Monday, December 15, 2014
Prayoridad ang edukasyon!
Prayoridad ang edukasyon!
Magandang balita ang pagpapalabas ng administrasyong Aquino sa P290.4 milyong pondo para sa rehabilitasyon ng mga pasalidad ng state universities and colleges (SUCs) na sinira ng nakalipas na mga kalamidad.
Sa kautusan ni Pangulong Noynoy “PNoy” Aquino, agarang ibinigay ng Department of Budget and Management (DBM) ang pondo sa Commission on Higher Education (CHED) para sa 23 SUCs na naapektuhan ng sumusunod na mga kalamidad: 7.2 lindol na tumama sa Visayas noong 2013, Zamboanga City siege noong 2013, at mga bagyong Labuyo, Odette, Santi, Sendong at Vinta.
Gagamitin ang pondo para palitan ang nasirang mga kagamitan, rehabilitasyon ng sistemang patubig, at pagbili ng tinatawag na energy-saving devices at generator sets. Kinuha ang P290.4 milyon sa 2014 Rehabilitation and Reconstruction Fund (RRF).
Narito ang sumusunod na makikinabang na SUCs at halaga ng pondo: Apayao State College (P11.347-milyon); Ifugao State University (P19.35-milyon); Batanes State College (P10.245-milyon); Nueva Vizcaya State University (P56.84-milyon); Quirino State University (P2.244-milyon); Cagayan State University (P7.596- milyon); Aurora State College of Technology (P3.088-milyon); Ramon Magsaysay Technological University (P3.134-milyon); Pampanga Agricultural College (P5.767-milyon); Tarlac State University (P3.97-milyon); Tarlac College of Agriculture (P12.232-milyon); at Nueva Ecija University of Science and Technology (P56.346-milyon).
Kasama rin sa benepisyunaryo ang Bohol Island State University (P39.411- milyon); Siquijor State College (P1.554-milyon); Negros Oriental State University (P3.5-milyon); Zamboanga State College of Marine Science and Technology (P4-milyon); Zamboanga City State Polytechnic College (P34-milyon); Misamis Oriental College of Agriculture and Technology (P2.15-milyon); Bukidnon State University (P3.187-milyon); Davao Oriental State College of Science and Technology (P3.2-milyon); Surigao del Sur State University (P1.895-milyon); Sulu State College (P1.8-milyon); at Adiong Memorial Polytechnic State College (P3.550-milyon).
Noong nakalipas na Mayo, 35 SUCs ang nakatanggap ng P987.3-milyon sa ilalim pa rin ng 2014 RRF na mayroong kabuuang P3 bilyon. Ilan lamang ito sa mga paraang isinasakatuparan ng administrasyong Aquino para mabilis na maisaayos ang nasirang mga pasilidad upang lalong bumuti ang kalidad ng edukasyon sa bansa.
Batid ng Pangulo ang kahalagahan na tiyaking ligtas sa lahat ng pagkakataon ang mga pasilidad na pang-edukasyon lalo’t madalas tamaan ng kalamidad ang bansa.
***
Isa pang magandang balita ang kautusan ni PNoy sa DBM na ipalabas ang P775.5-milyon para solusyunan ang kakapusan ng mga silid-aralan sa iba’t ibang mga lugar sa bansa. Ipagkakaloob ang pondo sa Department of Public Works and Highways na ika-apat na transaksiyon ng P39-bilyong Basic Education Facilities Fund (BEFF) sa ilalim ng 2014 General Appropriations Act (GAA).
Aabot sa kabuuang 552 silid-aralan ang gagawin sa 128 mga lugar sa bansa para lalong mapabuti ang kalidad ng edukasyon. Layunin ng BEFF na isagawa ang konstruksiyon, rehabilitasyon, pagpapalit, pagtatapos, at pagkumpuni ng mga gusali ng eskuwelahan sa mga lugar na mayroong kakapusan ng silid-aralan.
Gagamitin rin ang pondo para sa konstruksiyon ng mga pasilidad sa tubig at sanitasyon at pagbili ng school desks, furniture, at fixtures para sa pampublikong mga eskuwelahan. Ikinokonsiderang mayroong kakapusan sa silid-aralan ang mga lugar na umiiral ang classroom-to-student ratio na 50:1 at pansamantalang silid-aralan, makeshift o hindi na talaga halos mapakinabangan.
Naglaan ang DBM ng P764.4-milyon para sa 16 na rehiyon, at P11 milyon para sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM). Matitiyak ng ipalalabas na pondo na magiging handa ang kakayahan ng mga eskuwelahan sa pangangailangan ng K-to-12 program para sa mas maayos na mga pasilidad.
Kitang-kita naman na talagang malaki ang pagpapahalaga ni PNoy sa pagkakaloob ng prayoridad sa sektor ng edukasyon.
Laging tandaan: “Bata mo ko at Ako ang Spy n’yo.” (Twitter: follow@dspyrey)
http://www.abante-tonite.com/issue/dec1514/edit_spy.htm#.VI7ocHuFkqs
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment