Tamang desisyon!
Kahanga-hanga ang ginawang desisyon ni Bureau of Customs (BOC) Commissioner Ruffy Biazon na magbitiw sa kanyang puwesto, at ang pagkakatalaga kay dating Senador Panfilo Lacson bilang rehabilitation czar sa mga lugar na sinalanta ng bagyong “Yolanda”.
Ilang araw matapos isama ng Department of Justice (DOJ) sa listahan ng mga dating kongresista na kinasuhan sa Office of the Ombudsman dahil sa pagwawaldas umano ng Priority Development Assistance Fund (PDAF), na kilala rin sa tawag na pork barrel fund, nagbitiw na si Biazon bilang lider ng BOC.
Ito na ang ikalawang pagkakataon na naghain ng kanyang resignation si Biazon, na ang una ay nang punahin ni Pangulong Noynoy “PNoy” Aquino sa kanyang talumpati sa SONA noong Hulyo ang ilang iregularidad sa BOC.
Pero hindi tinanggap noon ni PNoy ang pagbibitiw ni Biazon dahil batid niya ang pagsisikap ng dating kongresista ng Muntinlupa na linisin ang ahensya na kilala noon bilang isa sa mga tanggapan ng pamahalaan na talamak ang katiwalian.
Ngunit sa pagkakataong ito, iba na ang usapan dahil ang mismong DOJ ang nagsampa ng reklamo laban kay Biazon kaugnay ng umano’y kickback na nakuha niya sa isang NGO ng kontrobersyal na negosyanteng si Janet Napoles noong siya ay mambabatas pa.
Bagaman nananatili pa rin naman siyang inosente hangga’t hindi pa napapatunayan sa korte ang kanyang kasalanan, magkakaroon na ng bahid ang kanyang kredibilidad na patakbuhin ang BOC at habulin ang mga tiwali.
Bukod diyan, batid ni Biazon na kung mananatili pa siya sa puwesto kahit sa kabila ng kinakaharap na asunto, tiyak na gagamitin siyang pambala ng mga kritiko ng administrasyon para batikusin si PNoy. Pero ngayon, naipakita ng administrasyon na walang katotohanan ang akusasyon ng mga kritiko na pinipili lamang ng DOJ ang mga kakasuhan kaugnay ng pork barrel scandal.
Maliban sa malapit na kaalyado at mataas na opisyal ni PNoy si Biazon, kapartido rin niya ito sa Liberal Party, maging ang ama ng huli na si dating senador at ngayon ay Muntinlupa Rep. Rodolfo “Pong” Biazon.
Sa pag-alis ni Ruffy sa BOC, nakapag-iwan siya ng mga reporma sa ahensya na dating puno ng katiwalian. Kasabay nito, natutukan niya ang kinakaharap na kaso sa Ombudsman para linisin ang kanyang pangalan na nabahiran dahil sa alegasyon ng pork barrel scam.
***
Magandang balita rin ang pagkakatalaga kay Lacson na mamumuno sa gagawing rehabilitasyon ng mga lugar na sinalanta ng bagyong Yolanda -- isang taong may kredibilidad at integridad sa paghawak ng pondo.
Sa laki ng pondong gagastusin para maibangon ang mga sinalantang lugar, dapat lang na matiyak na ang lahat ng ito ay hindi masasayang at magagamit ng tama. Hindi biro ang hirap na dinadanas ng ating mga kababayan dahil sa kalamidad kaya marapat na maging mabilis ang isasagawang rehabilitasyon.
Bilang dating hepe ng malaking organisasyon ng Philippine National Police, magagamit ni Lacson ang kanyang kasanayan sa pamamahala ng malaking ahensya bilang rehabilitation czar upang maging mabilis at maayos ang pagsasagawa ng mga proyektong kailangan sa pagbangon ng lugar na winasak ng bagyo.
At dahil kilalang graft buster at walang inaatrasan sa laban, tiyak na mangingilag ang mga taong nag-iisip na pagkaperahan ang pondong ilalaan sa rehabilitation program. Laging tandaan: “Bata mo ko at Ako ang Spy n’yo.” (mgakurimaw.blogspot.com)
1 comment:
jordans shoes
supreme outlet
air jordan
adidas yeezy
pandora
lebron shoes
supreme t shirt
hermes online
yeezy shoes
longchamp
Post a Comment