Tuesday, May 25, 2010

Mayo 25 2010 Abante Tonite

Tunay na maginoo
Rey Marfil

Ilang government officials sa ilalim ng Arroyo administration ang posibleng mabigyan ng trabaho, ito’y naka-base sa magandang performance at track record, malinaw ang pagiging “Healing President” ni incoming President Benigno Simeon ‘Noynoy’ Aquino III -- isang indikasyong “independent thinker” na marunong kumilala sa merito at talento, as in hindi idinaan sa emosyon ang paghuhusga sa mga tao.

Ang pagpapanatili sa mga matitinong “Arroyo appointees” ang nagpapatunay ng sinseridad sa paglilingkod at nagbibigay pag-asa sa publiko bilang “Unifying President” -- isang lider na nagbibigay-halaga sa merito at performance, hindi sa anumang konsiderasyon, katulad ng koneksyon at impluwensya sa pagpili ng mga gabinete o makakatulong upang maisakatuparan ang ipinangakong pagbabago.


Sa dami ng nagsusulputang pangalan bilang bagong gabinete, ilan sa “Arroyo appointees” ang naisasama sa ‘long list’ ni Aquino na pananatilihin sa kapangyarihan -- sina Health Sec. Esperanza Cabral, Energy Sec. Jose Ibazeta at presidential adviser on peace process Ging Deles, maliban kung makitaan ng ‘dumi’ sa kanilang opisina at hindi maayos ang pagkakawalis ng mga basura dahil nagmamadali lalo pa’t paalis ang kanilang Mam (Gloria) sa Malacañang? Take note: maraming aplikante ang nakapila sa labas ng Time Street, maging sa Balai, Cubao (Mar Roxas headquarters) at Samar Avenue, hindi pa kasama riyan ang tambay sa iba’t ibang coffee shops.

Kaya’t asahan ang matinding ‘sikuhan’ -- ito ang maingat na binabantayan at sinusuri ngayon ni Aquino sa pagpili ng mga makakasama sa presidential palace dahil kailangang iisa ang kumpas at synchronized ang pagkilos kapag pumasok ng Malacañang.


***
Napag-usapan ang “Arroyo appointees”, magandang sen­yales kay Philippine National Police (PNP) chief Jesus Verzosa ang posibleng pagpapalawig ng termino hanggang magretiro sa Disyembre.

Kahit nasampolan ng Kongreso sa ‘Euro General scandal’ sa unang buwan bilang PNP chief, nasubukan ang katapatan sa Konstitusyon at ipinakita ang husay upang protektahan ang kagalingan at interes ng mga mamamayan.

Ibig sabihin, puwedeng mabigyan ng ibang posisyon o security-related portfolio sa pagpasok ng Aquino administration.

Mantakin n’yo, kahit dumating sa puntong nameligro ang PNP career, ito’y nanindigan sa pinaniniwalaang posisyon.
Hindi lingid sa kaalaman ng publiko, naging target si Verzosa ng mga pagkilos upang masibak sa puwesto, aba’y pinag-init ang ulo ni Mrs. Arroyo nang sabihin nitong “Hindi susuporta ang PNP sa anumang balaking labag sa Saligang Batas at labag sa kalooban ng publiko” -- ito’y nangyari sa kasagsagan ng mga espekulasyong magkakaroon ng ‘failure of election’ na walang ibang agenda ang Malacañang kundi palawigin ang termino ng misis ni Jose Pidal.

Sa galit ni Mrs. Arroyo, hindi ba’t inisnab ang commencement exercises ng Philippine National Police Academy (PNPA) -- isang okasyong tradisyunal na dinadaluhan ng Pangulo.

Ang pinakamalupit sa lahat, hindi rin binanggit, as in “in-acknowledge” ni Mrs. Arroyo sa kanyang talumpati sa Philippine Army (PA) anniversary celebration ang presensya ni Verzosa, malinaw ang matinding pagka-bad trip dito.

At ngayong malinaw ang panalo ni Aquino, pinakamagandang ginawa ni Verzosa -- ito’y naghain ng courtesy resignation at epektibo sa June 30 kahit Disyembre magreretiro, kalakip ang pagsumite ng 15-point road map na magsisilbing gabay sa paghubog sa PNP bilang ‘world-class police force’ pagsapit ng 2030.

Simple lang ang gustong mangyari ni Verzosa, bigyang-laya si Aquino na makapili ng bagong PNP chief at hindi maipit ang bagong administrasyon sa dokumentong kanyang pinanghahawakan upang maisagawa ang reorganisasyon.

Ibig sabihin, tunay na maginoo si Verzosa -- ito ang isa sa kailangan ni Aquino kung nais itulak ang ‘high moral ground’, hindi lamang bilang PNP chief kundi sa ibang sangay o ahensya ng pamahalaan lalo pa’t malalim ang karanasan sa pagharap sa mga problemang pangseguridad na kinakailangan ng dagliang solusyon. (mgakurimaw.blogspot.com)

Mayo 23 2010 Abante Tonite

Bias sa ‘kamag-anak Inc.’
Rey Marfil

Hindi pa man naipu-proklamang Pangulo, maagang hinuhusgahan ng mga ‘talunang kritiko’ ang lide­rato ni incoming President Benigno ‘Noynoy’ Aquino III, malinaw ang ‘crab mentality’ kaya’t walang asenso dahil nadikit sa katawan ng bawat Pinoy ang matinding inggit.

Bagama’t paalala ang gamot sa taong nakakalimot, hindi napapanahong ‘singilin’ si Aquino sa mga sinumpaang pangako noong nakaraang kampanya lalo pa’t hindi pa nakakatapak ang kahit hinliliit sa Malacañang.

Hanggang ngayon, meron ginagawang ‘last minute effort’ ang mga kaporal ni Mrs. Arroyo para idiskaril ang pag-upo ni Aquino, pinaka-latest ang ‘no proclamation scenario’ ni House Speaker at out going Davao Congressman Prospero Nograles Jr., animo’y naghahanap ng damay dahil hindi lang durian ang pinakain ng mag-amang Duterte sa mayorality race kundi alikabok.


Sa kasagsagan ng kampanya, ginawang pang­wasak kay Aquino ang “Kamag-anak Inc.” -- ito’y kaparte sa demolition job na pinakawalan ng katukayo ni Joselito Cayetano, gamit ang TOPAK (trapo, oportunista at kamag-anak inc.).

At ngayong pinag-uusapan ang bubuo sa gabinete ni Aquino, balik sa dating gawi ang pag-atake ng mga kritiko, hindi lamang sa social networking sites, mapa-chat room sa Yahoo Messenger o Facebook bagkus sa iba’t ibang media forum na dinadaluhan ng mga talunang kandidato, katulad ang alegasyong magbabalik ang ‘Kamag-anak Inc.’ sa palasyo -- ang cabal ng mga malalapit na kamag-anak ni dating Pangulong Cory Aquino na sangkot sa graft and corruption. In fairness kay Aquino, malinaw ang kanyang deklarasyon, hindi puwedeng humawak ng posisyon ang sinumang kamag-anakang nasa 4th degree.

Kung Spy ang tatanungin, napaka-bias ang ganitong panuntunan, paano kung sobra-sobra sa kakayahan ang isang kamag-anak, ito ba’y mananatiling tambay na lamang habang-buhay?


Lingid sa kaalaman ng publiko, meron isang salita at lalaking kausap si Aquino kaya’t asahang pagtitibayin ang malaking tiwalang ibi­nigay ng humigit-kumulang 15 milyong Pinoy nga­yong eleksyon, partikular ang seryosong pagtupad sa campaign slogan -- “Kung walang corrupt, walang mahirap” maging ang catch phrase “Hindi ako magnanakaw” na nagtakda ng tenor sa kanyang matagum­pay na kampanya. Madaling sabihin pero mahirap gawin ngunit para kay Aquino, ito’y isang campaign rhetoric na madaling lapatan ng karampatang aksyon dahil malinis ang kanyang record sa buong panahong nakaupo sa Kongreso, bilang kongresista at senador sa loob ng 12-taon, malinaw ang kolektibong imahinasyong nabighani sa campaign mantra ang mga Pinoy.

Ibig sabihin, si Aquino ang “the real thing” sa “Good vs Evil campaign theme”.
***
Napag-usapan ang “Kamag-anak Inc.”, bakit isinesentro lamang kay Aquino ang ganitong pagbatikos gayong sangkaterbang pulitiko ang ginagawang ‘pamana’ sa mga anak, apo hanggang manugang at balae ang posisyon sa gobyerno.

Hindi kailangang magpa­kalayu-layo ng tingin ng mga nagpapakilalang matuwid na kongresista at senador, aba’y katabi lamang ng upuan ang mga ito.

Kung hindi pa minalas ang kapatid ng katukayo ni Joselito Ca­yetano -- si Taguig congressional bet Ren-ren Cayetano ngayong eleksyon laban kay Congressman-elect Freddie Tinga, tanging si Lino Ca­yetano (director) ang naiba ng propesyon.

Mantakin n’yo, hindi man lamang kinikilabutang ‘tumahol’ ng ‘kamag-anak inc.’ si Alan Peter gayong ka-seat mate sa Upper House ang Ate Pia nito.


Sa katatapos na eleksyon, kung hindi Ortega ang namayani sa La Union, “Ganito rin sa Makati at buong bansa ngayon”, mapa-Vice President (Jojo), Congresswoman (Abigail) at pagka-alkalde ng lungsod (Junjun), hindi ba’t puro Binay ang apelyido? Walang pinag-iba rin sa mga Ejercito-Estrada -- kung nanalo si Erapsky, simula pagka-Presidente, senador (Jinggoy), kongresista (JV) at mayor (Guia Gomez), iisa ang surname.

Kung meron naiba -- si Guia Gomez dahil ex-girlfriend at hindi puwedeng palitan si Dra. Loi bilang first lady. Hindi lang iyan, balik din sa tatlo ang mga Cayetano, hindi ba’t asawa ng katukayo ni Joselito ang nanalong alkalde ng Taguig -- si Lani Cayetano na dating staff ng namayapang si senador Renato Cayetano na nasangkot sa BW resource scandal at naimbestigahan ng committee on ethics? Take note: laway lang ang puhunan ng ama ni Alan Peter subalit kumita ng P80 milyon.

Ika nga ni First Gentleman Mike Arroyo sa ‘voice clip’ na madalas iparinig sa radio patungkol kay Pidro, hindi ba’t humirit pa ng dagdag ang senador, gamit ang katagang “Kulang pa Tito”? (mgakurimaw.blogspot.com)

Mayo 20 2010 Abante Tonite


Tatlong itlog!
Rey Marfil

Nakakasukang isi­ping isa si Donya Consuelo, alyas Jamby Madrigal-Va­lade, sa sumisigaw ng dayaan gayong walang a­ngal nang ipasa ang poll automation sa Upper House.

Ang hirap kay Donya Consuelo, pala­ging naka-headphone sa session hall at kung sinu-sino ang kausap sa cellphone kaya’t nakakaligtaang bantayan ang mga ipinapasang legislative measures.

Hindi lang iyan, dalawa pang talunang presidentiables ang nauto -- sina JC delos Reyes at Nicanor Perlas, animo’y ‘tatlong itlog’ ang drama nang humarap sa publiko, siguro naman hindi pa nabubugok? Ni sa panaginip, ayokong isiping sinapian ng masamang espiritu ang misis ni Eric Valade kaya’t ina­kalang aabot ng milyones ang boto at hindi matanggap ang katotohanang 40 libong Pinoy lamang ang nabola ngayong eleksyon, maliban kung kaparte na rin sa ‘sinister plot’ ng Malacañang o meron nagdidikta para maideklarang failure of elections dahil tagilid ang standing sa tinatakbuhang posisyon?
Kesa kuwestyunin ang resulta ng poll automation, dapat pang magpasalamat si Donya Consuelo, aba’y kahit paano meron nautong botante at nagtiyagang ‘bumilog’ sa kanyang pangalan.

Kung nagkataong ma­nual counting pa rin ang sistema, sa malamang mas mababa ang nakuhang boto ni Donya Consuelo dahil posibleng mailipat sa ibang kandidato lalo pa’t naglipana ang mga katropa ni Garci sa Min­danao. Bago mag-elek­syon, malinaw ang resulta ng survey, ‘naka-pako’ sa 0.1% ang rating ni Donya Consuelo, as in kapiraso lamang ang makukuhang boto sa final count.

Ibig sabihin, walang kapag-a-pag-asang manalo ang ex-boss ni Atty. Gary Jimenez kaya’t mas makakabuting tigilan ang pagsisigaw ng dayaan kung puro affidavit ang ipinipresintang ebidensya.

Bago nakisawsaw sina Perlas at Delos Reyes sa pakulo ni Donya Consuelo, dapat kinausap si Boy Abunda at hiniram ang mahiwagang salamin para matauhan at hindi magmukhang ‘iyaking bata’.

Mantakin n’yo, feeling-mananalong pangulo si Delos Reyes at umaasang tatalunin ang mga nangu­ngunang presidentiables gayong mismong mga kababayan sa Olongapo, pinagtatawanan ang pagtakbong pangulo.

Ewan lang kung nakahipo ng kahit pakpak ng eroplano si Delos Reyes ngayong eleksyon, as in nagkaroon ng campaign sortie sa labas ng Olongapo? Maging si Perlas, nagpakasira sa pulitika at nagmumukhang ‘crying baby’ gayong hinahangaan ang magandang credentials, maliban kung nasemento na rin ang utak, katulad ng mga hollow blocks ng Gawad Kalinga kaya’t napaniwala ang sarili na uub­ra ang kandidatura? Kahit pa pagsama-samahin ang boto nina Donya Consuelo, Perlas at Delos Reyes, ma­ging boto nina Erap Estrada at Manny Villar, pa­nalo pa rin si Noynoy Aquino sa bilangan!
***


Napag-usapan si President Noy, sangkaterba nga­yon ang nag-apply sa gabinete, mapa-director, undersecretary (usec) at assistant secretary (asec). Ang nakakasuka lang, kung sino pang hindi nakatulong sa kampanya at palihim nagtatrabaho sa ibang kampo, ito pa ang pinakamasipag ma­ngulit para mabigyan ng posisyon sa Malacañang.

Li­ngid sa kaalaman ng publiko, sa panahong malaki ang agwat ni Noynoy sa survey, marami ang tumatambay sa headquarters ng Pinoy Lawyers sa Samar Avenue, Quezon City (likod ng GMA-7) at naglahong parang bula nang mauwi sa ‘statistically tied’ ang dalawa, as in tanging 3-sister ni President Noy, media team ni Senator Chiz Escudero at ilang Pinoy lawyers ang natira sa Samar Avenue.


Ang nakakatawa sa lahat, nang magbago ang standing at malaki ang ina­ngat ni President Noy kay Manny V sa SWS Pulse Asia, biglaang dumami ang tao sa Samar headquarters at nagsibalikan ang mga nag­lahong kumag.

At ngayong panalo si President Noy, alam n’yo bang halos magbanggaan ang balikat ng mga tao sa headquarters kaya’t naghigpit ng seguridad.

Take note: meron pang isang taga-Villar camp ang nakapasok sa headquarters kaya’t tatlong gate ang pino­postehan ng blue guard at mahigpit ang polisiyang “No ID, No entry” sa bawat pintuan.

Subukan n’yong pumasyal sa Samar headquarters, mismong Team Chiz na nagpapatakbo sa media campaign ni President Noy, nagtatanungan kung sino ang mga tumatambay sa pool side? Kaya’t aba­ngan kung meron iskerol ang mabibigyan ng kapangyarihan. (mgakurimaw.blogspot.com)

Monday, May 24, 2010

Mayo 24 2010 Abante Tonite

Staff ng solon, mala-zombie noong eleksyon
(Rey Marfil)

Sa sobrang daldal ng isang miyembro ng Kongreso, nagkakasakit ang mga tauhan at karamihan dito’y nangangalumata o lumalalim at kumakapal ang eye bug dahil gabi-gabing pinupuyat noong eleksyon ng kanilang amo kahit walang campaign sorties.

Bagama’t nakakatawa ang eksena sa loob ng headquarters ng daldalerong pulitiko kapag nakikitang mala-zombie ang hitsura ng bawat isa, hindi pa rin maiwasang maawa ng mga kurimaw, sa pangunguna ng TONITE Spy dahil sobra-sobra sa trabaho at harapang pinapahirapan ang mga ito.


Sa loob ng ilang buwang kampanya, halos inuumaga ng uwi ang mga staff ng daldalerong pulitiko gayong tanghali pa lamang wala ng dinadaluhang campaign sorties o rally ang mga ito.


Ang rason, ipinapatawag ng daldalerong pulitiko ang mga staff upang i-meeting kung saan inaabot ng madaling- araw sa kadadaldal ang mokong at puro sermon lamang ang pinaggagawa ng kanilang amo.


Hindi lang iyan, kung hindi pagsermon ang ina­atupag ng daldalerong pulitiko, walang katapusang pagbubuhat ng bangko, as in pinapupurihan ang sarili sa harap ng mga staffer gayong matagal ng kumbinsidong iboboto ito.


Sa panahon ng kampanya, madalas natatapos ng alas-kuwatro ng hapon ang pakikipagkamay ng daldalerong pulitiko su­balit pasado alas-dos ng madaling-araw o kaya’y alas-kuwatro ng umaga pinakakawalan ang mga staff dahil walang katapusang meeting ang ibinibigay rito.


Sa unang tingin, magdududahan pang ibinubuhos ng daldalerong pulitiko sa mga tauhan ang lahat ng dapat sasabihin sa kampanya dahil hindi pinakikinggan sa entablado at walang pumapansin sa kalsada.


Maging kasamahan sa partido ng daldalerong pulitiko, ginawang pampalipas-oras ang pagkanta sa kanilang service vehicle habang nagsasalita sa entablado ang kumag dahil paulit-ulit ang pagbubuhat ng bangko at madalas na inaagawan pa ng oras.


Dahil mas marami pang oras sa pagsermon ang daldalerong pulitiko at madalas inuumaga kapag nagpapatawag ng meeting, karamihan sa mga staff nito’y nangangalumata o lumalalim ang eyebug, animo’y ilang linggong nakipaglamay sa patay.


Kung makakasalubong lamang sa alanganing lugar ang mga staff ng daldalerong pulitiko, ito’y posibleng kahintakutan ng mga batang paslit sa kalsada dahil mala-zombie ang aura sa kapal ng eye bug at lalim ng nangingitim na magkabilang mata.


Clue: Hindi kuwestyon ang husay ng daldalerong pulitiko at isa sa nakakapanghinayang ngayong eleksyon subalit ipinagpapasalamat din ng nakakara­ming mediamen, maging kauring pulitiko dahil mababawasan ang oras sa diskusyon at makakatipid sa tape ang mga reporter. Kung kongresista o senador, ito’y meron letrang “D” sa kabuuan ng pangalan at apelyido, as in Dehins umubra sa automation kaya’t sumisigaw ng recall. (mgakurimaw.blogspot.com)

Saturday, May 22, 2010

mayo 23 2010 abante

Bata ng presidentiable, ‘nag-self proclaim’ sa cabinet post

Kung marami ang nahihiyang magpa-appoint, kabaliktaran sa pag-uugali ng isang abogadong bataan ng presidentiable dahil “nagwa-water-water” na maitalaga sa palasyo.


Hindi maiwasang masuka ni Mang Teban matapos mabalitaang napakaadelantado ng isang abogadong bataan ng presidentiable, patunay ang pagsi-self proclaim bilang gabinete gayong mismong amo nito’y hindi pa napoproklama ng Kongreso.


Sa isang interview, biglaang isiningit ng abogadong bataan ng presidentiable ang pag­hirang ng kanyang amo bilang gabinete, sabay pakiusap na isulat subalit huwag lamang i-quote ito.


Hindi pinatulan ng mga reporter ang pagsi-self proclaim ng abogadong bataan ng presidentiable bilang bagong gabinete dahil mismong amo nito’y walang kumpirmasyon.


Mismong mediamen ay pinagduduhan ang pagsi-self proclaim ng abogadong bataan ng presidentiable, katulad ang senaryong pinapa­lutang lamang ang kanyang pangalan para hindi makalimutang i-appoint ng kanyang amo.


Ang pinaka-classic sa lahat, dati-rati’y tuwang-tuwang nadidikit ang pangalan sa grupo ng mga dating gabineteng nagtraydor kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo subalit ngayo’y inilalayo ang sarili at harapang inilalaglag ang mga dating katsukaran dahil sumama ang image ng mga ito.


Pintahan n’yo na: Madaling makilala ang abogadong bataan ng presidentiable dahil pala­ging nagsasalita kahit hindi kasali sa forum. Kung bagito sa trabaho, ito’y meron letrang “D” sa pangalan at apelyido as in Delikado lalo pa’t merong “suicidal tendency” ang hugis ng mukha nito.

Friday, May 21, 2010

Mayo 19 2010 Abante Tonite

Presidentiable, may sapak
(Rey Marfil)

Sa halip ipagtanggol sa media, mismong legal staff ng isang presidentiable ang nag-text brigade sa mga mediamen upang ipamalita ang pagkakaroon ng sapak sa ulo ng kanyang amo, pagkatapos ng kampanya.


Hindi maiwasang matawa ng mga kurimaw, sa pa­ngunguna ng TONITE Spy matapos mag-text brigade ang pinagkakatiwalaang legal staff ng presidentiable para ipabatid sa mga kaibigang mediamen ang pagkakaroon ng sapak nito.


Sa panahon ng kampanya hanggang mag-concede ang ilan sa presidentiable, hindi iniwanan ng legal staff ang kanyang amo subalit nagbago ang lahat ng makitang sinasapian ng ibang espiritu ang mokong.


Ang rason, kung anu-anong pinagsasabi ng presidentiable sa mga interview at mistulang nilukuban ng masamang espiritu dahil nagha-hallucinate sa mga kaganapan ngayong eleksyon.


Sa panahong magkasama sa kampanya ang mag-amo, halos himurin ng legal staff ang tumbong ng presidentiable para ipagtanggol sa mga taong bumabatikos kahit pa puro sablay ang pinaggagawa nito.


Kabaliktaran ngayong nalalapit ang pag-proklama sa nanalong Pangulo, nag-iba ang tingin ng legal staff sa kanyang amo at agarang nagbitiw dahil nagbabago ng kilos ang hinahangaan at ipinagtatanggol nitong boss.


Sa text brigade ng legal staff ng presidentiable, mistulang kinumpirmang may “uyot”, as in sapak sa ulo o kulang sa turnilyo dahil ginawang rason sa pagre-resign ang pagiging maligalig ng kanyang amo kung saan wala sa wisyo ang mga galaw at kilos nito.


Maliban dito, harapan din inamin ng legal staff na hindi pinagsisihan ang umalis sa poder ng presidentiable, kabaliktaran sa mga naunang press release na mahusay ang kanyang amo.


Clue: Nagsilbing chief of staff ng presidentiable ang legal staff at palaging kaututang dila, mapa-telepono o kaya’y oras ng trabaho at office hours. Kung bagong salta sa pulitika o miyembro ng Kongreso, itoy meron letrang “A” sa palayaw ang presidentiable, as in Ang hilig makipag-away at matapobre sa tunay na buhay. (mgakurimaw.blogspot.com)

Tuesday, May 18, 2010

Mayo 17 2010 abante tonite




Alalay ng vice presidentiable, astang-VIP at nanghawi sa presscon
(Rey Marfil)

Nagmukhang ‘maliit na langaw’ sa isang press conference ang alalay ng isang vice presidentiable matapos mang-agaw eksena at umastang-VIP o very important person kahit “papel de hapon”, walang papel ito.


Sa isang napakahalaga at malaking press conference na pinangunahan ng isang presidentiable, nasaksihan ng TONITE Spy kung paano umastang-VIP ang alalay ng isang vice presidentiable, animo’y maliit na langaw na dumapo sa long table gayong wala naman pakpak ito.


Unang nakapansin sa pag-astang langaw ng alalay ng vice presidentiable ay ang mga mediamen na nagku-cover sa campaign sorties kung saan kamuntikan pang natanong sa isyu ang mokong sa pag-aakalang government official ito.


Hindi maiwasang masuka ng mga embedded media matapos malamang hindi public official ang alalay ng vice presidentiable na sumali sa press confe­rence, katabi ng mga kilalang personalidad.


Sa original plan, tanging presidentiable, vice presidentiable at isang kongresista ang kasali sa press conference o uupo sa long table para himayin ang mga mahahalagang isyu.


Ang isa pang nakakatawa, nagawa pang manghawi ng reporter ng alalay ng vice presidentiable at dalawa sa kanyang nabiktima’y taga-radyo at broadsheet newspaper.


Nang magsimula ang presscon, mapagkakamalan pang lehitimong persolinalidad ang alalay ng vice presidentiable dahil umupo katabi ng isang kongresista habang nasa kanan ang presidentiable.
Sa kasagsagan ng presscon, nagsimulang magkislapan, as in nag-flush ng camera at nag-roll video ang mga taga-TV kung saan aksidenteng natabingan ng ilang reporter ang alalay ng vice presidentiable dahil nagkasiksikan sa tagiliran sa dami ng nagko-cover sa event.


Ang ikinagulat ng lahat, sinita ng alalay ng vice presidentiable ang mga reporter at galit pang pinagsabihang lumayo dahil natatabingan ng camera at hindi makukunan ng litrato.


Pagkatapos ng presscon, ipinagtanong ng mga reporter kung ang pangalan ng congressman na nanita, sa pag-aakalang lehitimong mambabatas ito at laking-gulat ng malamang alalay lamang ng isang vice presidentiable.


Clue: Naging tauhan ni Mrs. Arroyo ang alalay ng vice presidentiable at naupo, gamit ang impluwensya ng kapatid subalit ngayo’y nagsisipsip sa ibang kampo dahil nangangarap mabigyan ng puwesto. Ito’y isa sa nagpabagsak sa imahe ng vice presidentiable at sumira sa kampanya ng amo kung saan meron letrang “D” as in Dupang sa Power, as in Pagcor ang expertise. (mgakurimaw.blogspot.com)