Hinangaan! | |
REY MARFIL
Sa naging pagbisita ni Pangulong Noynoy “PNoy” Aquino sa United Kingdom of Great Britain at Northern Ireland at United States (US) -- ito’y nakakuha ng $2.5 bilyon o P100 bilyong pamumuhunan na lalo pang magpapaangat sa ating ekonomiya, isang paunang good news ang 6.4% paglago sa first quarter ng taong kasalukuyan.
Nakakuha si PNoy ng isang bilyong dolyar ($1 B) na pamumuhunan sa Rolls Royce kasama ang Cebu Pacific, Asea Gaz Asia LTD/Aboitiz Equity Ventures Gas at Pasar/Glencore.
Plano ng Pasar/Glencore na maglagak ng 500 hanggang 600 milyong dolyar sa pagpapalawak ng “smelting capacity” at pagbuo ng power plant para suportahan ang kanilang operasyon na makakalikha ng 700 bagong trabaho.
Sa nilagdaang isang memorandum of understanding ng Rolls Royce at Cebu Pacific, magkakaroon ng $280-milyong pamumuhunan ang Cebu Pacific sa Rolls Royce para sa bagong Trent 700 engines sa nirentahang walong Airbus aircraft na gagamitin sa paglulunsad ng “long haul operations” sa huling anim na buwan ng 2013.
Lumagda rin ang Aboitiz Equity Ventures at Gaz Asia Ltd. sa kasunduan para sa $150 milyong pamumuhunan sa paglikha ng Asea Gaz Corporation ng mga planta upang gawing liquid bio methane ang organic waste materials upang magamit na gasolina sa sasakyan.
Nakipagkita rin si PNoy sa matataas na mga opisyal ng Shell at Nestle para sa potensyal na karagdagang pamumuhunan sa bansa.
Sa US, ipinaalam ng mga opisyal ng GN Power Mariveles Coal Plant (GMCP) kay Pangulong Benigno Aquino III ang kanilang intensyon na palawakin ang kanilang operasyon sa Pilipinas sa pamamagitan ng pamumuhunan na nagkakahalaga ng halos $1 bilyon.
Sa kanyang pagdalaw sa Washington, nakipagkita si PNoy kay Dan Chalmers, chief executive officer ng GN Power; Jason Oliver, senior vice president for development ng Sithe Global Power; at Robert Warburton ng Denham Capital.
Sa kanilang pulong, ipinaalam ng mga ito sa Pangulo ang pagpapalawak ng coal plant sa Bataan na makakapagbigay ng mga trabaho sa mga Filipino.
Ipinahayag din ni Chalmers ang suporta nito sa malinis at matinong pamamahala ng Pangulo na nagresulta sa mga tagumpay ng bansa tungo sa tamang direksyon.
Tunay na mabunga at mapagpala ang naging trabaho ni PNoy sa pagpunta sa ibang mga bansa upang manatili at mapalakas pa ang 6.4% paglago ng gross domestic product (GDP) ng bansa sa unang tatlong buwan ng taon.
***
Napag-usapan ang good news, kapuri-puri ang maigting na kampanya ni PNoy sa paglaban at pagsugpo ng katiwalian sa pamahalaan gamit ang “daang matuwid” na naging pangako nito sa nakalipas na presidential campaign matapos bumilib maging ang mga opisyal ng United Kingdom at United States.
Mismong sina UK Prime Minister David Cameron, Duke of York Prince Andrew at US President Barack Obama ang nagpahayag ng kahanga-hangang pagpuri kung papaano nagkaroon ng makatotohanang mga reporma sa Pilipinas sa pagpasok ng bagong pamahalaan.
Pinuri rin ng UK ang Pilipinas sa hakbang nitong isulong ang usapang-pangkapayapaan sa mga rebeldeng grupo at pagkakaroon ng mataas na paglago sa ekonomiya ng bansa.
Sinabi rin ng Pangulo na nagpahayag ng suporta ang dalawang bansa sa pagpapaigting pa nito ng kampanya laban sa katiwalian.
Kung hindi dahil sa malinis na pamamahala ni Pangulong Aquino, hindi tayo makikinabang sa benepisyong hatid ng magandang ekonomiya at pagkakapantay-pantay ng hustisya sa bansa.
Laging tandaan: “Bata n’yo ko at Ako ang Spy n’yo.” (mgakurimaw.blogspot.com)
|
Monday, June 18, 2012
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment