Sino ang may “B”?
Hindi dapat matakot ang mga pulitiko sa maigting na pagtutol ng maimpluwensiyang Simbahang Katolika laban sa Responsible Parenthood bill na isinusulong ng administrasyong Aquino, maliban kung naniniwalang iisa ang kapangyarihan ng Simbahan at gobyerno kaya’t nagpapatali ang mga ito?
Lubhang mahalaga ang panukala na labis na makakatulong sa bansa, lalung-lalo na sa larangan ng ekonomiya. Ang panawagan ni Mang Gusting: Hindi dapat umurong ang mga mambabatas sa pagsusulong ng panukalang batas dahil lamang sa isinagawang prayer rally ng Simbahang Katolika at mga tagasuporta nito sa EDSA Shrine noong nakaraang Sabado kontra sa Responsible Parenthood bill.
Lubhang mahalaga ang panukala na labis na makakatulong sa bansa, lalung-lalo na sa larangan ng ekonomiya. Ang panawagan ni Mang Gusting: Hindi dapat umurong ang mga mambabatas sa pagsusulong ng panukalang batas dahil lamang sa isinagawang prayer rally ng Simbahang Katolika at mga tagasuporta nito sa EDSA Shrine noong nakaraang Sabado kontra sa Responsible Parenthood bill.
Hindi naman nagsusulong ng aborsyon ang panukala at malinaw na paninira lamang ito ng mga kritiko upang lituhin ang publiko, katulad ng “ini-spin” sa media ng mga kontra sa Responsible Parenthood. Dapat nating isipin na mayroong obligasyon ang pamahalaan na pagkalooban ng pagkakataong magdesisyon at makapamili ang mag-asawa sa magiging laki ng kanilang pamilya.
Sa tulong ng malakas na political will ni Pangulong Noynoy ‘PNoy’ Aquino, naniniwala ang publiko na mayroong sapat na kinatawan ang parehong sangay ng Kongreso para suportahan hanggang tuluyang maging ganap na batas ang panukala. Ang napakalaking kalokohan ang naglalakihang banner at slogang “Yes to Saved Sex; No to Safe Sex” ng mga nagtampisaw sa EDSA Shrine noong nakaraang Sabado, animo’y ipinu-promote pa ang walang pakundangang pagtatalik, sinuman at anuman ang kapartner nito.
Dapat hindi rin gawing pulitikal ng mga kritiko ang panukala dahil hindi ito tungkol sa pulitika kundi para sa mas magandang kinabukasan ng bansa. Ngayon magkakaalaman kung “merong B” ang mga kongresista at senador -- hindi naman siguro maniningil ng “royalty” si Senador Chiz Escudero nu’ng inendorso si Vice President Jejomar Binay noong nakaraang eleksyon?
***
Napag-uusapan ang kawalan ng pagpaplano ng pamilya, konektado ang informal settlers na naninirahan sa mga “danger zones”, aba’y mas lalo pang dinadagdagan ang problema ng gobyerno sa paghahanap ng masisilungan ang mga ito.
Kaya’t dapat makinig naman ang ating informal settlers na naninirahan sa tinatawag na “danger zones” na nawalis ng matinding pagbaha ang kanilang mga barung-barong kamakailan upang mailipat sila sa ligtas at kaaya-ayang komunidad.
Ipinakita ng personal na pagbisita ni PNoy sa mga pamilyang nasalanta sa Tondo ang kanyang matinding pag-aalala at kagustuhang mailagay ang mga ito sa tamang lugar upang mailayo sa panganib.
Ginagawa naman talaga ng administrasyong Aquino ang lahat upang maisalba ang mga pamilyang nasa danger zones matapos masira ang kanilang barung-barong sa pamamagitan ng pag-apela na makiisa sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) kaugnay sa kanilang relocation plans.
Tinutukoy natin dito ang mga pamilya na pansamantalang nanunuluyan sa covered court ng Barangay 105 Vitas, Tondo, Maynila matapos tamaan ang kanilang mga tirahan ng barges na tinangay ng storm surge sa nakalipas na pananalasa ng bagyong ‘Gener’.
Hindi lamang dapat magsilbing aral sa mga lokal na lider ang naging mga karanasan ng bansa sa dumaang mga kalamidad kundi maging ng publiko para malampasan ang mga perwisyong hatid ng tinatawag na climate change. Laging tandaan: “Bata n’yo ko at Ako ang Spy n’yo.”(mgakurimaw.blogspot.com)
No comments:
Post a Comment