Wednesday, January 23, 2013

Helmet mo, tay!



Helmet mo, tay!
REY MARFIL




Maling sabihin na hindi na interesado ang administrasyong Aquino na isulong ang paghahabol sa hinihinalang mga nakaw na yaman ng pamilya Marcos.
Malinaw naman na nananatili ang paninindigan ni Pa­ngulong Noynoy "PNoy" Aquino na mabawi ang sinasabing mga nakaw na yaman ng pamilya at cronies ni dating Pa­ngulong Ferdinand Marcos at isulong ang nakabimbing mga kaso ng katiwalian sakaling buwagin na ng Kongreso ang Presidential Commission on Good Government (PCGG).
Sa kabila ito ng plano ng PCGG na ipasa na lamang ang nakabimbing mga kaso sa Department of Justice (DOJ), malinaw naman na ipagpapatuloy ang pagbuwag.
Naunang ipinanukala ni PCGG Chair Andres Bautista sa MalacaƱang na buwagin na ang PCGG at gawin na lamang Institute for Good Governance.
Sa ilalim ng administrasyong Aquino, naging mahigpit ang PCGG sa paghahabol ng umano'y mga nakaw na yaman ni dating Pangulong Marcos.
***
Anyway, makatwirang batiin si Pangulong Noynoy "PNoy" Aquino dahil matagumpay na naitala ng kanyang administrasyon ang "average" na mababang implasyon o pagtaas sa presyo ng mga bilihin noong 2012 na pinaka­mababa sa nakalipas na limang (5) taon - ito'y epekto ng sinserong pagsusumikap na matulungan ang mga mahihirap.
Naitala ang "average" na mababang implasyon sa na­kalipas na limang taon kahit bahagyang tumaas ng 2.9% ang implasyon noong nakaraang taon, alinsunod sa ulat ng National Statistics Office (NSO).
Sa kabila ng napakaliit na pagtaas, lubhang mababa naman ang 3.2% implasyon sa kabuuan ng 2012 na maliit sa tatlo hanggang limang porsyentong (5%) tinaya ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at maliit din kumpara sa 4.6% noong 2011.
Siyempre, walang kuwenta ang lahat kung hindi sa matino at mahusay na pamamahala ni PNoy na mayroon laging busilak na layuning matulungan ang mga Pilipino na malampasan ang kahirapan.
Hindi lang 'yan, ipinakita ni PNoy ang kanyang pagpapahalaga sa kaligtasan ng mga motorista, lalung-lalo na sa mga pamilyang delikadong sumasakay ng motorsiklo na walang helmet dahil sa mahigpit na kautusang ipatupad ang bagong batas sa pagsusuot ng helmet.
Nais lamang ng Pangulo na tapusin na ang iresponsableng nakagawian ng mga sumasakay ng motorsiklo na hindi nagsusuot ng helmet.
Sa inisyal na ulat ng panimulang implementasyon ng batas, 20 motorcycle riders ang nahuli at naharap sa parusa dahil sa paglabag sa Motorcycle Helmet Act.
Nagsimula ang kampanya ng mga operatiba ng Land Transportation Office (LTO) sa Commonwealth Avenue, Philcoa and Quezon Memorial Circle upang ipatupad ang Republic Act 10054 o Motorcycle Helmet Act.
Sa ilalim ng batas, obligado ang isang sumasakay ng motor na magsuot ng half-faced helmet na mayroong clear visor o full-faced helmet na mayroon ding clear visor bilang kanilang proteksyon. Ang buhay ay mahalaga kaya't paboritong linya ni Pareng Jun Lingcoran ng dzMM... "Helmet mo Tay"!
Kailangang nagtataglay din ang helmets ng Import Commodity Clearance (ICC) sticker na isang kondisyon mula sa Department of Trade and Industry (DTI) bilang patunay na sumunod ang gumawa ng mga ito sa mandatory safety standards ng mga produkto. Naging epektibo ang Motorcycle Helmet Act noong nakaraang Enero 4.
Laging tandaan: "Bata mo ko at Ako ang Spy n'yo." (mgakurimaw.blogspot.com)

1 comment:

Anonymous said...

Siyempre, walang kuwenta ang lahat kung hindi sa matino at mahusay na pamamahala ni PNoy na mayroon laging busilak na layuning matulungan ang mga Pilipino na malampasan ang kahirapan.
green twill
cotton twill material