May napupuntahan! | |
REY MARFIL |
Sa pamamagitan ng matuwid na daan ni Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III, lumobo ng P15.43 bilyon o 16.39 porsiyento ang koleksiyon ng Bureau of Internal Revenue (BIR) nitong nakalipas na Hunyo kumpara sa parehong buwan ng 2014.
Umabot kasi ang koleksiyon ng BIR nitong Hunyo 2015 sa P109.55 bilyon na nangmula sa P107.09 bilyon sa operasyon at P2.46 bilyon para sa tinatawag na non-BIR operations.
Umabot naman ang koleksiyon ng regional offices sa halagang P39 bilyon o P5.81 bilyon o 17.49% na mas mahigit sa koleksiyong nakuha noong Hunyo 2014.
Naitala rin ang koleksiyon sa tinatawag na large taxpayers service sa halagang P68.04 bilyon o mas mataas ng P9.65 bilyon o 16.52% kumpara sa nakolekta noong Hunyo 2014.
Sa nakalipas na unang anim na buwan ng taon, umabot ang koleksiyon ng BIR sa P705.87 bilyon na mas malaki ng P62.66 bilyon o 9.74% kumpara na nakolekta sa parehong panahon noong 2014.
Base ito sa naitalagang P687.29 bilyong buwis mula sa operasyon ng BIR na mas mataas ng P62.58 bilyon o 10.02% kumpara sa unang anim na buwan ng 2014 at P18.58 bilyon mula sa non-BIR na operasyon na mas mataas rin ng P83.64 milyon o 0.45% kumpara sa nakolekta noong unang semestre ng nakaraang taon.
Humataw rin ang koleksiyon ng regional offices sa unang kalahati ng 2015 base sa naitalagang P257.26 bilyon o P25.4 bilyon o 10.96% na mas malaki kumpara sa naitala sa parehong panahon ng 2014.
Lumaki rin ang koleksiyon sa large taxpayer service na nagkakahalaga ng P430.03 bilyon o P37.17 bilyon o 9.46% na mas mataas kumpara sa naitala sa unang anim na buwan ng 2014.
Hindi naman nakakapagtaka ito sa ilalim ng matuwid na pamamahala ni PNoy na sinisigurong mayroong pondo para sa pangangailangan ng maraming Filipino.
***
Hindi naman nakakapagtaka ang naging pahayag ni Speaker Feliciano ‘Sonny’ Belmonte Jr. na pinakamahusay na lider si PNoy sa hanay ng naging mga Pangulo ng bansa.
Pero siyempre mahusay rin ang ina nitong si dating Pangulong Corazon ‘Cory’ Aquino na nagsilbing gabay sa mga desisyong isinasagawa ni Pangulong Noynoy Aquino.
Talaga namang si PNoy ang dahilan at naging susi sa lahat ng magagandang pakinabang na natamasa ng bansa ngayon sa larangan ng ekonomiya at katatagang politikal dahil sa malinis na pamamahala nito.
Maihahalintulad nga si PNoy sa maayos na pagdadala nito sa bansa kina Lee Kuan Yew ng Singapore, Park Chung Hee ng Korea at kahit maging si Dr. Mahathir Mohamad ng Malaysia.
Sinisiguro rin ni PNoy na naayon sa umiiral na mga batas at probisyon ng konstitusyon ang lahat ng desisyon ng kanyang pamahalaan.
Nakakabilib naman talaga ang matuwid na daan ng Pangulo kaya naman hindi nagtagumpay ang mga tiwali sa pamahalaan.
Matikas at matatag ang political will ni PNoy para ipatupad ang mga reporma at patakaran na makakatulong sa interes at kagalingan ng mahihirap na mga sektor ng lipunan.
Kabilang sa mga panukala na hindi nakalusot sa nakalipas na pamahalaan ngunit naisabatas sa kasalukuyang panahon ay ang sin tax law,
kompensasyon para sa mga biktima ng Batas Militar at reproductive health law.
Tunay na matinong lider si PNoy na nakapagdulot ng kaginhawaan sa napakaraming mga Filipino.
“Laging tandaan: “Bata mo ‘ko at Ako ang Spy n’yo.”
(Twitter: follow@dspyrey)
No comments:
Post a Comment