Kung anong baho ng imahe ng sinamahang presidentiable, ganito rin umaalingasaw ang bunga nga ng dalawang senatoriable, patunay ang mala-muriatic acid na laway ng mga ito.
Hindi maiwasang mandiri ng mga kurimaw, sa pangunguna ng Tonite Spy kapag napag-uusapan ang mabahong hininga ng dalawang senatoriables dahil kalunus-lunos ang hitsura ng mga mediamen kapag kausap ang mga ito.
Bagama’t maraming salapi ang dalawang senatoriables, hindi magawang ipalinis ang bunganga kabaliktaran sa imaheng pinu-project sa publiko, animo’y napakalinis sa katawan at palaging nagba-brush ng teeth pagkatapos kumain.
Ang unang senatoriable, ito’y napaka-“sporty” ang drama subalit kapag nilapitan, hindi lamang kili-kili ang umaalingasaw kapag natuyuan ng pawis kundi ang bunganga, as in nagtataglay ng killer saliva.
Wala sa porma ng unang senatoriable ang pagkakaroon ng bad breath o pagiging miyembro ng “HBO”, as in hiningang bad odor dahil maaliwalas ang mukha, malinis ang arrive at maganda.
Habang ang ikalawang senatoriable, ito’y nagmula sa mayamang angkan, as in siksik, liglig at umaapaw ang ninakaw sa pamahalaan ng mga kapamilya kaya’t may gintong kutsara at tinidor sa bunganga.
Taliwas sa panlabas na kaanyuan, saksakan ng baho ang bibig ng dalawang senatoriable dahil hindi mahilig mag-mouthwash para maibsan ang umaalingasaw na bunga nga at hindi mapahiya sa mga nakakatabi ng upuan o nakakausap.
Pinakamalala ang ikalawang senatoriable kung saan mas lalo bumabaho ang bunganga dahil napaka-dayukdok sa sigarilyo at hindi man lamang inugali ang magmumog para matanggal ang amoy.
Ang nakakasuka pa, pati kamay ng ikalawang senatoriable kapag kina kamayan sa mga rally, dumidikit ang amoy ng sigarilyo at kapag sinuri ang gilagid, animo’y nasunog sa nicotine.
Sa sobrang baho ng bibig ng dalawang senatoriable lalo pa’t natiyempuhang napanisan ng laway o walang kakuwentuhan, kulang na lamang, ito’y payuhan ng mga kurimaw na magmumog ng Apollo brand na muriatic upang matanggal ang toxic sa bunganga.
Clue: Iisa ang sinamahang organisasyon ng dalawang senatoriables kung saan kapareho din ng kinasasangkutang eskandalo lalo pa’t parehong sabit sa katiwalian ang mga magulang ng mga ito. Ang unang senatoriable, ito’y merong letang “A” sa apelyido, as in Asal-aso ang utol na puro tahol habang ang ikalawang senatoriable, meron letrang “B”, sa kabuuan ng pangalan at apelyido, as in Bungangang Mabantot. (mgakurimaw.blogspot.com)
http://www.abante-tonite.com/issue/apr0510/hulaan_blues.htm