Friday, November 13, 2015

Bayan mo ang nakataya sa APEC! (part 1) REY MARFIL



Bayan mo ang nakataya sa APEC! (part 1)
REY MARFIL


May ilang pumupuna kaugnay sa ginagawang paghahanda ng pamahalaang Aquino sa gagana­ping Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) meetings sa Maynila sa susunod na linggo.
Pero sa mga nakauunawa sa kahalagahan ng pagtitipon na ito ng mga lider mula sa Asya-­Pasipiko, batid nila na kailangan itong suporta­han para magtagumpay dahil dangal ng mga Pinoy ang nakataya at hindi lang si Pangulong Noynoy ‘PNoy’ Aquino.
Simple lang naman para maunawaan kung bakit mahalaga ang APEC meeting at kung bakit dapat kasabikan din naman ito ng mga Pinoy; kumbaga sa isports, puwedeng ikonsidera na Olympics o ASEAN Games ang APEC meeting sa larangan ng kalakalan sa mundo at ugnayang panlabas, at tayo ang mapalad na host.
Tulad ng mga international big events sa sports, nagbi-bid ang mga bansa para sila ang mag-host ng pagtitipon dahil makatutulong iyon para mai-­promote ang kanilang bansa, mapalakas ang tu­rismo at makatulong sa kanilang ekonomiya. Ma­laking bagay kasi ang pagiging host ng isang international event dahil maibabalita ang host country sa lahat ng bansang dumadalo o kasali sa pagtitipon.
At sa gaganaping APEC meeting na magsi­simula sa susunod na linggo, tinatayang 21 mata­taas na lider sa mundo ang darating sa Pilipinas -- kabilang na ang mga pangulo ng Amerika, Russia, Japan at China.
***
Bilang host country ang Pilipinas, hindi lang ang mukha ni PNoy ang nakataya sa pagtitipong ito na maibabalita ang buong mundo -- kung hindi ikaw...bilang Pilipino.
Nang bumisita sa bansa si Pope Francis, hindi lang naman si PNoy ang pinasalamatan ng Santo Papa at hinangaan ng mundo sa ginawang pakikiisa para protektahan ang lider ng Simbahang Katolika, kung hindi ang buong sambayanang Pilipino.
Kung sakaling may hindi magandang nangyari sa Santo Papa habang nasa Pilipinas, hindi rin lang si PNoy ang masisisi kung hindi maging tayong mga Pinoy din.
At kung noon na mag-isa lang si Pope Francis ay naging mahigpit na ang seguridad na ipina­tupad sa Metro Manila at mga lugar na kanyang pinunta­han, isipin na lang natin at unawain kung papaano pa ang pagdating ng 21 lider mula sa iba’t ibang bansa. Isa lang sa kanila -- o ang kasama ng kanilang delegasyon ang madisgrasya habang nasa Pili­pinas, lagot tayo.
Kung sa mga international sports event ay sabik tayong makapag-host para maipakita ang husay ng ating mga manlalaro, makita ang mga manlalaro ng ibang bansa at mai-promote ang Pilipinas, hi­git na malaki ang nakataya sa APEC Summit dahil ka­lakalan sa buong mundo ang pag-uusapan dito. Laging tandaan: “Bata mo ‘ko at Ako ang Spy n’yo.” (Twitter: follow@dspyrey)

Wednesday, November 11, 2015

Ginagawa ang lahat! REY MARFIL


Ginagawa ang lahat!
REY MARFIL




Hindi ba’t magandang balita ang patuloy na ayudang ginagawa ni Pangulong Noynoy ‘PNoy’ Aquino para makabangon ang mga lugar na nasalanta ng 7.2 magnitude na lindol sa Visayas na ginunita kamakailan ang ikalawang taong anibersaryo ng trahedya.

Sa tulong ng matuwid na daan ni Pangulong Aquino, umabot na sa P3.07 bilyon ang nailabas na pondo para sa rehabilitasyon at pagbangon ng mga lugar na naapektuhan ng lindol sa Bohol at Cebu.

Kabilang dito ang P556.9 milyon o 30 porsiyentong pondo na kakailanganin sa pagtatayo ng mga pasilidad at gusali sa ilalim ng “Build Back Better” na programa ng pamahalaan.

Sa ilalim nito, mas maganda at maaasahang pasilidad ang ibabalik sa mga nawalang istruktura sa mga lugar upang mas maging matatag sakaling mayroon pang dumating na mga trahedya sa hinaharap.

Sa P3.07 bilyon, napunta ang P2.46 bilyon sa Bohol at P24.6 milyon naman sa Cebu para maitayong muli ang mga gusali, palengke, civic centers, barangay facilities, tulay at sistemang patubig.

Mahalaga kay PNoy ang buhay at kaligtasan ng mga Pilipino kaya naman magpapatuloy ang ayuda sa nasalantang mga lugar kung saan lalong paghahanda­an ang pagharap sa mga sakuna.

***

Isa pang magandang balita ang inapruba­hang P25 bilyong halaga ng proyekto ng National Economic and Development Authority (NEDA) Invest­ment Coordination Committee-Cabinet Committee (ICC-CC) para sa tatlong proyekto sa ilalim ng public-private partnership (PPP) agreement.

Nabatid sa PPP Center na binigyan na ng permiso ni PNoy sa pamamagitan ng ICC-CC na pondohan ang Philippine Travel Center Complex (PTCC) ng Department of Tourism (DOT), Plaridel Bypass Toll Road ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at Batangas-Manila (BatMan) 1 Natural Gas Pipeline project ng Philippine National Oil Company (PNOC).

Sa ilalim ng P1.747 bilyong PTCC project, kinabibilangan ito ng pagtatayo ng multimodal complex o tanggapan para maging tahanan sa Intramuros, Maynila ng iba’t ibang mga ahensya na may kinalaman sa turismo.

Higit kasing makakabuti kung magkakaroon ang Pilipinas ng isang one-stop shop para gawin ang mga transaksyon na may kinalaman sa turismo upang mas maging maayos at mabilis ang proseso.

Nagkakahalaga naman ng P9.387 bilyon ang Plaridel Bypass Toll Road na isang 23.3 kilometrong kalsada na magmumula sa Balagtas Inter­change sa North Luzon Expressway hanggang sa San Rafael, Bulacan para mapabilis ang biyahe.

Malaki naman ang maitutulong ng makukuhang karagdagang enerhiya na mabuti sa kapaligiran ng Batangas-Manila (BatMan) 1 Natural Gas Pipeline project ng PNOC.

Siguradong malaking ginhawa ang ibubunga nito sa marami at magbubunga rin ng karagdagang trabaho.
Laging tandaan: “Bata mo ‘ko at Ako ang Spy n’yo.” (Twitter: follow@dspyrey)

Friday, November 6, 2015

Agimat o ‘itinanim’ na bala? REY MARFIL



Agimat o ‘itinanim’ na bala?
REY MARFIL


Hindi na nakatutuwa ang iskandalong nilikha ng sinasabing raket o modus na “laglag” o “tanim” bala sa airport para makikilan daw ang ilang pasahero. Pero ang tanong, may sindikato nga ba sa likod nito o sadya lang na marami tayong kababayan na pasaway?
Hindi rin maiwasan na isipin na nagkataon rin lang kaya o sadyang may nanadya na nangyari ang pagputok ng kontrobersyang ito sa panahon na papalapit ang Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Leaders Summit na gaganapin sa Maynila ngayong Nobyembre.
Batay na rin sa kasi sa mga datos tungkol sa mga insidente ng pagkakadiskubre ng mga bala sa bagahe ng ilang pasahero sa Ninoy Aquino International Airport, lumi­litaw na hindi nalalayo ang bilang ng mga naku­kumpiskang bala sa mga bagahe ngayong taon na nasa 1,394 na insidente, kumpara sa nakalipas na mga taon.
Noong 2012, umabot umano sa 1,214 ang insidente ng pagkakabisto ng mga bala sa mga bagahe; 1,813 naman noong 2014; at mas mataas noong 2013 na umabot sa 2,184.
Ang tanong, kung dati na itong nangyayari, bakit ngayon lang pumutok? May grupo kaya na nais palakihin ang kontro­bersya at ipahiya ang administrasyong Aquino sa inter­national community dahil sa papalapit na APEC Summit kung saan darating sa Pilipinas ang mga lider ng iba’t ibang bansa?
Aba’y kung may grupo talagang nais ipahiya si Pa­ngulong Noynoy ‘PNoy’ Aquino sa international community, dapat sigurong bantayang mabuti ang mga magsu­suri sa bagahe ng mga diplomatic officials na darating sa bansa at baka pati ang mga ito e taniman ng bala.
***
Ngayon pa nga lang, mayroon nang mga bansa ang nagbigay ng babala sa kanilang kababayan -- pati na ang United Nation -- na mag-ingat sa sinasabing kalokohan na nangyayari sa ating paliparan. Pati tuloy ang mga kaba­bayan natin na bibiyahe papunta at paalis ng Pilipinas ay nagiging praning na at binabalutan na parang mummy ang kanilang bagahe para hindi masingitan ng bala.
Hindi rin maiaalis ang posibilidad at paghinalaan na baka konektado rin sa pulitika ang paglaki ng kontrobersya dahil nalalapit na ang panguluhang halalan. O baka naman may nananabotahe lang sa NAIA upang magkaroon ng balasa­han at mapalitan ang mga nakaupong opisyal ngayon?
Pero sa kabila ng lahat ng espekulasyong ito, hindi rin naman dapat alisin ang posibilidad na baka sadyang mayroon din tayong mga kababayan na talagang pasaway? Ito ang mga kababayan natin na naniniwalang “anting-anting” ang bala; na kahit alam na nilang bawal ay dinadala pa rin nila sa pagla­lakbay sa pag-aakalang makalulusot sa mga nagbabantay. Sa halip na suwertihin, malas ang inaabot nila kapag nahuli.
Kung susuriin kasi, kung may sindikatong nasa likod ng “tanim” o “laglag” bala, tiyak na magpapalipas o magla-lie low muna ang mga ito dahil “mainit” sa kanila ang paningin. Pero hindi. Kahit mainit ang usapin ay mayroon pa ring nahuhulihan ng bala. Katunayan nga, kamakailan lang ay mayroong tatlong pasahero na nahulihan ng bala sa loob lang ng isang araw.
Anuman ang katotohanan sa likod ng kontrobersyang ito, ang malinaw ay hindi ito binabalewala ni PNoy para protekta­han ang kanyang mga “boss” na manlalakbay. Inatasan niya ang Department of Transportation and Communications na a­lamin ang katotohanan sa nangyayaring ito sa airport. At may hiwalay ding imbestigasyon na ginagawa ang Department of Justice sa pamamagitan ng National Bureau of Investigation (NBI).
Kaya naman makabubuting hintayin natin ang magiging resulta ng mga imbestigasyon. Dahil ang direktiba ay galing kay PNoy, tiyak na may magtatanim ng kamote sa kangkungan kapag napatunayan na mayroong mga tauhan ng paliparan na nasa likod ng hinihinalang modus na ito. Laging tandaan: “Bata mo ‘ko at Ako ang Spy n’yo.” (Twitter: follow@dspyrey)

Wednesday, November 4, 2015

Puro laway lang!




                                                   Puro laway lang!
                                                                       REY MARFIL



Sa ginawang paglalayag ng mga barkong pandigma ng Amerika sa pinag-aagawang bahagi ng West Philippine o South China Sea, lalong napatunayan ang pagiging bully ng China at tanging ang mga maliliit na bansa lang ang kinakaya nila gaya ng Pilipinas at Vietnam.


Aba’y noong nakaraang mga buwan, binobomba ng tubig ng mga barko ng China ang mga bangka ng kawawa nating mga mangingisdang Pinoy, at maging ng Vietnam. Itinataboy nila ang mga kababayan nating hindi naman armado at tanging pangingisda lang ang pakay sa parte ng karagatan na bahagi naman ng Pilipinas.


May insidente pa nga na halos sagasaan o sinagasaan na nga ng barko ng China ang mga bangka ng mga mangingisdang Pinoy. Ilang beses na rin nating nabalitaan na itinataboy ng mga barko ng China ang mga kababayan natin na gustong magpalipas sa ligtas na bahagi ng Bajo de Masinloc kapag masama ang panahon.


Hindi lang iyon, pati nga ang barko ng Pilipinas na nagdadala ng suplay sa mga sundalo nating nakadestino sa nakasadsad na barko para bantayan ang Second Thomas Shoal ay hindi pinapatawad ng China.


Hindi naman nagpapabaya ang pamahalaang Aquino sa mga insidenteng ito. Dahil hindi natin nais ang karahasan, idinadaan ng Pilipinas sa diplomatikong protesta ang mga pambabarakong ginagawa ng China sa ating mga kababayan. Sa mapayapang paraan din nais ni Pangulong Noynoy ‘PNoy’ Aquino na maresolba ang agawan sa teritoryo kaya tayo naghain ng protesta sa arbitration committee ng United Nation.


***


Dahil sa pinaggagawa ng mga barko ng China sa mga kababayan nating mangingisda na hindi naman armado, tinawag silang bully. Kinakaya-kaya nila ang mga maliliit at inaagaw ang mga teritoryo ng mga bansang kalapit nila sa Asya.


Kahit ilang protesta ang ginawa ng Pilipinas laban sa China upang itigil ang pagtatayo nila ng mga artificial island sa bahagi ng West Philippine o South China Sea, na higit na mas malapit sa atin, aba’y nagbubulag-­bulagan at nagbibingi-bingihan sila. Patuloy nilang ina­angkin at iginigiit na sa kanila ang halos buong bahagi ng nabanggit na bahagi ng karagatan.


Pero kamakailan nga ay mistulang ipinamukha ng Amerika na puro daldal lang ang China at bully lang talaga sila sa mga maliliit na bansa.


Mantakin niyo, naglayag ang barkong pandigma ng US malapit sa artipisyal na isla na itinayo ng China ay wala silang ginawang karahasan. Kahit man lang yata mangbelat ang mga Tsino ay hindi nila nagawa sa mga Amerikano.


Kung noon ay mabilis pa sa alas-kuwatro ay nakabuntot na ang mga barko ng China sa mga hindi armadong bangka ng mga mangingisda nating Pinoy, aba’y noong naglayag ang mga barkong pandigma ng US na malapit sa mga ginawang isla, aba’y kahit anino yata ng barko ng China ay walang naibalita.


Imposibleng hindi nila alam na may barkong pandigma ng US sa lugar dahil tiyak na makikita nila ito sa radar dahil sa laki at mga armado pa.


Kung tutuusin, dapat noon pa ito ginawa ng US, noong panahon na wala pa ang mga artificial island. Sa totoo lang, personal na interes ang nasa likod ng paglalayag na ito ng US. Kung magtatagumpay kasi ang China na kontrolin ang mga barko na dadaan sa mga international waters, mapeperwisyo ang multi-bilyong negosyo o kalakalan sa mundo sa pamamagitan ng pag­biyahe ng mga produkto gamit ang barko.


Kahit si Pangulong Aquino, walang nakikitang masama sa ginawang paglalayag ng US malapit sa mga artipisyal na isla basta naaayon ito sa pandaigdigang batas na dapat respetuhin at sundin ng lahat ng bansa -- dapat maging ang China.

Laging tandaan: “Bata mo ‘ko at Ako ang Spy n’yo.” (Twitter: follow@dspyrey)

Monday, November 2, 2015

Ang tunay na may malasakit! REY MARFIL



Ang tunay na may malasakit!
REY MARFIL


Malaki ang maitutulong ng kautusan ni Pa­ngulong Noynoy ‘PNoy’ Aquino sa Department of Transportation and Communications (DOTC) at Light Rail Transit Authority (LRTA) na bumili ng 120 pirasong bagong Light Rail Vehicles (LRVs) para sa LRT Line 1.
Kailangan rin ito dahil sa planong paabutin ang kasalukuyang Roosevelt sa Quezon City hanggang Baclaran sa ParaƱaque City na ruta patungong Bacoor, Cavite o karagdagang 11.8 kilometrong ekstensyon.
Popondohan ang proyekto ng pinahiram na salapi ng Japan International Cooperation Agency (JICA).
Malaki ang maitutulong ng ekstensyon upang maging mabilis at maayos ang biyahe ng ating mga kababayan sa Cavite patungong Metro Manila.
Bahagi ito ng malawakang modernisasyon na isinu­sulong ni Pangulong Aquino hindi lamang sa LRT-1 kundi maging sa buong sistema ng riles sa bansa.
***
Nakakatuwa ang desisyon ng Social Security System (SSS) alinsunod sa malasakit ni PNoy na pahaba­in ang panahon kung saan maaaring iparating ng overseas Filipino workers (OFWs) sa ahensya ang kanilang pagkakasakit.
Mula sa limang araw, gagawin ngayong 35 araw o karagdagang 30 araw ang tinatawag na prescriptive period para sa paghahain ng sickness notifications ng OFWs para sa mga nagkakasakit na hindi naman naospital.
Batid ni Pangulong Aquino ang malaking sakri­pisyo at hirap ng OFWs habang nasa ibayong-dagat na talaga namang hindi ganoon kadali para sa mga ito na maipabatid sa SSS ang kanilang pagkakasakit.
Sa pamamagitan ng bagong patakaran, mas ma­laking benepisyo ang makukuha at makakaiwas sa posibilidad na maibasura ang aplikasyon ng OFWs sa SSS.
Maaaring makontak ng OFW ang SSS OFW Contact Services Unit (OFW-CSU) sa ofw.relations@sss.gov.ph o telepono sa bilang na +632 364-7796 o +632 364-7798 mula alas-sais ng umaga hanggang alas-10:00 ng gabi mula Lunes hanggang Biyernes, oras sa Pilipinas.
Umaabot ngayon sa 1.07 milyon ang OFWs na miyembro ng SSS sapul noong Hunyo o siyam na porsiyentong pag-angat mula sa naitalang 983,000 rehistradong miyembro noong Hunyo 2014. Laging tandaan: “Bata mo ‘ko at Ako ang Spy n’yo.” (Twitter: follow@dspyrey)
http://www.abante-tonite.com/issue/nov0215/edit_spy.htm

Friday, October 30, 2015

Masama kung walang pinagkatandaan REY MARFIL



Masama kung walang pinagkatandaan
REY MARFIL


Kung maituturing o masasabi man na may kabutihang iniwan sa atin ang delubyong ginawa ng bagyong Yolanda noong Nobyembre 2013, ito ay ang pagmulat sa kamalayan ng mga Pilipino tungkol lakas o puwersa ng kalikasan na hindi natin dapat balewalain.
Sa susunod na buwan, gugunitain natin ang ikalawang anibersaryo ng mapait na karanasan ng bansa sa hagupit ni Yolanda na kumitil sa buhay nang mahigit 6,000 katao, bumago sa buhay ng libo-libo at sumubok sa katatagan at bayanihan natin bilang isang lahi

Sa pagbabalik-tanaw, nakalulungkot isipin na sa kabila ng paalalang ginawa noon ni Pangulong Noynoy ‘PNoy’ Aquino III sa pamamagitan ng televised address isang araw bago ang pagtama ni Yolanda, umabot pa rin sa napakalaking bilang ng mga kababayan natin ang nasawi.
Bakit nga ba iyon nangyari? Dahil hindi ba sineryoso ang babala ng mga kinauukulan tungkol sa lakas ng bagyo? Nagkulang ba ang lokal na pamahalaan at hindi maagang nailikas ang mga nasa peligrosong lugar? O dahil kulang pa ang kaa­laman natin sa tinatawag na ‘storm surge’ o ‘daluyong’? Ito ang pag-alsa ng dagat na mistulang tsunami na sinasabing isa sa mga naging dahilan kaya maraming buhay ang nawala.
Gayunpaman, hindi na natin maibabalik ang nakaraan; hindi na natin maibabalik ang mga buhay na nawala. Ika nga, move on na tayo at matuto ng leksyon sa nangyari para hindi na maulit muli. Sabi ng mga nakatatanda, ang mahirap sa tao ay iyong tatanda nang walang pinagkatandaan.
Dahil nga kay Yolanda, naging mas alerto na ang mga tao at nakikinig na rin sa mga abiso ng pamahalaang Aquino at mga kinauukulang ahensiya kapag may tatamang bagyo. Patuloy din ang ginagawa ni PNoy ng paglalaan ng pondo sa PAGASA para sa mas tumpak na mga impormasyon na makakalap kapag may namumuong sama ng panahon.
Bunga ng climate change, kapansin-pansin na nagbabago na rin ugali ng kalikasan -- nagkakaroon ng ma­tinding init na susundan ng malakas na buhos ng ulan. Kung dati ay habagat lang ang naririnig nating nagdudulot ng mga pagbaha maliban sa bagyo, ngayon ay namo-monitor na rin ng PAGASA ang tinatawag na ‘thunder storm’ na kaya na ring pagbaha sa Metro Manila kahit walang bagyo.
Maliban sa mas tumpak na pagtaya ng PAGASA sa lagay ng panahon at regular na nagbibigay ng babala ng gobyerno kapag may tatamang bagyo o magkakaroon ng habagat o thunder storm, nakikiisa na rin ang marami na­ting kababayan sa maagang paglikas upang mailayo sila sa kapahamakan. Marahil kung hindi pinapansin noon ang babala sa storm surge o daluyong, ngayon ay kasama na ito sa listahan ng mga tao na dapat pag-ingatan at iwasan.
***
Dahil na rin sa mga pagbabagong ito sa kahandaan ng pamahalaan at mga tao sa pagdating ng kalamidad, mismong ang Uni­ted Nations Office for Disaster Risk Reduction (UNISDR­) ang nagsabi na tunay na nagkaroon na tayo ng pagbabago. Isang halimbawa na ginamit nila ang kakaunting napinsala na idinulot ng malakas na bagyong si Ruby at maging ni Lando.
Ang sistemang ginagamit daw ngayon ng pamahalaang Aquino sa disaster risk management para magbigay ng babala sa mga mamamayan kapag may nakaambang kalamidad ay maaari raw ibahagi natin sa mundo para tularan ng ibang bansa.
Naniniwala rin ang Center for Disaster Preparedness (CDP) na nakabase sa Pilipinas na malaking bahagi ng pagbabago sa kahandaan ng bansa sa pagtugon sa kalamidad ang pakikiisa ng mga tao na tumugon at sumunod sa babala ng mga awtoridad na lumikas kapag may banta na sa kanilang bahay.
Subalit marami pa rin ang kailangan gawin upang makamit natin ang hinangad nating ‘zero casualty’ kapag may malalakas na bagyo o lindol. Hindi lang ang mga naninirahan sa mga lugar na peligrosong bahain o maabot ng daluyong ang dapat maging alerto sa paglikas kung hindi maging ang mga nakatira sa paanan ng bundok o burol na may peligro ng land, rock at mudslide.
Hindi na natin maibabalik ang mga nawala dahil sa nangyaring mga kalamidad pero ang leksyon na naiwan nito ay dapat nating balik-balikan para magpaalala sa mga dapat nating gawin upang makapagligtas ng mga buhay. Laging tandaan: “Bata mo ‘ko at Ako ang Spy n’yo.” (Twitter: follow@dspyrey)

Wednesday, October 28, 2015

Masama kung walang pinagkatandaan REY MARFIL




Masama kung walang pinagkatandaan
REY MARFIL



Kung maituturing o masasabi man na may kabutihang iniwan sa atin ang delubyong ginawa ng bagyong Yolanda noong Nobyembre 2013, ito ay ang pagmulat sa kamalayan ng mga Pilipino tungkol sa lakas o puwersa ng kalikasan na hindi natin dapat balewalain.
Sa susunod na buwan, gugunitain natin ang ikalawang anibersaryo ng mapait na karanasan ng bansa sa hagupit ni Yolanda na kumitil sa buhay ng mahigit 6,000 katao, bumago sa buhay ng libu-libo at sumubok sa katatagan at bayanihan natin bilang isang lahi.
Sa pagbabalik-tanaw, nakalulungkot isipin na sa kabila ng paalalang ginawa noon ni Pangulong Noynoy “PNoy” Aquino sa pamamagitan ng televised address isang araw bago ang pagtama ni Yolanda, umabot pa rin sa napaka­laking bilang ng mga kababayan natin ang nasawi.
Bakit nga ba iyon nangyari? Dahil hindi ba sineryoso ang babala ng mga kinauukulan tungkol sa lakas ng bagyo? Nagkulang ba ang lokal na pamahalaan at hindi maagang nailikas ang mga nasa peligrosong lugar? O dahil kulang pa ang kaa­laman natin sa tinatawag na “storm surge” o “daluyong”? Ito ang pag-alsa ng dagat na mistulang tsunami na sinasabing isa sa mga naging dahilan kaya maraming buhay ang nawala.
Gayunpaman, hindi na natin maibabalik ang nakaraan; hindi na natin maibabalik ang mga buhay na nawala. ‘Ika nga, move on na tayo at matuto ng leksyon sa nangyari para hindi na maulit muli. Sabi ng mga nakatatanda, ang mahirap sa tao ay iyong tatanda nang walang pinagkatandaan.
Dahil nga kay Yolanda, naging mas alerto na ang mga tao at nakikinig na rin sa mga abiso ng pamahalaang Aquino at mga kinauukulang ahensya kapag may tatamang bagyo. Patuloy din ang ginagawa ni PNoy ng paglalaan ng pondo sa PAGASA para sa mas tumpak na mga impormasyon na makakalap kapag may namumuong sama ng panahon.
Bunga ng climate change, kapansin-pansin na nagbabago na rin ang ugali ng kalikasan -- nagkakaroon ng matinding init, na susundan ng malakas na buhos ng ulan. Kung dati ay Habagat lang ang naririnig nating nagdudulot ng mga pagbaha maliban sa bagyo, ngayon ay namomonitor na rin ng PAGASA ang tinatawag na “thunderstorm” na kaya na ring magpabaha sa Metro Manila kahit walang bagyo.
***
Dahil na rin sa mga pagbabagong ito sa kahandaan ng pamahalaan at mga tao sa pagdating ng kalamidad, mismong ang United Nations Office for Disaster Risk Reduction (UNISDR) ang nagsabi na tunay na nagkaroon na tayo ng pagbabago. Isang halimbawa na ginamit nila ang kakaunting napinsala na idinulot ng malakas na bagyong si Ruby at maging ni Lando.
Ang sistemang ginagamit daw ngayon ng pamahalaang Aquino sa disaster risk management para magbigay ng babala sa mga mamamayan kapag may nakaambang kalamidad ay maaari daw ibahagi natin sa mundo para tularan ng ibang bansa.
Kasama sa binigyang-pansin ng UNISDR ang ipinatutupad ng PAGASA na maglabas ng regular update sa sitwasyon ng bagyo at ang pakikipag-ugnayan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa mga lokal na pamahalaan at sa mga pri­badong organisasyon para maghanda sa kinakaila­ngang ayuda bago at matapos tumama ang kalamidad.
Naniniwala rin ang Center for Disaster Preparedness (CDP) na nakabase sa Pilipinas na malaking bahagi ng pagbabago sa kahandaan ng bansa sa pagtugon sa kalamidad ang pakikiisa ng mga tao na tumugon at sumunod sa babala ng mga awtoridad na lumikas kapag may banta na sa kanilang bahay.
Hindi na natin maibabalik ang mga nawala dahil sa nangyaring mga kalamidad, pero ang leksyon na naiwan nito ay dapat nating balik-balikan para magpa-alala sa mga dapat nating gawin upang makapagligtas ng mga buhay.  Laging tandaan: “Bata mo ‘ko at Ako ang Spy n’yo.” (Twitter: follow@dspyrey)
http://www.abante-tonite.com/issue/oct2815/edit_spy.htm