Friday, January 25, 2013

Alin ang paniniwalaan?



Alin ang paniniwalaan?
REY MARFIL


Nabawasan ang nagugutom, pero nadagdagan naman daw ang nagsasabing naghihirap, batay iyan sa pinakahuling survey ng Social Weather Station noong nakaraang buwan ng Disyembre na ginawa matapos lamang ang pana­nalasa ng bagyong si Pablo sa ilang bahagi ng Mindanao at Luzon. Pero ang tanong, alin dito ang dapat paniwalaan?
Sa simpleng lohika ng karaniwang tao, tila mahirap paghiwalayin ang gutom at kahirapan. Natural na magutom ang isang taong mahirap, pero ang mahirap ay puwedeng hindi naman magutom. Mahirap po bang intindihin?
Ganito 'yon, bigyan natin ng tinatawag na benefit of the doubt ang mga survey ng SWS kahit pa 1,200 katao lang ang kanilang tinatanong bilang respondents sa buong bansa upang maging kinatawan ng tinatayang 90 mil­yong Pilipino.
Sa nakalipas na mga administrasyon, karaniwang nagsasabay na kapag dumami ang bilang ng nagsasabing nagugutom sila, lalabas din na dumadami ang nagsasabing naghihirap sila. Natural lang na kapag mahirap ka, wala kang pambili ng pagkain, gutom ang resulta nito.
Pero sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Noynoy 'PNoy' Aquino, may pagkakataon din na dumami ang nagsabing naghihirap, pero nabawasan naman ang nagugutom o kaya naman ay kabaligtaran na dumami ang nagugutom, pero nabawasan ang naniniwalang naghihirap sila.
***
Napag-usapan ang survey, ang hindi makakain ng isang beses isang araw ay tinatawag na "extreme hunger" o ma­tinding gutom. Pero sa resulta ng kanilang nakaraang survey, bumuti ang kalagayan ng ating mga kababayan na nabawasan ng nagugutom na naging 16.3% noong Dis­yembre 2012 mula sa 21% noong Agosto 2012.
Bagay na dapat na ikatuwa ng gobyerno na ibayong nagsisikap na mapahusay ang kalidad ng pamumuhay ng mga Pilipino.
Ngunit matapos ang magandang balitang ito sa nabawas na bilang ng mga nagugutom, nadagdagan naman ng pitong porsiyento ang nagsasabing maghihirap sila ngayon sa December survey (54%) kumpara noong Agosto na 47%.
Paniwala ng isang tagamasid, ang pagkonsidera ng isang tao na mahirap siya ay bunga ng pagtaas ng mga bilihin at serbisyo, nangyaring mga kalimidad sa bansa, at ang paglakas ng piso.
Ngunit kailangan din nating isipin na ang pagturing sa sarili na mahirap ay "pananaw" o "perception" lamang ng respondent o tinanong sa survey. Pwedeng nakakaraos ka sa buhay gaya ni Manang na dumidiskarte sa bahay para kumita nang sapat at may makain.
Ang tanong ng mga kurimaw: May madidiskartehan ba sila ng pera kung walang hanapbuhay ang kanilang mga nilalapitan? Ibig sabihin, kahit papaano ay dumami rin ang may kakayanan na magbayad ng serbisyo ng iba.
Ang perception ng kahirapan ay ibang-iba sa gutom; hindi 'yan produkto ng imahinasyon o paniniwala.
Kung ikaw ay gutom, ikaw ay walang makain, mararamdaman mo ang katotohanan. Pero nabawasan daw sila kaya magandang balita ito. 
Kung bawasan ang nagugutom, indikasyon ito na sa kasalukuyang administasyon ay may napagkukunan ng kabuhayan ang mga tao kahit papaano para mayroon silang ipangtustos sa kanilang makakain.

Laging tandaan: "Bata mo ko at Ako ang Spy n'yo". (mgakurimaw.blogspot.com)

11 comments:

Anonymous said...

Awesome article.

Also visit my weblog - Wichtige Informationen über die glutenfreie Diät
My site Spezielle Neuigkeiten über die Ernährung ohne Gluten

Anonymous said...

Terrific article! That is the kind of information that are supposed to be shared across the net.
Shame on Google for no longer positioning this put up upper!
Come on over and visit my web site . Thank you =)

Also visit my site diet planner
Also see my site: low carbohydrate

Anonymous said...

Good replies in return of this query with solid arguments and
describing the whole thing concerning that.

My web page; 1500 calorie diet

Anonymous said...

I was curious if you ever considered changing
the structure of your website? Its very well written; I love what youve got to say.
But maybe you could a little more in the way of content
so people could connect with it better. Youve
got an awful lot of text for only having one or 2 pictures.
Maybe you could space it out better?

Feel free to visit my website - geld nebenbei verdienen
My website > katzenbaby zu verschenken

Anonymous said...

Link exchange is nothing else except it is simply placing the other person's weblog link on your page at proper place and other person will also do similar in support of you.

Stop by my homepage - low carb ernährungsplan woche

Anonymous said...

Wonderful site. Plenty of useful information here.
I am sending it to several friends ans also sharing in
delicious. And obviously, thank you to your effort!

Feel free to visit my web blog; gute Thai Massage Wiesbaden

Anonymous said...

For latest news you have to pay a visit internet and on web I found
this web site as a most excellent website for latest updates.



Also visit my blog - quinoa low carb

Anonymous said...

I know this site offers quality dependent posts and extra material, is
there any other web page which presents these stuff
in quality?

Look at my site :: Glutenfreie Diät

Anonymous said...

Helpful info. Fortunate me I found your web site by chance, and I am stunned why this accident did not happened earlier!

I bookmarked it.

Also visit my web blog ... paläo ernährung

Anonymous said...

I truly love your blog.. Pleasant colors & theme.
Did you develop this site yourself? Please reply back as I'm hoping to create my very own site and want to find out where you got this from or what the theme is called. Thanks!

Have a look at my page - wordpress tutorials

Anonymous said...

smokeless cigarette, electronic cigarette, e cigarette, electronic cigarettes, smokeless cigarettes, e cig reviews