Friday, November 29, 2013

Dagdag-trabaho!



Dagdag-trabaho!
Rey Marfil

Sa tulong ng matuwid na daan ni Pangulong Noynoy ‘PNoy’ Aquino, magagarantiya natin na gagawin ng administrasyong ito ang lahat para maibigay ang hustis­ya sa mga biktima ng Maguindanao massacre.

Malinaw naman ang paninindigan ng Ehekutibo na tiyakin na labanan ang mga pagtatangka na antalain ang paglilitis sa gitna ng pahayag ni Judge Jocelyn Solis na humahawak sa kaso na pipiliting maibaba ang desisyon bago matapos ang termino ni Pangulong Aquino sa Hun­yo 30, 2016.

Simula’t sapul, klarung-klaro naman ang posisyon ng pamahalaan na magkaroon talaga ng mabilis na resolus­yon ang kaso. Kaya’t walang dapat ipagduda sa liderato ni PNoy na hinubog ng mga magulang sa makatwirang pamumuhay at pamumuno.

Ngunit, dapat nating unawain na hindi lamang nasa kamay ni PNoy o sinumang opisyal ng Malacañang ang mabilis at matagumpay na pagsusulong ng kaso laban sa mga akusado lalo’t nasa korte na ito.

Alam ni Mang Kanor, sampu ng mga kapitbahay nito na lubhang komplikado ang kaso na kinasasangkutan ng napakarami at maimpluwensiyang mga personalidad. Talagang maaapektuhan ang takbo ng malaking bilang ng mga saksi, akusado at testimonya na kailangang marinig.

Pero dapat ipagbunyi ang mahigpit na tagubilin ng Pa­ngulo sa mga kasapi ng prosekusyon na tiyaking hindi magtatagumpay ang mga taktikang nagpapatagal na ginagawa ng mga kalaban.
Ibig sabihin, masidhi ang paninindigan ng pamahalaan na kontrahin at palagan ang kahit maliit na hakbang na pahabain ang paglilitis.
***
Sa pamamagitan ng National Economic and Deve­lopment Authority (NEDA), inaprubahan ni PNoy ang pitong proyekto na may kinalaman sa imprastraktura, transportas­yon at pangkalusugan na nagkakahalaga ng P184.2 bilyon upang isulong ang ekonomiya ng bansa.

Ayon kay Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Herminio B. Coloma Jr., inaprubaha­n ng NEDA Board ang pitong proyekto kung saan ipatutupad ang anim dito sa ilalim ng Public-Private Partnership (PPP) program.

Layunin ng mga proyekto na gumagawa ng mga bago at isagawa ang rehabilitasyon ng pangunahing imprastraktur­a sa mga paliparan, light rail transits, ospital at iba pa para maisulong ang pangunahing serbis­yo at komersiyo.

Una sa listahan ng proyekto ang P64.9 bilyong LRT Line 1 South Extension Project na magdurugtong ng ektensiyon ng LRT Line 1 South.

Kasunod dito ang MRT 7 Project na nagkakahalaga ng P62.7 bilyon kung saan isasagawa ang konstruksyon ng 22.8 kilometrong rail system mula North Avenue patungong San Jose del Monte, Bulacan.

Ikatlo sa programa ang LRT Line 1 North Extension Program/Common Station na nagkakahalaga ng P1.4 bil­yon. Layunin nitong magkaroon ng “common station” ang LRT 1, MRT 3, at MRT 7 at maitayo ang tinatawag na road-based transportation systems.

Ikaapat sa proyekto ang Mactan-Cebu International Airport New Passenger Terminal Project na nagkakaha­laga ng P17.5 bilyon. Nakahanay rin ang Development Transportation System sa FTI at Philippine Reclamation Authority area.

Magsisilbi ang FTI na SLEX Terminal sa FTI property sa Taguig para pagsilbihan ang mga pasaherong bumibiyahe patungo at pabalik ng Laguna at Batangas. Mapupunta naman ang South Coastal Road Terminal sa PRA property beside Asia World Uniwide sa Manila-Cavite Expressway sa Parañaque City para sa mga pasaherong nag­lalakbay sa Cavite.

Inaprubahan rin ng NEDA Board ang P5.6 bilyong mo­dernisasyon ng Philippine Orthopedic Center. Kasama sa proyektong ito ang pagtatayo ng 700-bed na tertiary orthopedic hospital sa loob ng National Kidney and Transplant Institute Complex sa East Avenue, Quezon City.

Ikapito ang Bulacan Bulk Water Supply Project na panukala ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na nagkakahalaga ng P24.4 bilyon para tiyakin ang malinis na suplay ng tubig sa lalawigan ng Bulacan.

Dahil dito, matitiyak natin ang karagdagang mga trabaho sa ilalim ng matuwid na daan ni PNoy na labis na kailangan matapos sumalanta ang mga kalamidad sa bansa.

Laging tandaan: “Bata mo ko at Ako ang Spy n’yo”. (mgakurimaw.blogspot.com)

Wednesday, November 27, 2013

Walang pulitika!




Walang pulitika!
REY MARFIL


Maganda ang naging tugon ni Pangulong Noynoy ‘PNoy’ Aquino sa mga hamong iniwan ni super typhoon Yolanda, nagkataon nga lamang na likas sa pag-uugali ng mga kritiko at mga taong walang magawa sa buhay ang maghanap ng butas.

Ang masakit sa lahat, kung sinu-sino ang umaastang henyo sa trahedyang dala ni Yolanda gayong wala namang maisip na paraan para makatulong sa mga nasalanta, maliban sa dumakdak at ngumawa sa social media habang nakahiga sa kuwartong air-conditioned at malambot na kama.

Sa katunayan, nagpahayag ng pasasalamat si Leyte Gov. Dominic Petilla sa administrasyon ni Pangulong Aquino dahil sa tulong na ibibigay sa kanyang lalawigan para makabangon matapos ang pananalanta ng bagyo, dangan lamang hindi makita ng mga “maiingay” sa facebook at iba pang uri ng social media.

Positibong bagay rin ang buong suporta ng lalawigan sa mga inisyatibong isinusulong ng administrasyong Aquino sa pamamagitan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC). Kaya’t ‘di maiwasang mag-isip ni Mang Kanor kung sadyang “mutain” o bulag ang mga kurimaw kaya’t hindi nakikita ang magandang ginagawa ng pamahalaan.

Sa pamamagitan ni Tacloban City Administrator lawyer John Tecson Lim, sobrang pasasalamat ang ipinaabot nito sa pambansang pamahalaan o national government dahil sa malaking suportang ibinibigay sa lungsod, malinaw ang mensaheng ipinakita ni PNoy na walang pulitika kahit pa pilit iniintriga ng iilan at bigyang kulay ang magkaibang partidong kinabibilangan.

Nangangahulugan na sobrang nakikita ng lokal na pamahalaan ng Tacloban City ang malaking tulong na ibinibigay ng pamahalaan sa kanilang lugar. At mismong si PNoy, namalagi ng apat sa Tacloban. Unang binisita noong Nobyembre 10, pinakahuli nakaraang Nobyembre 17 hanggang 19, as in dalawang gabing natulog sa lungsod ang Pangulo.

***

Napag-usapan ang trahedya, mabilis ang pagkilos na isinasagawa ng pamahalaang Aquino para makabangon at maka­balik sa normal na buhay ang mga taong nabiktima ni super typhoon Yolanda, bitbit ang buong puwersa ng gobyerno.

Magandang balita rin ang pahayag ni Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan na hindi masyadong maapektuhan ng bagyo ang takbo ng ekonomiya ng bansa at posibleng mamantina ang pinupuntiryang paglago nito.

Isa pang good news ang paglulunsad ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Sec. Dinky Soliman sa programang “Food-for-Work” sa Tacloban City, isa sa mga lugar na grabeng sinalanta ng bagyo. Sa pamamagitan ng sistemang ito, hindi “isda” ang ipinamimigay ng gobyerno kundi “tinuturuang mangisda”, as in pagtatrabahuan ang nakukuhang benipisyo.

Naunang binuo ng Economic Development Cluster of the Cabinet ang interagency task force upang magsagawa ng agarang aksiyon sa muling pagbuo ng mga nasirang pasi­lidad, pagbabalik ng sosyal na serbisyo at muling pagbuhay sa mga aktibidad sa komersiyo at negosyo sa mga rehiyong tinamaan ni Yolanda.

Hindi ba’t nakakatuwa rin ang paniniyak ng Malacañang kaugnay sa tuluy-tuloy at walang puknat na pagkakaloob ng relief goods sa mga nasalanta, isang patunay ang ipinakitang pagtitiwala ng buong mundo sa kasalukuyang gobyerno o administrasyon para ipamahagi ang mga donasyon sa tunay na apektado at nangangailangan nito.

Magandang bagay din ang desisyon ng Bureau of Immigration and Deportation (BID) na luwagan ang mga kailangan sa visa at work permit para sa mga banyagang volunteers na nagnanais na tumulong sa bansa.
Laging tandaan: “Bata mo ko at Ako ang Spy n’yo”. (mgakurimaw.blogspot.com)

Monday, November 25, 2013

Mapalad pa rin!




Mapalad pa rin!
REY MARFIL


Kahit kinakabayo tayo ng kalamidad, masasabi pa rin natin na mapalad tayong mga Pilipino. Bakit ka ninyo?

Dahil minsan pa ay naipakita natin ang pagmamalasakit natin sa ating mga kababayan, at maraming bansa ang nagmamahal sa atin bilang nilalang sa mundo.

Ano pa nga ba ang kulang na delubyong inabot ng bansa natin? Sinabugan na tayo ng bulkan, rumagasa na ang lahar, umulan na ng bala, bumaha na ng tubig-ulan at dagat, at bumuka na ang lupa, pero nakatayo pa rin tayo at nakakangiti.

Dahil ika nga ay nasa “Pacific Ring of Fire” ang Pilipinas at isa tayong tropic country, sinasabing lantad ang ating bansa sa mga kalamidad gaya ng lindol, pagsabog ng bulkan, at bagyo. Pero nadagdagan pa ang peligro natin ngayon dahil sa climate change o pag-init ng mundo.

May mga naniniwala na ang lumalalang pag-init ng mundo ang isa sa mga dahilan kaya lumalakas ang mga bagyo tulad na lamang ng puwersang inihampas sa atin ng bagyong “Yolanda”. Bukod diyan, napapansin din na kahit walang bagyo, malalakas ang buhos ng ulan na dala ng mga habagat.

Batay sa mga lumabas na pag-aaral, kabilang ang Pilipinas sa limang pangunahing mga bansa sa mundo ang matinding maapektuhan ng climate change. Bukod kasi sa marami tayong isla, aminin natin na hindi pa tayo mayamang bansa kaya malaking pagsubok sa pamahalaan kapag nagkaroon ng matinding tama ng kalamidad gaya ng idinulot ni “Yolanda”.

Gayunpaman, masasabi nating mapalad pa rin tayong mga Pilipino dahil isang bansa tayo na may pagmamalasakit sa isa’t isa. Minsan pa, nakita natin ang pagdadamayan sa bilis ng pag-aksiyon ng ating mga kababayan na makatulong sa mga sinalanta ng bagyong itinuturing pinakamalakas na bagyo sa buong mundo ngayong taon; at kabilang sa mga pinakama­lakas na bagyo sa kasaysayan ng mundo.

Ang mga karaniwang tao, malalaking negosyante, mga sikat, hindi sikat, pulitiko, botante, at kung anu-ano pa, walang nasa isip kung hindi ang makatulong sa mga kababayan natin na nawalan ng bahay, kabuhayan at mga mahal sa buhay.

***

Hindi lang iyon, ilang araw matapos ang hagupit ni Yolanda, bumuhos din ang pakikisimpatya, pangakong tulong, donasyon at ayuda mula sa iba’t ibang bansa. Nakita natin ang malasakit ng mga bansang Amerika, Japan, Great Britain, Germany, Brunei, Canada, Singapore, France, India, Indonesia, South Korea, Saudi Arabia at iba pa.

Maging ang mga bansang nakairingan natin na Taiwan at China, ay nagbigay din ng kanilang ambag na pagtulong. Isama pa natin diyan ang Hungary, Brazil, Czech Republic, Turkey, S. Africa, Spain, Sri Lanka, Sweden, Ukraine, Slovakia, ang Vatican at marami pang ibang bansa na hindi mo aka­laing mapapansin ang Pilipinas.

Hindi lang ang mga local celebrity natin ang kumilos at dumamay sa mga nasalanta ng kalamidad, kundi maging ang mga international celebrities gaya nin Justin Bieber, Celine Dion, Jennifer Lopez, Scarlett Johansson, One Direction, Journey, Katy Perry at marami pang iba.

Bukod sa malasakit ng mundo sa mga Pilipino, isa pang dahilan kung bakit mapalad tayo ay dahil si Pangulong Noynoy ‘PNoy’ Aquino ang nakaupo ngayon. Sa ilalim ng kanyang pamamahala, matitiyak na hindi mawawaldas at mapupunta sa dapat na puntahan ang anumang tulong at donasyon para sa mga sinalanta ng mga kalamidad -- isa ring rason kung bakit madami ang tumutulong, as in tiwala ang lahat world leaders sa kanyang liderato.

Katunayan, bilang bahagi ng transparency sa mga tulong na nanggagaling sa ibang bansa, isang website ang inilaan para dito upang makita ng mga tao -- hindi lang sa Pilipinas kung hindi ng buong mundo -- kung magkano ang donasyon na pumapasok sa bansa at kung saan ito gagamitin para sa rehabilitasyon ng sinalanta ni Yolanda.

Ngunit bukod sa mga lugar na winasak ni Yolanda, maglalaan din ang Kongreso at pamahalaan ng kaukulang pondo para sa rehabilitasyon ng iba pang lugar na napinsala ng iba pang kalamidad gaya ng lindol sa Cebu at Bohol, gulo sa Zamboanga City, at bagyo sa Central Luzon.

Sa ngayon, bumuo na si PNoy ng task group o lupon na mamamahala sa rehabilitasyon ng mga lugar na sinalanta ni Yolanda. At gaya ng mga nagdaang kalamidad na pinagdaanan ng mga Pinoy kabilang na ang bagyong ‘Pablo’ na tumama sa Mindanao, tiyak na malalampasan din natin ang mga pagsubok na naranasan natin ngayong taon. Basta sama-sama, walang iwanan sa pagbangon ng Pinoy!
Laging tandaan: “Bata mo ko at Ako ang Spy nyo”. (mgakurimaw.blogspot.com)

Friday, November 22, 2013

Walang magawa sa buhay!



                                    Walang magawa sa buhay!


Kahit hindi nagkulang sa paalala sa peligrong bitbit ng Super Typhoon “Yolanda”, at pagsisikap na mahatiran kaagad ng tulong ang milyun-milyong sinalanta, marami pa rin ang pumuna sa naging pagkilos ng pamahalaan sa mga unang araw ng pagtama ng bagyo.

