Wednesday, December 12, 2012

Epektibong daan!




Epektibong daan!
REY MARFIL



Ang matuwid na daan ng administrasyong Aquino ang malaking rason kung bakit naitala ang pinakamataas na antas sa kasaysayan ng Philippine Stock Exchange index (PSEi) ngayong taon, patunay ng magandang lagay ng ekonomiya ng bansa.
Malinaw na nagbunga ang malinis na pamamahala ng tama at magandang pundasyon sa pananalapi at ekonomiya sa kabila ng nangyayaring pandaigdigang krisis.
Dahil sa magandang takbo, tumaas ang PSEi ng 0.61% o 33.60 puntos upang maging 5,534.18 puntos at ika-50 na pagkakataon na tumaas sa ilalim ng kasalukuyang pamahalaan ng nakaraang Nobyembre, pinaka-latest ang 5,800 mark ngayong linggo.
Asahan na nating magpapatuloy ang ganitong magandang takbo dahil tama ang inilatag na polisiya sa pananalapi at ekonomiya ng administrasyon ni Pangulong Noynoy "PNoy" Aquino.
Hindi lamang kinakatigan ng mga banyagang mamumuhunan, credit rating agencies ang ganitong positibong sentimyento kundi maging ni International Monetary Fund Managing Director Christine Lagarde. Hindi nakakapagtaka na kilalanin ang Pilipinas na langit ng pamumuhunan sa gitna ng nagaganap na krisis sa pananalapi sa buong mundo.
Isa pang good news, napakahalagang hakbang ang pagpasa ng Senado sa sin tax bill upang maisulong ang mas maayos at pinalawak na programa ni PNoy sa pagkakaloob ng serbisyong kalusugan sa mas mara­ming mga Pilipino.
Sa katunayan, sinertipikahan ni PNoy Aquino na mahalagang panukala ang sin tax bill upang matiyak na hindi maaantala ang programa sa pagkakaloob ng mas kapaki-pakinabang na programang pang-kalusugan para sa mga tao.
Tinugunan ng Senado ang magandang layunin ng administrasyong Aquino na magkaroon ng pang­kalahatang programa sa kalusugan upang maging karapatan ito ng bawat Pilipino sa halip na maging pribilehiyo.
Bahagi ng paninindigan ng administrasyong Aquino ang pagkilala at pagbibigay ng mas makabagong sistema ng pangangalaga sa kalusugan ng mga Pilipino.
Layunin ng panukalang sin tax na makalikom ang pamahalaan ng P40 bilyong buwis mula sa sigarilyo at alak upang mapabuti ang pangangalaga sa kalusugan ng mga tao.
***
Napag-usapan ang aksyon ng gobyerno, dapat suportahan ng publiko ang pamahalaang Aquino sa pinalakas nitong kampanya laban sa maanomalyang pamumuhunan sa gitna ng Aman Futures investment scheme na nambiktima ng libu-libong katao sa Mindanao.
Mahalagang magbigay ng kooperasyon ang publiko sa pamamagitan ng pag-uulat sa Department of Trade and Industry (DTI) at Securities and Exchange Commission (SEC) ng lahat ng katulad na anomalya sa kanilang mga tanggapan.
Bukod sa Aman Futures investment scam, mayroon pang ilang mga kompanya na sangkot sa pyramid scams na nambibiktima ng inosenteng mga tao sa iba't ibang panig sa Mindanao.
Manatili tayong mapagmatyag laban sa maanomal­yang pamumuhunan kung saan nag-aalok ang mga kompanya ng napakataas na interes. Kung kitang-kita naman natin na malayo sa katotohanan ang ipinapangakong sobrang taas na interes, magduda na tayo at huwag kagatin ang kanilang pakulo.
Asahang didikdikin ng pamahalaan sa mga imbestigasyon ang Aman Futures at iba pang mga kompanya na nagsusulong ng maanomalyang sistema ng pagkakaloob ng tubo sa pamumuhunan upang hindi na makapanloko pa ng mga tao.

Laging tandaan: "Bata mo ko at Ako ang Spy n'yo." (mgakurimaw.blogspot.com)

1 comment:

Unknown said...

Musta idol? Im Michael legaspi from pasig city actually dalawa kayo ni kuya Jun “Bote” Bautista sinusubaybayan ko sa abante kaso wala na sya kaya ikaw na lng naiwan… natutuwa ako dahil palagi tau pareho ng pananaw bata pa ko mahilig na ko sa pulitika sa pagsuporta ke Pnoy lagi tugma pananaw natin at gaya mo malaki nakikita kong pag-asa ng PInas..
Nag email ako idol baka kasi matulungan mo ko… kwento ko sayo ha contractor ng bakal tatay ko dito sa pasig me maliit sya na talyer nag-open sya ng bank account kasi karamihan ng nasisingil nya tseke postdated pa.. hangang sa operan sya ng credit card ng PS Bank at dun nag-umpisa problema.
Nagkasakit sya at sumabay ang bagyong undoy na kinalubog ng talyer nya halos kalahating taon ala trabaho nalaman namin ang utang sa credit card ng may dumating na sulat galing law office pero dahil totoo naman inutang yun ako na mismo naghulog at umutang pa ako ng 8k para one time hulog at lumiit ang monthly hulog ko kahit hirap kasi me sarili na ako pamilya pinilit kong hulugan yun.. nakipag-ugnayan ako sa law office at maganda usapan namin kada buwan kinokontak ako para pa-alala na due ko na hangang sa mga huling buwan ng hulog ko nawala ung kontak ko sa kanila pero naghulog pa rin ako sa pag-aakala na ok na itinigil ko na sa sumunod na buwan… maka-lipas ang ilang taon me bago law office ulit na kumontak samin at pinababayaran na naman lahat nabalewal ung binayaran ko sa una at halos doble pa kasi me tubo daw hindi daw na acknowledge ng metro bank ung unang law office.. nagpunta ako sa head office ng metro bank at naka-usap ko ung me hawak ng account wala na daw sila kontak sa dating law office at kahit ako na humabol ala daw sila number nun at kailangan daw bayaran ko talaga ung bago.. ngayon dahil sa kaka-paki-usap ko sa kanila bumaba sa 8,600 na lng at kailangan daw cash at bago mag- December 28 lang ngayon po panu po ung nahulog ko sa halos isang taon na binuno ko kumpleto ako sa resibo?… san po ako pwede mag reklamo ? sa gulang ng mga bangko anu po proteksyon ng mga kagaya ko? Sana matulungan mo ko idol kasi ang 8k ay mahalaga saming mga minimum lang sinasahod… isang maliwanag na baluktot na daan na sana maituwid din ng ating Pangulo baka kasi hindi lang sakin mangyari to..
Salamat idol ha.