Maganda pa rin! | |
ng malaki ang malinis na pamamahala ni Pangulong Noynoy “PNoy” Aquino para mamintina ang magandang takbo ng ekonomiya ng bansa sa kabila ng serye ng mga trahedya, kabilang ang mapaminsalang bagyong si ‘Yolanda’.
Inihayag na ni Economic Planning Secretary Arsenio Balisacan na 0.8% pag-angat lamang sa gross domestic product (GDP) ang mawawala sa huling quarter ng taon.
Lumabas sa opisyal na datos na nakapagtala ang Pilipinas, isa sa mga nangungunang bansa sa Asya, na may mataas na paglago ng ekonomiya, ng pag-angat na 7.0 porsiyento sa nakalipas na third quarter o mula Hulyo hanggang Setyembre.
Mas mataas rin ang 7.1 porsiyentong naitala ng mga ekonomista na kinapanayam ng Wall Street Journal. Ibig sabihin, maganda ang lagay ng ekonomiya kahit sabihin pang nagkaroon ng bahagyang pagbaba dahil sa bagyong Yolanda lalo’t malaki pa rin ang inaasahang 7.0 porsiyentong paglago ng ekonomiya sa huling quarter ng 2013.
Tatanghalin pa rin ang Pilipinas bilang isa sa mga bansa sa mundo na mayroong mabilis na pag-angat ng ekonomiya, kasunod ng China dahil sa matinong pamamalakad ni PNoy.
Bago umatake si Yolanda, tiwalang-tiwala ang mga opisyal ng bansa na mahihigitan pa ang buong taong target na paglago ng ekonomiya ng bansa na 6 hanggang 7 porsiyento dahil sa magandang naging lagay ng ekonomiya sa unang anim na buwan ng 2013.
Pero dahil sa naganap na trahedya, kabilang si ‘Yolanda’ na tumama sa bansa noong Nobyembre 8, naniniwala si Blisacan na bababa ang GDP growth mula Oktubre hanggang Disyembre ng 0.3 hanggang 0.8 porsiyento.
Nakakatuwa rin ang opisyal na pahayag ng National Statistical Coordination Board na lumago ang ekonomiya ng bansa ng 7.4 porsiyento sa unang siyam na buwan ng taon na mas malaki kumpara sa 6.7 porsiyento sa katulad na panahon noong 2012.
***
Doble-kayod ang administrasyong Aquino at ang Kongreso sa mabilis na pagkakaloob ng ayuda at tulong para sa rehabilitasyon at pagbangon ng mga lugar na sinalanta ng sandamukal na trahedya sa pamamagitan ng pagpasa ng P14.6 bilyong supplemental budget.
Nakakasiguro ang mga tao na hindi magiging bagong pork barrel ang panukalang lump sum supplemental budget.
Sinertipikahan na ni PNoy na “urgent measures” ang House Bill (HB) No. 3423 o P14.6 bilyong supplemental budget at House Joint Resolution (HJR) No. 7.
Tutustusan ng supplemental budget ang pagkumpuni, rehabilitasyon at pagbangon ng mga lugar na sinalanta ng mga bagyong Labuyo, Odette, Pablo, Sendong, Santi at Vinta, naganap na rebelyon sa Zamboanga City, 7.2 lindol na tumama sa Bohol at bagyong Yolanda na dumaluyong sa Gitnang Pilipinas, kabilang ang Katimugang Luzon at Visayas.
Sa ilalim naman ng HJR No. 7, durugtungan ng isang taon ang bisa ng ilang mahahalagang pondo sa ilalim ng kasalukuyang pambansang badyet para magamit sa rehabilitasyon, kabilang ang calamity, savings, unobligated allotments para sa maintenance and other operating expenses at capital outlays.
Walang basehan ang pangamba at bagong intriga ng militanteng mga kongresista na magiging pork barrel na naman ang supplemental budget.
Minamadali ng Kongreso ang paglusot ng mga panukala dahil hangad ng mga mambabatas na maibigay nang mabilisan ang mga tulong na labis na kailangan ng mga tao. Hindi rin naman ipinagbabawal ang lump sum sa supplemental budget ng batas at Konstitusyon kung malinaw ang pagkakagastusan.
Sa ngayon, mahirap naman talaga para sa Malacañang na magsumite ng detalyadong panukala kung saan agarang magagamit ang P14.6 bilyon.
Hanggang sa ngayon, patuloy pa rin ang pagtataya ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan kaugnay sa komprehensibong pinsala ng mga kalamidad,.
Laging tandaan: “Bata mo ko at Ako ang Spy n’yo.” (mgakurimaw.blogspot.com)
No comments:
Post a Comment