Monday, November 24, 2014
Iba si Mujiv!
Iba si Mujiv!
Binabati natin ang masipag at maaasahang si Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Gov. Mujiv Hataman dahil sa pangunguna nito na ayusin ang matagal nang problema kaugnay sa hindi nababayarang premiums at arrears sa Government Service and Insurance System (GSIS) ng 26,000 mga kawani ng Department of Education (DepEd) na halos umabot sa isang bilyong piso.
Sa tulong ng Department of Budget and Management (DBM), nabayaran na ng Office of the Regional Governor sa GSIS sa pamamagitan ng Memorandum of Agreement (MoA) ang inisyal na P890 milyon ng kabuuang P990 milyong pagkakautang simula noong 1997.
Seryoso si Hataman na ayusin ang problema kaya mababayaran ang natitira pang P100 milyon bago matapos ang taon.
Alinsunod sa kautusan ni Pangulong Noynoy “PNoy” Aquino, tinutukan ni Hataman ang problema upang makinabang naman ang mga guro at kawani ng DepEd sa mga benepisyo, kabilang ang paghiram ng salapi.
Ikinatuwa naman ni GSIS president and general manager Robert Vergara ang ginagawang reporma ni Hataman sa ARMM dahil bahagi rin ito ng mga pagbabago na kanyang gustong ipatupad sa ahensya.
Sa pagsunod ni Vergara sa tuwid na daang kampanya ni Pangulong Aquino, pinapalawak nito ang oportunidad para makinabang ang mga pampublikong kawani sa GSIS.
Kasama nga ni Vergara ang matataas na opisyal ng GSIS sa pag-iikot sa mga lalawigan sa bansa para personal na mabisita ang 48 na mga sangay at makadaupang-palad ang mga miyembro upang makuha ang kanilang opinyon at suhestyon kung paaano pa mapapabuti ang pagkakaloob ng pautang at pensiyon.
Sa pagbibigay ng regular na pensiyon at iba pang mga benepisyo sa mga miyembro, nagdesisyon ang GSIS na gawing kasangkapan ang Land Bank of the Philippines sa mga lugar na wala itong sangay.
Tinutukan ng GSIS sa kanilang pag-iikot ang kalagayan ng mga miyembrong binaha sa Mindanao kung saan inalok ang mga ito ng “calamity loans” hanggang P40,000 na may mababang interes na anim na porsiyento bawat taon na babayaran sa loob ng 36 na buwan.
Tinatayang aabot sa 4,162 kuwalipikadong mga kasapi ng GSIS sa Mindanao ang maaaring makinabang sa emergency loan program.
Inihayag rin ng GSIS ang magandang balita kaugnay sa pagkakaloob ng P144.2-milyong halaga ng tseke sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na magagamit sa rehabilitasyon ng Tacloban City airport na sinira ng Super Typhoon “Yolanda” (Haiyan) noong 2013.
Sa tulong ng matuwid na pamamahala ni Pangulong Aquino, asahan na nating lalong matutuwa at makikinabang ang patuloy pang dumaraming bilang ng mga nagtitiwalang mga tao sa maayos na pamamalakad ng pamahalaan.
***
Inaasahan na nating mas maraming mga Filipino ang nasisiyahan at kuntento sa matuwid na pamamalakad ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa kanyang pamahalaan base sa pinakabagong resulta ng Social Weather Stations (SWS) survey.
Kitang-kita naman kasi sa tuwid na daan ng Pangulo na pagbibigay ng serbisyo sa publiko ang pangunahing ginagawa ng pamahalaan.
Lumabas sa SWS survey na mahigit sa kalahati o 59 porsiyento ng 1,200 respondents ang kuntento at nasisiyahan sa pamamalakad ng administrasyong Aquino habang maliit na 24 porsiyento ang hindi.
Kaya, asahan pa nating lalong bubuti ang mga pigura kaugnay sa patuloy na lumalaking bilang ng mga Filipinong bumibilib at kuntento sa maayos na pamamahala ni Pangulong Aquino sa bansa.
Laging tandaan: “Bata mo ‘ko at Ako ang Spy n’yo.” (Twitter: follow@dspyrey)
http://www.abante-tonite.com/issue/nov2414/edit_spy.htm#.VHJaqGdavFw
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment