Iba si Babes!
REY MARFIL
Magandang
balita na naman tungo sa tuwid na daan ang inaasahang implementasyon sa Iloilo
City ng kabuuang P1.15 bilyong halaga ng imprastraktura na nakapaloob sa
pambansang badyet ngayong taon na inaasahang lilikha ng maraming trabaho.
Nabatid sa
masipag na si Department of Public Works and Highways (DPWH) Sec. Rogelio
‘Babes’ Singson na aabot sa 73 ang mga proyekto na hahatak ng karagdagang
pamumuhunan at turismo sa Iloilo.
Kabilang sa
mga proyekto ang anim na kalsada para sa turismo, tatlong rehabilitasyon ng
kalsada, 13 proyekto para sa konstruksiyon at pagmantina ng flood control at
drainage infrastructure, anim na road widening, pitong tulay, at 38 na proyekto
sa ilalim ng local infrastructure program (LIP).
Nagsimula na
rin ang ikalawang bahagi ng Iloilo Convention Center (ICC) Project Phase II
noong nakalipas na Marso 2, 2015 at nakikitang matatapos sa Hulyo 2015.
Iniutos na
ni Singson sa kontraktor ng ICC na bilisang matapos ang proyekto dahil dalawa
sa mga pagpupulong ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) sa mga buwan ng
Setyembre at Oktubre ang gagawin dito.
Sa tuwid na
daan at malinis na pamamahala, asahan natin ang kaunlaran, as in walang katulad
si Singson, napakalayo sa karakter ng mga naupong kalihim ng DPWH, napakatino
ng mga imprastraktura ngayon at tumino ang mga kontraktor.
***
Talagang
hindi magtatagumpay ang anumang impeachment laban kay Pangulong Noynoy ‘PNoy’
Aquino dahil lamang sa Mamasapano.
Katulad ng
naibasurang impeachment complaints kay Pangulong Aquino noong nakalipas na
taon, propaganda at pamumulitika lamang ang puno’t dulo ng lahat para pahinain
ang kanyang lakas na mag-endorso ng kandidatong papalit sa kanya sa 2016
presidential polls.
Kung
nagkaroon man ng komunikasyon ang Pangulo sa noon ay suspendidong si
Philippine National Police (PNP) Director General Alan Purisima kaugnay sa
inilunsad na operasyon sa Mamasapano kontra terorismo, dahil ito sa tinatawag
na sentido kumon lalo’t pinagkakatiwalaan niya talaga ito.
Maling isisi
sa pangulo ang kamatayan ng 44 na mga kasapi ng Special Action Force (SAF) ng
PNP.
Hindi naman
nasayang talaga ang pagbubuwis ng buhay ng ating kapulisan sa pangkalahatan.
Naging
marahas man, matagumpay naman ang operasyon o Oplan Exodus sa Mamasapano noong
Enero 25 matapos mapatay si Malaysian terrorist Zulkifli bin Hir, alyas
Marwan.
Malaki ang
suporta ng Pangulo sa mga mambabatas dahil kitang-kita ng mga ito ang
pagsusumikap ng Punong Ehekutibo na mapabuti pa ang kalagayan ng bansa.
Maging ang
oposisyon ay kontra sa proseso dahil wala namang mangyayari rito katulad noong
nakaraang taon.
Itigil na
sana natin ang pamumulitika at magkaisa sa nalalabing panahon ng Punong
Ehekutibo sa kapangyarihan alang-alang sa interes ng bansa.
Laging
tandaan: “Bata mo ‘ko at Ako ang Spy n’yo”. (Twitter: follow@dspyrey)
No comments:
Post a Comment