May malasakit! | |
Muling ipinakita ni Pangulong Benigno ‘PNoy’ Aquino III ang kanyang malasakit sa kalusugan ng mga Filipino sa pagsilang ng alyansa ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) at pribadong mga kompanya.
Maganda ang paglulunsad ng PhilHealth kamakailan sa public-private partnership (PPP) schemes kasama ng ilang malalaking pangalan sa negosyo bilang suporta sa “Kalusugan Pangkalahatan” as in Universal Health Care ng Department of Health (DoH).
Tinatawag na Kalusugan Pangkalahatan ang “health reform agenda” ng DoH at pangunahing layunin nito ang magkaloob ng tulong pinansyal sa mga Filipino, lalung-lalo na sa mga mahihirap sa pamamagitan ng pagtiyak sa Universal PhilHealth coverage at pagpapaunlad ng benepisyo ng PhilHealth.
Idinesenyo ang inisyatibo ng PPP para matulungan ang PhilHealth na himukin ang mas maraming mga tao na maging bahagi ng PhilHealth at tulungan ang mga miyembro sa pagkakaloob ng serbisyo.
Ipinapakita lamang nito ang pagtiyak ni PNoy na mabibigayn ng serbisyong kalusugan ang mga mayayaman at mahihirap na mga Filipino, partikular ang insurance law.
Sa tulong ng PPP, magkakaroon ng diskuwento sa medisina at iba pang serbisyong pangkalusugan ang lahat ng mga miyembro ng PhilHealth.
***
Napag-usapan ang aksyon, hindi ba’t kapuri-puri ang pagpapalabas ni PNoy ng P1.62 bilyon para matulungan ang National Power Corporation (NPC) na mapigilan ang napipintong kakapusan ng kuryente sa ilang malalayong mga lugar sa buong bansa.
Sa pamamagitan ng P1.62 bilyon, mapapalakas nito ang kakayahan ng NPC na magbigay ng matatag na suplay ng kuryente sa mga lugar na nakakaranas na ng manaka-nakang pagkawala ng kuryente dahil sa kakapusan ng suplay.
Senyales din ito ng paghahanda ng pamahalaan sa pagtiyak ng matatag at mas mababang halaga ng suplay ng kuryente sa malalayong mga lugar kung saan pinoproseso na ang electrification project.
Sa P1.62 bilyon, P1.32 bilyon dito ang magagamit para sa fuel requirements ng Small Power Utilities Group (SPUG) ng NPC; P162.5 milyon o kalahati ng capital expenditure ngayong 2011 ng NPC para sa pagbili ng ekstrang SPUG plants; at P140 milyon para sa renta ng generator sa SPUG areas. Kukunin ang pondo sa Malampaya Fund.
Umabot naman sa kabuuang P3.6 bilyon ang naipalabas para sa NPC-SPUG ngayong taon. Isang missionary electrification arm ng NPC ang SPUG na nasa likod ng operasyon ng 317 generating units na mayroong kabuuang capacity na. 147.675 MW sa 86 na mga lugar.
Sa ilalim ng ganitong operasyon sa buong bansa, umaabot sa 78 island grids at 8 isolated grids ang nabibigyan ng serbisyo na kumakatawan sa 3,330 barangays sa 192 munisipalidad sa buong bansa.
Laging tandaan: “Bata n’yo ko at Ako ang Spy n’yo.” (mgakurimaw.blogspot.com
No comments:
Post a Comment