Wednesday, February 29, 2012


Pananabotahe?
REY MARFIL
Sa taong 2015, inaasahang nakatayo ang Entertainment City sa Maynila na magiging bagong pasyalan ng mga turista, mapalokal na dayuhan, partikular ang mga mahilig magli­bang at may kakayahang gumastos ng dolyar.

Kabilang sa mga magiging atraksyon sa Entertainment City ay ang casino na patatakbuhin ng mga kumpanyang bibig­yan ng prangkisa ng Philippine Amusement and Ga­ming Corporation (Pagcor).

Kasama sa nagbuhos ng mala­king puhunan para sa proyektong ito -- ang Japanese tycoon na si Kazuo Okada na nagpasok ng $2 bilyong capital at lilikha ng libu-libong trabaho.

Sentro ngayon ng litigasyon sa US court si Okada dahil sa alegasyon naman ng US tycoon na si Steve Wynn, na dati niyang business partner sa casino sa Macau -- ang Wynn Resort and Casino.

Sa reklamo ni Wynn sa US, inakusahan si Okada na nanuhol sa mga Pagcor official para makakuha ng proyekto (ang pagtatayo ng Entertainment City) at ginamit ang resources ng kanilang kumpanya na Wynn Resort sa Macau.

Pinatira diumano ni Okada ng libre at binigyan ng perang panggastos ang mga opisyal na dinala ng Japanese businessman sa Macau -- kabilang ang nakaraang Pagcor chief -- si Efraim Genuino at kasaluyang Pagcor boss na si Bong Naguiat Jr.

Ginawa diumano ni Okada ang panunuhol sa loob ng nakaraang tatlong taon at umabot ang gastusin na ikinarga sa kumpanya ni Wynn na $110,000. Opo, $110,000 sa loob ng tatlong taon, kumpara naman sa $2 bilyong puhunan sa Entertainment City.

***

Napag-uusapan si Okada, nagpadala ng sulat ang Japanese businessman upang humingi ng paumanhin sa mga Pi­lipino at mga opisyal ng pamahalaan, partikular sa Pagcor dahil sa pagkakadamay sa gusot o kanilang away ni Wynn -- ito’y malinaw sa kanyang sulat na binasa sa public hearing ng House Committee on Games and Amusement noong nakaraang Lunes.

Lumitaw na bago pa ang paghahabla ni Wynn laban sa kanya, naunang nagreklamo at kinuwestyon ni Okada kung bakit nagbigay si Wynn ng HK$1 bilyon sa isang unibersidad sa Macau na hindi umano maipaliwanag ni Wynn hanggang ngayon. Ibig sabihin, mala-Arnold Schwarzenegger sa pelikulang “collateral damage” si Naguiat.

Hindi ito ang unang pagkakataon na naglagak ng puhunan si Okada sa Pilipinas. Katunayan, may ginagawa si­yang expansion sa kanyang negosyo sa Laguna na inaasahang magkakaloob din ng marami pang trabaho.

Nakita raw ni Okada ang malaking potensyal ng Pilipinas na pagtayuan ng entertainment business kaya pinasok niya ang kasunduan sa Pagcor -- bagay na inaayawan umano ni Wynn.

Ang simpleng dahilan daw ni Wynn -- kapag pumatok ang Entertainment City sa Maynila, malamang na mabawa­san ang mga parokyano ng kanyang Wynn Resort and Casino sa Macau.

Sa madaling salita, nakikita ni Wynn na banta sa negosyo niya ang nais gawin ni Okada na makatutulong sa turismo ng Pilipinas.

Sa panahon na mainit ang panawagan ng marami sa gob­yerno na lumikha ng trabaho, hindi biro ang tinatayang 400,000 trabaho -- direct at indirect -- na maaaring malikha sa Entertainment City.

Bukod pa diyan ang bilyun-bilyong dolyar na kikitain ng pamahalaan sa mga turista na maga­gamit sa mga programa ng gobyerno.

Marahil sa usaping ito, ang mga taong mananawagan lamang na pagbitiwin sa puwesto si Naguiat dahil sa ginawang pakikitungo kay Okada ang mga kritiko ng gobyerno; tutol sa casino; at taong nais inaambisyon ang puwesto ni Naguiat sa Pagcor.

Laging tandaan: “Bata n’yo ko at Ako ang Spy n’yo”. (mgakurimaw.blogspot.com)

Tuesday, February 28, 2012


Soundbite lang!
REY MARFIL
Tama si Pangulong Noynoy Aquino sa pagbibigay ng kahalagahan na mapalakas ng pamahalaan ang kampanya nito laban sa ilegal na pagtotroso.

Kailangan ding maiharap sa hustisya ang mga salarin sa pagpatay noong nakalipas na linggo kay Department of Environment and Natural Resources (DENR) forest specialist Melania Dirain, 46-anyos at naging trabaho ang implementasyon ng mga batas kaugnay sa pangangalaga sa kagubatan, sa Sanchez Mira, Cagayan.

Katanggap-tanggap din ang desisyon ng pamahalaan na maglaan ng karagdagang pondo para sa task force laban sa ilegal na pagtotroso upang matigil na ang aktibidad sa Sier­ra Madre mountain range.

Makakatulong ang paglaban sa problema upang ma­ging balanse ang kapaligiran at mapigil ang biglaang pagbaha sa buong bansa.

At magandang balita rin ang ipinapakitang malasakit ng administrasyong Aquino sa mga residente ng Lupang Arenda sa Taytay, Rizal sa pamamagitan ng pagtiyak sa kanilang kaligtasan.

Naglalagay ngayon ng road dike ang pamahalaan para maiwasan ang pagpasok ng tubig sa mga lugar na sakop ng Lupang Arenda bilang tugon sa mga balitang hindi ligtas sa paninirahan ang kabuuang 270-ektaryang lupain. Matatagpuan ang human settlement sa dalampasigan ng Laguna de Bay.

Itinatag ang Lupang Arenda nang ipalabas ni dating Pangulong Fidel V. Ramos ang Proclamation 704 at binuksan ang 200 ektaryang pampublikong lupa upang protektahan ang “wetlands” at mabigyan ng matitirhan ang lumala­king bilang ng informal settlers sa Metro Manila.

Sa pagtataya ng DENR na nagsagawa at nagsasagawa ng pag-aaral sa Lupang Arenda, hindi naman nakakaranas ng pagpasok ng tubig ang ibang bahagi ng lugar.

***

Napag-usapan ang good news, kapuri-puri ang kautusan ni PNoy sa Department of Energy (DOE) na ipatupad ang reload sa bawat Pantawid Pasada Program card na nag­lalaman ng P1,200 sa bawat tsuper ng public utility vehicles (PUVs) -- ito’y naglalayong pababain ang epekto ng tumataas na presyo ng mga produktong petrolyo.

Nilikha ng pamahalaan ang Pantawid Pasada program upang magkaloob ng subsidiya sa pampublikong sektor ng transportasyon base sa serye ng naganap na pagtaas sa pres­yo ng mga produktong petrolyo.

Bilang pagpapakita ng malasakit sa kalagayan ng mga tsuper, maaari ring makinabang ang mga benepisyunaryo ng diskuwento sa pagbili ng mga gulong, ba­terya at iba pang spare parts para matulungan ang sektor ng transportasyon.

Mapalad tayo sa pagkakaroon ng isang pamahalaan na walang inisip kundi ang pagsilbihan ang publiko at gumawa ng mga bagay para mapabuti ang kalagayan ng mga tao. Sa isang bansang umaasa sa importasyon ng langis, walang choice kundi ipagdasal ang pagbaba ng presyuhan sa world market.

Magaling lang magngangawa ang mga kritiko su­balit subukang tanungin at hanapan ng alternatibong solus­yon kung sila ang nakapuwesto, wala ring maisagot kundi buntung-hininga at pagtanggal ng buwis sa krudo na hindi maaring gawin dahil kailangang balansehin ang gastusin ng gobyerno.

Kung hindi bugtong-hininga ang sagot ng kritiko, paboritong istratehiya at naugaliang solusyon sa oil price hike ang pag-atake sa gobyerno para makakuha ng magandang soundbite sa evening news.

Kaya’t laging tandaan: “Bata n’yo ko at Ako ang Spy n’yo”. (mgakurimaw.blogspot.com)

Sunday, February 26, 2012


‘Di nagkamali
REY MARFIL
Nananatili ang paninindigan ni Pangulong Noynoy ‘PNoy’ Aquino na tiyakin ang kapayapaan at katatagan sa rehiyong Asya-Pasipiko sa kabila ng pinalakas na kooperasyong militar ng bansa at Estados Unidos (US).

Magandang senyales ang pagkakaroon ng isang gobyerno na pinupursige ang lahat ng diplomatikong paraan para malutas ng payapa ang sigalot.

Siguradong hindi ilalagay ng pamahalaan sa alanganin o anumang kompromiso ang kapayapaan sa rehiyon kahit pa­tuloy ang binubuong bilateral na relasyon ng Pilipinas sa iba’t ibang mga bansa.

Maliit na bagay lamang ang tensyon sa West Philippine Sea (South China Sea) kung ikukumpara sa magandang relasyon ng China at Pilipinas kung saan isinusulong maging ang turismo at negosyo na pinatunayan sa pagbisita ni Pa­ngulong Aquino sa banyagang bansa noong nakalipas na taon.

Wala ring basehan ang hirit ng state media ng China na dapat parusahan ng kanilang pamahalaan ang Pilipinas matapos alukin ang mga tropang US na magkaroon ng mas malawak na kooperasyon dahil hindi pa pinal ang lahat.

***

Isang positibong balita ang paniniyak ni PNoy na pa­tuloy na ipaparehas ng kanyang pamahalaan ang kompetisyon sa sektor ng negosyo at kapuri-puri ang mensahe ng Pangulo sa paglulunsad ng programang modernisasyon ng Globe Telecom.

Ipinapakita dito ang matinding paninindigan ng pamahalaan na parusahan ang mga lumalabag sa batas at pagkakaloob ng pabuya sa mga sumusunod sa mga alituntunin.

Dapat nating suportahan si PNoy sa implementasyon ng tama at matuwid na daan, as in maganda sa kalusugan ng ekonomiya ng bansa ang ganitong linya ng pamahalaan dahil ina­asahang makakalikha ito ng mas maraming mga trabaho at oportunidad para sa mga tao.

Hindi lang iyan, ipinapakita sa pagkakasungkit ng sertipikasyon mula sa International Standards Organization (ISO) ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang matinong pamamahala ng administrasyong Aquino.

Naging kaisa-isang institusyong pang-edukasyon sa bansa ang TESDA na nabigyan ng prestihiyosong pagkilala -- ito’y isang patunay na matino at hindi nagkamali si PNoy sa pagtalaga kay Sec. Joel Villanueva. Ika nga ni Sec Joel V, “Sa TESDA, May Choice Ka”.

Sa isang simpleng seremonya na isinagawa sa TESDA complex sa Taguig City, tinanggap ni Director General Villanueva ang ISO Certificate 9001:2008 mula kay Jen Wen Chia, general manager ng TUV SUD PSB Philippines, Inc. na nagsagawa ng masusing pagsusuri sa mga epektibo at kapaki-pa­kinabang na mga serbisyo ng TESDA.

Nasaksihan mismo ni PNoy ang seremonya at binati ang TESDA sa naging tagumpay nito at inaasahang lalong pagbubutihin ng ahensya ang pagkakaloob ng serbisyo sa 1.4 mil­yong Pilipino na nakatala sa iba’t ibang kurso ng TESDA upang matulungan silang makakita ng trabaho.

Nirerespeto rin sa buong mundo ang kalidad sa pamantayan ng pangangasiwa ng ISO 9001 na nakatutok sa Quality Management System (QMS) o kakayahan ng isang orga­nisasyon na makamit at maitaas ang kalidad ng kanilang serbisyo para sa ikasisiya ng mga kliyente.

Malaki ang maitutulong ng sertipikasyon ng ISO upang makasabay ito sa iba pang internasyunal na institusyong pang-edukasyon na nagkakaloob ng katulad na serbisyo ng paghahasa sa kasana­yan ng mga tao.

Laging tandaan: “Bata n’yo ko at Ako ang Spy n’yo”. (mgakurimaw.blogspot.com)

Wednesday, February 22, 2012


Tamang direksyon!
REY MARFIL

Mula sa pagkakaroon ng reputasyong “milking cow” o gatasan ng ilang abusado at pabayang mga pampublikong opisyal, matagumpay na nareporma ni Pangulong Noynoy ‘PNoy’ Aquino ang imahe ng government-owned and controlled corporations (GOCCs) upang maging kapaki-pakinabang, malakas at kumikitang kumpanya ang mga ito.

Isang napakagandang balita na nakapagbigay ang 21 GOCCs ng P19.283 bilyong dibidendo sa pamahalaan na makakatulong upang pondohan ang mga makamahirap na programa ng administrasyong Aquino.

Kung babalikan ang nakaraan, napupunta ang malaking kita ng GOCCs sa ilalim ng nakalipas na pamahalaan sa bulsa ng nagpapasasang mga opisyal sa pamamagitan ng malalaking suweldo at nakakalulang mga benepisyo -- ito ang rason kaya umuusok ang ilong sa galit ni PNoy at naglatag ng agarang mga reporma at pagbabago.

Ipinapakita lamang ng Punong Ehekutibo ang kanyang determinasyon na tuparin ang kanyang pangako sa publiko at talagang nakakabilib o kahanga-hanga rin ang kanyang pahayag na walang puwang sa kanyang pamahalaan ang mga pampublikong opisyal na nagsasamantala, kasabay ng banta na papapanagutin ang sinumang lalabag at magkakanulo sa kanilang sinumpaang tungkulin.

Isa pang good news, ang mababang inflation rate na 3.9% nitong Enero mula sa 4.2% noong nakalipas na Disyembre 2011. Kaya’t dapat tayong magpasalamat sa pagsusumikap ng administrasyong Aquino matapos mapababa ang pagtaas sa presyo ng mga pagkain bunsod ng sapat na suplay ng ilang mga pagkain katulad ng gulay at asukal.

At bilang aksyon, nagbuhos ng pondo si PNoy sa “pantawid pasada” para saklolohan at ibsan ang hirap ng mga tricycle at jeepney driver lalo pa’t walang kontrol ang gobyerno sa pagsirit ng presyo ng gasolina.

Take note: Hindi umaasa lamang sa importasyon ng langis ang Pilipinas kaya’t nakatali ang kamay sa presyuhan.

Wala rin dapat ipangamba ang publiko dahil nananatiling nakatutok naman ang BSP sa presyo ng mga pangunahing bilihin at iba pang bagay para tiyaking hindi maaabuso ito.

***

Napag-uusapan ang good news, maayos nakauwi ang limampu’t-apat na Pinoy workers mula Beirut -- ito’y makaraang atasan ni Labor and Employment Sec. Rosalinda Baldoz ang lahat ng Philippine Overseas Labor Offices (POLO) na gawing prayoridad ang pagbabalik sa bansa ng Filipino domestic workers na nasa Filipino Workers Resource Cen­ters (FWRCs) sa buong mundo.

Isang magandang balita dahil napababa na ang bilang ng mga nasa FWRC sa kapitolyo ng Lebanon at ipinapakita ang determinasyon ng pamahalaan na tulungan ang mga naiipit na OFWs.

Aminin o hindi ng mga kritikong nangangarap mag-senador sa 2013 election, ginagawa ni PNoy ang lahat ng makakaya nito para sa promosyon ng interes at kagalingan ng OFWs, partikular ang mga kailangan nang umuwi at makasama ang kanilang mga pamilya at muling magkaroon ng panibagong oportunidad sa bansa.

Sa programa ng DOLE, maaaring lumahok ang nagbalik na domestic workers sa Balik-Pinay Balik Hanapbuhay Program na nagkakaloob sa bawat umuuwing OFW ng P10,000 tulong para makapagnegosyo.

Hindi lang ‘yan, meron ding pagsasanay para makapagsimula ng maliliit na negosyo ang nagbabalik na OFWs ka­tulad ng cosmetology, manicure/pedicure, haircutting, hairdressing, foot spa, reflexology, massage, flower arrangement, food processing, meat processing, green skills, handi­craft at household care.

Nariyan din ang opisina ni Secretary Joel Villanueva -- ito ang pangunahing nagsanay sa mga taong gustong ma­linang ang kanilang kaalaman o skills. Ika ni Sec Joel V, “Sa TESDA, may choice ka”.

Laging tandaan: “Bata n’yo ko at Ako ang Spy n’yo”. (mgakurimaw.blogspot.com)

Monday, February 20, 2012


Dilis lang!
REY MARFIL
Sa harap ng mga mag-aaral ng La Consolacion College, isang mabigat na halimbawa tungkol sa pananagutan ng isang opisyal at tauhan ng Korte Suprema ang tinalakay ni Pangulong Noynoy ‘PNoy’ Aquino III.

Ayon sa Pangulo -- noong 1997, isang court interpreter o karaniwang kawani ng hudikatura ang nawalan ng trabaho. Ang kasalanan niya, hindi idineklara at isinama sa kanyang ari-arian ang kinikita sa kanyang pinapaupahang puwesto sa palengke.

Kada taon, naghahain ng kanilang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) ang mga kawani at opisyal ng pamahalaan.

Sa SALN, inilalagay dapat ang mga ari-arian (maging ang utang) ng mga nagtatrabaho sa pamahalaan upang makita kung may kaduda-duda sa kanilang kayamanan habang sila ay nagsisilbi sa gobyerno.

Hindi naman kasalanan kung yumaman ang isang tao habang nagsisilbi sa gobyerno subalit kailangang maipaliwa­nag at ipaalam kung papaano yumaman o saan nanggaling ang kanyang kayamanan.

Hindi lang gurami o dilis ang kaso ng court interpre­ter kung ikukumpara sa kasong kinakaharap ngayon ni Supreme Court Chief Justice Renato Corona -- isa sa mga ikinaso sa kanya’y pagtataksil sa tiwala ng bayan dahil sa hindi niya pagdedeklara ng tamang SALN.

Habang tumatagal ang impeachment trial sa Senado, lumilitaw na bukod sa alegasyon ng ‘di pagdedeklara ng SALN, mukhang hindi rin inilista ni Corona ang lahat ng kanyang ari-arian -- halos ‘di nagkakalayo sa isyung ipinupukol kay Mrs. Arroyo, partikular ang alegasyong nagpayaman at inabuso ang kapangyarihan nito.

***

Napag-uusapan ang impeachment trial, kung susundan ang pagdinig ng Senado, tila marami ngang dapat ipaliwanag si Corona sa kanyang mga bank accounts.

Ang malupit sa lahat, kung hindi naunahan ng palasyo sa mga ginawang aksyon, posibleng laya ngayon si Mrs. Arroyo lalo pa’t lahat ng desisyon ni Corona’y pabor sa taong nagputong sa kanya ng korona bilang Punong Mahistrado!

Ginawang halimbawa ni PNoy ang idineklara ng Punong Mahistrado noong 2010 na pera na P3.5 milyon umano, ga­yong sa naturang panahon ay may kabuuang P31 milyon sa tatlong bank accounts na nakapangalan sa kanya.

Nandiyan din ang diumano’y $700,000 dollar accounts ni Corona na hindi masilip dahil sa TRO na ipinataw ng SC.

Ang matindi nito, ang tatlong bank accounts sa PSBank-Katipunan na nakapangalan umano kay Corona ay magkakasunod na isinara noong Disyembre nang makapasa sa Kongreso ang impeachment case laban sa kanya.

Sa karaniwang tao, tiyak na hindi nila maiiwasan na mag-isip ng masama kung bakit biglang isinara ang mga bank accounts na naglalaman ng P17 milyon, ang isa naman ay may opening balance na P8.5 milyon at ang isa pa ay P7 milyon.

Depensa ng kampo ni Corona, hindi raw sa Punong Mahistrado ang mga ito. Kaya daw isinara ay upang hindi madamay sa kasong kinakaharap ng Punong Mahistrado. Isang paliwanag na hindi madaling paniwalaan.

Balikan natin ang kaso ng court interpreter, malamang ang perang hindi niya naideklara ay hindi aabutin ng ilang mil­yong piso. Pero gayunpaman, nawalan siya ng trabaho dahil hindi siya naging tapat.

Kung ihahambing ang kaso ng court interpreter sa hala­gang pinag-uusapan sa kaso ni Corona, napakalayo at higit na mas malaki ang perang pinag-uusapan dito.

Hindi naman ito nakapagtataka dahil si Corona ang pinakamataas na opisyal sa hudikatura -- pinakamataas na boss ng mga court interpreter.

Sa kabila nito, kung si PNoy ang tatanungin, ang pinuno ang dapat magsilbing mabuting halimbawa sa kanilang mga tauhan. Lahat para sa kanya ay pantay-pantay, maging sa pagpapatupad ng batas -- karaniwan ka mang empleyado o mataas na opisyal ng gobyerno.

Kung nagkasala at hindi naging tapat, marapat parusahan!

Laging tandaan: “Bata n’yo ko at Ako ang Spy n’yo”. (mgakurimaw.blogspot.com)

Friday, February 17, 2012



Magpapagod lang!
REY MARFIL

Dahil walang basehan, siguradong sa basurahan mapupunta ang planong isulong ang impeachment laban kay Pa­ngulong Noynoy ‘PNoy’ Aquino base sa umano’y “massive tax fraud” hinggil sa bentahan ng government property sa Baguio City sa SM Investment Corporation.

Kahit rugby boys sa ilalim ng LRT station ang tanu­ngin, wala namang kinalaman si PNoy sa isyu dahil nangyari ang transaksyon na kinabilangan ng subasta at bentahan ng ari-arian sa panahon pa ni dating Pangulong Fidel Ramos at nitong 2011 natapos ang dokumentasyon, as in “magpapagod” lang ang grupong “allergic” sa daang matuwid ni PNoy.

Pagbabaliktarin ang sitwasyon, malinaw na panggugulo lamang sa mga kasalukuyang isyu ang hirit ng isang nag­ngangalang Danilo Lihaylihay na lumiham kay House Minority Leader and Quezon Rep. Danilo Suarez nitong Peb­rero 8, 2012 upang hilingin ang kanyang kagustuhang patalsikin ang Pangulo.

Papaano papapanagutin si PNoy sa isang bagay na wala naman siyang kinalaman? Malinaw na walang basehan ang reklamo kaya hindi susulong -- ito marahil ang dahilan kung bakit maging ang oposisyon ay nahihilo kung pagbibigyan ang walang basehang kahilingan ni Lihaylihay at nangako lamang na pag-aaralan muna ito.

***

Napag-uusapan ang impeachment laban kay PNoy, mas lalong walang “weight” ang reklamo kung pagbabatayan ang pinakahuling satisfaction ratings ng Pangulo -- ito’y nananatiling napakataas at napakaganda ng kanyang grado.

Hindi “good” kundi “very good” ang public satisfaction ng administrasyong Aquino, alinsunod sa survey nitong Dis­yembre 3 hanggang 7 na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS) kung saan naitala ang +56% net satisfaction ra­ting. Ibig sabihin, malinaw ang ebidensiyang 67% ng respondents ang satisfied, 21% ang undecided at 11% ang dissatisfied sa pangkalahatang ginagawa ng pamahalaan.

Bagama’t hindi nagbago kumpara sa nakalipas na tatlong buwan, nangangahulugan naman itong tama ang ginagawa ni PNoy sa pagpapabalik ng tiwala at kumpiyansa ng publiko sa pamahalaan sa pamamagitan ng matino at matuwid na pamumuno sa pagsugpo ng kahirapan at katiwalian.

Nananatiling pinakamataas ang satisfaction rating ni PNoy sa lahat ng pamahalaan sapul nang simulan ng SWS ang pa­nanaliksik noong Pebrero 1989.

Kitang-kita na talagang hinahanapan ng pamahalaan ng solusyon ang mga problema ng bansa bagama’t nangangaila­ngan ng kaunting panahon para maramdaman ng publiko ang positibong epekto kung saan nakapagtala ng mataas na iskor ang pamahalaan sa pitong isyung hinahanapan ng solusyon.

Sa 19 na isyung itinanong sa mga respondents, naitala ng administrasyong Aquino ang “very good” sa 3 isyu, “good” sa anim, “moderate” sa 6 pang iba, “neutral” sa 3 at “poor” sa isang isyu.

Nakakuha ng pinakamagandang iskor ang pamahalaan sa pagtulong nito sa mga biktima ng kalamidad matapos maitala ang “very good” na +58 net rating at nahigitan ang naitalang record na “very good” na +52 noong nakalipas na Disyembre 2009. Naitala rin sa kasaysayan ang pinakamataas na +55 sa usapin ng pagtulong sa mga may kapansanan.

Sa pagsaklolo sa mahihirap, naitala ng pamahalaan ang “very good” rating na +51 habang highest “good” score naman na net +46 sa promosyon ng kagalingan at interes ng overseas Filipino workers (OFWs), maliban kung “mutain” ang mga kritiko ni PNoy, sa pangunguna ng ilang “never heard senatoriables” sa hanay ng oposisyon?

Naitala rin ang pinakamataas na “good” +34 sa isyu ng pagsugpo sa krimen, “good” scores na +35 sa pagsusulong ng turismo at +34 sa pagkakaroon ng malinaw na polisiya.

Nakapagtala rin ang pamahalaan ng “good” net ratings na +45 para sa promosyon ng human rights at +43 sa fo­reign relations.

Laging tandaan: “Bata n’yo ko at Ako ang Spy n’yo”. (mgakurimaw.blogspot.com)

Wednesday, February 15, 2012


May choice ka!
Rey Marfil
Hindi ba’t nakakatuwang marinig ang magandang balita na mas maraming Pilipino ang nagkaroon ng trabaho nitong nakalipas na 2011 kumpara noong 2010 matapos bumagsak ang unemployment rate sa pitong porsiyento kumpara sa 7.3%.


Sa tala ng National Statistics Office (NSO), tinatayang 2.8 milyong Pilipino ang walang trabaho noong 2011 na kumakatawan sa 7% ng populasyon noong 2011 kumpara sa 2.9 milyon na walang kayod noong 2010 o 7.3%, as in bumababa noong nakaraang taon.


Sa katunayan, inihayag ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang implementasyon ng 7 bagong programa ngayong taon para paramihin ang trabaho at kabuhayan ng mga Pilipino.


Bilang pagtalima sa direktiba ni Pangulong Noynoy ‘PNoy’ Aquino na lumikha ng maraming trabaho, sinabi ni TESDA Director General Joel Villanueva na makakatulong ang programang “REAL DEAL TESDA”.


Sa ilalim ng REAL DEAL TESDA o Reach the Grassroots, Empower the reached. Assure quality training and Lifelong education Development. Enable and Actively-engage Labor force members in job opportunities thru employability and livelihood skills gagamitin ang lahat ng kakayahan ng TESDA para makatulong sa pangangailangan ng ordinaryong mga tao na mapalakas ang kanilang kakayahan at magkaroon ng trabaho.


Upang makamit ito, tututukan ng TESDA ang pagpapalakas sa technical and vocational education and training (TVET) sa bansa kung saan target na punuan ang mga kakayahang mayroong siguradong trabaho.


Sa 7 programa, may kinalaman ang lima dito sa tinatawag na training at retooling programs habang partnership ng pamahalaan sa mga pribadong kumpanya sa pagkakaloob ng sertipikasyon para sa public utility drivers at empowering women retailers naman ang dalawa. Ika nga ni Sec. Joel “Sa TESDA, May Choice ka”.


***


Napag-uusapan ang magandang programa, makatwirang suportahan natin ang aksyon ng pamahalaan na tapusin ang bus boundary system sa mga tsuper at konduktor upang mapabuti ang kanilang kita, magkaroon ng mas magandang disiplina sa trapiko at mas maging ligtas ang mga kalsada.


Inilabas ni Department of Labor and Employment (DOLE) Sec. Rosalinda Baldoz ang Department Order 118-12 na nagbabasura sa dating sistema kung saan nakabase lamang sa komisyon ang kita ng mga tsuper at konduktor kaya naman laging nagmamadali ang mga ito sa kalsada na siyang ugat ng mga aksidente.

Ibig sabihin, magkakaroon na ng siguradong kita ang mga tsuper at konduktor base sa performance-based wage system.


Sa ilalim ng sistema, makakakuha ng pinakamababang minimum wage ang mga kinauukulan at ibang statutory wage-related benefits habang nakabase ang incentive system sa safety performance, business performance at iba pang bagay.

Naging epektibo ang bagong sistema sa Metro Manila noong nakaraang linggo at inaasahang maipapatupad sa buong bansa sa Hulyo.


Anyway, ginagawa ni PNoy ang lahat para matulungan ang sektor ng transportasyon na makasalba sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo, kabilang dito ang pagkakaroon ng 30-araw na buffer supply ng mga produktong petrolyo.


Tinatrabaho rin ng pamahalaan ang paglikha ng mekanismo upang magkaroon ng linya ang mga tsuper at transport operators sa manufacturers at suppliers upang makakuha ng mas mababang halaga ng spare parts ng mga sasakyan.


Meron ring pautang sa transport cooperatives para magkaroon sila ng sariling gasolinahan. Laging tandaan: “Bata n’yo ko at Ako ang Spy n’yo”.

(mgakurimaw.blogspot.com)

Monday, February 13, 2012


Ultimate sacrifice?
Gaya ng telenovela, habang tumatagal ang impeachment ­trial ni Supreme Court (SC) Chief Justice Renato Corona, lalong nagiging masalimuot ang ginagawang paglilitis ng Senate Impeachment Court sa ika-limang pinakamataas na pinuno ng bansa.

Sa walong articles of impeachment o alegasyon laban kay Corona, nasa dalawa pa lang ang dinidinig ng Senado. Pero nakaladkad na sa usapin ang Korte Suprema matapos “magpasak­lolo” ang kampo ni Corona sa “sariling bahay” nito, sa pama­magitan ng inihaing petisyon.

Sa petisyon, bukod sa nais nilang pigilin ng SC ang pagpapalabas ng mga dokumento tungkol sa peso at dollar accounts ng punong mahistrado, nais din nilang ipatigil na nang tuluyan ang paglilitis ng impeachment court.

Nagpalabas ng TRO ang mga mahistrado ng SC sa pagpapa­labas ng mga dokumento sa dollar deposit ni Corona, samantalang tuloy naman ang pagdinig sa kanyang peso accounts. Ang mala­king tanong ng mga kurimaw, ano ang magiging desisyon ng SC sa petisyon na tuluyang ipabasura ang proseso ng impeachment?

Ang pag-akyat ng petisyon sa SC na kuwestiyunin ang impeachment trial ang pinapangambahan na tuluyang magresulta sa tinatawag na “Constitutional crisis” -- isang krisis na kahit sa panaginip ayokong isiping itinutulak ng kampo ni Corona para wasakin ang buong institusyon, katulad ng nangyari sa nakaraang administrasyon kung saan kaliwa’t kanan ang pagtatakipan sa mga anomalya at eskandalo.

Malayo sa bituka ng mga mahihirap ang katagang ­“Con­s­titutional crisis” subalit maiiwasan ang banggaan ng tatlong pinakamataas na sangay ng pamahalaan -- ang lehislatura (Kongreso), ehekutibo (Malacañang) at hudikatura (SC) kung magpapakatotoo ito.

Kung wala ni isang dollar account na pag-aari o itinatago ang mahistradong pinutungan ng korona ni Mrs. Arroyo para magsilbing punong-bantay ng katotohanan, katwiran at kataru­ngan, wala sanang iniimbestigahan ang impeachment court at lalong hindi gumastos sa pagpatahi ng toga ang mga senador!

Papaano kung magpasya ang SC na katigan ang petisyon ni Corona kontra sa articles of impeachment? Susundin ba ito ng Senate Impeachment Court gayung naniniwala ang panig ng prosekusyon na binubuo ng mga kongresista (na kasapi ng Kongreso), na ang paglilitis sa mga impeachable official gaya ng mga mahistrado’y solong kapangyarihan ng Kongreso.

***

Napag-usapan ang impeachment trial, maging si Pangulong Noynoy ‘PNoy’ Aquino, ito’y kumbinsidong ang impeachment court ang dapat magresolba sa lahat ng usapin tungkol sa mga impeachable official. Hinamon ni PNoy si Corona na kusang ipasilip ang mga bank accounts kung walang itinatago. Ika nga ni Mang Gus­ting -- ang katotohanan ang magpapalaya, hindi ang kasinungalingan!

Sa panayam kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, tinawag nitong panggulo ang pagdala sa SC ng usapin at paraan iyon para itago ang katotohanan tungkol sa kinukuwestiyong kayamanan ni Corona.

Sa kabilang banda, merong naniniwala na bilang pinakamataas na hukuman, ang mga mahistrado ng SC ang siyang dapat magbigay ng huling interpretasyon sa mga kinukuwestiyong proseso sa batas.
Sa usaping ito, ang legalidad ng articles of impeachment at ang paghalungkat ng mga bank accounts ng punong mahistrado. Kumbaga sa telenovela, marami pang kapana-panabik na kabanata na dapat abangan ang mga tagasubaybay.

At habang tumatagal ang proseso ng paglilitis, patuloy namang naaabala ang mga senador at kongresista na gawin ang kanilang trabaho na gumawa ng batas na kailangan ng bayan.

Gayunman, kabilang sa dapat antabayanan sa makasaysayang paglilitis -- kung may bayani bang lulutang sa kabanatang ito para maiwasan ang itinutulak o pinipintang Constitutional crisis.

Ang kabayanihan, ito’y maaaring gawin mismo ni Corona sa pamamagitan ng pagsasakripisyo kapag nagbitiw sa kanyang posisyon. Hindi naman boksing ang impeachment para lumaban hanggang dulo. Laging tandaan: “Bata n’yo ko at ako ang Spy n’yo”. (mgakurimaw.blogspot.com)

Wednesday, February 8, 2012


Objection please!
Rey Marfil
Lubhang matindi at hindi matatawaran ang paninindigan ni Pangulong Noynoy ‘PNoy’ Aquino sa pagsusulong ng malinis at matinong pamahalaan laban sa katiwalian, patunay ang isinumiteng bersyon ng panukalang Freedom of Information (FOI) bill.


Layunin ni PNoy magkaroon ng mas malawak na karapatan ang publiko na makakuha ng impormasyon kaugnay sa mga transaksyon sa pamahalaan kung kaya’t isinumite sa Kongreso ang FOI bill, kabaliktaran sa samut-saring satsat ng mga kritiko.


Isa sa mahalagang parte sa bersyong isinumite ni PNoy ang awtomatikong paglalabas ng statements of assets, liabi­lities and net worths (SALNs) ng matataas na mga opisyal ng pamahalaan.

Take note: Hindi na kailangan pang ipa-subpoena, katulad ng nangyayari sa impeachment trial ni Supreme Court (SC) Chief Justice Renato Corona kung saan pahirapan para makuha ang mga dokumento sa kanyang mga ari-arian.


Sa ilalim ng mandatory disclosure na bersyon ng Malacañang, obligado ang Pangulo, Bise Presidente, mga miyembro ng gabinete, mga kasapi ng Kongreso at Supreme Court na ilagay sa kani-kanilang websites ang SALN.


Kasama rin sa mga obligadong ilabas ang SALN sa kanilang websites ang mga miyembro ng constitutional commissions, constitutional offices, mga opisyal ng Armed For­ces na may ranggong heneral o flag rank.


***


Napag-uusapan ang impeachment trial, bigung-bigo ang depensa ni Chief Justice Corona na makontra ang kahit isang ebidensiya ng prosekusyon laban sa Punong Mahistrado kahit beterano at mahuhusay ang mga inarkilang abogado o taga-depensa.

Kalokohan kung pro-bono ang lahat, eh sa panahon ngayon isang malaking kalokohan ang libre at discount?


Sa nagdaang labing-dalawang araw, walang ginawa ang depensa sa pangunguna ni retired Supreme Court Associate Justice Serafin Cuevas kundi ang maghain ng mga mosyon para pigilan ang paglalabas ng katotohanan na konektado sa walong Articles of Impeachment kaya’t bumabagal ang proseso ng pagdinig.


Pinipilit ng depensa na ibasura ang mga kaso ni Corona sa pamamagitan ng pagpigil sa proseso ng impeachment sa halip na kontrahin ang mga ebidensiya. Bakit hindi hayaang ebidensiya ang magsalita para maliwanagan ang madla?


Naghain ang kampo ni Corona ng motion for preliminary hearing, motion to dismiss the case, motion to prevent private prosecutors from participating, blocking the pre­sentation of evidence on the Statement of Assets, Liabilities and Net Worth and on the Income Tax Returns of Corona, motion to inhibit Sen. Franklin Drilon, at iba pa. Kung walang itinatago, bakit sandamakmak ang “Objection, Please”?


***


Anyway, nakakatuwang marinig ang determinasyon ni PNoy na epektibong masolusyunan ang problema sa ilegal na pagtotroso sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) sa pamamagitan ng kanyang matigas na kautusan kay Gov. Mujiv Hataman.


Isinisisi ang ilegal na pagtotroso sa rehiyon kaugnay sa naging malagim na pagbaha sa Iligan City at Cagayan de Oro City nitong nakalipas na Disyembre na kumitil sa buhay ng libu-libong katao.


Dapat rin nating pasalamatan ang Pangulo dahil sa pagpapanatili ng state of national calamity matapos ang pagbaha dahil mas naging epektibo at mabilis ang pagtugon ng pamahalaan sa trahedya.


Kaisa kami ng pamahalaang Aquino sa pagtiyak na hindi makakarating sa merkado ang produkto ng iligal na pagtotroso at ganap na matigil na ang iligal na pagpuputol ng mga kahoy sa ARMM. Laging tandaan: “Bata n’yo ko at Ako ang Spy n’yo”

(mgakurimaw.blogspot.com)

Monday, February 6, 2012


Tiwala ang mahalaga!
REY MARFIL

Marami ang nangyari sa administrasyon ni Pangulong Noynoy ‘PNoy’ Aquino nitong mga nakalipas na linggo na dapat magsilbing paalala sa iba pang opisyal na pinagkatiwalaan nitong makapuwesto sa gobyerno.

Kabilang dito ang nangyari kina dating National Bureau of Investigation (NBI) Director Magtanggol Gatdula na sinibak sa puwesto ni PNoy at Presidential Adviser on Political Affairs Sec. Ronald Llamas na diumano’y namakyaw ng kopya ng mga piniratang pelikula sa isang mall sa Quezon City.

Malinaw ang basehan ni PNoy sa ginawang pagsibak kay Gatdula; nawalan siya ng tiwala rito matapos masangkot sa reklamo ng isang Japanese national na dinakip at kinikilan umano ng ilang tauhan ng NBI.

In fairness kay Gatdula, kusa itong nagsumite ng leave absence sa puwesto habang isinasagawa ng fact-finding team ng Department of Justice (DOJ) ang basehan ng reklamo.

Iyon nga lang, tuluyang nagbakasyon sa puwesto dahil nasangkot mismo ang kanyang pangalan sa kontrobersya -- na mariin namang pinalagan at itinatanggi ng opisyal.

Bilang abogado at mahusay na sundalo, batid ni Gatdula na ang mga nanunungkulan sa gobyerno’y dapat may “full trust at confidence” ng Pangulo. Kung wala na ito, panahon na para magpaalam kaya naman hindi niya kinontra ang desisyon ni PNoy -- iyan ang tunay na sundalo at kahanga-ha­nga ang pagiging tunay na kabalyero!

Iyon nga lang, tuloy pa rin ang pagdinig sa reklamo ng Japanese national. Katunayan, nadagdagan pa ng kontro­bersya ang usapin dahil sa lumabas na ulat na ginagamit na “pang-deal” ang kaso ni Gatdula kapalit ng pagbibitiw umano ni dating Associate Justice Serafin Cuevas bilang lead defense council ng nililitis na si Chief Justice Corona.

Itinanggi na ni Cuevas ang balita na siya’y pini-pressure ng Malacañang para bumitiw kay Corona, maging si PNoy mariing pinabulaanan ang naglalabasang report, maliban kung bahagi ng drama o script ng mga “spin doctor” ni Corona para guluhin ang impeachment trial at ikondisyon ang isipan ng madla na maaabsuwelto ang tinaguriang “midnight appointee” ni Gloria?

Ni sa panaginip, ayoko ring isiping panggulo sa impeachment trial ang naglalabasang kontrobersya lalo pa’t lalong lumalalim ang paghalukay ng prosecution team sa mga ari-arian ni Corona at napaka-iresponsableng idikit ang liderato ng isang religious group, katulad ang alegasyong pakikialam sa pagpalakad ng gobyerno -- ito’y maaaring intriga lamang upang sirain ang magandang relasyon, sa pagitan ni PNoy.

***

Napag-uusapan ang kontrobersya, maging si Llamas na hindi pa napapahinga sa iskandalo ng pirated DVDs, ito’y nahatak na naman sa isyu ni Cuevas. Kahit itinanggi na ni Cuevas ang kuwento, may lumabas pang ulat na si Llamas ang sinasabing nagpi-pressure kay Cuevas para iwan si Corona -- bagay na mariing itinanggi ni Llamas.

Sa kabila ng mga kontrobersyang kinasangkutan ni Llamas, walang balak si PNoy na isunod ito kay Gatdula at pinaka-latest ang desisyong i-admonished o sinermunan ng Pa­ngulo ang gabinete bilang kaparusahan, alinsunod sa de­sisyong inilabas ni Executive Secretary Jojo Ochoa.

Malinaw ang deklara ng Pangulo na nananatili ang tiwala niya sa kanyang tagapayo sa usaping pulitikal. Lubha nga namang malayo sa trabaho ni Llamas ang pagbili ng pirated DVDs para siya sibakin. Ika nga ni Ex-President Joseph ‘Erap’ Estrada, “hindi naman nagnakaw si Llamas, binayaran pa nga”.

Bukod dito, inamin naman ni Llamas ang pagkakamali dahil nakalimutan nitong “hindi na siya ordinaryong tao” ngayon para basta na lang gawin ang pamamakyaw ng pirated DVDs -- ika nga, nagkaroon ng “lapse in judgment” ang gabinete at pinakamahalaga, ina­min ni Llamas ang pagkakamali at makatwirang bigyan ng pagkakataong makabawi!

Anyway, hindi naman kinakalimutan ni PNoy na nahalal siya dahil sa malaking tiwalang ibinigay sa kanya ng mamamayan. Kaya naman hindi dapat sirain ang tiwalang ito.

Pinakamahalaga ngayon: Dapat tandaan ng mga iti­nalagang opisyal sa gobyerno -- na anumang pagkakamaling gagawin, ito’y lalamat sa tiwalang ibinigay ng sambayanang Pilipino at siguradong tatama mismo kay PNoy.

Laging tandaan: “Bata mo ‘ko at Ako ang Spy n’yo.” (mgakurimaw.blogspot.com).

Friday, February 3, 2012


Gumaganda!
REY MARFIL

Dapat tayong magpasalamat kay Pangulong Noynoy ‘PNoy’ Aquino dahil sa pagsusulong nito ng mga programa na puputol sa red tape sa proseso ng pagrerehistro ng negosyo.

Matapos pangunahan noong nakaraang Biyernes ang pag­lulunsad ng Philippines Business Registry System (PBRS) sa Makati City, siguradong mapapadali nito ang pagrehistro sa negosyo sa pagtatatag ng one-stop shop para sa mga negosyante na nais na ayusin ang rehistro ng kanilang kabuhayan.

Sa ilalim ng computerized registration systems, magkakaroon ng koneksyon ang ilang ahensya ng pamahalaan para sa pagpaparehistro ng mga negosyante kahit wala ang kanilang presensya.

Inaasahang mahihimok ang marami pang mga Pilipino na magnegosyo, katulad ng sari-sari na mga tindahan para mapayabong ang ekonomiya ng bansa.

Hindi lang ‘yan, kapuri-puri rin ang pagbisita ni PNoy sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City -- ito’y bahagi ng paglulunsad ng 10 taon na 2022 Road Map and Stakeholders Fellowship ng Bureau of Corrections o pagreporma sa sistema ng kulungan sa bansa.

Magbibigay ng pag-asa ang kanyang pagdalaw sa mga bilanggo na sumasailalim sa rehabilitasyon kasabay ng kanyang pangako na tapos na ang maliligayang araw para sa VIP treatment.

Tunay na mayroong pang magandang hinaharap na naghihintay sa mga bilanggo sa labas ng kulungan at dapat sundin ng BuCor ang mahigpit na tagubilin ng Punong Ehekutibo na tulungan ang mga ito na makabalik sa normal na buhay matapos pagsilbihan ang kanilang temino.

Kabilang sa binanggit na reporma ni PNoy na ipinapatupad sa BuCor ang konstruksyon ng bagong mga gusali sa iba’t ibang kulungan sa bansa upang maging maluwag at patuloy na paglulunsad ng programang pangkabuhayan na makakatulong sa mga bilanggo hindi lamang sa pagsuporta sa kanilang mga pamilya kundi para mapataas ang kanilang kasanayan.

Sa ngayon, sinabi ng Pangulo na mayroong 20,000 preso sa NBP na mayroon lamang sanang kakayahan na P9,000-katao kaya ikinunsidera ang paglilipat nito sa mas maluwag na lugar.

***

Napag-uusapan ang good news, mataas na pagpapaha­laga sa demokrasya ang ipinapakita ni PNoy matapos uma­ngat ang Pilipinas sa 2011 Press Freedom Index ng Reporters sans Frontières (RSF) o Reporters without Borders.

Base sa pinakabagong pagtataya ng RSF, isang orga­nisasyong nakabase sa Brussels, umangat ang Pilipinas sa 2011 Press Freedom Index bagama’t patuloy pa ring naaapektuhan sa trahedyang dulot ng Maguindanao massacre noong Nobyembre 2009 kung saan pinatay ang 57-katao, kabilang ang 32 kasapi ng media.

Lumabas na nasa ika-140th ranggo na ang Pilipinas sa 2011 Press Freedom Index, isang taunang rating index na inilalabas ng RSF na sumasakop sa kabuuang 178 na mga bansa sa buong mundo.

Bumagsak kasi ang Pilipinas sa ika-156th na ranggo, isang taon matapos ang Maguindanao massacre mula sa da­ting 122nd na posisyon. Take note: Ito’y nangyari sa admi­nistrasyon ni Mrs. Arroyo at minana lamang ni PNoy.

Hindi naman ito nakakapagtaka dahil malaya ang media sa bansa at hindi dumaranas ng intimidasyon na kabaligtaran sa nakalipas na administrasyon. Kung hindi “bineybi” ng nagdaang administrasyon ang pamilya Ampatuan, hindi sana nagkaroon ng Maguindanao massacre!

Bukod dito, patuloy na hinahanapan ng solusyon ng administrasyong Aquino ang mga karahasan laban sa mga mamamahayag.

Laging tandaan: “Bata n’yo ko at Ako ang Spy n’yo.” (mgakurimaw.blogspot.com)

Wednesday, February 1, 2012


Diskuwento!
REY MARFIL
Baluktot man ang dila ni Megaworld Finance Director Giovanni Ng, hindi makukulapol ng tulis ng pag-iisip ng mga tagapagtanggol ng depensa ang katotohanang binili ng mag-asawang Renato C. Corona at Cristina Corona ang penthouse na unang pag-aari ng Megaworld Properties sa McKinley Hill.

Primera klase at pinag-aagawan ng mga mayayamang angkan ang kinatatayuan ng nasabing property na “naka-corona” sa tuktok ng nasabing condominium, aba’y ikaw ba naman ang makabili ng unit na nakatutok sa Manila Golf Course! Sabi nga sa merkado ng mga condominium -- Location! Location! Location!

Ika nga ni Gus Abelgus sa programang “SOCO”, hindi nagsisinungaling ang ebidensiya -- 27 resibo, isang sulat, isang Deed of Absolute Sale ang bumulaga sa 8th day trial!

Hindi lang ‘yan, nakakagulat ang 40% discount na ipinagkaloob kay Corona ng Megaworld -- isang katanungan kung merong nakabinbing kaso ang Megaworld sa Kataas-Taasang Hukuman sa panahong bumili at nabigyan ng diskuwento ang Punong Mahistrado.

Ni sa panaginip ayaw isipin ng mga kurimaw na “Anak ng Diyos” ang Punong Mahistrado (PM) lalo pa’t pantay ang trato ng Lumikha sa bawat nilalang.

Sa usapang Corona, mukhang “nagdadapit-hapon” na ang kinabukasan sa career ng Punong Mahistrado. Sa ebidensyang lumabas sa impeachment trial noong Lunes, unang Article pa lamang ‘yan, hindi malayong sasabit na si PM -- ito ang usapan sa mga umpukan, maliban kung merong testigong maiharap upang wasakin ang testimonya ni Giovani Ng?

Isipin n’yo nga naman, sa simula pa lamang ng pinag-uusapang transaksyon upang mabili ang nasabing Penthouse sa McKinley Hill, ang mag-asawang Corona na ang nakalutang habang kausap ang mga kinatawan ng Megaworld.

Matapos makumpleto ang iba’t ibang transaksyon na pinatutunayan ng 27 resibo, biglang sumulat ang mag-asawang Corona na ilagay sa pangalan ng kanilang anak na si Charina ang nasabing nabiling pag-aari.

Ang pinakahuling dokumento na ating nabanggit ay mukhang katunayang matibay na sa puntong ito lamang napag-isipan ng PM at ng kanyang asawa na sasabit sila sa pag-aaring ito. “After thought” na lamang ikanga.

Ngunit sa punto de bista ng mga nakakaalam sa batas, imbes na sasalba sa pananagutan ng mag-asawang Corona, ito pa ang didiin sa kanila.

Kung ang 40% discount naman ang pag-uusapan, dapat din yatang ipakita ng prosekusyon na sa mga oras na diumano’y binili ng mga Corona ang nasabing nakatagong pag-aari, may nakasalang na kaso ang Megaworld sa Kataas-taasang Hukuman, maliban kung “Kautus-Utusan” ang tingin sa kanilang sarili?

Hindi natin sinasabing ito ang dahilan pero ang ganitong kuwenta ng calculator ni Mang Gusting: Ang 40% discount kung P70 hanggang P80,000.00 per square meter ang presyo ng nasabing Penthouse at mahigit 300 square meters ang nasabing pag-aari ay nagkakahalaga ng P8.4 milyon.

Take note: Discount pa lamang ‘yan. Parang nagregalo lang itong Megaworld ng ganon kalaking halaga. Mantakin n’yo nga naman ang buhay, paano na lang ang milyong Fi­lipino na walang masilungan at araw-araw tinataboy ng kapulisan sa slum?

***

Anyway, makatwirang batiin si Pangulong Benigno ‘PNoy’ Aquino III dahil sa mabilis nitong pagkilos para sa agarang pagbabalik sa Filipino crew members ng nadisgras­ang cruise ship na MV Costa Concordia.

Personal na ipinadala si Philippine Ambassador to Italy Virgilio A. Reyes, Jr. para asikasuhin ang Filipino crew hanggang makasakay ng eroplano pabalik ng Manila mula sa Rome, Italy.