Good news pa more! | |
REY MARFIL |
Kumpara sa nakalipas na administrasyon, domoble ngayon nang umabot sa 700,000 na mga mag-aaral sa buong bansa ang nakinabang sa pansamantalang trabaho para sa mga mahuhusay na estudyante sa nakalipas na limang taon alinsunod sa kautusan ni Pangulong Noynoy ‘PNoy’ Aquino.
Inihayag ni Labor Sec. Rosalinda Dimapilis-Baldoz na umabot sa 691,333 na mahihirap na mga mag-aaral ang nakinabang sa Special Program for Employment of Students o SPES sa loob ng nakalipas na limang taon.
Batid ni PNoy ang kahalagahan na magkaroon ng pansamantalang kabuhayan ang mga mag-aaral na maaaring magamit na pandagdag sa kanilang edukasyon hanggang makatapos ng pag-aaral para sa kanilang magandang kinabukasan.
Sa ilalim lamang ng administrasyon ni PNoy pinalakas ang programang SPES kaya naman lumaki ang bilang ng mga mag-aaral na nakinabang at natulungan ang kanilang mga buhay.
Sa nakalipas kasing administrasyon, umabot lamang sa 353,746 na mga mag-aaral ang nakinabang sa programa kaya naman naitala ang 95% pagtaas sa bilang ng mga nakinabang sa SPES.
Noong 2015, itinaas ang ng pamahalaan ang pondo ng SPES sa P697 milyon o 41.96% mataas kumpara sa P491.48 milyong badyet nito noong 2014 na malaki naman ng 5.21% sa 2013 na pondo na nagkakahalaga ng P467.13 milyon.
Kumpara noong 2012, umabot ang pondo ng SPES sa P340.31 milyon na mas malaki ng 107.50% sa P164 milyong pondo noong 2011 na mas mataas ng 8.6% sa P151 milyong badyet noong 2010.
Sa kabuuan, lumaki ng 361.58% ang pondo ng programa pagpasok ni Pangulong Aquino kumpara sa nakalipas na pamahalaan.
Base sa ulat ng Bureau of Local Employment ng tanggapan ni Baldoz, 84,786 na mga estudyante lamang ang nakinabang sa programa noong 2010 na umabot sa 120,312 noong 2011, 138,635 noong 2012 at 167,569 nitong 2013; hanggang umabot sa 182,573 noong 2014.
Katuwang ni PNoy ang lokal na pamahalaan at pribadong sektor sa ilalim ng SPES kung saan karaniwang nakakapasok sa trabaho ang mga mag-aaral bilang food service crews, customer touch points, office clerks, gasoline attendants, cashiers, sales ladies, “promodizers”, at iba pang posisyon.
Itinatalaga rin ng lokal na pamahalaan ang mga mag-aaral sa clerical, encoding, messengerial, computer at programming jobs.
***
Magandang balita na naman ang hatid ni PNoy dahil sa ibibigay na ang malaking umento ng Social Security System (SSS) sa benepisyo sa pamilya ng mga namatay na kasapi simula ngayong Agosto 2015.
Matapos aprubahan ni Pangulong Aquino ang benefit enhancement package, inilabas na ang SSS Circular No. 2015-009 kung saan itataas ang kasalukuyang P20,000 burial benefit mula sa pinakamababang P20,000 hanggang P40,000 depende sa naging kontribusyon ng mga miyembro at average monthly salary credit (AMSC).
Inihayag ni SSS Vice President for Benefits Administration Agnes San Jose na magsisimula ang umento sa lahat ng funeral benefit claims sa petsang Agosto 1, 2015 pataas.
Batid kasi ng Pangulo ang emosyunal at pinansiyal na hirap na karaniwang dinadanas ng pamilyang namamatayan.
Patunay na interes at kagalingan ng pamilya ng mga miyembro ang pangunahing konsiderasyon ni Pangulong Aquino sa ilalim ng matuwid na daan. Laging tandaan: “Bata mo ‘ko at Ako ang Spy n’yo”.
(Twitter: follow@dspyrey)
http://www.abante-tonite.com/issue/aug1215/edit_spy.htm#.VcyN9vlViko
No comments:
Post a Comment