Bagong inspirasyon! | |
Panibagong inspirasyon sa ating mga Filipino ang pagkakakuha ng bansa sa ika-87th posisyon mula sa hanay ng 141 nasyon bilang pinakamagandang lugar para magnegosyo base sa Forbes' Best Countries for Business List.
Sa pagsulong pa natin sa matuwid na daan ni Pangulong Noynoy "PNoy" Aquino, asahan nating lalo pang mapapabuti ang ating posisyon sa hinaharap.
Base sa listahan, tinalo pa ng Pilipinas ang China at India na nasa ranggong 96th at 97th, ayon sa pagkakasunud-sunod, bilang bansa na pinakamainam na magsimula ng negosyo.
Nakakatuwa na nakakuha ang bansa ng mataas na marka dahil sa tinatawag na kalayaan sa pananalapi at iba pang mga positibong pagbabago, kabilang ang pangangalaga sa kapakanan ng mga mamumuhunan bilang pangkalahatan.
Hindi naman na nakakapagtaka ito dahil talagang masugid na binabantayan ng Pangulo ang parehas na kapaligiran kung saan walang kinikilingan para sa mga negosyanteng nais na mamuhunan sa Pilipinas.
Kabilang sa ikinonsidera sa Forbes' list ang kalayaan sa kalakal, pinansiyal na kalayaan, karapatan sa ari-arian, mga positibong pagbabago, teknolohiya, pagsugpo sa katiwalian at magandang implementasyon ng mga programa.
Umangat nga ng 21 posisyon ang bansa sa usapin ng pagpapagaan sa binabayarang buwis para maging ika-110th posisyon at pitong puntos naman ang inasenso para maging ika-86th posisyon sa larangan ng kalayaan sa pangangalakal.
Sa isyu naman ng red tape, maganda rin ang nangyari sa bansa na napababa ng limang porsyento ang posisyon para maging ika-128th na lamang at bumuti rin ang Pilipinas sa larangan ng pagsugpo sa katiwalian matapos maitala ang ika-112th posisyon. Salamat sa mabuti at malinis na pamamahala ni PNoy.
***
Napag-usapan ang "good news", asahan na natin ang karagdagang mas maraming trabaho para sa mga Pilipino matapos aprubahan ng National Economic and Development Authority (NEDA) Board na pinamumunuan ni Pangulong "PNoy" Aquino ang implementasyon ng 11 pangunahing mga proyekto upang tiyakin ang pag-unlad sa malalayong mga lugar sa bansa.
Ginawa ng Pangulo ang pag-apruba sa mga ito sa NEDA Board Meeting sa MalacaƱang noong nakalipas na Nobyembre 29.
Kabilang sa mga proyekto ang P1.14 bilyong Albay West Coast Road Project, P43 bilyong Cavite-Laguna Expressway (inaprubahan sa prinsipyo habang ginagawa ang pagrebyu sa halaga), P2.1 bilyong Tacloban Airport Redevelopment Project, at P8.8 bilyong pagbili ng Multi-Role Response Vessels.
Kasama rin ang P8.87 bilyong Mactan, Cebu International Airport Terminal; P1.7 bilyong Contactless Automatic Fare Collection System, P68 milyong (Component A lamang) Convergence on Chain Enhancement for Rural Growth and Empowerment Approved at P7.39 bilyong ekstensyon ng Mindanao Rural Development Project 2.
Kabilang din sa mga proyekto na inaprubahan ng NEDA Board ang P1.16 bilyong rehabilitasyon ng Angat Hydroelectric Plant (Turbines 4 at 5), P13.14 bilyong school infrastructure project (10,679 silid-aralan), at P25.56 bilyong NLEX-SLEX Connector (aprubado sa prinsipyo habang nirerebyu ang halaga).
Laging tandaan: "Bata mo ko at Ako ang Spy n'yo." (mgakurimaw.blogspot.com)
No comments:
Post a Comment