Parang patis! | |
REY MARFIL
Nitong nakalipas na mga araw, marahil ay may napulot na dagdag kaalaman ang ating mga kababayan tungkol sa kapangyarihan ng Pangulo na magbasura ng panukalang batas na ipinasa ng Kongreso na "veto power" kung tawagin.
Hindi po ipinapahid sa kili-kili ng Pangulo ang veto power kung hindi, ito'y kapangyarihan ng lider ng bansa na huwag pirmahan para maging ganap na batas ang isang panukalang batas na inaprubahan na ng ating mga mambabatas sa dalawang Kapulungan ng Kongreso ang Senado at Kamara de Representantes.
Ang pinakahuling ibinasura o na-veto ni Pangulong Noynoy 'PNoy' Aquino ay ang panukalang batas na Magna Carta for Poor at ang panukalang nag-aalis sa height requirement o kinakailangang taas sa mga nagnanais na maging pulis, bumbero at jailguard.
Ang dagdag na kaalaman pa tungkol sa usapin ng veto power ay ang kapangyarihan din ng mga senador at kongresista na sapawan o baligtarin ang veto power ng Pangulo sa pamamagitan ng tinatawag na "override".
Kailangan lamang na merong magmosyon sa Senado at Kamara na nagpapatawag ng botohan para i-override ang veto power ng Pangulo sa "pag-isnab" nito sa ipinasa nilang panukalang batas. Kung makukuha sa dalawang kapulungan na sapat na boto para baligtarin ang desisyon ng Pangulo, may pag-asang maging ganap na batas ang panukala na unang na-veto ng Pangulo.
Sa usapin ng Magna Carta for the Poor, tanggap naman ng mga mambabatas ang paliwanag ni PNoy na walang sapat na pondo ang gobyerno para rito at "malabo pa sa sabaw ng adobong pusit" na maipapatupad ang panukalang batas kaya hindi niya ito pinirmahan.
Bukod dito, inatasan naman ng Pangulo ang kinauukulang ahensiya na mag-draft ng mas makatotohanang bersiyon ng Magna Carta for the Poor na irerekomenda niya sa Kongreso na aprubahan at tiyak na magkakaroon ng makatotohanan din ang pondo.
Pero siyempre, may mga pulitiko na ang tingin sa usapin ng Magna Carta for the Poor ay parang "patis" na gusto nilang gawing "sawsawan". Gagawa ng mga akusasyon na may diskriminasyon si PNoy pagdating sa mga mahihirap kaya niya "inisnab" ang panukalang batas.
***
Hindi lang 'yan, ganito rin ang tirada ng mga kritiko ni PNoy sa panukalang batas na nag-aalis sa "height requirement" sa mga magpupulis, bumbero at jailguards. May diskriminasyon daw ang pamahalaan pagdating sa mga pandak. Papaano raw ang mga hindi katangkaran pero kuwalipikadong maging pulis, bumbero o jailguards?
Gaya ng Magna Carta for the Poor, marahil ay kailangan din lang na gumawa ng panibagong bersiyon ng panukalang batas tungkol dito na magtatakda ng mas "mababang" height requirement sa aplikante pero "hindi" naman dapat tuluyang alisin ang "height requirement".
Ika nga ni Mang Kanor: aba'y paano kung maisipan ng mga kasing taas nina "Dagul" o "Mura" na magpulis o jailguard? Kung pumasa sila sa mga pagsasanay at kuwalipikado sa lahat, puwede ba silang isabak sa rally o mag-escort ng kriminal?
Papaano kung may magwala na namang PBA import sa hotel o police station at sila ang natiyempong nasa lugar nang sandaling iyon, aba'y baka mabaril nila ang import bilang depensa sa sarili dahil baka apakan lang sila ng nagwawalang Kano.
Kung tutuusin, hindi kasalanan ng Pangulo kung mayroon mang batas na mabi-veto, ito'y kasalanan ng mga mambabatas at mga opisyal ng pamahalaan na kasamang hihingan ng impormasyon na isinusulong na panukalang batas. Take note: hindi kasama si PNoy sa proseso o paglikha ng batas, as in kongresista at senador ang nag-debate sa committee room at session hall.
Ang tamang aksyon: pag-aralang mabuti ang panukalang batas para matiyak na makatotohanan ito at hindi dahil sa popular kaya nila ipinasa at ipapaubaya na lang sa MalacaƱang ang pasya kung ganap na gagawing batas at sila ang sasalo sa sisi kapag pumalpak.
Laging tandaan: "Bata mo ko at Ako ang Spy n'yo". (mgakurimaw.blogspot.com)
|
Friday, April 5, 2013
Parang patis!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment