Monday, January 11, 2016

Tunay na nagmamalasakit! REY MARFIL



Tunay na nagmamalasakit!
REY MARFIL


Hindi nagpapabaya ang pamahalaan at binibilisan nito ang relokasyon ng mga nakaligtas sa Super Typhoon Yolanda sa ligtas na mga lugar, hindi katulad ng mga nagkukunyaring nagmamalasakit para lamang magpasikat at umangat sa survey.
Ginagawa ng administrasyong Aquino ang lahat ng makakaya nito para bilisan ang konstruksiyon ng bagong mga bahay na ligtas na matitirhan ng mga ito, kabaliktaran sa pakulo at gimik ng mga hunyangong pilantropo.
Walang tigil ang pagsusumikap ng pamahalaan para tiyakin na agarang madadala sa maayos at ligtas na paninirahan ang ating mga kababayang nakaligtas sa bagyo habang wala ring tigil sa kapuputak ang ilang kritiko dahil gustong magmarka sa SWS at Pulse Asia ang kanilang apelyido.
Mismong si Pangulong Noynoy “PNoy” Aquino ang kumikilos upang maging madali ang mali­lipatan ng ating mga kababayan at hindi pwedeng bara-bara ang desisyon lalo pa’t favorite spot ng mga bagyo ang ating rehiyon.
Sa ilalim kasi ng kasunduan, maghahanap ang lokal na pamahalaan ng ligtas na lugar kung saan ang pambansang gobyerno naman ang magpapatayo na dapat sana’y unang inasikaso ng mga local official at hinanapan ng solusyon sa lalong mada­ling panahon keysa puro pang-iintriga at paiyak-iyak sa telebisyon.
Kahit kasi ngayong medyo mayroon nang natukoy na mga lupain para sa pabahay, kakailanganin pa ng panahon upang maitayo ang mga istruktura.
Gayunpaman, pinapatutukan nang husto ito ni Pangulong Aquino at mayroon na rin namang nagawang mga bahay na maaaring malipatan.
***
Hindi ba’t magandang balita ang patuloy na maigting na paninindigan ni PNoy laban sa iligal na droga.
Siyempre, kasama sa mga plano ni PNoy ang pagbuo sa malakas na kaso na mayroong solidong ebidensiya laban sa mga nasa likod ng ipinagbabawal na gamot.
Higit kasing lalakas ang kampanya laban sa iligal na droga kung maipapakulong ang mga nasa likod nito. 
Hindi lamang naman talaga pagtukoy sa pinaghihinalaang mga personalidad sa ipinagbabawal na gamot ang kailangang gawin kundi ang makabuo ng solidong kaso laban sa mga ito.
Mahirap talaga na puro operasyon lamang na hindi naman nagbubunga ng matagumpay na prosekusyon.
Kailangang maging maingat din ang ating mga awtoridad doon sa pagbuo ng mga kaso laban sa mga ito para matiyak na hindi sila makakawala sa kamay ng batas.
Hindi naman papogi lamang sa media ang gustong mangyari ni Pangulong Aquino dahil nais nito ang konkretong aksiyon laban sa iligal na droga. Laging tandaan: “Bata mo ‘ko at Ako ang Spy n’yo.” (Twitter: follow@dspyrey)
http://www.abante-tonite.com/issue/jan1116/edit_spy.htm#.VpOqE7YrK1s




No comments: