Una ang mahirap! | |
REY MARFIL
Napakagandang balita ang ulat ng Department of Labor and Employment (DOLE) kaugnay sa pagbaba ng bilang ng mga taong walang trabaho sa buong bansa.
Ipinapakita lamang ng resulta ng April 2012 Labor Force Survey (LFS) na bumaba sa 2.8 milyon ang mga walang trabaho mula sa 2.87 milyon sa parehong panahon ng nakaraang taon.
Inaasahan natin ang pagbaba ng mga taong walang trabaho dahil sa paglakas ng ekonomiya at inaasahan natin na nangangahulugan ito ng mas maraming trabaho.
Dapat ding isipin na mas mataas ang bilang ng walang mga trabaho sa panahon ng Abril lalo’t maraming mga nagsisipagtapos sa mga eskuwelahan ang nasasama sa hanay ng mga naghahanap ng trabaho.
Nakatulong din ang pinalaking halaga ng paggugol ng pampublikong pondo ng pamahalaan at emergency employment program para bawasan ang bilang ng walang mga trabaho.
Malinaw ang ebidensya sa patuloy na pagsulong ng ekonomiya ng ating bansa -- isang patotoo ang paglago ng 6.4% sa unang tatlong buwan ng taon, maliban kung mutain ang mga kritiko ni Pangulong Noynoy “PNoy” Aquino kaya’t hindi makita ang numerong ito.
*** Napag-usapan ang good news, walang kaduda-duda ang paninindigan ni PNoy sa kanyang pangako na isulong ang pamamahagi ng lupa sa mga benepisyaryo sa buong bansa.
Sa katunayan, inaprubahan ng Pangulo matapos ang pulong sa mga magsasaka ang pagbuo sa multi-sectoral organization na pangunahing trabaho ang bantayan ang pamamahagi ng lupa hanggang Hunyo 2014 at matiyak ang tagumpay nito.
Sa pagtatatag ng “multi-stakeholders mechanism”, layunin nitong ipatupad nang buo ang Comprehensive Agrarian Reform Program Extension with Reforms (CARPer) bago ito mapaso sa darating na 2014 -- ito’y mabungang pagpupulong na magkaroon ng lupa ang mga magsasaka.
Bubuuin ang lupon ng mga kinatawan mula sa Department of Agrarian Reform (DAR) at maging ang mga alagad ng simbahan at iba’t ibang organisasyon ng mga tao.
Magandang balita rin na marinig na masusing babantayan ni PNoy ang pagkakaloob ng “support services” sa mga benepisyunaryo at pagbibigay ng pondo para maging matagumpay ang pagpapayaman sa mga ipapamahaging mga lupain.
Laging tandaan: “Bata n’yo ko at Ako ang Spy n’yo.” (mgakurimaw.blogspot.com)
|
Friday, June 22, 2012
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment