Wednesday, January 16, 2013

Pagkatiwalaan



Pagkatiwalaan
REY MARFIL


Hindi ba't kapuri-puri ang paniniyak ng MalacaƱang na makukuha ng retiradong mga kasapi ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang pensyon at mga benepisyo sa lalong madaling panahon.
Alam ng pamahalaan na labis na importanteng makuha sa takdang panahon ng 62,000 retiradong mga pulis ang kanilang mga benepisyo.
Mabuti ring malinis na ng PNP ang kanilang listahan alinsunod sa kanilang programa na madetermina ang kuwalipikado at lehitimong mga retirado na dapat makakuha ng mga benepisyo.
Dapat namang sumunod ang mga retirado sa pa­ngangailangan na kumuha at isumite nila ang kanilang automated teller machine (ATM) accounts upang maging madali ang pagpapadala sa kanila ng pension.
Dito kasi mabeberepika ang kanilang pensyon at malalaman din kung sino sa mga ito ang namatay na.
***
Makatwirang magkaroon si Pangulong Noynoy "PNoy" Aquino ng malayang kamay sa pag-organisa ng kanyang gabinete matapos mapabalitang dadalhin nito si dating Department of Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Rico Puno sa Department of Agriculture (DA).
Mas mainam na pagkatiwalaan nang husto si PNoy na gumawa ng desisyon para sa pamamahala sa bansa at karapatan ng Pangulo ang pumili ng mga taong pagkakatiwalaan.
Alam ni PNoy ang pinakamainam sa isyu ng pagkakaloob ng responsibilidad sa mga taong kanyang itatalaga para pamunuan ang iba't ibang mga ahensya ng pamahalaan.
Marami nang napatunayan si PNoy sa usapin ng implementasyon ng makatotohanang mga reporma at pagbabago sa bansa kaya't hindi kuwestyon ang mga pangalang itinatalaga nito.
At hindi rin naman naakusahan o napatunayang nagkasala sa anumang masamang gawain si Puno kaya kuwalipikado itong magsilbi sa pamahalaan lalo pa't puro espekulasyon at bahagi na lamang ng demolition job ang natikman ng dating opisyal.
Kaya nararapat na igalang at irespeto ng mga kritiko ang diskarte ng Pa­ngulo bilang Punong Ehekutibo sa paggamit niya ng presidential powers.
Kung maitatalaga si Puno sa DA, malinaw na isa siyang epektibong asset lalo na sa teknikal na aspeto ng trabaho sa ahensya dahil sa kanyang malawak na karanasan at kaalaman sa agrikultura. 

Laging tandaan: "Bata mo ko at Ako ang Spy n'yo." (mgakurimaw.blogspot.com).

No comments: