Lalong pinalakas! | |
Lalo pang titibay ang lumalakas na ekonomiya ng bansa matapos ang makasaysayang pagkakaloob ng Fitch ng investment grade rating sa Pilipinas dahil sa maayos na lagay ng ekonomiya at mahusay na pamamahala sa pananalapi.
Ipinakita rito ang matalinong polisiya sa ekonomiya ni Pangulong Aquino. Palalakasin ng investment grade rating ang mga industriya dahil makukumbinse ang mga mamumuhunan na maglagak pa ng kapital kung saan mayroon ding katiyakan ang mga magpapautang na mababayaran sila.
Sa naunang desisyon ng Fitch na iangat sa kauna-unahang pagkakataon ang Pilipinas mula BB+ tungong BBB- rating, pinatunayang matatag talaga ang ekonomiya ng bansa.
Nanindigan ang Fitch na lubhang malakas ang ekonomiya ng Pilipinas na nakapagtala ng 6.6 porsiyentong paglago noong nakalipas na taon sa kabila ng nararanasang pandaigdigang krisis.
Patungo na talaga ang mga Pilipino sa progreso. Hindi natin dapat idiskaril ito sa pamamagitan ng paghahalal ng mga kasapi ng Senado, Kamara de Representatnes at mga lokal na opisyal sa nalalapit na halalan para pigilan ang magagandang mga repormang isinusulong ni Pangulong. Noynoy 'PNoy' Aquino.
Kailangan nating ipagpatuloy ang magandang buwelo ng ekonomiya para matiyak ang magandang kinabukasan ng Pilipinas.
Muli tayong umaapela sa mga Pilipino na bumoto sa mga kandidato sa Senado ng Team PNoy para lalong tumibay ang pundasyon ng mga inihaing reporma ni Pangulong Aquino.
Dahil sa magandang mga pangyayari, asahan na natin ang pamahalaan na lalong magsusumikap para isulong ang malinis na pamamahala, mas maayos at epektibong koleksiyon ng buwis at promosyon ng karapatan ng mga tao tungo sa kaunlaran.
***
Hindi ba't nakakatuwa ring marinig sa MalacaƱang ang paniniyak nitong nakahanda ang pamahalaan at Moro Islamic Liberation Front (MILF) na tapusin ang ilang nakabimbing usapin sa pagsusulong ng kapayapaan sa lalong madaling panahon.
Katanggap-tanggap ang naging kahilingan ni PNoy na magkaroon ng ekstensiyon sa pagtalakay ng ilang usapin at gawin ang exploratory talks sa Abril sa halip na Marso.
Mayroong ilang mga bagay na nakapaloob sa tinatawag na annexes na kailangang matalakay na nangangailangan ng karagdagang panahon.
Mabuti naman talagang malinaw ang ilang mga usapin bago sumulong sa susunod na estado ang exploratory talks.
Sa ngayon, mayroong dalawang annexes na dapat talakayin na kinabibilangan ng draft annex na may kinalaman sa hatian sa kayamanan at kapangyarihan at pagtatatag ng normal na estado.
Nilinaw ng pamahalaan na hindi isyu sa pagsusulong ng kapayapaan ang naganap na karahasan sa Sabah. Pangunahing pakay ng pamahahaan na plantsahin ang mga nalalabing usapin sa annexes.
Sa inilabas na briefer ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP), ipinagpaliban ang 37th Formal Exploratory Talks mula Marso tungong Abril dahil sa kahilingan sa karagdagang panahon ni PNoy.
Orihinal sanang nakatakda ang pagsisimula ng usapan sa Marso 25 na naipagpaliban hanggang Abril.
Laging tandaan: "Bata mo ko at Ako ang Spy n'yo". (mgakurimaw.blogspot.com)
No comments:
Post a Comment