Malinis kasi! | |
Resulta ng malinis na pamamahala ni Pangulong Noynoy ‘PNoy’ Aquino ang sobra sa target na 7.1 porsiyentong paglago ng ekonomiya ng bansa sa ikatlong quarter ng taon na naging dahilan upang kilalanin ang Pilipinas na mayroong pinakamabilis na paglago ng ekonomiya sa Timog Silangang Asya.
Sa pagsulong kasi ng ekonomiya, siguradong mapapalakas nito ang kapangyarihan ng mga mamimili na bumili o nangangahulugang mayroong pera ang mga tao para gumastos.
Tuluy-tuloy ang pagsulong ng ekonomiya ng bansa sa unang tatlong quarter ng taon matapos makapagrehistro ng bagong 7.1% paglago kumpara sa 3.2% sa parehong panahon ng nakalipas na taon.
Sa report ng National Statistical Coordination Board, maganda ang takbo ng sektor ng serbisyo, transportasyon, storage at komunikasyon, financial intermediation, at real estate, renta at iba pang aktibidad sa ekonomiya na sinuportahan ng limang quarters nang walang puknat na pagsulong ng mga industriya, kabilang ang agrikultura sa kabila ng mga bagyo.
Nalaman din sa datos ng NSCB ang iba pang detalye ng paglago ng ekonomiya ng iba pang mga bansa na kinabibilangan ng 6.2% ng Indonesia, 5.2% ng Malaysia, 4.7% ng Vietnam, 3% ng Thailand, at 0.3% ng Singapore.
Inaani na ng bansa ang malinis na pamamahala at asahan nating magpapatuloy ang administrasyong Aquino sa ganitong patakaran upang lalo pang umunlad ang Pilipinas.
Sa nakalipas na 10 buwan, nagpakita ng kakaibang pinansiyal na lakas ang Pilipinas sa kabila ng pandaigdigang krisis sa pananalapi na nararanasan sa buong mundo.
Patunay ito na tama ang pinansiyal na mga polisiya ng pamahalaan na pinalakas ng malinis na gobyerno ni Pangulong Aquino.
***
Huling hirit sa Reproductive Health, tama si PNoy sa pagsusulong ng “conscience vote” sa pagboto sa Reproductive Health (RH) sa kabila ng kanyang pagsuporta sa panukala.
Isang paraan ang ipinatawag na tanghalian sa Malacañang upang pinal na malaman ang kapalaran ng panukala.
Tama ring sinuportahan si PNoy sa kanyang apela sa mga mambabatas na tiyaking mayroong quorum bago mag-Christmas break para naman magtuluy-tuloy ang trabaho sa Kamara de Representantes at madesisyunan na ang RH bill.
Mananatili ang dibisyon sa hanay ng mga kongresista kung hindi nagkaroon ng katapusan ang usapin sa RH at naipakita ang separation of power ng simbahan at gobyerno sa nangyaring botohan.
Malinaw naman ang posisyon ni PNoy at hindi nagbabago ito, suportado niya ang panukala dahil ito ang nararapat upang umasenso ang bawat pamilyang Pilipino.
Pinakamaganda sa pangyayaring ito ang labis na respeto at pagpapahalaga ni PNoy sa karapatan ng bawat mambabatas na magdesisyon sa RH bill, alinsunod sa kanilang paniniwala na ginagabayan ng konsensiya.
Laging tandaan: “Bata mo ko at Ako ang Spy nyo”. (mgakurimaw.blogspot.com)
No comments:
Post a Comment