Wednesday, June 13, 2012





Binalanse ni PNoy!
REY MARFIL



Masamang balita ang sumalubong sa mga Pinoy ng nakaraang Lunes nang matalo sa kontrobersyal na laban ang ating Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao laban kay Timothy Bradley via split decision subalit hindi maitatangging si Pangulong Noynoy “PNoy” Aquino ang bumalanse at nagbitbit ng “good news” mula Amerika at Englatera.
Sa sobrang sama ng loob ng marami, marahil ay hindi nila napansin ang baon na magandang balita ni PNoy mula sa kanyang official trip sa United Kingdom at Amerika na higit kapaki-pakinabang sa nakakaraming Filipino kaysa sa panalo ng isang nilalang na tanging siya lamang ang makikinabang.
Madaling-araw nitong Linggo nang dumating ang Pangulo mula sa huling leg ng kanyang biyahe sa Amerika. Kaya naman na-timing ang kanyang pag-uwi sa inaabangang laban nina Manny at Bradley nito ring umaga ng Linggo (oras sa Pilipinas).
Sa kasamaang-palad, nabigo si Manny at napunta ang kanyang titulo sa wala pang talo at mas batang si Bradley.
Paniwala ng marami, dapat si Manny ang nanalo dahil mas matitindi ang suntok na pinakawalan niya kay Bradley.
Katunayan, may mga round na muntikan na yatang bibigay ang dayuhang mandirigma.
Pero ang masaklap na katotohanan, nanatiling nakatayo si Bradley at higit na naging agresibo laban kay Pacman sa huling tatlong round. At resulta, uuwing walang bitbit na korona si Pacquiao.
Masama talagang balita ang nangyari sa ating pambatong boksingero, gayunman, may good news pa rin naman tayong dapat ngitian sa pag-uwi ni PNoy na bitbit ang mga pamumuhunan mula sa UK at US na tinatayang aabot sa US$2.5-bilyon.
Ang dagdag na puhuna’y nangangahulugan ng dagdag na negosyo at dagdag na trabaho sa ating mga kababayan. Hindi rin biro ang suportang ibinigay ni PNoy sa Department of Tourism sa ginawa nitong kampanya sa UK upang i-promote ang turismo ng Pilipinas.
Sa mismong pagdalo ng Pangulo sa naturang kampanya, asahan na madagdagan ang mga Briton na bibisita sa ating bansa, mas maraming turista, mas buhay ang turismo, mas maraming trabaho sa ating mga kababayan.
***
Napag-usapan ang foreign trip,  ilan sa mga kumpanyang nangakong maglalagak ng negosyo sa Pilipinas ang mga dambuhalang Rolls Royce, Asea Gaz Asia Ltd. at ang Glencore, ang may-ari ng Philippine Associated Smelting and Refining Corp. (Pasar) -- ito’y dambuhalang kumpanya sa UK.
Habang sa US, bukod sa pagpapanatili at pagpapalakas ng diplomatikong ugnayan ng dalawang bansa, nangakong maglalagak naman ng negosyo sa Pilipinas ang GN Po­wer Limited, na magtatayo ng dalawang 300-megawatt coal plants sa Bataan. Isama pa ang Underwriters Laboratories Inc., Citigroup at USAid.
Pero siyempre, ibang usapan din ang paghaharap at pagpupulong mismo nina PNoy at US President Barack Obama.
Sa panahon ngayon na may naninindak na malaking “mama” sa Pilipinas, mahalagang may “malaki” rin tayong kakampi na nasa likod natin sa sandaling may gawing hindi kaiga-igaya ang ibang nasyon.
Gaya ng pangako noon ni Aquino, limitado at pili lamang ang kanyang mga biyahe.
Nais niyang tiyakin na may mahihitang kapalit na maganda ang gagastusin ng bayan sa kanyang mga biyahe -- mga biyaheng may katuturan at hindi katulad ng mga nagdaang pangulo na biyaheng pamamasyal lamang.
Sa kanyang biyahe sa UK at US, asahan na may dara­ting na mga bagong negosyo sa Pilipinas na lilikha ng dagdag na mga trabaho na solusyon sa isa sa mga problema ng bansa sa kahirapan at kawalan ng trabaho.
Ang mahalaga, hindi nagbabago ang dedikasyon ng Pa­ngulo na hanapan ng lunas ang mga problema ng bansa at mag-uwi ng mga magandang balita kahit hindi ito lubos na napapansin ng marami sa atin.

Laging tandaan: “Bata n’yo ko at Ako ang Spy n’yo.” (mgakurimaw.blogspot.com)

3 comments:

Anonymous said...

When I initially commented I clicked the "Notify me when new comments are added" checkbox and now each time a comment is added I get several emails with the same comment.
Is there any way you can remove me from that service?
Thank you!
Also visit my site Vietnam Airlines

yanmaneee said...

coach outlet
pg 1
moncler outlet
air max 2017
christian louboutin
air jordan shoes
nike outlet
adidas superstar
michael kors handbags
curry 5

jasonbob said...

longchamp
cheap jordans
jordan shoes
kobe sneakers
supreme clothing
stephen curry shoes
kobe
jordan 1 low
pg shoes
golden goose sneakers