Friday, October 10, 2014
Trabaho pa!
Trabaho pa!
Asahan ang pagdagsa pa ng maraming trabaho sa ating mga kababayan dahil sa napipintong implementasyon ng pamahalaan sa walong bagong proyekto sa ilalim ng public-private partnership (PPP).
Nalaman kay Cosette Canilao, PPP Center executive director, ang magandang balita dahil inendorso na ang mga ito upang maaprubahan sa susunod na pagpupulong ng National Economic and Development Authority (NEDA) board.
Kinabibilangan ang mga proyekto ng Davao Sasa Port, Motor Vehicle Inspection System, Regional Prison Facilities, NLEX-SLEX Connector Road at apat na paliparan. Nalaman kay Canilao na aabutin ng P553 bilyon ang halaga ng PPP projects na ilulunsad sa susunod na 12 buwan.
Sa ngayon, limang proyekto na ang nasubasta ng administrasyon na matatapos bago bumaba sa kapangyarihan si Pangulong Noynoy ‘PNoy’ Aquino sa Hunyo ng 2016.
Kabilang dito ang Automatic Fare Collection System, Daang Hari-SLEX Link, NAIA Expressway Phase 2 at School Infrastructure Project phases 1 at 2.
Ilan pang proyekto ang nai-award na ang modernisasyon ng Philippine Orthopedic Center, Mactan-Cebu International Airport New Passenger Terminal Building, at LRT 1 Cavite Extension at operation & maintenance contract. Magandang balita ito para sa lahat dahil siguradong ginhawa ang idudulot nito alinsunod sa daang matuwid ni PNoy.
***
Nagsusumikap nang husto ang administrasyong Aquino para hanapan ng solusyon ang krisis sa enerhiya sa bansa. Isang lokal na renewable energy firm ang nakakuha ng kontrata mula sa pamahalaan na maglalagay ng maraming hydro projects sa Palawan at Lanao del Sur.
Nilagdaan kamakailan ng Department of Energy (DOE) ang 15 renewable energy service contracts sa AQA Global Power Inc. Kasama sa mga kontrata ang paglinang sa hydro power projects sa nasabing mga lalawigan na mayroong kabuuang power generating capacity na 288 megawatts (MW).
Dalawa sa pinakamalaking proyekto ang matatagpuan sa Lanao del Sur na kinabibilangan ng 50 MW Lake Dapao at 50 MW Maitling River. Sapul nang maipasa ang Renewable Energy Act of 2008, nai-award ng DOE ang 649 renewable energy projects na may potensyal na kapasidad na 10,683,l096 MW.
Karamihan sa nai-award na mga proyekto ang tinatawag na hydro-based na mayroong potensyal na kapasidad na 6,158 MW. Sa ilalim ng National Renewable Energy Plan, target ng pamahalaan na triplehin ang kakayahan ng bansa na makakuha ng renewable energy na umaabot sa 5,438 MW hanggang sa 15,304 MW sa 2030.
Maigting rin ang koordinasyon ng pamahalaan sa Kongreso para naman pagkalooban si Pangulong Aquino ng emergency power upang resolbahin ang kakapusan sa suplay ng kuryente sa mga buwan ng tag-init sa 2015. Laging tandaan: “Bata mo ko at Ako ang Spy n’yo”. (Twitter:follow@dspyrey)http://www.abante-tonite.com/issue/oct1014/edit_spy.htm#.VDb79FctefE
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment