Friday, June 21, 2013

Tunay na anti-flood projects


Tunay na anti-flood projects
REY MARFIL


Sakit ng ulo sa ating mga kababayan ang tumitinding problema sa baha dahil na rin sa lumalakas na buhos ng ulan. Kapag bumaha sa mga lansangan, asahan na ang karugtong nito ang  matinding trapiko na dagdag sakit ng ulo.
Ang problema natin sa baha ay nagsimula noon pa mang nakalipas na mga administrasyon. Hindi ito nagsimula o nangyari sa loob lamang ng nakaraang tatlong taon sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Noynoy ‘PNoy’  Aquino.
Pero may mga kritiko lalo na ang mga kaalyado ng nagdaang rehimeng Arroyo na nais gamiting isyu laban kay PNoy ang problema sa baha dahil wala marahil silang maiisip na ibang maipupuna sa kasalukuyang administrasyon.
Hirit ng oposisyon, dapat daw sisihin si PNoy sa nangyayaring pagbaha ngayon lalo na sa Metro Manila. Tama ba iyon? 
Ika nga ni Mang Gusting: Ang administrasyon ni PNoy ay nakakatatlong taon pa lang, samantalang si dating Pangulong Gloria Arroyo ay nakasiyam na taon, ano ang nagawa nila para mabawasan man lang ang pagbaha?
***
Napag-usapan ang project, b inuhay din ng oposisyon ang isyu ng ginawang pagbasura ni PNoy sa may 19 na anti-flood control projects ni Mrs. Arroyo na ang buong halaga ay umaabot sa P934 milyon.
Kung natuloy daw ito, wala raw sigurong matinding baha sa Metro Manila sabi ng mga alipores ng oposisyon… talaga lang ha?
Pero kung tutuusin, ipinarepaso ni PNoy ang 19 na anti-flood control projects ni Mrs.  Arroyo nang manalo na siyang pangulo noong 2010. At matapos ang ginawang pagrepaso, inirekomenda ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na kanselahin at ibasura ang mga ito dahil sa maraming balidong kadahilanan.
Kabilang sa mga dahilang ito ay hindi dumaan sa bidding ang mga proyekto. Bukod pa rito, pinirmahan ni Mrs. Arroyo ang mga proyekto gayung dalawang linggo na lang ay bababa na siya sa puwesto.
Ang hirit naman ni Mang Kanor: Kung “midnight appointment” ang tawag sa pag-appoint ng isang opisyal sa puwesto gayung ilang linggo na lang ay aalis na sa kapangyarihan ang pangulo, tama bang sabihin na “midnight projects” ang itawag sa pagpirma sa napakaraming proyekto na dalawang linggo na lang ay aalis na rin siya sa puwesto?
At batay nga sa mga lumabas na ulat noon tungkol sa mga proyektong ito, pinirmahan ni Mrs. Arroyo ang mga kontrata para sa proyekto noong June 18, 2010, at pagsapit ng June 25 ay nakapaghanda na agad ng pambayad ang Department of Budget and Management sa paraan ng SARO (Special Allotment Release Order).
Kaya ang tanong ng magkumpareng Gusting at Kanor: Bakit tila masyado yata silang nagmamadali?
Bukod sa kuwestiyunable ang mga kontratang pinirma­han ni Mrs. Arroyo, wala ring katiyakan na epektibo ang mga proyekto para mabawasan man lang ang problema sa baha.
Kaya naman iniutos ni PNoy ang paglalatag ng isang komprehensibo at walang lokohan na master plan na anti-flood control projects na magtuluy-tuloy ang pagsasagawa sa loob ng 22 taon.
Dahil malaking pera ng bayan ang gugugulin sa mga proyektong ito, nais ni PNoy na matiyak na ang bawat sentimo nito ay magagamit nang tama, at magiging mabisa na panlaban sa baha.
Hindi katulad ng iba na tila nais pang pagkakitaan ang problema sa baha kahit nakikita nila ang perwisyong dulot nito sa  mga tao at maging sa ekonomiya.

Laging tandaan: “Bata mo ko at Ako ang Spy n’yo”. (mgakurimaw.blogspot.com)

1 comment:

Anonymous said...

Ang bagal bagal bagal nyo naman tol, tatlo taon na d padin na review mga flood control projects nayan. Kailan paAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!!!!!