Monday, August 3, 2015

Bumabaha ng proyekto! REY MARFIL




Bumabaha ng proyekto!
REY MARFIL


Muling umarangkada ang pagkakaloob ng scholarship grants para sa mahihirap na mga anak ng ating overseas Filipino workers (OFWs) alinsunod sa kautusan ni Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III.

Ipinakilala na ng Overseas Workers Welfare Administration-Regional Welfare Office I (OWWA-RWO I) ang latest batch ng mga iskolar sa ilalim ng OFW Dependent Scholarship Program (OFWDSP).

Tinipon ang mga iskolar nitong nakalipas na Hul­yo 13, 2015 sa Max’s Restaurant sa San Fernando, La Union para sa pormal na orientation at agreement signing.

Matapos ang masusing pagsusuri ng OWWA-RWO I sa aplikasyon ng mga iskolar, 48 na incoming college freshmen ang naging kuwalipikado sa OFWDSP para ngayong pasukan.
Makikinabang ang bawat benepisyunaryo ng scholarship sa buong panahon ng kanilang kurso.

Sa ilalim ng programa, aabot sa P20,000 kada taon ang pinansiyal na tulong ng OFWDSP sa bawat kuwa­lipikadong dependent ng OFW na sumasahod lamang ng buwanang hindi lalampas sa US$400.

Maaring makapasok sa ano mang four year o five year na baccalaureate course sa kolehiyo o unibersidad sa Region I ang sino mang benepisyunaryo.

Sa hanay ng 48 na bagong scholars, 13 dito ang nagmula sa Pangasinan, tiga-12 naman sa La Union at Ilocos Norte, at 11 sa Ilocos Sur.

Batid ni PNoy ang kahalagahan ng edukasyon para sa magandang kinabukasan ng bawat Pilipino kaya naman kasama lagi ito sa prayoridad ng kanyang matuwid na daan.

***

Maganda ang naging desisyon ni PNoy nang aprubahan ng National Economic and Development Authority (NEDA) Board na pinamumunuan nito ang ilang mahahalagang mga proyektong imprastraktura na siguradong magpapaunlad lalo sa bansa at makakapagbigay ng trabaho.

Kabilang sa mga inaprubahang mga proyekto sa nakalipas na 18th NEDA Board meeting ang Phase II ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Expressway Project.

Ipatutupad ang programa ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na kinatatampukan ng paglilipat ng alignment sa isang seksyon ng Domestic Road ng ParaƱaque River/Electrical Road patungo sa isinasagawang proyekto.

Manggagaling sa pambansang badyet ang P2.04 bilyong pondo na kailangan sa proyekto. Kabilang rin sa inaprubahan sa pulong ang P223 milyong Daang Hari-SLEX Link Road Project ng DPWH. Layunin nitong pagbutihin ang access road network ng Daang Hari Project na malapit na ring matapos.

Inaprubahan rin ng NEDA Board ang P1.58 bil­yong Civil Registry System Information Technology Project Philippine Statistics Authority (PSA).

Itinatampok sa proyekto na sasailalim sa masu­sing subasta ang computerization ng civil registry operations ng PSA at dinisenyo para komolekta at magmintina ng civil registry na mga dokumento at specimen signatures ng lahat ng city at municipal registrars gamit ang tinatawag na imaging technology.

Kabilang rin dito ang produksyon ng mahahala­gang estadistika at magiging available sa buong bansa ang serbisyo ng civil registry sa pamamagitan ng Civil Registry System outlets at iba pang mga awtorisadong katuwang.

Isasalang naman ng NEDA Board para talakayin pa nang husto ang Bonifacio Global City at Ortigas Road Link Project na magpapaluwag sa daloy ng trapiko sa Epifanio de los Santos Avenue (EDSA) at C5 Road.

Sigurado tayong lalong aasenso ang bansa sa mga programang inaprubahang ipatupad ni PNoy kung saan pangunahing prayoridad ang kalidad at pagtiyak na hindi masasayang ang kahit isang sentimo ng pampublikong pondo.
 “Laging tandaan: “Bata mo ‘ko at Ako ang Spy n’yo.”
(Twitter: follow@dspyrey)

No comments: