Monday, October 20, 2014
May tiwala!
May tiwala!
Hindi maitatangging napakarami pa rin ang nagtitiwalang mga Pilipino kay Pangulong Noynoy ‘PNoy’ Aquino dahil sa magandang performance nito base sa pinakabagong resulta ng Pulse Asia survey.
Base sa September 2014 Ulat ng Bayan Survey ng Pulse Asia, nakakuha si Pangulong Aquino ng 55% na approval rating at 14% disapproval rating habang nanatiling walang desisyon ang 31%.
Sa survey, umabot ang approval at trust ratings ni Pangulong Aquino sa Visayas sa 65% at 61%, ayon sa pagkakasunud-sunod; 68% at 65% sa Mindanao, ayon sa pagkakasunud-sunod; 54% at 52% naman sa Class D, ayon sa pagkakasunud-sunod; parehong 61% sa Class E.
Patuloy pa rin ang malaking suporta ni Pangulong Aquino sa mga tao sa Metro Manila at Luzon.
Base sa survey, nakakuha si Pangulong Aquino ng 48% at 47% na appreciation at trust ratings sa Metro Manila, ayon sa pagkakasunud-sunod; habang 46% at 48% naman sa Luzon, at 48% at 49% sa Class ABC.
Ibig sabihin, maraming Pilipino ang nananatiling masaya sa pamamalakad ni PNoy katulad ng magandang resulta sa nakalipas na mga taon dahil sa matuwid na daan at malinis na pamamahala. Indikasyon ito na positibo ang mga programa ni PNoy kaya siguradong magpapatuloy ang mga ito.
Hindi rin titigil si PNoy sa pagtutok sa programa para lalong mapabuti ang serbisyo ng pamahalaan sa mga tao. Patuloy na nakatutok si PNoy sa pagpapatupad ng mga reporma at programa na mas pakikinabangan ng maraming mga tao.
***
Tinitiyak nating maisasakatuparan sa lalong madaling panahon ang pagpapabuti ng ating mga paliparan lalo’t muling inulit ni PNoy ang paninindigang pag-iigihin ng pamahalaan ang estado ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Sigurado tayong aayusin ni PNoy ang mga hinaing na isinapubliko ng website na Wall St. Cheat Sheet kung saan naitala ang Pilipinas bilang isa sa 10 Worst Airports sa buong mundo.
Sa katunayan, inilipat na ang operasyon ng limang nangungunang international carriers mula sa Terminal 1 tungong Terminal 3 para maiwasan ang sikip ng paliparan sa bansa.
Gayunpaman, binigyan ng Wall St. Cheat Sheet ng pagkilala ang plano ng pamahalaan na gumawa ng isang bagong paliparan na magsisimula ang operasyon sa susunod na limang taon.
Kabilang rin sa tatlong worst airports ang nasa Estados Unidos (US) na LaGuardia Airport sa New York, Los Angeles International, at Bill and Hillary Clinton National Airport sa Arkansas.
Kabilang rin sa listahan ng masasamang mga paliparan ang Charles De Gaulle sa Paris; Bergamo Orio al Serio Airport sa Italya; Zurich International sa Switzerland; Chad’s N’Djamena International Airport; Moscow Sheremetyevo Airport sa Russia; at Calcutta Netaji Subhash Chandra Bose International Airport sa India.
Nagpakilala ang Wall St. Cheat Sheet na nagbibigay ng malalim na pagsusuri para sa abalang mga konsumer sa tinatawag na mobile world.
Asahan natin na ipatutupad ng administrasyong Aquino ang magaganda at mabubuting mga programa para mapabuti ang mga paliparan sa bansa. Laging tandaan: “Bata mo ko at Ako ang Spy n’yo.” (Twitter: follow@dspyrey)
http://www.abante-tonite.com/issue/oct2014/edit_spy.htm#.VEQoRWdavFw
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment