Monday, August 17, 2015

May napupuntahan!



May napupuntahan!
REY MARFIL



Magandang balita ang pamamahagi ng tulong sa mga kapos-palad na ginawa ni Social Security System (SSS) President at Chief Executive Officer Emilio S. de Quiros Jr.

Bilang pagtalima na rin sa kahilingan ni Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III ilang charitable institutions na nangangalaga sa mga may sakit, mahihirap, matatanda at mga batang mayroong espesyal na pa­ngangailangan ang nakinabang sa pagtulong na ginawa ng SSS na ginanap sa SSS Gallery sa SSS main office sa Diliman, Quezon City.

Nanggaling ang pondo sa donasyon mula sa pa­ngako ng mga opisyal at kawani ng SSS na kabahagi ng taunang pamimigay ng mga regalo na kadalasang nagsisimula sa panahon ng Kapaskuhan.

Kabilang sa mga benepisyunaryong institusyon ang Philippine General Hospital Medical Foundation, Inc. (PGHMFI), White Cross, Bahay ni Maria Home for the Elderly, UP-PGH Alfredo T. Ramirez Burn Center, Haven for the Elderly, Craniofacial Foundation of the Philippines, Inc. at Center for Excellence in Special Education Foundation, Inc.

Kabilang sa mga dumalo sa seremonya sina Econom Sr. Aurelia Nuñez at Caregiver School In-Charge Sr. Felicity Gabutero ng Bahay ni Maria Home for the Elderly; Chairman Dr. Luz Burgos ng Craniofacial Foundation of the Philippines, Inc.; Chairman Dr. Gregorio Alvior at Executive Director Dr. Dione Suter ng PGHMFI; President at Chief Executive Officer Chinita Quirino-Abad ng Craniofacial Foundation of the Philippines, Inc.; Trustee Ann Aspinall ng Center for Excellence in Special Education Foundation, Inc.; at Board of Trustees Member Edgardo Abad ng Craniofacial Foundation of the Philippines, Inc.

Napakahalaga ng ginawang pagtulong ng SSS upang ipakita na hindi manhid ang pamahalaan sa pangangailangan ng mga kapos-palad.

***

Isa pang magandang balita ang pamamahagi ng 21 makinarya sa bukid ng Department of Agrarian Reform (DAR) para sa mga kooperatiba ng magsasaka sa Ilocos Norte na nagkakahalaga ng P3.7 milyon.

Alinsunod sa kautusan ni PNoy siguradong malaki ang magagawa ng ayudang ito ng DAR upang mapabuti ang produksyong agrikultural ng mga magsasaka.

Kinabibilangan ang farm machines ng 13 hand tractors, anim na rice threshers at dalawang rice reapers kung saan 20 kooperatiba ang nabiyayaan para sa tinatayang 3,000 mga benepisyunaryo ng repormang agraryo.

Magaling ang programa dahil siguradong lalaki ang ani ng mga magsasaka sa ibinahaging tulong na ito ng DAR sa pamamagitan ng kahilingan ni Aquino na tulungan ang sektor ng agrikultura.

Sa ilalim ng programa, ipinamahagi ang makinarya bilang ‘equipment grant’ na patatakbuhin ng mga koope­ratiba bilang isang negosyo kung saan magagamit ang kita para na rin sa kapakinabangan ng mga magsasaka at pagmintina ng makinarya.

Nasa ilalim ang programa ng Agrarian Reform Community Connectivity and Economic Support Services (ARCCESS) ng DAR na naglalayong maging mga negosyante ang tinatawag na agrarian reform beneficiaries o ARBs sa pamamagitan ng pagkakaloob sa kanila ng makina at teknolohiya para lumaki ang kanilang mga ani at madagdagan ang kanilang kaalaman.

Tinuturuan rin sa pamamagitan ng ARCCESS ang mga magsasaka ng tinatawag farmers agri-business technologies para mas maging matatag at malakas ang kanilang hanapbuhay.
“Laging tandaan: “Bata mo ‘ko at Ako ang Spy n’yo.”
(Twitter: follow@dspyrey)

http://www.abante-tonite.com/issue/aug1715/edit_spy.htm

No comments: