Tuesday, November 17, 2009

november 17 2009 abante tonite

Si ‘Commissioner Rolex’
Rey Marfil

Dalawang araw bago ang ‘pagtiris’ ni Manny Pacquiao kay Miguel Cotto, meron isang masuwerteng nanalo ng P68 milyon sa lotto, katulad din ni Edu Manzano, aba’y kalokohan kung walang ipinangako si Ronnie Puno, kapalit ang pakikipag-tandem kay Gibo Teo­doro. Sa pulitika, ‘give and take’ ang polisiya kaya’t hindi nakakagulat kung bakit pinili ni Edu ang mag-Vice President kahit malaki ang tsansang manalong senador.

Hindi pa man nababanggit si Edu, usap-usapan sa coffee shops ang pag-bankroll sa gastusin ng makaka-tandem ni Gibo, kabilang ang P200 milyon. Subukan n’yong itanong kay Senator Bong Revilla Jr., lalo pa’t isa sa pinuntiryang running mate ni Gibo? Ang malaking pasa­nin ni Edu, sadsad ang po­pularidad ni Mrs. Gloria Macapagal-Arroyo at nasampolan noong 2007 elections ang administrasyon, maliban kung hindi naman target ang manalo at gusto lamang mag-ikot sa buong Pilipinas dahil meron bagong game show sa Channel 2 na ipu-promote?
***
Napag-usapan si Senator Bong, matunog si Lani Mercado sa congressional race ng Bacoor. Lingid sa kaalaman ng publiko, nadagdagan ang congressional district ng Cavite province, hinati sa pito ang distrito, ang balwarte nina Cong. Jun Abaya (1st district), Cong. PD Barzaga (2nd district) at Cong. Bo­ying Remulla (3rd district). Isa sa pinakamala­king lalawigan ang Cavite at dala­wang mil­yon ang voting population kaya’t makatwiran lamang magsolo ang Bacoor at Imus. Ibig sabihin, buwan na lang ang bibila­ngin ni ‘Congressman Manny De Castro’ -- ito’y isang ganap ng deputado, aba’y hindi makakabangga si Cong. Boying ngayong eleksyon!

Sa paghihiwalay ng Bacoor, nakakatawang isiping Daddy ni Cong. Jun Abaya ang isa sa gustong makabalik ng Lower House. Kundi nagkakamali ang Spy, si ex-Cong. Plaridel Abaya Sr., ang humarang sa Cityhood ng Bacoor. Take note: hindi lehitimong residente ng Bacoor ang matandang Abaya, as in taga-Kawit ang buong lahi at usap-usapan ang pagbili ng bahay sa Bacoor, dalawang taon ang nakakaraan, bilang preparasyon kapag naging congressional district ito. Kaya’t ma­ging maingat ang mga cons­tituents ni Mayor Strike Revilla -- piliin ang lehiti­mong taga-Bacoor, hindi ang sinumang dayo at ano pang silbi ng pakikipaghiwalay ng Bacoor kung iisa pa rin ang nakaupo.
***
Nakaraang Nobyembre 8, tanghali ng Linggo, isang alipores ni Mrs. Arroyo, sa katauhan ni ‘Commissio­ner N’ ang namakyaw ng relo sa isang jewelry shop sa Glorietta, kasama ang dalawa pang kapatid. Kung makabili ng Rolex watch si ‘Commissioner’, animo’y nasa Divisoria Mall lamang, hindi gumagamit ng credit card para walang paper trail kapag nagkabukingan, as in bungkus-bungkos na salapi ang bitbit. Ayaw ni Iloilo Vice Gov. Rolex Suplico ng ganyan, aba’y inaagaw ang kanyang pangalan ni “Commissioner Rolex”.

Para magmukhang simple, naka-short pants at T-shirt lang si ‘Commissioner ’ pero mamahaling relo at hindi barya ang halaga ng mga pinakyaw. Malinaw ang mata ng Spy, nagkakahalaga ng P800 libo ang Submariner green (Rolex watch) na binili ni Commissioner, plus isa pang Rolex watch at Hublot. Take note: $26 libo (P1.3M) ang pinakamahal na Hublot watch (18k Gold & Diamond Chronograph Watch) sa Amerika, pero kung magturo ang mga kapatid ni ‘Commissioner N’, animo’y pa­ninda sa baratilyo ang mga mamahaling relos sa jewelry shop.