Ang masaklap lang nito, sa kabila ng pagiging abala ng marami na tumulong sa mga biktima ng kalamidad, mayroong ilan na abala naman sa pag-iisip kung papaano sisira­an ang gobyernong Aquino.

Kamakailan lang, para akuin ang buong responsibilidad at pananagutan sa paghahatid ng mga tulong sa mga biktima ni “Yolanda”, personal nang pinangasiwaan ni Pangulong Noynoy ‘PNoy’ Aquino ang relief operations. Sabi niya, mananatili siya sa lugar na sinalanta ng bagyo hangga’t hindi niya nakikitang bumubuti na ang kalagayan ng mga tao roon.

Kung tutuusin, handa naman at tanggap ng Palasyo ang mga kritisismo kung makakatulong iyon para mapabuti pa ang pagkilos ng pamahalaan sa pagtugon sa krisis. Pero ibang usapan na kung ang mga banat ay para lang makabanat at sinasamantala ang paghihirap ng marami para siraan lang ang administrasyon. 

Hindi na rin naman bago ang ginawang ito ni PNoy na maging “hands-on” sa mga bagay na nais niyang magawa agad nang tama. Hindi ba’t ilang araw din siyang nanatili sa Zamboanga City nang mga sandaling nakikipagbakbakan ang tropa ng pamahalaan sa mga lumusod na kasapi ng Mor­o National Liberation Front (MNLF).

Nang yanigin ng malakas na lindol ang Bohol at Cebu, nagtungo rin siya at natulog sa Bohol para personal na makita rin ang ginawang pagkilos ng gobyerno para maibalik kaagad sa normal ang buhay ng mga napinsalang mamamayan.

At kung pagbabasehan ang nangyari sa Zamboanga at Bohol na tinutukan ni PNoy ang operasyon, naging positi­bo ang resulta at madaling naisakatuparan ang mga dapat na maisagawa. Kaya naman ngayong nakatutok siya sa mga sinalanta ni “Yolanda”, makakaasa rin ang mga kababayan natin doon na mas magiging mabilis ang hakbang ng pamahalaan para makabalik sila sa normal nilang pamumuhay.

***

Ang kaso nga lang, tila may ibang hindi gustong mapabilis ang pagbangon ng ating mga kababayan. Sila rin ang taong tila ayaw yatang magtagumpay si PNoy at ang pamahalaan na maibalik kaagad sa normal ang mga sitwasyon sa mga sinalanta ng kalamidad, animo’y masaya kapag naghihirap ang mamamayan.

Mantakin niyo, habang abala ang marami sa pag-iisip ng kanilang magagawa para makatulong, mayroon naman aba­la rin sa pag-iisip kung papaano makakagulo at masisiraan si PNoy at ang gobyerno.

Gayunpaman, sa kabila ng limitadong kagamitan, ginagawa ng mga tauhan ng pamahalaan ang lahat ng kanilang makakaya para maihatid ang pangangailangan ng mga kababayan nating biktima ng kalamidad. Napakalaking tulong din ng ayudang ibi­nibigay ng mga bansang nagmamalasakit sa ating mga kababa­yan.

Pero kamakailan lang, tinawag ni deputy presidential spokesperson Abigail Valte ang pansin ng US cable news channel na CNN dahil sa kumakalat na peke at mapanirang mga larawan na nais palabasin na namumulitika si PNoy sa pagtulong sa ating mga kababayang biktima ng trahedya.

Simple lang ang pakay ng may pakana ng naturang larawan na may username na “Male22maroon”, ipakalat ang pekeng mga larawan at siraan si PNoy sa harap ng ginagawang pagsisikap ng Pangulo na matulungan ang mga biktima ni Yolanda. 

Kung sino ang posibleng nasa likod ng ganitong demolition job kahit malayo pa ang eleksiyon at hindi naman kakandidato si PNoy sa 2016 presidential elections, ika nga e, “your guess is as good as mine”. Laging tandaan: “Bata mo ko at Ako ang Spy n’yo”. (mgakurimaw.blogspot.com)

Wednesday, November 20, 2013

Dumamay na lang!




                                         Dumamay na lang!


Kasabay ng pagbuhos ng tulong sa mga sinalanta ng bagyong Yolanda ay ang ginagawang pagpupursige ng pamahalaang Aquino na makapagbigay kaagad ng ayuda sa mga na­ging biktima ng trahedya. Iyon nga lang, sa gitna rin ng mga pagsisikap ay hindi rin nawawala ang mga pambabatikos at paninisi.

Ang pagdaluyong ng tubig-dagat at malakas na ha­ngin at ulan na dinala ni Yolanda sa kalupaan ay tinapatan naman ng pagbuhos ng tulong mula sa ating mga kababa­yan at maging ng ibang bansa.
Pero dahil sa matinding pinsala sa mga lugar na tinamaan ng bagyo, hindi kaagad naipaabot ang tulong na hinihintay ng mga kababayan na­ting nangangailangan ng kalinga.

Sa totoo lang, nakatutuwa rin naman ang ipinakikitang pagkadismaya ng mga tao na ang hangad lang naman ay matanggap na ng mga biktima ng bagyo ang pinakahihintay na tulong. Indikasyon kasi iyon ng kanilang pagmamalasakit sa kapwa. 

Pero hindi naman yata makatwiran na ibuhos kay Pa­ngulong Noynoy ‘PNoy’ Aquino o sa pambansang gobyerno ang bunton ng sisi kung hindi man kaagad na naiparating ang mga relief goods sa mga biktima ni Yolanda.

Sa tindi kasi ng hagupit ni Yolanda, naparalisa ang lokal na pamahalaan o LGUs sa apektadong mga lungsod at munisipalidad. Sila kasi dapat ang unang tutugon o tutulong sa mga nasalanta nilang nasasakupan, at magsisilbi rin sanang katuwang ng pambansang pamahalaan sa pamamahagi ng tulong sa kanilang mga kababayan.

*** 

Anyway, papaano makakakilos kaagad-agad ang pambansang pamahalaan kung barado ng mga troso at iba pang kalat ang mga kalsada? Wala ring komunikasyon at kur­yente dahil bumagsak ang mga poste at tower. Papaano malilinis kaagad ang mga kalsada kung walang mga gamit tulad ng traktora? Kung mayroon man masasakyan, wala namang krudo o magpapatakbo dahil aba­la ang lahat sa pag-asikaso rin sa kanilang mga kaanak na nabiktima rin ng kalamidad. Hindi kaagad nagamit ang mga pantalan dahil din sa mga nakakalat at nasira maging ang ilang paliparan.

Gaya halimbawa ng puwersa ng kapulisan sa isang lungsod na halos 10 porsiyento lamang ng mga pulis ang nakapagpakita sa kanilang himpilan dahil ang 90 porsiyento sa kanila ay kailangan ding asikasuhin ang kani-kanilang pamilya at mga kamag-anak na biktima rin ng bagyo. 

May isang mag-asawa sa Ormoc City na naging abala sa pagtulong sa iba ng kasagsagan ng pananalasa ni Yolanda, at pag-uwi nila, masamang balita ang kanilang dinatnan dahil nasawi na pala ang kanilang anak dahil sa bagyo.

Ganito ang sitwasyon sa maraming lugar sa mga sinalanta ni Yolanda sa Samar at Leyte, sa Iloilo at Capiz. Hindi pangkaraniwang pinsala ang inabot nating trahedya kung ikukumpara sa nakasanayan na nating mga bagyo na nagdudulot lamang ng baha at pagbagsak ng puno sa iilan lang na lugar na kayang pagtuunan kaagad ng atensiyon ng lokal na pamahalaan at suportado ng pambansang gobyerno.

Madaling maghanap ng masisisi, madaling sabihin ang mga nasa isip na gustong gawin; pero ibang usapan na kung ikaw ang nasa mismong lugar ng trahedya at batid mo ang limitas­yon na maaaring gawin.

Gaya ng pagbilang ng isa hanggang sampu, kailangan munang magbilang ng apat na numero bago marating ang nasa gitnang numero na lima kung sisimulan ang pagbibi­lang sa isa (pataas) o sa 10 (pababa).  

Ganito rin ang sitwasyon sa mga lugar na sinalanta ni Yolanda na kailangan munang daanan at linisin ang mga kalsada, ang mga pantalan at paliparan para marating ang pakay na lugar para maihatid ang tulong sa mga unang araw ng trahedya.

Sa kabila ng limitadong kagamitan ng gobyerno sa harap ng napakatinding trahedya na ikinagulat maging ng buong mundo, ginagawa ni PNoy at mga opisyal at kawani ng pamahalaan ang lahat ng kanilang magagawa para maibsan ang paghihirap ng ating mga kababayan. At sa dalang tulong at kagamitan ng ibang bansa, maisasakatuparan ito sa lalong madaling panahon.

Kapit lang mga kababayan, walang bibitiw at sama-sama tayong babangon gaya ng ginawa na natin sa mga nagdaang pagsubok. Laging tandaan: “Bata mo ko at Ako ang Spy n’yo”.(mgakurimaw.blogspot.com)

Monday, November 18, 2013

Bato lang ang ‘di maantig!




Bato lang ang ‘di maantig!
REY MARFIL


bangkay sa bangketa at mga buhay na naghahanap ng nawawala nilang mahal sa buhay, o ng pagkain para manatili silang buhay. Ganito ang sitwasyon sa mga lugar na matinding sinalanta ng bagyong Yolanda gaya ng Tacloban City sa Leyte. At sa ganitong sitwasyon, walang puwang ang mga manhid at intrigero.

Sa panibagong pagkakataon, ipinakita muli ng kalikasan ang kanyang puwersa -- hindi lang sa ating mga Pilipino kung hindi sa buong mundo. Ipinaalala niya na kaya niyang burahin sa mapa ang isang barangay, lungsod, lalawigan o ang isang bansa sa isang iglap.

Hindi nagkulang ang pamahalaang Aquino sa pagbibigay ng babala sa lakas at peligrong kayang gawin ni Yolanda. Katunayan, isang araw bago ang inaasahang pagtama niya sa kalupaan, nagbigay ng nationwide address si Pangulong Noynoy ‘PNoy’ Aquino para muling manawagan sa lahat na magka­isa at makiisa upang makaiwas sa sakuna. Gayunman, hindi natin malalaman ang tunay na epekto ng bagyo hangga’t hindi natin siya nararamdaman at marami sa ating mga kababa­yan na nalaman ang bangis ni Yolanda.

Marahil sa mga dalubhasa na nag-aaral sa iba’t ibang uri ng bagyo, masasabi nilang “perfect storm” si Yolanda. Bukod sa malakas na hangin at maraming ulan, nagdala rin si Yolanda ng tubig mula sa dagat na tinatawag na “storm surge”. Sa mga lugar, naranasan ang pag-ahon ng tubig-dagat sa kalupaan na umabot ng hanggang 10 talampakan, may nagsasabing dapat palitan na ang tawag sa “storm surge” sa salitang higit na madaling mauunawaan ng publiko.

Marahil, puwedeng ipalit dito ang tawag na “sea surge” o “wave surge”, na sa simpleng paliwanag ay pag-apaw ng dagat dahil sa puwersa ng hangin. Kung tutuusin, hindi naman ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ng “storm surge” kapag may mga bagyo. Iyon nga lang, nabigyan na siya ng lubos na pansin dahil nakita natin ang matindi nitong epekto dahil kay Yolanda.

Marami kasing kaso ng “storm surge” na ang karaniwang pinsala lang ay mga nasisirang bahay sa tabing-dagat dulot ng paglakas ng hampas ng alon. Bibihira ang naiuulat na nasawi sa “storm surge” dahil nakalilikas na sa mas ligtas na lugar ang nakatira sa tabing-dagat bago pa man lamunin ng alon ang kanilang kabahayan. Pero sa kaso ni Yolanda, umabot hanggang sa kabayanan ang dagat na mistulang “tsunami”.

***

Ang pagragasa ng dagat ang hindi inasahan ng ating mga kababayan kahit pa karaniwan na nilang nararanasan sa panahon ng bagyo na may malakas na hangin at ulan... pero walang pag-apaw ng dagat. Ang resulta, ang pagkawala ng maraming buhay.

Ngunit kung hindi marahil naging maigting ang pagbibigay ng babala ng pamahalaan at pagpapakalat ng media ng kaukulang impormasyon, baka mas marami pa ang nasawi kung pagbabatayan ang delubyong ipinakita ni Yolanda.

Kilala ng publiko ang ating PNoy na lubhang nagbibi­gay pahalaga sa buhay ng mga tao. Nakita natin iyan sa nangyaring pag-atake ng ilang tagasunod ni Nur Misuari sa Moro National Liberation Front sa Zamboanga City. 

Kahit maaari namang salakayin ng tropa ng pamahalaan ang posisyon ng MNLF upang matapos kaagad ang krisis, mas binigyang halaga ni PNoy ang buhay ng mga bihag na sibil­yan at maging ng mga kasapi ng MNLF na posibleng nalinlang lamang ng kanilang mga pinuno. Inabot man ng tatlong linggo ang krimen, iilan lang ang buhay ng sibilyan ang nasayang.

Kaya hindi natin masisisi si PNoy kung maging emosyonal siya sa tindi ng pinsala ni Yolanda at sa posibleng dami ng buhay na nawala. Tao ang ating Punong Ehekutibo, may damdamin at malasakit sa buhay ng bawat isa. Kaya hindi rin kaiga-igaya na makarinig sa ganitong pagkakataon ng mga mang-iintriga at mag-iimbento ng espekulasyon sa mga ginagawang hakbang ng pamahalaan upang matulungan ang mga nakaligtas sa delubyo.

Sa halip na maghanap ng maipansisisi sa gobyerno, mas makabubuting maghanap ng paraan kung papaano makatutulong sa mga sinalanta nating kababayan. Kung wala ring lang maitutulong, makabubuting manahimik at magdasal, at nang hindi na makadagdag sa problema.
Laging tandaan: “Bata mo ko at Ako ang Spy n’yo.” (mgakurimaw.blogspot.com)

Friday, November 15, 2013

Sa kabila ng kontrobersya!


                                        Sa kabila ng kontrobersya!

           
Sa mga nakakaiyak na balita tungkol sa mga kontrobersya ng pork barrel fund at ni Janet Lim-Napoles, may magandang balita tungkol sa ekonomiya ng bansa pero baka hindi mabigyan ng sapat na pansin dahil hindi kaintri-intriga.
Hindi pang-telenobela ang good news na hatid sa bagong marka na nakuha ng Pilipinas sa World Economic Forum’s (WEF) Global Competitiveness Report. Pero dapat itong ikatuwa ng mga Pinoy dahil magpapakita ito na tuloy ang trabaho ng gobyernong Aquino sa kabila ng mga intriga sa isyu ng pork barrel fund ng mga mambabatas.
Ang magandang balitang hatid ng WEF, ang pagtaas ng “competitive standing” ng Pilipinas sa 59th spot ngayong 2013, na mas mataas sa 65th spot natin noong 2012.
Hindi biro ang pagtaas ng ating marka dahil nasa 148 bansa ang mino-monitor sa WEF report na ginagawa taun-taon. Dito ay sinusukat ang kakayanan ng isang bansa na makipagsabayan sa larangan ng pagnenegosyo at pag-angat ng kabuhayan ng kanilang mamamayan.
May mga “indicator” na ginagamit ang WEF para makita kung umaangat o bumababa sa kanilang monitoring system ang bansa. Kabilang sa mga indicator na ito ay ang domestic market size index, affordability ng financial services, madaling pagkuha ng loans, regulation ng securities exchanges, pati na rin ang financing sa pamamagitan ng local equity market.
Bukod sa magandang competitive ranking ng bansa, isa pang magandang balita ang economic growth ngayong ikalawang bahagi ng taon matapos makapagtala ng mataas na 7.5% growth rate.
Hindi ito nalalayo sa 7.6% na naitala ngayong unang bahagi ng 2013, kaya naman inaasahan na makakamit natin ang mas mataas na paglago ng ekonomiya sa pagtatapos ng taon na 6 hanggang 7 porsiyento.
***
Napag-uusapan ang growth rate, napantayan din ng Pilipinas ang China ngayong second quarter, na itinutu¬ring pinakamabilis na mga bansang kasapi ng Association of Southeast Asian Nation. Naungusan natin ang Indonesia (5.8%), Vietnam (5%), Malaysia (4.3%), Singapore (3.8%) at Thailand (2.8%).
Magandang malaman ang ganitong mga balita dahil pagpapakita ito na hindi nalilihis ang atensyon ng pamahalaang Aquino sa pagpapalago ng ekonomiya ito’y kahit pa abala rin ang gobyerno sa pagsasaayos sa kung papaano gagamitin ang pondo ng bansa sa 2014 at ang masamang epekto sa agrikultura, at imprastraktura ng mga nagdaang kalamidad.
Isipin na lang natin ang pinsala ng nagdaang dalawang bagyo na sumira at lumunod ng mga taniman at palayan, nagpabagsak ng mga tulay at sumira ng mga kalsada.
Hindi ba sayang ang bilyun-bilyon na gagastusin muli ng gobyerno para ipaayos ang nasirang mga imprastraktura na pondo na sana’y magagamit sa iba pang proyekto o programa?
Hindi ba’t sayang din ang mga nasirang palay o mais o saging na malapit nang anihin ng ating mga kababayan na dahil sa kalamidad ay kakailanganin muli nilang umutang ng puhunan at bumangon muli sa dagok sa buhay na kanilang naranasan?
Pero dahil sa magandang takbo ng ekonomiya at katatagan ng pamahalaang Aquino sa tamang paggamit ng pondo ng bayan, may magagamit ang gobyerno upang isaayos kaagad ang mga nasirang imprastraktura, at mabigyan ng ayuda ang mga nasalanta upang matulungan sila sa pagbangon sa kanilang kinalalagyan.
Umasa tayo na pagkatapos ng mga kontrobersya, intriga at kalamidad, kapag nahawi na ang ulap ika nga, lalabas din ang nakangiting sikat ng araw.

Laging tandaan: “Bata mo ko at Ako ang Spy n’yo.” (mgakurimaw.blogspot.com)

Wednesday, November 13, 2013

Wala sa katinuan!




                                        Wala sa katinuan!



Hindi ba’t kapuri-puri ang desisyon ng administrasyong Aquino na maglaan ng P2 bilyong pondo para suportahan ang apektadong overseas Filipino workers (OFW­s) sa Saudi Arabia.

Bibigyan ng pamahalaan ang OFWs ng tsansa na magkaroon ng sariling negosyo sa pamamagitan ng pagsisi­mula ng maliit na negosyo lalo’t tumitindi ang paghuli sa ilegal na OFWs na nasa Saudi Arabia.
Ipinapakita lamang ni Pangulong Noynoy ‘PNoy’ Aquino ang kanyang malaking puso at suporta sa laban ng OFWs.

Kumikilos ang pamahalaan sa pamamagitan ni Vice President Jejomar Binay, Presidential Adviser on OFW Concerns, na nakatutok sa kapakanan ng OFWs, kabilang dito ang pagpapadala ng opisyal ng liham ng apela kay Saudi King Abdullah Bin Abdulaziz Al Saud para bigyan pa ng ekstensiyon ang OFWs na maisaayos ang kanilang mga papeles matapos mapaso ang palugit noong Nobyembre 3.

Matapos pumutok ang nasabing palugit, asahang patitindihin ng pamahalaang Saudi ang paghuli sa mga kababayan nating OFWs at iba pang mga dayuhan na nananatili sa nasabing bansa.

Malaking tulong nga naman talaga ang ilalaang pondo ng pamahalaan para mabigyan ng pagkakataon at oportunidad ang OFWs na nagbalik sa bansa na muling magsimula.

***

Kung talagang pambansang interes ang iniisip ng website hackers na nagtatago sa pangalang Anonymous Philippines, dapat tumigil na ang mga ito sa paninira ng go­vernment websites dahil karagdagang gastos lamang ang ibinubunga ng ilegal nilang aktibidad.

Magagamit sana ang pondo sa pagkumpuni ng sinirang websites upang matulungan ang mga mahihirap na nangangailangan ng iba’t ibang pangunahing serbisyo.

Nakakahiya ang ginagawa ng hackers na kontra kuno sa pork barrel system matapos atakehin ang website ng Office of the Ombudsman at 37 iba pang tanggapan ng pamahalaan.

Tama ring palakasin ng mga ahensiya ng pamahalaan ang kanilang depensa laban sa mga naninira ng websites lalo pa’t madidiskaril ang operasyon o trabaho.

Maganda ring tukuyin ang mga nasa likod ng paninira at kasuhan ang mga ito upang managot. At asahang meron masasampolan sa pananabotahe ng mga websites.

Ang tanong ni Mang Kanor: Hindi ba nauunawaan ng hackers na ibinasura na ng Kamara de Representantes ang priority development assistance fund (PDAF) o pork barrel nang ipasa sa ikatlo at huling pagbasa ang P2.268-tril­yong general appropriations bill (GAB) sa susunod na taon?

Mayroon ngang problema sa pork barrel, pero dapat maunawaan din ng mga kritiko ang malaking pakinabang ng publiko rito, lalung-lalo na ang mga mahihirap na umaasa ng mga pasilidad katulad ng mga silid-aralan at kalsada at maging ang scholarship at suportang medikal sa mga nangangailangan.

Hindi rin ba nauunawaan ng hackers na ang pagpapahayag ng saloobin at reklamo ay hindi ganap na karapatan sa ilalim ng Konstitusyon, maliban kung sadyang maki­tid ang kukote ang pag-iisip, as in ga-lamok ang utak ng mga ito?

Hirit ni Mang Gusting, merong pananagutan ang bawat isa at hindi maaaring lumabag sa umiiral na mga batas at alituntunin. Iyan ang nakalimutan ng hackers. La­ging tandaan: “Bata mo ko at Ako ang Spy n’yo”. (mgakurimaw.blogspot.com)

Monday, November 11, 2013

Laway lang!

                                             

                                          Laway lang!


Makatwiran at nararapat ang pahayag ni Pangulong Noynoy ‘PNoy’ Aquino na hindi titigilan ng pamahalaan ang mga nasa likod ng katiwalian na nambulsa ng milyun-milyong halaga ng pork barrel.

Dapat suportahan ng publiko si Pangulong Aquino sa paghahabol sa mga nasasangkot sa maling paggamit ng Priority Deve­lopment Assistance Fund (PDAF). Hindi tamang binabaligtad ng mga nasasangkot ang isyu para makaiwas sila sa pananagutan.

Samahan natin ang Pangulo sa kanyang paglaban para sa prosekusyon at pagpapabilanggo ng mga pulitikong nambulsa talaga ng pondo ng taumbayan.

Umaasa ako na magkakaroon ng malusog at matalinong diskusyon ang mga tao sa nangyayaring mga isyu para malaman ang katotohanan.

Naniniwala si Mang Kanor sa katalinuhan ng publiko na ihiwalay ang katotohanan sa kasinungalingan lalo’t kitang-kita ang dedikasyon ni PNoy na labanan ang katiwalian sa bansa.

Hanggang sumusuporta ang maraming Pilipino sa Pangulo, sigurado tayong magtatagumpay ang ginagawa niyang kampan­ya sa pagsugpo ng kahirapan.

Dahil nakikita naman ang malaking reporma at pagbabago, siguradong mananatili sa tabi ng Pangulo ang publiko. At nga­yong magkakasunod ang kalamidad -- dito makikita ang kaha­lagahan ng social funds na binabatikos ng mga nagmamagaling sa pamamalakad.

Kung wala ang calamity fund na pilit pinapalabas ng mga kritiko ni PNoy na isang dambuhalang pork barrel, paano tutulu­ngan ng gobyerno ang mga tinamaan ng lindol sa Bohol, pinaka-latest ang milyong Pilipino na binayo ni Yolanda sa Visayas region. Kahit ipaputol pa ni Mang Kanor ang lahat ng daliri sa kamay at paa nito, napakalaking kalokohan kung magpapaluwal o aabonohan ng mga kritiko ng Pangulo ang panggastos, eh puro laway lang sa harap ng camera ang alam ng mga ito!

Tama ring idepensa ng Pangulo sa kanyang talumpati ang paggamit ng Disbursement Acceleration Program (DAP) dahil mahalaga ang nagawa nito sa ekonomiya sa pamamagitan ng tamang paggugol katulad ng konstruksiyon ng iba’t ibang mahahalagang mga imprastraktura, technical training programs at rehabilitasyon ng Zamboanga City.

***

Sapantaha ni Mang Gusting, bunga lamang ng hindi “accurate” na pananaw ang resulta ng pinakabagong Social Weather Stations (SWS) survey na nagsasabing tumaas sa 400,000 ang bilang ng mga pamilyang Pilipino na ikinonsidera ang kanilang mga sarili na mahirap sa nakalipas na tatlong buwan.

Base sa resulta ng SWS survey, lumabas na 50 porsiyento ng pamilyang Pilipino o 10.8 milyon ang inilarawan ang kanilang mga sarili na mahirap, bahagyang mataas kumpara sa naitalang 49% o 10.4 milyon noong nakalipas na Hunyo.

Hindi talaga ito ang makatotohanang kalagayang pang-ekonomiya ng bawat pamilyang Pilipino.

Higit na nakakalungkot dito ang pagkakaroon ng mistulang “standard” o pamantayang sagot ng bawat Filipino na sumasagot na “katulad pa rin ng dati” ang kanilang buhay tuwing tinatanong ang kanilang kalagayang pang-ekonomiya.

Nababago lamang ang ganitong sagot kung talagang nagkaroon ng malaking pagbabago sa buhay na para bang tumama sa lotto.

Ibig sabihin, nagiging bahagi na ng kultura ng mga Pilipino ang pagsagot ng “walang pinagbago”.

Gayunpaman, asahan nating pinag-aaralang mabuti ng administrasyong Aquino ang resulta ng survey upang mas lalo pang mabigyan ng magandang oportunidad sa buhay ang mga mahihirap.

Ikonsidera rin natin na limitado ang oportunidad sa trabaho sa sektor ng konstruksiyon dahil isinagawa ang survey sa kasagsagan ng tag-ulan na pinatindi pa ng suliraning dala ng natural na mga kalamidad katulad ng bagyo at lindol.

Kaya talagang mabigat ang mga panahon na iyan, hindi natin maaasahan masyado na bubuti ang lagay ng mga oportunidad mula Hunyo hanggang Setyembre para sa ilang sektor.

Ngunit, malaki ang paniniwala ko na sa kabila ng kontro­bersiya sa pork barrel, Malampaya at DAP, magkakaroon ng magandang bunga ang mga pagsusumikap ni PNoy sa buhay ng mga Pilipino, lalung-lalo na ang mga mahihirap sa pagtatapos ng taon.

Maraming mga programa ang pamahalaan para maisulong ang kagalingan at interes ng mga mahihirap katulad ng Philhealth, patuloy na pagtaas sa badyet ng conditional cash transfer (CCT) at iba pa. Laging tandaan: “Bata mo ko at Ako ang Spy n’yo”. (mgakurimaw.blogspot.com)

Friday, November 8, 2013

Leksyon!




Leksyon!




Simula nitong Nobyembre 3, magsisimula nang hulihin ng mga awtoridad sa Kingdom of Saudi Arabia ang mga hindi dokumentadong mga dayuhang manggagawa na nasa kanilang bansa, kabilang na rito ang ating mga kababayang overseas Fi­lipino workers o OFWs. 

Ang paghihigpit na ito ng nasabing kaharian sa Gitnang Silangan ay bahagi ng kanilang programa na una­hing mabig­yan ng trabaho ang kanilang mga kababayan.

Ang masaklap nga lamang sa sitwasyong ito, marami pa rin sa ating mga kababayang OFW na hindi dokumentong nagtatrabaho roon ang hindi nakumpleto ang dokumentasyon at na­nganganib silang maaresto. At kung pagbabata­yan ang mga nakaraang mga ulat tungkol sa mga kababa­yan nating nahuhuli roon, hindi kaiga-igaya ang kanilang mga naging karanasan.

Kung tutuusin, ginagawa naman ng mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan sa pangunguna ng Department of Fo­reign Affairs (DFA) ang kanilang magagawa para matulungan ang ating mga kababayan, alinsunod na rin sa na­ging utos ni Pangulong Noynoy ‘PNoy’ Aquino.  

Matapos kasing ianunsiyo ng KSA ang kanilang Saudization program ilan buwan na ang nakalilipas, sini­mulan na rin ang DFA ang kanilang panawagan sa mga OFW na ayusin ang kanilang mga dokumentasyon para maging legal ang pananatili nila roon.

Umabot na sa 4,420 OFWs ang matagumpay na naiuwi sa Pilipinas, may 1,500 pa hinihintay ang exit visa at may ilan libo pa ang may problema sa dokumentas­yon at namimiligrong madakip. Tinatayang nasa isang milyon ang mga Pinoy na nagtatrabaho sa kaharian ng Saudi Arabia.

At sa kabila ng paulit-ulit na mga babala, marami pa rin sa ating mga kababayan ang nais makipagsapalaran sa ibang bansa na tila tumatawid lang sa EDSA at nakiki­pagpatintero sa ka­pahamakan. May ilan na gustong manatili sa KSA kahit isugal ang kanilang kalayaan sa katwirang wala rin naman silang katiyakan na may makukuhang trabaho kapag umuwi ng Pilipinas.

Ang hindi nila naisip, mas ligtas sila sa Pilipinas at kahit papaano ay may makukuha rin naman silang trabaho dito, iyon nga lang marahil ay hindi kasing-laki ang sahod na maaari nilang ki­tain sa Saudi. Ang ganitong mentalidad ng ilan nating kababa­yan ay hindi lang sa KSA umiiral kundi maging sa ibang bansa kung saan sila nakikipagsapalaran.

***

Napag-usapan ang “Saudization”, bago mapauwi ng Pili­pinas ang isang OFW, kailangan niyang makakuha ng “exit visa” na maibibigay lamang kung may clearance siya sa kanyang naging amo. Pero papaano siya makakakuha ng clearance kung nilayasan o tinakasan niya ang kanyang amo? Ang iba, hindi lang dalawa o tatlong beses nakapagpalit ng amo habang nagtatago.

Bukod diyan, may karampatang multa rin ang bawat buwan o taon ng pagiging illegal worker. Kaya naman marami sa mga pinapauwing hindi dokumentadong OFW ang may ma­laking binabayaran upang makakuha sila ng exit visa, maliban na lamang kapag winave o hindi na ito sisini­ngil ng gobyerno ng KSA.

Sa kabila ng mga problemang ito ng mga kababayan natin sa KSA, ginagawa pa rin ng pamahalaang Aquino sa pa­ngunguna ng DFA na maiuwi ang mga hindi dokumentadong OFWs. Iyon nga lang, ngayon ay nakikita na kung gaano sila kadami kaya hindi rin ganu’ng kadali ang pagproseso sa kanilang dokumento.

At sa mga grupo na walang ginawa kundi sisihin at batikusin ang gobyerno sa ganitong mga pagkakataon, bakit hindi kaya kayo mismo ang magpayo sa ating mga kababa­yang OFWs na hindi sila dapat mangibang bansa o manatili sa kinala­lagyan nilang bansa kung hindi rin naman legal ang pana­natili roon para makaiwas sa kapahamakan. La­ging tandaan: “Bata mo ko at Ako ang Spy n’yo”.(mgakurimaw.blogspot.com)

Wednesday, November 6, 2013

Sino ang kontrabida?



                                            Sino ang kontrabida?


Ngayong tapos na ang halalang pambarangay, tiyak na balik na muli ang atensiyon ng mga kritiko ng administrasyong Aquino sa kontrobersiyal na usapin ng pork barrel fund at Disbursement Acceleration Program (DAP). Pero papaano naman ang rehabili­tasyon ng mga lugar na sinalanta ng mga nagdaang kalamidad?

Marahil habang abala si Pangulong Noynoy ‘PNoy’ Aquino at kanyang mga opisyal sa pagpaplano kung papaano maibabalik sa normal ang buhay ng mga taong sinalanta ng baha sa Luzon, panununog sa Mindanao at lindol sa Visayas, mayroon namang iba ay abala sa pag-iisip kung ano pa ang puwede nilang gawin para siraan ang gobyerno.

Sa naging resulta ng pinakahuling survey ng Pulse Asia na nagpapakita na hindi naapektuhan ng kontrobersiya ng pork barrel ang tiwala ng publiko kay PNoy, tiyak na lalo pang magiging agresibo ang mga kalaban ng gobyerno sa pagbatikos sa DAP na idinidikit nila sa Pangulo.

Sa isa pa kasing survey na gawa naman ng Social Weather Station, bagaman natapyasan ang trust rating ni PNoy dahil sa isyu ng pork barrel scandal, nananatili pa ring mataas (mula sa “very good” ay naging “good”) ang marka ng Pangulo.

Isa pa malamang sa makakadagdag sa ngitngit ng mga kritiko ni PNoy ay ang naging pananaw ng ilang foreign correspondents na tila “Teflon” o hindi na tinatablan ng paninira ang Pa­ngulo. In short, kahit anong puna at kritisismo kay PNoy ay tila hindi na pinaniniwalaan ng publiko kaya nananatiling mataas ang nakukuha niyang marka sa pamamahala at tiwala ng bayan.

Kaya naman hindi magiging kataka-taka kung paigtingin pa ngayon ng mga kritiko ng administrasyon ang pagtuligsa sa DAP at iba pang pondo na galing sa Office of the President na magagamit sa pagtulong sa mga nasalanta ng kalamidad.

Gaya na lamang ng calamity at contingency funds at DAP na itinuturing ng iba na pork barrel daw ni PNoy. Nais nilang palabasin na lahat ng “discretionary funds” o pondong maaaring gamitin sa basbas ng Pangulo ay “pork barrel” na gaya ng kontrobersiyal na Priority Development Assistance Fund o PDAF ng mga mambabatas.

***

Kahit ilang beses nang naipaliwanag ng mga opisyal na iba ang DAP sa PDAF, may mga nagpipilit pa rin na palabasin na iisang kulay ito para kainisan ng mga tao. Maging ang calamity at contingency funds na ginagamit sa mga kalamidad ay ginagawang intriga sa pamamagitan ng pagkuwestiyon kung saan napunta ang pondo. Aba’y hindi ba nila nabalitaan ang mga kalamidad na nangyari sa bansa tulad ng malalakas na ulan kahit Habagat pa lang at wala pang bagyo?

Hindi ba nila napanood sa telebisyon o napakinggan sa radyo kung ilan ang mga taong lumilikas at kailangang paka­inin at tulungan sa mga evacuation centers? Aba’y hindi rin naman maipapagawa ang nasirang kalsada o tulay dahil sa baha o lindol o iba pang uri ng kalamidad kung hindi popondohan ng gobyerno.

At sa lahat ng naging pinsala sa pagbaha na naganap sa Central Luzon dahil sa mga pag-ulan, ang pinsalang nangyari sa pagsalakay ng ilang kasapi ng Moro National Libera­tion Front (MILF) sa Zamboanga City, at pinsalang idinulot ng lindol sa Visayas, malaking pondo ang kakailanganin ng pamahalaang Aquino para maisaayos ang mga lugar na naapektuhan sa lalong madaling panahon.

Nasabi na ni PNoy na kabilang sa paghuhugutan ng pondo para sa rehabilitasyon ang savings o naipon na pondo ng gobyerno na siya ring sinasabing pinagkunan ng DAP. Kung magagawa kaagad ni PNoy ang kanyang hangarin na maibangon ang mga napinsalang lugar, natural na matutuwa ang mga tao sa kanya.

Bagay na tiyak na hindi naman ikatutuwa ng mga kritiko ni PNoy kaya asahan na gagawa rin sila ng paraan para maantala ang rehabilitasyon sa mga nasalantang lugar para may maipupuna at maipipintas pa rin sila sa Pangulo at palabasin na hindi sila ang kontrabida sa ganitong sitwasyon. La­ging tandaan: “Bata mo ko at Ako ang Spy n’yo”. (mgakurimaw.blogspot.com)

Monday, November 4, 2013

May pagkalinga!



May pagkalinga!
REY MARFIL


Mahal ni Pangulong Noynoy ‘PNoy’ Aquino ang masa, lalung-lalo na ang sektor ng Persons with Disabilities (PWDs) nang isama sa inilunsad na bagong PhilHealth’s benefit package ang pagkakaloob ng prosthetic legs at iba pang serbisyong pangkalusugan sa mga indibidwal na nawalan ng mga hita.

Makatwirang papurihan si PNoy matapos pangunahan ang paglulunsad ng bagong programa ng pamahalaan na isinagawa sa Heroes Hall sa Malacañang Palace kamakailan.

Kapuri-puri ang programang ito ng Pangulo na isasakatuparan sa pamamagitan ng bagong lungsad na Z-MORPH (Z Benefits Rate for Mobility, Orthosis, Rehabilitation, Prosthesis Help) benefit package.

Layunin nitong magkaloob ng ayuda sa PWDs katulad ng prosthetic legs at iba pang serbisyo sa mga hindi makalakad dahil sa kawalan ng biyas o naputulan ng hita.

Sa ilalim ng Z-MORPH benefit package, nakapaloob dito ang inisyal na benepisyo na external lower limb prosthesis sa halagang P15,000 bawat limb o P30,000 sa dalawa.

Inilunsad ng PhilHealth ang makasaysayang Z Be­nefits Packages noong Hunyo 21, 2012 para pagkalooban ng ayuda ang mga kasaping mayroong sakit na prostate cancer, acute lymphocytic leukemia, breast cancer, kidney transplant, coronary artery bypass, total correction of Tetralogy of Fallot at pagsasara ng ventricular septal defect.

Nakakabilib din ang paglipat ng PhilHealth mula sa tradisyunal na Fee-for-Service (FFS) tungong case-based payment system para sa lahat ng tinatawag na compensable medical at surgical cases.

Sa ilalim ng case-based payment system na tinatanggap sa buong mundo, babayaran na ang halaga ng gagawing procedures bago pa man din ito isagawa.

Ibig sabihin, malalaman na kaagad ng miyembro ang halaga ng magiging obligasyon at hindi maaaring magdag­dag ang ospital.

***

Hindi lang ‘yan, sa tulong na rin ng malinis na pamamahala ni PNoy, nakakabilib ang pagkakasama ng Pilipinas sa 10 nangungunang “most improved economies” sa usapin ng mga regulasyon sa negosyo sa nakalipas na taon base sa pinakabagong edisyon ng World Bank’s Doing Business Survey.

Ayon sa World Bank Group’s “Doing Business” report na inilabas kamakailan, napabuti ng Pilipinas ang estado nito ng 30 puwesto matapos ang serye ng mga repormang ipinatupad ng administrasyong Aquino.

Base sa survey na “Doing Business 2014: Understanding Regulations for Small and Medium-Size Enterprises”, sinabi ng World Bank (WB) na kasama ang Pilipinas sa mga bansa na nagpatupad ng tatlong reporma sa larangan ng negosyo.

Nagawa kasi ng pamahalaan na mapadali ang pagkakaroon ng negosyo sa Pilipinas kung saan hindi na nahihirapan ang mga negosyante na kumuha ng construction permits, pangungutang at pagbabayad ng buwis.

Sa pinakabagong ulat, nasa ika-108th na ranggo na ang Pilipinas sa hanay ng 189 na mga bansa, mas mataas ng 30 posisyon kumpara sa 138th spot noong nakalipas na taon.

Pinakamalaking positibong pagbabago ito sa estado ng Pilipinas sa larangan ng negosyo base sa 12-taong kasaysayan ng survey.

Ikaanim naman ang Pilipinas sa ASEAN, mas mataas sa Indonesia na nasa ika-120th spot.

Kabilang sa ibang bansa na nasa top 10 ng most improved economies ang Ukraine, Rwanda, Russia, Kosovo, Djibouti, Ivory Coast, Burundi, Macedonia at Guatemala.

Kinilala ng WB ang paglulunsad ng bansa sa tinatawag na fully operational online filing at pagbabayad ng buwis. Pinuri rin ng WB ang “simplified” occupancy clearances kaya naging madali ang pagkuha ng construction permit.

Nangunguna pa rin ang Singapore bilang most business-friendly economy sa buong mundo na sinundan ng Hong Kong, New Zealand, United States at Denmark.
Laging tandaan: “Bata mo ko at Ako ang Spy n’yo”. (mgakurimaw.blogspot.com)

Friday, November 1, 2013

Kanino ka sasama?




                                           Kanino ka sasama?


Sa unang pagkakataon mula nang mahalal na Pangulo noong May 2010, nagbigay ng direktang pahayag sa kanyang mga boss sa pamamagitan ng primetime broadcast sa mga himpilan ng telebisyon si Pangulong Noynoy “PNoy” Aquino.

Tama lang ang ginawa ni PNoy na direktang magpaliwanag at magbigay-linaw sa mga taong nagluklok sa kanya sa puwesto bilang lider ng bansa. Dapat lang naman na maipaalala sa publiko ang kaibahan ng pagwawaldas at tamang paggamit ng pondo ng bayan.

Dahil sa organisadong pagkilos ng mga taong nasa likod ng pagwawaldas ng pondo ng bayan tulad ng pork barrel funds, tila maging ang mga mamamayan ay nalito na at nakalimutan kung ano nga ba ang tunay na isyu ngayon -- ang pagnanakaw sa kaban ng bayan na ipinadaan sa mga pekeng NGO.

Mula nga naman nang mabisto ang kuwestiyunableng paglalaan ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) ng ilang mambabatas sa mga kaduda-dudang NGOs na umabot sa P10 bilyon magmula 2007-2009, nahaluan na rin ito ng Development Acceleration Program (DAP) at Presidential Social Fund (PSF).

Ang masaklap nga naman, nais palabasin ng mga nasa likod ng pagpapakalat ng maling impormasyon na magkapareho ang PDAF, DAP at PSF -- at nais pang palitawin na inaabuso rin ng pamahalaang Aquino ang DAP at PSF, gaya ng ginawa ng ilang mambabatas sa kanilang PDAF.

Pero marahil ang higit na mahirap tanggapin para sa mga kaisa sa paglalakbay tungo sa daang matuwid, ay iyong may maniwala sa kasinungalingan ng mga nasa likod ng demolis­yon laban sa administrasyon, at may ilan na nagkakaroon naman na ng pagdududa sa katapatan ni PNoy na ipagpatuloy at tapusin ang kampanya nito laban sa katiwalian.

Sa pamamagitan ng ginawa niyang pagpapaliwanag sa kanyang mga “boss” na ipinalabas sa mga telebisyon, tiyak na naiparating ni PNoy sa mga mamamayan na hindi nagbabago ang kanyang paninindigan kontra sa katiwalian. Bukod dito, ang mensahe ni PNoy ay pagbibi­gay garantiya rin sa mga tao na patuloy niyang iingatan at gagamitin nang wasto ang pondo ng bayan gaya ng inilalaan sa DAP at PSF.

***

Higit sa lahat, ang mga pahayag na binitiwan ng Pa­ngulo ay malinaw na mensahe sa mga nasa likod ng panlilinlang sa publiko at sangkot sa pagwawaldas ng pondo ng bayan na hindi siya titigil hangga’t hindi naipapakulong ang mga ito. Kaya naman asahan natin na patitindihin nila ang pag-atake kay PNoy at sa kanyang administrasyon.

Pero ang tanong, kanino ka sasama? Sa lupon ng mga taong sangkot sa katiwalian at paglulustay sa pondo ng bayan? O sa lupon na naglalakbay sa tuwid na daan at umuusig sa mga taong bumaboy at inaring kanila ang pondo ng bayan?

Si PNoy na ang nagsabi na ang lakas niya ay nagmumula sa mamamayan, kaya naman kung mawawala sa kanya ang suporta ng mga tao, natural na manghihina ‘yung tao at lalakas naman ang puwersa ng katiwalian. Bagay na hindi natin dapat hayaan na mangyari.

Dapat manatili sa likod ni PNoy ang suporta ng tao upang hindi masayang ang pagkakataon na magkaroon ng malinis ang lumang sistema ng katiwalian sa gobyerno. Sa mga patuloy na nakararanas ng pag-aalinlangan sa katapatan ni PNoy sa malinis na pamamahala, isip-isip din ‘pag may time. 

Kilatisin ang kredibilidad at motibo ng mga taong bumabanat sa kanya bago natin paniwalaan. Simple lang naman ang dapat na tandaan na kasabihan: Magnanakaw + sinungaling = kurap. Laging tandaan: “Bata mo ko at Ako ang Spy n’yo.” (mgakurimaw.blogspot.com)