Pasukan na! | |
Mabuti para sa sektor ng edukasyon ang mabilis na pagtugon ng Department of Education (DepEd) at Department of Public Works and Highways (DPWH) sa direktiba ni Pangulong Noynoy ‘PNoy’ Aquino na solusyunan sa lalong madaling panahon ang 66,800 kakapusan sa silid-aralan ngayong taon.
Nagawa na rin naman ni PNoy na mahanapan ng solusyon ang iba pang problema sa sektor ng edukasyon katulad ng kakapusan sa libro, guro, silya at iba pa.
Itatayo ng DepEd at DPWH ang dalawang palapag na mga silid-aralan sa mga lalawigan at Metro Manila upang mabawasan ang kakapusan sa mga kuwarto.
Tinitiyak din ng pamahalaan na maayos ang mga silid-aralan maging sa mga lugar na sinalanta ng mga pamanirang bagyo katulad sa Davao at Compostela Valley.
Malinaw na masigasig ang ginagawang trabaho ni PNoy para matiyak ang de-kalidad na edukasyon at masiguradong mananatili sa mga paaralan ang maraming kabataan. At ngayong araw, magbubukas ang klase, meron bagong pasok at balik-eskuwela!
***
Bunga ng sinserong alok ng kapayapaan ni PNoy sa mga kapatid nating Muslim ang desisyon ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na bumuo ng partido pulitikal.
Ibig sabihin, naghahanda na ang MILF sa pangunguna ni chairman Al Hadj Murad Ibrahim sa paglahok sa susunod na halalan kung saan nakatakdang itatag ang Bangsamoro entity sa Mindanao na pangunahing layunin ng usapang-pangkapayapaan.
Klarong daan ito tungo sa kapayapaan at pagkakaroon ng Bangsamoro sa 2016 kung saan kailangan ng MILF na maghanda ng kanilang patatakbuhing mga kandidato na magsisilbing mga lider sa hinaharap.
Determinado naman talaga ang Government of the Philippines (GPH) at MILF na tapusin ang usapang-pangkapayapaan sa ilalim ng termino ni PNoy sa pamamagitan ng implementasyon ng Framework Agreement on the Bangsamoro o ang bagong autonomous political entity na papalit sa 23-taong Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).
Tinatapos na sa ngayon ng GPH at MILF ang kumpletong detalye ng hatian sa kayamanan, bigayan ng kapangyarihan at pagkakaroon ng normal na pagpapatakbo ng pamahalaan na bahagi ng komprehensibong usapang-pangkapayapaan sa paglikha ng Bangsamoro.
Nitong nakalipas na Disyembre 2012, inilabas ng Pangulo ang Executive Order (EO) No. 120 na lumilikha sa Transition Commission na siyang bubuo ng Bangsamoro Basic Law na nakapaloob sa Framework Agreement na nilagdaan ng pamahalaan at MILF noong Oktubre 15, 2012.
Magbibigay din ang EO ng mekanismo para sa demokratikong pagbuo ng mga panukalang batas kung saan papayagan ang aktibong pakikilahok ng mga taong maaapektuhan.
Kasama sa trabaho nito ang koordinasyon sa Kongreso at iba pang mga ahensiya ng pamahalaan upang makalikha ng mga panukalang batas para sa Bangsamoro region sa Mindanao.
Binabati ko si Pangulong Aquino dahil sa pagsusulong nito ng makatotohanang kapayapaan at katatagan sa Mindanao.
Laging tandaan: “Bata mo ko at Ako ang Spy n’yo”. (mgakurimaw.blogspot.com)
1 comment:
UTANG INVESTMENT OPPORTUNITIES:
Kailangan ba ninyo ng isang Utang? Interesado ka ba sa pagkakaroon ng ganitong uri ng pautang? O kaya huwag mag-alala ka financially ?. Mayroon ba kayong isang utang upang bayaran? Bigyan kami ng mga pautang sa anumang bahagi ng mundo. Ang aming loan interest rate ay 3% sa bawat annul ang negotiated duration anuman ang lokasyon o credit status. Upang makakuha ng isang loan ngayon makipag-ugnayan sa amin sa pamamagitan ng kumpanya email address sa: potterscredit@yahoo.com
TANDAAN: Bigyan kami ng out ang minimum ($ 3000 / €) para sa isang pinakamataas na (300,000.000 $ / €) E.T.C. Credit Requests dapat na ipinahayag sa US DOLLARS OR EURO, at anumang iba pang gamit na MONEY.
Makipag-ugnayan sa: potterscredit@yahoo.com: sapagka't ang inyong Utang ngayon, kami ay handa upang maghatid sa iyo namin.
Salamat sa iyo habang hinihintay namin ang iyong mabilis Tugon.
James Potter Loans Limited
E - Mail: potterscredit@yahoo.com
Post a Comment