Maliban kay ‘Commissioner N’, isa pang alipores ni Mrs. Arroyo, sa katauhan ni ‘Secretary N’ ang bumili ng mamahaling cellphone (Vertu) sa kaparehong je­welry shop at kamuntikan pang nagpang-abot sina Commissioner at ‘Secretary N’. Kung magkano ang pinakamahal na Vertu unit (Signature Cobra) -- ito’y nagkakahalaga ng $310 libo (P15M), as in ginto at dia­mond ang mga piyesa. Hindi lang iyan, dalawa pang gabinete ni Mrs. Arroyo ang tambay din sa jewelry shop at bumili ng Rolex watch ng nakaraang buwan, isa rito’y naunsyami ang pagtakbong senador at sina­yang ang TV ads, habang ang ikalawang gabinete’y umatras sa laban. (mgakurimaw.blogspot.com)

http://www.abante-tonite.com/issue/nov1709/opinions_spy.htm


Monday, November 16, 2009

november 16 2009 abante tonite

Pulitiko nakipag-hide and seek sa reporter
(Rey Marfil)

Kung anong adelantada ng mga kapamilya para itulak ang kandidatura ng pulitiko, ito’y kabaliktaran lahat sa pag-uugali ng kanilang ‘manok’ dahil napakatamad at palaging wala sa ‘ayos’ ang mga diskarte nito.

Ang nakakatawang nasaksihan ng TONITE Spy, hindi lamang pikon sa interbyu ang pulitiko bagkus mistulang leading man sa pelikulang ‘Hide and Seek’ kung umasta sa harap ng mga reporter, animo’y nag lalaro ng ‘taguan, pong’ sa gitna ng kalye.

Ito ay makaraang mapikon sa tanong ng isang reporter dahil hindi nagustuhan ang pagbulatlat sa kanyang pagkatao, isa pang reporter ang na-bad trip sa pulitiko matapos itong pagtaguan ng mga impormasyon.

Simpleng kaluwagan lamang sa interbyu ang tanging request ng isang print male reporter, katulad ang pagkakaroon ng magandang access sa bawat galaw ng pulitiko o kaya’y makahingi ng trans cript ng interview kapag nasa out of town ito.

Hindi pa nagsasama ng reporter sa out of town ang pulitiko at tanging mediamen mula sa kakamping himpilan na sadyang ipinagkaloob ng higanteng TV station ang akay-akay nito.

Sa ganitong diskarte ng pulitiko, madalas ‘bulag’ sa impormasyon ang mga reporter na nakabase sa Metro Manila kaya’t humihingi ng kaluwagan sa coverage o magandang access para hindi malusutan ng istorya ang mga ito.

Sa puntong ito, humingi ng access ang print male reporter sa pulitiko suba lit muling lumutang ang pagiging anak-mayaman nito, patunay ang pagpasa ng kanyang responsibilidad sa ibang tao.

Kabaliktaran sa ibang pulitiko na kusang-loob nagbibigay ng access sa media at ibinubuluntaryo ang mga impormasyon, ipinasa ng pulitiko sa kanyang tauhan ang trabaho, maging ang pagdedesisyon sa napakasimpleng isyu.

Ang labis na ikina-bad trip ng reporter ay wala namang maibigay na kasagutan ang inatasang staff dahil wala ring ins truction ang kumag kung anong dapat gawin ng mga tauhan tungkol sa concern ng mga reporter, as in pinagpasa-pasahan lamang ang request nito.

Clue: Wala sa ayos ang political career ng pulitiko at malaking sorpresa ang biglaang pagsikat dahil sa isang malaking political event na nangyari sa bansa. Kung senador o kongresista, ito’y meron letrang ‘S’, as in Singer na nanggantso ng sex partner ang alyas. (mgakurimaw.blogspot.com)


http://www.abante-tonite.com/issue/nov1609/hulaan_blues.htm

Saturday, November 14, 2009

november 14 2009 abante tonite

Senatoriable, namamalimos ng interbyu
(Rey Marfil)

(mgakurimaw.blogspot.com)

Sa hangaring maiangat ang popularidad bilang preparasyon sa pagtakbong senador sa 2010 national elections, nagmistulang ‘timawa’ sa harap ng mga mamamahayag ang isang ambisyosong senatoriable.

Ang rason, namalimos ng interbyu ang ambis yosong senatoriable at gumawa ng eksena para mapansin ng mga repor ters, kalakip ang hangaring makunan ng soundbite at mabigyan ng espasyo sa peryodiko.

Nasaksihan ng TONITE Spy kung paano ‘namalimos’ ng interbyu ang ambisyosong senatoriable, animo’y nagpu-forum shopping, katulad ng mga bayarang testigo na nag-iingay sa iba’t ibang coffee shop at media forum para mapansin ng publiko.

Ang ikinasuka ng mga kurimaw, harapan ang pang-aagaw-eksena ng ambisyosong senatoriable dahil inilalako ang kanyang sarili para mapansin ng mga reporter at naghihintay ng ‘cue’ para mapitikan ng mga photographer, as in drama ang lahat ng ikinikilos nito.

Maging miyembro ng Upper House, hindi nakaligtas sa drama ng ambisyosong senatoriable kung saan nasampolan ang mga senador sa inihandang script ng kumag, katulad ang pamamasyal sa opisina ng mga mambabatas.

Ang nakakatawa lamang, hindi umubra ang drama ng ambisyosong senatoriable sa harap ng ilang senador dahil walang photographer at cameraman ang kumagat sa kanyang script at hindi man lamang ‘napitikan’ ang pinupuntiryang photo opportunity (photo ops).

Hindi rin kinagat ng mga reporter ang pagpapaawa effect ng ambisyosong senatoriable dahil walang pumatol sa istor yang inilalako at hindi rin pinansin ang press confe rence na ninanais nito.

Dahil walang pumansin sa kanyang drama, muling gumawa ng eksena ang ambisyosong senatoriable kung saan tumambay sa pintuan ng Senate Media Center at lahat ng mediamen na pumapasok ay binabati para mainterbyu subalit tablado pa rin ito.

Clue: Nagkukunyaring may delicadeza ang ambisyosong senatoriable gayong pera-pera ang misyon sa gobyerno. Kung negosyante o nakakalbo, ito’y meron letrang “Y” sa kabuuan ng pangalan at apelyido, as in Yumaman ang pamilya sa corruption.


http://www.abante-tonite.com/issue/nov1409/hulaan_blues.htm

Friday, November 13, 2009

2 solon, may bawal na relasyon

Katulad ng kasabihang ‘walang lihim ang hindi nabubunyag’, mas lalo pang nagkamukha ang pagkakaroon ng relasyon ng dalawang miyembro ng Kongreso matapos gamiting depensa sa isinampang reklamo laban dito.


Bagama’t lantad sa media ang pagkakaroon ng relasyon ng dalawang solon, ikinagulat ni Mang Teban na abot sa kaalaman ng ilang ordinaryong sibilyan ang bawal na relasyon.


Sa isang iniimbestiga­hang kaso, lalo pang nabunyag ang relasyon ng dalawa matapos ipangalandakan sa affidavit ng isang complainant ang pagiging lovers ng mga ito, sa katauhan ng isang matandang mambabatas at primadonang lady solon.


Hindi lamang ‘pokpok’ ang katagang ginamit ng isang complainant para ilarawan ang pagkatao ng primadonang lady solon bagkus ‘sex partner’ ang pagkaka-describe sa bawal na relasyon ng dalawa.


Pintahan n’yo na: Saksakan ng plastic ang primadonang lady solon habang senior citizen ang matandang solon. Kung senador o kongresista, kayo na ang puminta.


http://www.abante.com.ph/issue/nov1309/kartada5.htm

Thursday, November 12, 2009

november 12 2009 abante tonite

Ipagpabukas na lang?
Rey Marfil

Ang rekomendasyon ni Dick Gordon, alinsunod sa broadband scandal committee report ng Blue Ribbon committee, paimbestigahan si Mrs. Gloria Macapagal-Arroyo sa Office of the Ombudsman habang pinakasuhan ng katiwalian o graft case sina Atty. Mike Arroyo, ex-Comelec chairman Ben Abalos, mag-amang Jose at Joey de Venecia, DOTC Sec. Larry Mendoza, Depu ty Executive Sec. Manuel Gaite, Asec. Elmer Soneja (DOTC), Asec. Lorenzo Formoso (DOTC), Jun Lozada, SSS president Romulo Neri (ex-NEDA chief) at DENR Sec. Joselito ‘Lito’ Atienza Jr.

Ang tanong lamang ng mga kurimaw: nasaan sina Leo San Miguel, Ruben Reyes at ex-General Quirino dela Torre - ang Fili pino group na nag-lobby sa broadband project, maging ang dumukot kay Brother Jun sa airport?

Kapag sinuri ang committee report na inilabas ni Dick, makatwiran lamang na isama sina Joey at Jun sa kakasuhan. Kung ‘nagkaayusan’ sa Wack-Wack Golf at nakuha ni Joey ang kontrata, ito’y hindi mag-iingay, katulad din ni Jun, hindi ba’t napilitan lamang tumestigo sa Upper House, patunay ang pag-Hong Kong at pagtanggap ng P500 libong baon kay Gaite para ipambili ng winter clothes.

Ibig sabihin, kundi nasukol si Jun, hindi ‘kakanta’ at napakahirap paniwalaang dinukot kung kusang-loob ang pagsama at pag-alis ng Pilipinas. Ang sabit lamang ni Dick, kung hindi pa nangalampag si Joey at hindi pinasyalan ang kanyang opisina nu’ng nakaraang Nobyembre 9, Lunes ng hapon, hindi napag-isipang ilabas ang committee report sa media. Kumpara kay Lozada, ‘di hamak na mas karapat-dapat maging state witness si Joey samantalang puro tago ang drama ni Lozada.

In fairness kay Wow Dick, matapang ang nilalaman ng 10-page NBN-ZTE executive summary. Ang ikina-bad trip lamang ng Senate media noong Martes ng gabi, kung kailan ‘uwian’, saka inilabas ni Dick ang committee report kaya’t mara ming reporter ang nagahol sa oras.

Take note: bago nagpa-presscon, napaka-busy ni Dick sa debate at interpellation, as in matinding daldalan ang sinagupa sa session hall. Kung hindi pa nalalapit ang pag-adjourn ng session, hindi napag-isipan ni Dick na magpa-presscon.

Ang nakakatawa, ‘napagpag’ si Joker Arroyo, ito’y hindi nakaporma sa Media Center kaya’t ipina-embargo ang dissenting o pinion. Ang resulta, umuwing malungkot si Norie Mercado, aba’y hindi naisa lang ang kanyang lolo!

Kung meron dissenting opinion si Joker, tatlong (3) miyembro ng Blue Ribbon committee ang pumalag kung bakit isinama ni Dick sa pinakakasuhan ng graft sina Joey at Jun. Ang statement ni minority leader Nene Pimentel, “Buti naman at inilabas na. Pero sina Joey at Lozada, dapat state witnesses.”

Nag-2nd demotion si Senator Ping Lacson: “As a member of the Blue Ribbon, I am against the inclusion of Jun Lozada and Joey de Venecia among those recommended for filing of graft charges.”

Ganito rin ang hirit ni Sena tor Chiz Escudero: “I don’t think Jun and Joey should be included. They both did a heroic act and we might be discouraging whistleblowers if they are included.”

Sa tatlo, ‘napaka-special’ ng statement ni Senador Benigno Simeon ‘Noynoy’ Aquino III, aba’y mala-Santino ang sagot, as in “babasahin muna ang committee report.” Ang tanong ng mga kurimaw: anong pinagkakaabalahan ni Noynoy bilang miyembro ng Blue Ribbon, maliban kung puro bulakbol at hindi pinag-aaralan ang mga ebidensya at dokumento?

Nakaraang Nobyembre 8, araw ng Linggo, ganito rin ang sagot ni Noynoy sa pagdami ng Class ‘78 o mistah ni Mrs. Arroyo sa mga sensitibong posisyon. Ang text message ni Noynoy, “Pa sensya na, ‘di ko pa nare-research.”

Kung ngayon pa lamang, mahilig ‘ipagpabukas’ ni Noynoy ang mga isyu, anong kapalaran ang naghihintay sa Pilipinas kung mananalong Pangulo, hindi naman puwedeng maghintay ang publiko sa kalalabasan ng research bago bigyan ng solusyon?

Tandaan: delubyo ang problemang kahaharapin ng papalit kay Mrs. Arroyo, ito’y napaka tagal nang problema na hindi kailangan pang i-research at pag-aralan ng sinumang pulitiko! (mgakurimaw.blogspot.com)


http://www.abante-tonite.com/issue/nov1209/opinions_spy.htm

Wednesday, November 11, 2009

november 11 2009 abante tonite

Primadonang pulitiko pinahiya sa foundation day

(Rey Marfil)

Sa sobrang pagiging desperado ng isang primadonang pulitiko na masungkit ang inaambisyong posisyon sa gobyerno, ito’y nasampolan ng mag-amang local officials sa dinaluhang pagtitipon.

Bagama’t nagpigil ang mag-amang local officials, nasaksihan ng TONITE Spy kung paano pinahiya at harapang nilayasan ang primadonang pulitiko sa isang pagtitipon matapos gumawa ng eksena ang huli at mag-inarte sa harap ng mga bisita ito.

Dahil foundation day, maraming pulitiko ang inimbitahan ng mag-amang local officials, kabilang ang mga nagbabalak tumakbo sa 2010 national elections.

Sa naturang pagtitipon, namumukod-tangi ang primadonang pulitiko sa hanay ng mga bisita at guest speaker ang gumawa ng eksena, patunay ang pag-inarte at pag-astang super-sikat sa lalawigan, at kaya nitong impluwensyahan ang mga kausap.

Bago nagsimula ang selebrasyon at palabas sa dinaluhang foundation day, tinabihan ng primadonang pulitiko ang mag-amang local officials na kilalang ‘political kingpin’ sa lalawigan, sabay pagbubuhat ng kanyang credentials.

Ang malupit sa lahat at labis ikinagulat ng mag-amang local officials, ito’y harapang diniktahan ng primadonang pulitiko kung sino ang susuportahan sa 2010 national elections, as in pinagsabihang huwag susuporta ng ibang kandidato, maliban sa sarili nito.

Mas lalo pang nagpanting ang tenga ng mag-amang local officials nang humirit ang primadonang pulitiko ng litanyang hindi dapat binibigyan ng pansin ang ibang kandidato lalo pa’t siya lamang ang itinuturing na ‘reyna’ ng lalawigan.

Sa pagkapikon ng mag-amang local officials dahil harapang dinidiktahan at nagpi-feeling super-close sa mga residente ang kausap, hindi nagdalawang-isip na tumayo ng upuan at nilayasan ang primadonang pulitiko, as in naiwang nakanganga at tulala sa isang tabi ang kumag.

Clue: May letrang “A” ang mag-amang local officials, as in Agaw-eksena tuwing eleksyon dahil sentro ng vote buying at vote padding ang kanilang lalawigan at paboritong ‘pag-aparisyunan’ ni Garci noong 2004 elections, habang saksakan ng plastic ang primadonang pulitiko. Kung presidentiable o vice presidentiable, ito’y meron ding letrang “A” sa pangalan at apelyido, as in Ang hilig sa matandang karelasyon. (mgakurimaw.blogspot.com)

http://www.abante-tonite.com/issue/nov1109/hulaan_blues.htm


Tuesday, November 10, 2009

november 10 2009 abante tonite

Laging may umiiyak!
Rey Marfil

(mgakurimaw.blogspot.com)

Dahil sa nagdaang bagyo, maraming stock ng karne at isda ang nabulok dahil sa kawalan ng kuryente pero kamakailan, isang bagong teknolohiya ang nadiskub re ni Hernie Decena -- ang brine immersion freezing. Ibig sabihin, ang mga isda o karne, ito’y maiimbak hanggang tatlong araw, gamit ang Styrofoam boxes kahit walang yelo.

At kapag naka-freezer o inilagay sa chiller ang produkto matapos ang BIF freezing, ito’y tatagal ng 6-months. Isa pang katangian ng brine immersion freezing -- napapanatili ang kapreskuhan ng isda hanggang tatlong araw.

At kapag pinalambot, ito’y kasing-presko pa rin ng bagong-huling isda kaya’t hindi nagiging bilasa. Hindi lang iyan, inaabot lamang ng tatlo hanggang 30-minuto ang pagpapalamig, kumpara sa tatlo hanggang apat oras sa air blast system.

Aprubado ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang agri-freeze solution, alinsunod sa Microbiological Method of Bacteriological Analysis at pasado sa Pharmacology and Toxicology test ng University of the Philippines (UP).

Ang problema, namimiligrong madiskaril ang proyekto ng National Agribusiness Corporation (Nabcor) -- ito’y kinuwestyon ng isang ‘non-bidder’ at sinampahan ng graft case sa Office of the Ombudsman ang lahat ng opisyal, sa pangunguna ni Nabcor President Alan Javellana at da may si Agriculture Sec. Arthur Yap bilang pinuno ng ‘mother agency’.

Ang reklamo ni Allan Ragasa, nagkaroon ng iregularidad sa bidding ng P455.7 milyong post-harvest facility project -- ito’y napasakamay ng Integrated Refrigeration System and Services Incorporated (IRSSI), partikular ang pagbili sa 98-units ng multi-function ice-making machines. Take note: present sa public bidding ang tatlo pang natalong bidder, maliban kung nagpapagamit si Ragasa at ‘sourgraping’ ang Sunvar company?

Ang ipinagtataka lamang ng mga kurimaw sa loob ng Nabcor, bakit ang lakas ng loob ni Ragasa na kuwestyuning nagkaroon ng hokus-pokus sa bidding bilang kinatawan ng Sunvar company -- isa sa natalong bidder gayong hindi nagreklamo ang tatlo pang bidder -- ang Kolonwell, JOAVI at Instrumech Philippines Inc.

Hindi kaya puntirya ni Ragasa na ideklarang ‘invalid’ ang bidding at magkaroon ng ‘re-bidding’ upang matapatan ng Sunvar ang pinakamababang presyong inalok ng IRSSI, maliban kundi sumusunod sa Procurement Law ang Nabcor at nahawa sa mga dumaraming kawatan? Ang nakaka-bad lamang, ano pang silbi ng Procurement Law kung lahat ng natatalo, ito’y sisigaw ng foul at iiyak sa media kapag hindi napaboran sa mga kontrata?

***

Bago ang inaabangang survey result ng Pulse Asia, isang presidential survey ang nag-leak at nakakagulat ang mga numero, aba’y bumaba ang popularity rating ni Noynoy Aquino. Kundi nagkakamali ang Spy, nasa proseso ngayon sa paghimay ang Asian Institute Management (AIM) professors na nag-sponsor ng presidential debate -- ito’y may petsang November 2 hanggang November 8.

Sa initial report, nangunguna pa rin si Noynoy (42%), kasunod si Chiz Escudero (24%), Manny Villar (16%), Erap Estrada (12%), Gibo Teodoro (4%). Sakop ng survey ang National Ca­pital Region (NCR) at Cordillera Autonomous Region (CAR) at ilang bahagi ng Luzon. Hindi pa kumpleto ang Region 3, Region 4, Visayas at Mindanao region.

Ang malinaw lamang, nabawasan ng 10% si Noynoy at napunta kay Chiz. Hindi lang iyan, meron pang ilang lugar na nakapagtala ng 15% pagtaas sa rating si Keso. Sa nagdaang survey, 14% lamang si Chiz, malinaw ang magandang epekto sa pagkalas sa Nationalist People’s Coalition (NPC).

Maging si Villar, natapyasan ng 1% mula 17% at stagnant ang rating ni Erapsky. Never mind si Gibo, ito’y malabong makahabol. Dati-rati’y naglalaro sa 50% hanggang 60% ang popularity rating ni Noynoy sa kabuuan ng nationwide survey ng SWS at Pulse Asia.

Take note: Nasa 51% ang rating ni Noynoy sa NCR pero ngayo’y ‘kinain’ ni Chiz. Dahil sa ‘Pacman-Cotto fight’ ngayong November 15, madi-delay ang paglabas ng Pulse Asia survey na dapat sana’y November 14. Kaya’t abangan sa November 17 ang Pulse Asia survey kung tutugma sa AIM survey.(mgakurimaw.blogspot.com)


http://www.abante-tonite.com/issue/nov1009/opinions_rey.htm