Saludo sa SALT | |
REY MARFIL |
Maliban sa talakayan ng mga lider ng mga bansang kasapi ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit tungkol sa kalakalan at ekonomiya, isang mahalagang paksa rin ang nakakuha ng atensyon sa pagpupulong na ito na ginanap sa Pilipinas -- ang climate change.
Habang mayroon tayong ilang kababayan na nagreklamo dahil “naAPECtuhan” ang biyahe nila sanhi ng pagbigat ng daloy ng trapiko bunga ng pagsasara ng ilang kalsada, nagningning naman sa isang bahagi ng forum sa APEC ang pangalan ni Aisa Mijeno, isang engineer at environmental advocate, na kasamang bumuo sa kumpanyang Sustainable Alternative Lighting o SALT.
Hindi dapat maliitin ang nagawa at magagawa ng SALT para sa paglaban sa climate change. Katunayan, maging si US President Barack Obama at Chinese billionaire na si Jack Ma, na siyang nasa likod ng pinakamalaking e-commerce platform na Alibaba, ay bilib sa nagawa ni Mijeno -- ang lampara na kayang pailawin ng asin at tubig-dagat.
Marahil para sa ilang naninirahan sa kalungsuran, maliit na bagay ang lampara. Pero malaking bagay ito sa napakarami nating kababayan na naninirahan sa mga lalawigan, lalo na sa malalayong lugar na hindi pa nadadaluyan ng kuryente.
Ayon kay Mijeno, nagsimula ang inspirasyon niya na gumawa ng lampara na pinapailaw ng saline solution o kemikal sa asin, nang manirahan siya sa isang tribu sa Kalinga. Nakita niya doon na naglalakbay ng napakalayo at ilang oras ang mga residente para lang makabili ng gaas o kerosene para mapailaw ang kanilang lampara.
***
Bukod sa nakadadagdag sa pagpapainit ng temperatura ng mundo ang kemikal na nasusunog mula sa gaas, delikado rin ito dahil maaari itong pagmulan ng sunog. At sa isang lugar na malayo sa kabihasnan, tiyak na malaking halaga ang katumbas ng bawat takal o sukat ng gaas na kanilang bibilhin na maaari na sana nilang gamitin sa pagkain. Gayung kung malapit lang ang residente sa dagat, aba’y sulit ang paggamit ng lamparang nagawa nina Mijeno at mas murang ‘di hamak ang asin sa gaas.
Kung sakit nga ng ulo at perwisyo ang tingin ng iba sa pagdaraos ng APEC sa bansa at napili ni Pangulong Noynoy ‘PNoy’ Aquino na gawin ito sa Maynila, para sa marami, ang pagpupulong na ito ng 21 bansang kasapi ng APEC ay pagkakataon para makahanap ng solusyon sa iba pang suliranin sa mundo, na maaaring walang halaga sa atin.
Katunayan, pinuri ni Obama si Aquino sa mga ginagawa nitong hakbang para makuha ang atensyon ng mundo upang isulong ang kampanya para mabawasan ang paggamit ng mga sangkap na nagpapalala sa global warming.
Hindi kataka-taka na matindi ang pagpapahalaga ni PNoy sa isyu ng climate change dahil kabilang ang Pilipinas sa mga bansa na pangunahing naapektuhan nito. Naranasan na natin ang lupit ng pagbabago ng kalikasan nang tumama sa atin ang bagyong Yolanda na kumitil sa mahigit 6,000 buhay at sumira sa libu-libong kabahayan at kabuhayan.
Kaya naman dadalo rin si PNoy sa nakatakdang pulong ng 21st Conference of Parties o COP21 sa Paris. Dito ay tatalakayin ng mahigit 100 lider mula sa iba’t ibang bansa ang mga kasunduan para mabawasan ang global warming na magreresulta para mabawasan din ang epekto ng climate change.
At kabilang sa mga taong gumagawa ng paraan para labanan ang climate change ang kababayan natin na si Mijano na umaasa na makakakuha ng suporta upang maparami ang ginagawa nilang lamparang de-asin. Sa ganitong paraan, matutulungan nila ang mga mahihirap nating kababayan at mabawasan ang gumagamit ng lamparang de-gaas.
Habang tinatalakay sa APEC ang paraan para mabawasan ang “carbon” sa himpapawid na nagpapainit sa mundo, may ilan naman na naghihinanakit na naipit sila sa trapiko sa loob ng mga sasakyan na ginagamitan ng diesel at gas na nagbubuga rin ng kemikal na dagdag sa global warming.
Sa ilan nating kababayan na napilitang maglakad dahil naAPECtuhan sila ng trapik, isipin na lang natin na nakatulong tayo para mabawasan ang global warming at nagkapag-exercise pa na maganda sa ating kalusugan. Laging tandaan: “Bata mo ‘ko at Ako ang Spy n’yo.” (Twitter: follow@dspyrey)
2 comments:
Another food which you can find anywhere is banana. Banana is food loaded with vitamins A, B, C and E along with minerals like potassium, zinc, iron and manganese. There are several health benefits of banana. It contains high percentage of water keeps your skin moisturized and hydrated. For instant solution just apply ripe banana and after 30 minute wash with lukewarm water. It protects the body again free oxygen radicals cause of ageing. You can even use the peels of banana to get rid of wrinkles.http://guidemesupplements.com/derma-breast-lift/
kyrie 7 shoes
paul george shoes
yeezys
calvin klein
supreme shirt
yeezy 500 blush
nike sb dunk low
supreme clothing
yeezy 500
canada goose jacket
Post a Comment