa Commission on Elections (Comelec).
Batid natin na ang AFP at PNP ay deputized ng Comelec bilang mga pangunahing puwersa sa pagtitiyak ng seguridad, katahimikan at kaayusan sa pagdaraos ng pambansang halalan sa Mayo 2016.
Kabilang sa masusing pinagpupulungan ng AFP at PNP sa kanilang pakikipagkita sa Comelec ang mahigpit na implementasyon ng gun ban.
Napatunayan na kasi na ang pagkontrol sa baril at ang pagsabat sa paggamit ng iligal na mga sandata ay isa sa mahahalagang susi sa pagkakaroon ng maayos na halalan.
Kaya isa sa prayoridad na programa na isasagawa ng AFP at PNP bilang deputized agents ng Comelec ang pagkontrol sa paggamit ng lisensiyadong baril.
Magtatayo rin ng checkpoints sa estratehikong mga lokasyon ang kinauukulan para matiyak na walang naglipanang masasamang mga elemento.
Kung babalikan ang mapayapang 2013 na halalan, naging susi sa tagumpay ang pagkontrol at pagpigil sa paggamit at sa operasyon ng private armed groups.
Sa kautusan ni PNoy, sisikapin muli nito sa tulong ng pinagsamang puwersa ng Comelec, AFP at PNP na maulit ang maayos at mapayapang halalan sa Mayo 9, 2015. Laging tandaan: “Bata mo ‘ko at Ako ang Spy n’yo.” (Twitter: follow@dspyrey)

No comments: