Kasunduan! | |
Napakagandang balita ang desisyon ng Pilipinas at Pransya na magtulungan sa larangan ng produksyon ng enerhiya at kultura na naglalayong palakasin pa ang bilateral ties ng dalawang bansa na naging pormal sapul noong 1947.
Sinaksihan mismo nina Pangulong Noynoy ‘PNoy’ Aquino at French Prime Minister Jean-Marc Ayrault ang paglagda sa Declaration of Intent ng pamahalaang Pilipinas at Pransya na may kaugnayan sa pag-aaral ng produksyon ng enerhiya sa biomass at ikalawang kasunduan sa Philippine Exhibition at Musee Du Quai Branly sa Paris, France.
Nilagdaan ito nina France Minister of Foreign Trade Nicole Bricq at Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario. Isinagawa ang paglagda sa unang araw ng State Visit ni Ayrault sa Pilipinas kamakailan kung saan binigyan ito ng arrival honors ng Pangulo sa MalacaƱang.
Sa ilalim ng Declaration of Intent, ipagkakaloob ng pamahalaan ng Pransya ang grant na nagkakahalaga ng 372,272 euros para pondohan ang feasibility study sa rice straw para lumikha ng kuryente gamit ang Organic Rankine Cycle (ORC) technology.
Sa kasunduan, napili ang Pilipinas na bansang itatampok sa Grand Exhibition kung saan 300+ artifacts kaugnay sa pre-colonial Philippines ang ipapakita.
Mismong si PNoy ang nagsabing makakatulong ang kasunduan para lalo pang palakasin ang samahan ng dalawang bansa habang iginiit ni Prime Minister Ayrault na lalo nitong maitataas ang tiwala sa isa’t isa ng Pilipinas at Pransya.
Talaga namang magandang pagkakataon at oportunidad ito para mapabuti ang relasyon ng dalawang bansa at maisulong ang interes sa larangan ng ekonomiya na makakatulong sa mga tao.
***
Napag-uusapan ang good news, hindi napigilan ni Prime Minister Ayrault na mapahanga sa matuwid na daan ni PNoy. Pinuri ni Ayrault ang lakas ng Pangulo at mga Pilipino na lumaban sa mga hamon na isang ugali na ipinagmamalaki rin ng mga Pranses.
Kinilala rin ni Ayrault ang pambihirang diplomatikong kakayahan ni Pangulong Aquino na resolbahin ang mga problema at suliranin. Take note: Bilib rin ang mataas na opisyal ng Pransya sa lakas ng mga Pilipino na ipaglaban ang kanilang kalayaan at demokrasya.
Hindi naman nakakapagtaka ang naging paghanga ni Ayrault dahil talagang laging lumalaban si PNoy sa pagpapaunlad at pagkakaloob ng hustisya sa bansa, as in naharap ang buhay ng Pangulo sa ilang matitinding pagsubok para ipaglaban ang interes at kagalingan ng mga Pilipino.
Pinuri rin ng opisyal ng Pransya ang mga magulang ng Pangulo na sina dating Senator Benigno ‘Ninoy’ Aquino, Jr. at dating Pangulong Corazon Aquino na nagpakita noon ng magandang mga halimbawa bilang mga lider ng bansa upang isulong ang pagpapanatili ng kalayaan at demokrasya.
Saludo rin ang mayorya o nakakaraming Pilipino sa mapayapang pamamaraan ng Pangulo na resolbahin ang mga panloob at panlabas na krisis ng bansa.
Laging tandaan: “Bata mo ko at Ako ang Spy n’yo.” (mgakurimaw.blogspot.com)
No comments:
Post a Comment