Sino ang tuta?
Isang pambihirang desisyon ang ginawa kamakailan ng mga bansang kasapi ng United Nations (UN) kung saan inaprubahan ang isang resolusyon na bigyan ng “non-member observer state” ang Palestine.
Ang naturang resolusyon ay pagkilala sa Palestine bilang isang sariling estado na tinutulan ng Israel dahil sa agawan sa teritoryo. Suportado ng Amerika ang posisyon ng Israel, at katunayan, bumoto ang Amerika kontra sa naturang resolusyon ng US.
Pero ang masugid na kaalyado sa Asya ng Amerika -- ang Pilipinas ay bumoto pabor sa resolusyon, na salungat sa posisyon ni Uncle Sam -- isang patunay na hindi nagpapadikta ang kasalukuyang administrasyon.
Sa resulta ng botohan, 138 bansang kasapi ng UN ang pabor sa pagkakaloob ng non-member state status sa Palestine, 41 ang nag-abstain o hindi bumoto, at siyam ang kumontra kabilang na ang US at Israel.
Sa lumabas na ulat matapos ang naturang desisyon ng UN, sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) spokesman Raul Hernandez, na umaasa sila na balang araw ay magiging kaisa ng mundo ang Palestine sa pagsusulong ng kapayapaan sa mundo.
Hindi rin naging malapit ang kapayapaan sa Palestine na ilang dekada na ring may sigalot sa Israel dahil sa agawan sa teritoryo at iba pa. Noong nagdaang mga linggo, muling nagpalitan ng bomba ang dalawang lugar na nagresulta sa pagkamatay ng ilan nilang kababayan.
***
Napag-usapan ang botohan, nakakalungkot lang na sa kabila ng naging desisyon ng Pilipinas sa usapin ng Palestine na salungat sa posisyon ng US ay meron pa ring mga militanteng grupo na walang humpay sa pag-akusa sa pamahalaan ni Pangulong Noynoy “PNoy” Aquino bilang “tuta ng kano”.
Ginawa ng mga militante ang tila paulit-ulit na lamang na pagparatang (sa halos lahat na yata ng nagdaang administrasyon) na “tuta ng Kano” ang gobyernong Aquino nitong nakaraang selebrasyon ng Bonifacio Day sa harap ng embahada ng US sa Maynila.
Ginawa ng mga militante ang tila paulit-ulit na lamang na pagparatang (sa halos lahat na yata ng nagdaang administrasyon) na “tuta ng Kano” ang gobyernong Aquino nitong nakaraang selebrasyon ng Bonifacio Day sa harap ng embahada ng US sa Maynila.
Ngunit ang kataka-taka, habang binabatikos nila ang umano’y sabwatan ng US at gobyernong Aquino sa selebrasyon ng kinikilala nilang bayani na si Andres Bonifacio, napakatahimik naman nila sa usapin ng ginagawang pambabarako ng China sa Pilipinas.
Ang ipinagtataka ni Mang Gusting: kung tunay na makabayan ang mga ito, bakit hindi gamitin ng mga militante ang inspirasyon ni Bonifacio laban sa China na nagpalabas ng bagong passport na nakalagay sa mapa ng kanilang bansa ang mga teritoryo na inaangkin at mas malapit sa Pilipinas?
Kaya’t ang hamon ni Mang Gusting, bakit hindi magprotesta ang mga militante sa harap ng Chinese Embassy at hingan nila ng paliwanag sa umano’y bagong patakaran na ipatutupad sa susunod na taon na ipagbabawal ang paglalayag ng ibang barko na dadaan sa West Philippine Sea na wala silang pahintulot?
Ang hirit din ng mga kurimaw sa kanto ng Mendiola, bakit hindi mag-rally ang mga militante laban sa ginagawang pagsasamantala ng mga Chinese fishermen sa likas na yaman ng karagatan sa West Philippine Sea at inaagawan ng kita ang ating mga kababayang mangingisda?
Habang tahimik ang mga militante tungkol sa usapin ng ginagawang “pambabarako” ng China, malinaw naman ang mensahe ni PNoy nitong selebrasyon ng kapanganakan ng lider ng Katipunan, “ipaglalaban ang teritoryo na sadyang sa atin.”
Ngayon, ang tanong ng mga kurimaw sa militanteng grupo, sampu ng mga walang inatupag kundi makipagbangasan sa riot police bilang bahagi ng propaganda para makakuha ng malaking pondo sa international group: Sino nga kaya ang tuta nino? Laging tandaan: “Bata mo ko at Ako ang Spy n’yo.” (mgakurimaw.blogspot.com)
1 comment:
have a peek here replica ysl my company replica designer backpacks read louis vuitton replica
Post a Comment