Bakit ‘di magpa-endorso kay Gloria? | |
Nagsimula na ang kampanya para sa mga kakandidatong senador sa darating na midterm elections sa Mayo. Mahalaga sa administrasyong Aquino ang kampanyang ito para sa nalalabing tatlong taon ng kanyang liderato.
Bagama’t marami nang nagawa ang pamahalaan para mapabuti ang bansa, marami pa ring programa na hindi naipatutupad at kakailanganin ng batas para ito maisagawa. Dito kakailanganin ang suporta ng mga mambabatas sa Senado at House of Representatives.
Kung hindi mga kaalyado ni Pangulong Noynoy ‘PNoy’ Aquino ang maluluklok sa dalawang kapulungan ng Kongreso, asahan na magiging mahirap na maaprubahan ang mga hihilingin niyang panukalang batas na aprubahan.
Dapat ding tandaan na pagkatapos ng halalan sa Mayo 2013, pampanguluhang halalan naman sa 2016 ang gaganapin. At kung may kanya-kanyang agenda ang mga senador na mananalo sa darating na halalan, magiging balakid din ito sa mga nakaprogramang nais ni PNoy na matapos bago siya bumaba sa puwesto sa 2016.
Ito marahil ang isa sa mga dahilan kung bakit ipinapaalala ni PNoy sa publiko ngayong kampanya ang kahalagahan na iboto ang mga pinili niyang kandidato sa pagka-senador.
Kung mananalo ang kanyang mga manok sa Senado, mahihiya ang mga ito na lumihis ng tamang daan at hindi suportahan ang kanyang agenda sa nalalabing tatlong taon ng kanyang termino.
***
Napag-uusapan ang kampanya, may katwiran din naman si PNoy na mangamba sa ibang kandidato na kilalang kaalyado ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo pero nagsasabi na ngayon na kaisa rin sila sa layunin ng kasalukuyang administrasyon kontra sa katiwalian at sumusuporta sa mga programang kontra kahirapan.
Ika nga ni Mang Kanor: Aba’y mahirap nga naman na magtiwala sakaling maluklok ang mga ito sa Senado dahil tiyak na haharangin nila ang mga panukalang batas na hihilingin ng Palasyo na pagtibayin.
Ibig sabihin, presidential campaign ang susunod na eleksyon sa bansa kaya natural lamang na “palihim” na gugustuhin ng mga tatakbong presidente at kanilang mga kaalyado na mabigo ang mga programa ni PNoy para bumagsak ang imahe nito at hindi manalo ang bibigyan niya ng basbas sa pagka-Pangulo.
Sa dami ng mga kasong kinakaharap ni Mrs. Arroyo na may kaugnayan sa katiwalian at pananabotahe sa nagdaang halalan, hindi malayong abutin ng susunod na administrasyon ang pagdinig sa mga kasong ito. Magiging malaking katanungan kung ano ang kahahantungan ng mga kaso kapag nanalo sa darating na halalan ang mga kaalyado niya; at kung pati ang Presidente na mahahalal sa 2016 ay kilalang malapit sa kanya.
Kung tutuusin, wala namang direktang pangalan na tinutukoy si PNoy kapag nagbibigay siya ng babala sa publiko tungkol sa mga taong nagpapanggap na kaisa niya sa kampanya kontra katiwalian. Kaya naman siguro masasabing batu-bato na lang sa langit ang magagalit at magpi-feeling guilty.
Kung naniniwala rin ang mga kandidato na kaalyado ni Mrs. Arroyo na wala itong kasalanan sa mga kasong ibinibintang ng kasalukuyang administrasyon; at kung sampalataya sila sa basbas ng dating pangulo, bakit hindi sila magpa-endorso rito at gamitin nila sa kanilang campaign ads?
Kapag hindi nila ito ginawa, magpapatunay ito na sila man ay naniniwalang “kiss of death” ang basbas ni Mrs. Arroyo at ‘yan ay bunga ng kinakaharap niyang mga kaso at mga alegasyon ng katiwalian na naganap sa ilalim ng kanyang liderato.
Laging tandaan: “Bata mo ko at Ako ang Spy n’yo.” (www.mgakurimaw.blogspot.com)
4 comments:
One of her most popular products are her organic vegetable seedlings, especially the tomatoes, which are cool-weather varieties that do well on California's foggy Central Coast. Use the cultivator to make holes in the soil and turn it up just a little between the rows. In some cases, the quantity of materials for making compost in the amounts desired (an annual layer 2 inches deep across the garden) cannot be obtained.
Look at my homepage - nightdress
One should apply minimal pressure to lift these concrete grinders and
also hold it in flat motion while working. Despite the fact that it uses concrete, an unfriendly
environmental material, it has a few advantages over tires and shares most of the earthship advantages.
Flawless Flooring's polished concrete floor product boasts durability and decorative seamless surfaces made mainly from epoxy and polyurethane materials.
Step Three Coat your hair Comb your hair into small sections.
Identify your own hair trouble and go for a product which mainly addresses your needs.
Deemark herbal hair care oil have been traditionally used to treat irritated stressed scalp, reduce effect of aging on hair
shape and growth, combat seborrhea and alopecia. From my experience, it is quite difficult
to style hair immediately after a hot oil treatment,
so you might want to skip the curling iron or hot rollers.
Indeed, nourishing and conditioning the scalp using aromatherapy oils is one of
the most basic and simplest ways to prevent
further hair loss and stimulate healthier hair regrowth.
Also visit my web site - hair straighteners
UFS mining shelters include the Rapid-Span, Supa-Span, and Alu-Span range of products, these structures
are all easily disassembled and cartable making them excellent for interim facilities with resale options.
Jundee brought up US$400 million of gold property alone, while Bronzewing, at this
time owned by Navigator Strategies Ltd. Also onsite is a physics
lab, which is in The underground psychic lab is in use today, by the University of Minnesota.
Post a Comment