Wednesday, April 8, 2009

april 8 2009 abante tonite

Daldalerong solon nang-away ng reporter
(Rey Marfil)

Kung meron dapat sisihin sa natitikmang kritisismo sa publiko, ito’y sariling kapalpakan ng isang miyembro ng Kongreso dahil sobrang sawsaw sa bawat istorya at inaakalang tauhan ang mga mediamen na nakakausap kaya’t napapaaway nang live.

Hindi maiwasang magtaasan ng kilay ng mga kurimaw, sa pangunguna ng TONITE Spy matapos umastang station manager ng isang kilalang radio station sa Metro Manila ang daldalerong solon, patunay ang ginawang pag-sermon sa anchor person.

Tinawagan ng lady anchor ang daldalerong solon upang hingan ng komento at maipagtanggol ang sarili sa natitikmang pag-atake sa kamay ng mga kaporal ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, maging sa sariling kasamahan at iba pang sektor ng lipunan.

Taliwas sa inaasahan ng lady anchor, naglitanya sa himpapawid ang daldalerong solon, animo’y block timer o nagbabayad ng oras sa radio station dahil kulang na lamang mag-programa, as in kamuntikan pang inagawan ng trabaho ang komentarista.

Ang matinding revelation sa lahat, nagawa pang awayin sa ere, as in on air pinag-uupakan ng daldalerong solon ang mga kalaban at nadamay ang lady anchor, gayong wala namang kinalaman ang komentarista sa natitikmang pagbatikos sa hanay ng ilang sektor ng lipunan.

Tanging nakakatawa lamang, hindi umubra ang mala-armalite na bunganga ng daldalerong solon sa lady anchor matapos resbakan at harap-harapang supalpalin ang paninisi, maging ang ginawang pag-sermon sa himpapawid, as in katakut-takot kaya’t mabilis din nag-I am sorry sa kausap.

Kapag nasusukol ang daldalerong solon sa ginagawang paninisi sa media, kaagad nag-ala Pontio Pilato ang kumag dahil mabilis naghuhugas ng kamay at walang ibang depensa kundi i-etsapuwera sa mga ina­akusahan ang kausap at itinuturo ang ibang reporter na bias ang komentaryo sa isyu.


Clue: Mula sa “Kapuso network” ang lady anchor nagsisimula sa letrang “R” habang pang-Guinness Book of Record sa katabilan ang daldalerong solon at madalas nabubulol sa interpellation at debate dahil nauunahan ng isip ang buka ng kanyang bibig. Nagiging letrang “M” initial ng kanyang campaign slogan at commercial kapag binaliktad, as in Mulaway. (www.mgakurimaw.blogspot.com)

Tuesday, April 7, 2009

april 7 2009 abante tonite

‘Noli-Jinggoy’ ang ipinupunla ni Puno!
Rey Marfil


Noong nakaraang Abril 2, naudlot ang ‘big announcement’ ng Lakas, maging ang Senate reporters ay nasorpresa sa paglalahong parang bula ni Migz Zubiri gayong walang puknat ang text brigade. Ang ending: Isang nakakapanlumong ‘announcement’ ang ibinigay ni Speaker Boy Nograles, aba’y itina­lagang spokesman ang talunang senatoriable ng Team Unity (TU) -- si Prospero Pichay gayong hindi nga magawang tumubo sa Senado at hindi maipaliwanag ang collusive bidding scheme, alinsunod sa World Bank (WB) report.

Sabagay, paano mananalo si Pichay kung hanggang ngayon hindi malaman ng mga taga-palengke kung tao o gulay ito. Kahit itanong n’yo pa kay Ninang Shiela Policarpio na nagdiriwang ng kaarawan ngayon!

Hindi natin babanggitin, isa sa Lakas stalwart ang nagkumpirmang ‘big announcement’ ni Zubiri ang pagpili kay Vice President Noli De Castro bilang standard bearer kaya’t mala­king palaisipan ngayon kung sino ang humarang. Kundi nagkakamali ang Spy, isang nagpakilalang ‘opposition presi­dentiable’ ang nagmanipula, gamit ang mga kaporal sa loob ng Lakas dahil puntir­yang mahamig ang suporta ng misis ni Jose Pidal at kampo ni Erap, as in bihasang ‘mamangka sa dalawang ilog’.

Ika nga ng mga naghahalo ng graba at nagtitinda ng hipon, aba’y ‘pera-pera lang iyan’ at hindi nakakapagtakang nabibili pati pagiging oposisyon. Anyway, isa lang ang malinaw ngayon, meron bagong abogado sa opisina ni De Castro -- si Mareng Dale Zapata, media division chief sa Office of the Vice President (OVP) kaya’t magbu-blowout si Mommy Josie!
***
Napag-uusapan si Uncle Noli, kahit saang coffee shops at forum, maingay ang pangalan ni DILG Secretary Ronnie Puno bilang promotor sa ‘Noli-Jinggoy tandem’. Maging si political affairs advi­ser Gabby Claudio, isa sa tatlong (3) itina­lagang spokesman ng Lakas, aba’y itinuturong kasapakat sa “Noli-Jinggoy scenario”.

Hindi kailangang UP graduate para maintindihan ang senaryong ito, kalokohan kung nakalimutan ni Puno ang ambisyong matawag bilang ‘Executive Secretary’, lalo pa’t napako sa DILG? Hindi malayong ‘bumigay’ si Erap sa offer dahil suntok sa buwan kung maka­balik sa puwesto, lalo pa’t merong kuwestyon sa legalidad ng pagtakbo. Sapantaha ng ilang GMA boys, maiko-convert ang boto ni Erap kay Jinggoy.

Kahit sinong ama, walang ibang iniisip kundi kabutihan ng anak. Sa kalagayan ni Erap, asahang magbabago ng tono si Manong Ernie Maceda at abangan ang ‘unification and reconciliation spin’ sa media. Tandaan: Magkaibigan sina Erap at Noli, patunay ang ‘pag-ampon’ nang tumakbong senador noong 2001. Iyon nga lang, ibang tropa (Wednesday group) ang sinamahan ni De Castro, kaya’t hindi makakalimutan ni Nene Pimen­tel kung bakit natalong Senate President laban kay Frank Drilon.

Sa huling pakikipag-usap ng Spy, isa lang ang tinuran ni De Castro “Bakit ako tatakbong Bise, eh Bise na ako ngayon’, maliban kung namali ng dinig at ‘busy’ ang ibig sabihin ni Uncle Noli?

At hindi rin itinago ni De Castro ang sama ng loob sa mga nagpapakalat ng senar­yong ‘done deal’ ang mu­ling pagtakbong Vice President, maging ang isyung binayaran para makipag-tandem kay Villar. Hindi natin babanggitin kung sino ang itinuturong mastermind ni De Castro suba­lit malinaw sa kanyang pana­nalita ang katagang ‘Ganyan talaga, wala naman kaibi-kaibigan sa pulitika. Kung kami nga ni Loren na kumare ko pa, kung anu-anong paninira ang inabot ko’.

Ni sa panaginip, ayokong isiping pinarurungitan ni Noli si Villar, maliban kung meron iba pang itinutu­ring na kaibigang presidentiable, lalo pa’t hindi naman miyembro ng Wednesday group sina Mar Roxas, Ping Lacson at Chiz Escudero?

Kung ganito ang deklarasyon ni Noli, abay’ huwag nang umasa ng himala ngayong Semana Santa si Villar, bagkus, paghandaan ang ethics probe sa double insertion at conflict of interest ng C-5 road project dahil naka-iskedyul ang hearing makaraan ang Linggo ng Pagka­buhay! (www.mgakurimaw.blogspot.com

Monday, April 6, 2009

april 6 2009 abante tonite

Manyakis na ex-cabinet official, sumailalim sa marriage counseling!
(Rey Marfil)

Hindi nagtatapos ang kuwento sa simpleng pag-I’m sorry ng isang dating gabinete sa harap ng mga tauhan dahil sa ginawang kamanyakan sa isang magandang staff matapos sumailalim sa marriage counseling, kasama ang kanyang misis.

Sa report na nakalap ng TONITE Spy, bago nag-ala Gloria sa ‘Hello Garci scandal’ si ex-Cabinet Secretary, ito’y napraning matapos umikot sa text messages ang pangmamanyak sa magandang staff at lumutang ang senaryong kakasuhan ng pamilya, lalo pa’t maimpluwensiya at angkan ng mga abogado de kampanilya ito.

Sa tindi ng naramdamang takot at ‘pagka-aning-aning’ ni ex-Cabinet official, ito’y kaagad tumalilis, as in umeskapo patungong Amerika, kasama ang kanyang misis, kalakip ang pangambang maeskandalo at habulin kapag sumambulat sa media ang ginawang kabulastugan.

Ang nakakatawa lamang, kinasangkapan ni ex-Cabinet official ang isyung sasailalim sa marriage counseling kung kaya’t kailangang mag-file ng vacation leave.

Makalipas ang ilang linggo, gamit ang rasong sumailalim sa marriage counseling sa Amerika, bumalik si ex-Cabinet official at mistulang nahimasmasan sa ginawang kamanyakan dahil kaagad hinarap ang buong pamilya ng babaing pinaghihipuan, as in humingi ng meeting upang humingi ng tawad, kasama ang misis nito.

Sa harap ng pamilya ng babaing minanyak matapos paunlakan ang hininging dinner, kasama ang kanyang misis, nag-ala US President Bill Clinton na nasangkot sa elicit affair kay Monica Lewinski si ex-Cabinet official para ihingi ng paumanhin ang pang-aabuso at hindi mapigilang pagka-uhaw sa laman.

Naging mapagpatawad naman ang pamilya ng babaing minanyak ni ex-Cabinet official subalit humingi ng kondisyon, kabilang ang paghingi ng ‘sorry’ sa harap ng mga empleyado at aminin ang ginawang kabulastugan.

Katulad ng inaasahan, humingi ng sorry si ex-Cabinet official sa mga tauhan, kasabay ang pagbibitiw dahil nabigyan ng panibagong puwesto.

Clue: Hindi matatawaran ang husay ni ex-Cabinet official subalit mahina ang pagtitimpi sa init ng katawan, patunay ang pagpatol sa anak ng kanyang kumpare kaya’t nasasapak sa loob ng comfort room. Ito’y meron letrang ‘M’ sa kabuuan ng pangalan at apelyido, as in Manyakis. (www.mgakurimaw.blogspot.com)

Saturday, April 4, 2009

april 4 2009 abante tonite

Adelantadong vice presidentiable
(Rey Marfil)

Sa halip na makakuha ng suporta at ikatuwa ang maagang pagdeklara, pinagtatawanan ng sariling kasamahan sa organisasyon ang isang nagpakilalang ‘vice presidentiable’ dahil umiral ang pagiging adelantado at ‘feeling super-sikat’, katulad ng pagkakalarawan sa sarili nito.

Sa report nakalap ng TONITE Spy, hindi lamang nagtaasan ang kilay ng mga kasamahan sa organisasyon matapos magpaka-adelantado ang isang nagpakilalang ‘vice presidentiable’, bagkus nasamid habang kumakain ng singaw na popcorn sa harap ng telebisyon.

Kahit saang kuwentuhan, mapa-Spy Barbershop o kaya’y Chupopoy’s Manukan and Restaurant, pinagtatawanan ang pagka-adelantado ng nagpakila­lang vice presidentiable dahil walang sinumang kasamahan sa organisasyon ang nagkaka-interes dito.

Kaagad pinagduduhan ng mga naglipanang kurimaw sa Pasay at Pampanga ang senaryong pinaghahandaan ng nagpakilalang vice presidentiable ang tulu­yang paglilipat-bakuran at inu­unahan lamang ang posibleng pagka-itsapuwera sa selection process, lalo pa’t bad trip sa kanya ang mga kasa­mahan sa orga­nisasyon.

Kamuntikan pang mag­lupasay sa kusina habang nagluluto ng binatog ang isa sa kapitbahay ng kasamahan sa organisasyon ng nagpakilalalang vice presidentiable dahil suntok sa buwan kung makakuha ito ng suporta sa mga katropa nito.

Bagama’t hindi kalbo, maraming napatawa sa loob ng organisasyon ang nagpakilalang vice presiden­tiable nang ideklara nito ang sarili bilang isa sa conten­der sa 2010 national election, ga­yong wala pang napag-uusapan ang mga ito, as in nauwi sa ‘I nominate myself’ ang drama ng mokong.

Puntirya ng adelantadong vice presidentiable ang bendis­yon ng kaibigan at makuhang running mate, hindi ang ‘green light’ na mag­mumula sa sariling orga­­nisasyon kung kaya’t ipinaramdam ang pagli­lipat-bakuran at gagamitin ang pagka-itsapuwera para magmukhang inapi ng mga kasamahan.

Clue: Mahilig mag-solo flight ang adelantadong vice presidentiable at beterano sa gimik, patunay ang paggamit sa isang kapamilya para masungkit ang inaambisyong posisyon sa pamahalaan. Ito’y saksakan ng kunat at balitang naka-asembol sa mestisahing staff. (www.mgakurimaw.blogspot.com)

Friday, April 3, 2009

april 3 2009 abante

Sustento sa anak, tinitipid

Kung anong dami ng perang naisusubi at kinita sa gobyerno, kabaliktaran lahat sa sustentong natatanggap ng nag-iisang anak ng isang kampon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, patunay ang pagkakuripot at mala-tiyaning halagang natatanggap nito

Bagama’t kayang buhaying mag-isa ng ina ang anak kahit walang suporta si undersecretary, hindi maiwasang maawa ni Mang Teban sa bata lalo pa’t nag-iisang tagapagmana at nagdadala sa apelyido, as in lehitimong anak at mayaman ang opisyal.

Hiniwalayan ni Usec ang kanyang misis matapos ma-in love sa sariling staff na inarkila, partikular sa isa sa tatlong babaeng umaastang ‘Charlie’s angel’ sa kanyang opisina.

Hindi maayos ang pagkakahiwalay ng mag-asawa at nauwi sa usapang magbibigay ng sustento si Undersecretary subalit ‘nakaka-iyak’ ang buwanang parating sa nag-iisang anak dahil pambayad lamang ng electric bill ang halaga gayong sandamakmak ang kinikita at buhay-reyna ang kanyang kabit o kinakasama.

Halos barya lamang ang buwanang sustentong ibinibigay ni Usec sa nag-iisang anak, patunay ang P10 libo kada buwan gayong sandamakmak ang salaping kinita at naususubi sa Malacanang at gumagastos ng malaki sa foriegn trip, maging sa pagtatambay sa mga night club.

Maliban dito, saksakan din ng takaw sa pagkain si Usec at lumalabas pang bengkong lamang ang P10 libong sustento sa kanyang anak lalo pa't libu-libo kung gumastos sa pananghalian at hapunan kaya't nabansang "Boy Tsibog" ng Malacanang.

Pintahan n’yo na: Neverheard ang pangalan ni Undersecretary subalit sobrang lakas sa MalacaƱang at napasok lamang sa trabaho dahil kalaro ng basketball ang isa sa anak ni Mrs. Arroyo. Ito'y meron letrang "C", as in corrupt.(www.mgakurimaw.blogspot.com)

Thursday, April 2, 2009

april 2 2009 abante tonite

False Asia at MWSS survey?
Rey Marfil


Sa resulta ng Social Weather Stations (SWS) survey, nangunguna pa rin si Vice President Noli De Castro, (27%), kasunod sina Manuel Villar, (26%), Loren Legarda (25%), Chiz Escudero (23%), Mar Roxas (15%), Ping Lacson (14%), at Erap Estrada (13%). Sa pitong (7) presidentiables, pinaka- masuwerte sina Noli, Chiz at Ping, aba’y wala pang pondong inilalabas, ito’y nasa survey, hindi katulad ng ‘bayaning isinusuka ng mga vendor’ -- si MMDA chairman Bayani Fernando na malapit nang magtayo ng hardware dahil ginawa nang lahat ng gimik at kulang na lang ay mag-madyik sa kalye, puro pako pa rin ang rating.

Ikumpara sina Noli, Chiz at Ping sa ibang presidentiables, kalokohan kundi umabot sa bilyones ang pre-campaign ads ni Mr. Two Things Villar sa nagdaang ilang buwan upang matakpan ang ‘double insertion’ sa C-5 project? Mantakin n’yo, halos kausapin ni Villar bawat minuto ang itik sa TV commercial para iangat ang popularidad subalit na-gutter pa rin, as in natapyasan ng 1%, hindi bale si Uncle Noli kahit 4% ang natanggal, libre at sariling palo ng gobyerno ang Pag-IBIG infomercial. Maging si Mr. Palengke, umuusok ang TV ads, oras-oras nagpapa-interbyu sa Legacy scam at halos araw-araw din ipinapatawag si Celso delos Angles sa Upper House subalit 5% lang ang ‘tinubo’ gayong humigit-kumulang P80 milyon ang puhunang inilagay sa isang television station pa lamang!
***

Napag-uusapan ang survey, hindi kailangan pang kumuha ng 1,200 respondents ng Pulse Asia at SWS upang ipa-intindi sa publiko ang katotohanang napakalaking katarantaduhan ang sariling presidential survey. Kahit sinong rugby boys sa ilalim ng LRT station, mababa-bad trip sa kanilang questionnaire. Mantakin n’yo, meron bang tatlong (3) Presidenteng ibinoboto, katulad ng katanungan kung sino ang ipapalit sa misis ni Jose Pidal ngayong 2010 election. Hindi naman si ex-House Speaker Jose de Venecia Jr., ang nag-o-opisina sa Palacio del Governador kundi nangangalang Jose Melo, kaya’t napakalabong magkaroon ng Deputy President for Mindanao, Visayas at Luzon, katulad ng pinauso sa Lower House ng mister ni Manay Gina sa mahabang panahon.

Sa pinakahuling SWS survey, simula Pebrero 20 hanggang 23, ganito ang katanungan ng grupo ni Mahar Mangahas sa respondents: “Sinu-sino sa palagay ninyo ang mga magagaling na lider na dapat pumalit kay Pangulong Arroyo bilang Presidente? Maaari po kayong magbanggit ng hanggang tatlong sagot,” Hindi ba’t kataranduhan ang tanong, kahit sa actual voting, isa lang ang inilalagay sa balota bilang Presidente? At hindi lang 1,200 ang botante para paniwalaan ang nagsusulputang survey. Balikan ang resulta ng 2007 election, bakit nanalo si Senador Antonio Trillanes IV gayong idineklarang matatalo sa exit polls. Higit sa lahat, sablay ang prediksyon ng 2 survey firm kung sino ang Top 3 senators!

Kung tamang pulso ng publiko ang hanap ng Pulse Asia at SWS, bakit kailangang maglagay ng tatlong (3) presidentiables, bakit hindi hayaan ang mga respondents mag-isip nang ibobotong Presidente, maliban kung nakasanayan ang mga nagsusulputang akusasyong “False Asia” at “MWSS” ang dalawang (2) survey firm, aba’y ‘nawa-wow mali’ at inililista sa tubig ang resulta ng survey?(www.mgakurimaw.blogspot.com)

Wednesday, April 1, 2009

april 1 2009 abante tonite

Ex-Cabinet umaming nangmanyak ng staff
(ReyMarfil)

Katulad ng mga aral sa Bibliya na hindi mananaig ang kasamaan sa kabutihan, napuwersang mag-I am sorry sa harap ng mga tauhan ang isang dating gabinete at ihiningi ng paumanhin ang pagiging manyakis sa nagagandahang staff.

Sa report na nakalap ng TONITE Spy, natakot ang dating gabinete sa magiging resbak ng pamilya ng isa sa babaeng staff na kanyang minanyak kaya’t napuwersang mag-sorry, kasabay ang pagbibitiw sa kapangyarihan, partikular sa isang sequestered firm.

Bago nag-resign si ex-Cabinet official, ito’y nasangkot sa isang sex scandal, as in kamuntikang nasampahan ng kasong sexual harassment matapos manyakin at paghihipuan ang magandang staff sa loob mismo ng ahensyang pinangangasiwaan nito.

Sa tindi ng trauma sa kamay ni ex-Cabinet official, kaagad naghain ng resignation ang magandang staff subalit pinigilan ng isa sa mga bossing ng kanilang opisina kaya’t nauwi lamang sa vacation leave at ngayo’y nakabalik sa trabaho ang bebot.

Nagmula sa maimpluwensyang pamilya ang magandang staff at de-kalibreng abogado de kampanilya ang karamihan sa mga kamag-anakan kaya’t natakot si ex-Cabinet official sa magiging resbak ng mga ito.

Dahil naeskandalo si ex-Cabinet official sa sequestered firm, ito’y iniwas ng MalacaƱang sa sexual harassment na kinasasangkutan at kaagad inilipat ng ibang opisina ang kumag, as in muling nabiyayaan ng reward bilang kabayaran sa kabayanihan noong Edsa Dos.

Kasabay ang pagre-resign sa sequestered firm at paglilipat-opisina, nagpatawag ng general assembly si ex-Cabinet official kung saan harapang inamin ang sexual harassment o eskandalong kinasasangkutan sa pagitan ng magandang staff.

Naging makabagbag-damdamin ang pamamaalam ni ex-Cabinet official sa mga staff subalit ikinagulat ng lahat ng mga dumalo sa general assembly nang deretsahang kumpirmahin ng kumag ang sexual harassment na usap-usapan sa kanilang opisina at laman ng text messages na kumalat.

Clue: Mala-REA rubbing alcohol ang polisiya ni ex-Cabinet official, as in walang patawad sa mikrobyo na kahit poste ng Meralco’y papatusin basta’t naka-palda ito. Kung sino si ex-Cabinet official, ipagtanong kay Senador Jinggoy Estrada kung sino ang umakyat sa entablado noong Edsa Dos, as in kasing-kahulugan ni ‘Mr. Palengke’ ang katawagan ng mga tauhan. (www.mgakurimaw.blogspot.com)