Thursday, October 9, 2008

oct 9 2008 abante tonite issue

Ang lupit ng STRADCOM!
Rey Marfil


Kaysa balutin ng pagmumukha ng ‘bayaning isinusuka ng vendors’ ang buong Metro Manila na si Bayani Fernando, maging ang buong kapuluan kahit labas sa charter ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang pumasok ng probinsiya, mas makakabuting aksyunan ang reklamong natatanggap. Malay n’yo, isa ang email sender sa matanong ng Social Weather Station (SWS) at Pulse Asia. At least hindi ‘zero’ sa presidential race si Chairman!
“Kami po na mga driver na bumibiyahe sa rutang Novaliches-SM/MRT ay nananawagan na sana ay tulungan ninyo kami dahil sobrang naaapektuhan na po ang a­ming pagha­hanapbuhay dahil sa ginagawa ng mga tiwaling MMDA officials. Ang MMDA po ang namamahala sa aming terminal sa MRT North Station pero sa halip na kaming mga mahihirap na mga driver ay tulungan, kami pa ang kinokotongan.
Pinag-a-apply nila kami uli ng permit para makapasok at makapagsakay sa loob ng MRT Loading kasabay ang paghingi sa amin ng Traffic Assessment na sila raw ang gagawa at babayaran namin ng P10,000. Ang nangyayari po ay kung sino ang may pera, siya lang ang makakapila sa MRT. Pati po iyong namamahala sa Central Terminal ay nanghihingi rin ng P1,000 sa bawat asosasyon na nagti-terminal doon eh, kami po ay nagbabayad na ng terminal fee pero kino­kotongan pa rin kami.
Sana po ay maiparating ninyo kay Chairman BF ang ginagawa ng kanyang mga tauhan sa amin na mga driver. Maaari po ninyo kaming makausap sa aming pilahan sa MRT Station o sa Central Terminal sa may EDSA malapit sa stasyon ng MRT at Quezon Avenue.
Sender: villaliz@ymail.com
***
Napag-usapan ang raket ng MMDA, saludo ang mga kurimaw sa pagpa-imbestiga ni Cong. Ompong Plaza sa multi-bilyon pisong kontrata ng Stradcom dahil barya lamang ang ZTE-NBN scandal na unang natunton sa opisina ni DOTC Sec. Larry Mendoza. Mantakin n’yo, simula nang mapasakamay ang database contract na nangangasiwa sa 4 milyong sasakyan at 12 milyong driver, animo’y Stradcom ang nagpapatakbo sa Land Transportation Office (LTO). At kahit sino pang Pontio Pilato at Hudas Escariote ang maupo sa LTO, ito’y sunod-sunuran sa mga taga-Stradcom, ewan lang kung merong ‘balls’ si LTO chief Tom Lantion?
Ni sa panaginip, ayaw isipin ng mga kurimaw sa LTO headquarters na sangkot ang Stradcom sa smuggling at carnapping, aba’y paano nga naman maipapasok sa LTO data­base ang mga carnap at smuggled vehicles kung walang bendisyon nito? Sa kasulukuyang sistema ng bayaran sa LTO -- walang ibang kumakamal ng mahigit P2 bilyon kada taon kundi Stradcom gayong bulok at paputul-putol ang sistema. At pagkatapos, Stradcom din ang itinuturong nakiki­nabang sa P400 milyong interconnectivity projects gayong dapat ito’y diretso sa LTO. Take note: meron pang alegasyong nagbibigay lamang ng 3% hanggang 6% ang Stradcom sa LTO gayong pag-aari ng LTO ang database na pinagkukunan sa validation.
Hindi kaya inaabuso ng Stradcom ang posisyon bilang nagmamay-ari ng computer at IT facilities upang kontrolin ang lahat ng puwedeng pagkakitaan sa LTO? Maging ang pla­nong takeover ng GSIS sa CTPL Insu­rance, walang ibang itinuturong promotor kundi Stradcom upang mamanipula ang buong operasyon ng LTO at maging inutil ang ahensiya lalo pa’t malapit nang mapaso ang kanilang kontrata sa 2010. Ibig sabihin, mapipilitan nga naman ang LTO na i-renew ang Stradcom nga­yon pang matunog sa mga coffee shops bilang ‘broker’ sa negosasyon at mangongolekta sa bilyong kikitain bilang preparasyon ng Malacañang sa 2010 election. (www.mgakurimaw.blogspot.com).

Wednesday, October 8, 2008

oct 8 2008 abante tonite issue

Senador nilayasan ni misis
(Rey Marfil)

Taliwas sa ipinapakitang ‘ka-sweetan’ sa harap ng camera, katulad ng mala-langgam na pagmamahalan kapag maraming mapanu­ring-mata, tuluyang nilayasan ng kanyang misis ang isang miyembro ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso at nagkatotoo ang matagal nang hinala ng lahat.
Maliban sa isyung may na-asembolang bebot ang kunyong senador, nadiskubre ng TONITE Spy na lumalim ang hidwaan ng mag-asawa sa lumala­king gastusin ng pamilya kung saan hindi magawang maglabas ng sariling pera ng mambabatas kaya’t nag-alsa-balutan ang misis nito.
Noong nakaraang Oktubre 6, araw ng Lunes, halos maghuramentado at nagwawala sa galit ang misis ng kunyong senador kung kaya’t nagdesisyong hiwalayan ang mambabatas, kasabay din ang paglalayas sakay ng evening flight patungong Hong Kong.
Naka-iskedyul sana ang misis ng kunyong senador na dumalo sa party ng mga miyembro ng Upper House kagabi (Martes) subalit sinabayan nito ng layas patungong Hong Kong, kasama ang alalay at anak nito.
Isa ang misis ng kunyong senador sa nakalistang guest kagabi sa Senate party na ginanap sa Manila Hotel, ganap alas-7:00 ng gabi su­balit hindi dumalo ang babae maging ang senador.
Ang nakakatawa sa lahat, meron pang titulong “One Family and Evening with Senators and Family’ ang pagtitipon ng Senate Spouses at mga senador sa Manila Hotel subalit kabaliktaran ang pangyayari sa sinapit ng kunyong senador dahil inabandona ito ni misis.
Bagama’t maraming ari-arian ang misis ng kun­yong senador at barya-barya lamang ang kinikita ng mambabatas, mistulang pelikulang ‘Kapag Puno na ang Salop’ na pinagbidahan ng namayapang si Fernando Poe Jr., ang ginawa ng kanyang misis.
Ang malaking sampal sa kunyong senador, to’y tuluyang nilayasan ng kanyang misis, bitbit ang kanilang anak dahil sa sobrang kunat, as in super belekoy kung saan hindi nito magawang magpakawala ng sariling pera dahil sinosolo ng mambabatas ang kinikita.
Unang nagkahiwalay sa panahon ng kampanya ang mag-asawa noong 2007 election subalit gumitna ang mga kapatid ng kunyong senador kaya’t napigilan ang pagkasira ng kanilang pamilya.
Matagal nang nabisto ni misis ang pagkakaroon ng karelasyon na naanakan pa ng kunyong senador subalit lumala ang hidwaan ng mag-asawa dahil sa pera.
Clue: Saksakan ng kunat ang senador at ikinagulat ng publiko kung bakit nagustuhan ito ng kanyang misis. Kung reeleksyunista o nangangarap tumakbong Vice President sa 2010 ang senador, abangan kung kaninong paksyon sasama ito. (www.mgakurimaw.blogspot.com).

Tuesday, October 7, 2008

oct 7 2008 abante tonite issue

Ma-artista o pulitiko, walang patawad!
Rey Marfil


Kahit saang coffee shops, usap-usapan ang pagbubuntis ng ex-television lady reporter at walang ibang itinuturong ‘suspetsado’ kundi ang kilalang ex-Palace official. Ang pinaka-latest report, ito’y ipinagtatayo ng mansion ni ex-Palace offi­cial. Hindi lang malinaw kung saang lupalop ng Metro Manila. Ang masakit sa panig ng lehitimong pamilya, tuluyang ‘nag-evacuate’ ang kanilang ina at tumira sa bahay ng isang anak sa Corinthians. Sino ba naman ang hindi mag-aalsa balu­tan kung madiskubreng ‘naglaro ang mga daga habang wala ang pusa’ nang magbakasyon sa Europa ang legal wife? Teka lang, nang minsan ipatawag ni ex-Palace official ang isa sa kaibigang reporter sa kanyang bahay, kasunod nitong lumabas sa kuwarto at nagpapatuyo ng buhok ang bebot, animo’y katatapos lamang mag-love making.
Kundi nagkakamali ang Spy, unang kinuhang secretary ni ex-Palace official ang ex-television lady reporter at binitbit sa Amerika pero ngayo’y astang-misis sa mismong bahay ng legal wife. Hindi nakakapagtakang natipuhan ni ex-Palace official ang bebot -- ito’y ‘kasing-height’ ng isa sa nakarelasyong singer at kahawig ng isa pang naasembolang starlet. Nang unang makita ng isang ex-general ang ex-television lady reporter, isa lang ang namutawi sa kanyang labi ‘mag-usap tayo pagkatapos ng tatlong buwan, hindi secretary ang magiging papel niyan’. Naganap ang prediksyon ni ex-general dahil ‘four months preggy’ ngayon ang bebot at puro statement ni ex-Palace official ang laman ng kanyang blog. Ganyan kalupit si ex-Palace official!
***
Maliban kay ex-Palace official, isa pang ‘House leader’ ang mala-Rea Rubbing Alcohol ang ‘motto’, aba’y sinamantala ang pakikipag-break ng isang ‘teenage actress’ mula sa Kapuso network sa kanyang politician boyfriend. Nang mabalitaang ‘cool off’ ang mag-dyowa, kaagad inimbitahan ng dinner date ni Congressman B ang young actress via text sa pag-aakalang pumapatol sa kahit sinong pulitiko at makukuha sa ‘pera-pera’ ang bebot. Ang nakakasuka at nakakadiri sa lahat, halos ‘apo sa tuhod’ ni Congressman B ang young actress pero gustong tikman.
Lingid sa kaalaman ni Congressman B, nakarating sa kaala­man ng ex-boyfriend ng young actress ang ‘dinner date’ na ino-offer. Hindi pa nakuntento si Congressman B, aba’y personal pang tinawagan sa cellular phone ang young actress at tinanong kung interesado sa dinner date subalit barado ang mga hirit. Ang nakakatawa lamang, nai-forward ng young actress sa ex-boyfriend politician ang text messages kaya’t pinagtatawanan ngayon ang ‘House leader’, hindi lamang ng mga taga-showbiz industry kundi mismong ‘politician friends’ lalo pa’t madalas mainterbyu sa television si Congressman B. Anyway, wala ring patawad sa ‘tsiks’ si Congressman B at ‘weakness’ ang magagandang lady reporter kaya’t nagkasabit-sabit!
***
Ang pinakamalupit nadiskubre ng Spy, hindi lang mga pulitiko at businessmen ang tambay sa kilalang massage parlor sa Binondo Maynila. Mantakin n’yo, pati taga-showbiz, katulad ng mga kilalang matinee idol at tinaguriang ‘hunk’, animo’y naubusan ng ‘pagpapalipasan ng init’ dahil numero unong parokyano at walang paltos kada linggo kung duma­law sa ‘katayan’. Huwag nating banggitin kung anong massage parlor ang nag-o-offer ng ‘extra services’ sa Binondo subalit kinagulat ng mga kurimaw ang pangalan ng isang talunang senatoriable ng Team Unity (TU) -- si ‘Veggie’, aba’y bukambibig at kilalang-kilala ng mga masahista ang kanyang surname at given name. Mabuti na lang, ‘masama ang pagkakadilig’ kaya’t hindi yumabong noong 2007!
Maliban kay ‘Veggie’, parokyano at tambay din ng massage parlor ang guwapito at kilalang Vice Mayor ng Metro Manila, maging ang ‘mortal enemy’ nitong ex-councilor na natalo sa pagka-congressman, ‘center player’ ng PBA Team na tinaguriang ‘Fil-Sham’ at komedyante na ‘mainstay’ sa kilalang noontime show. Ang isa pang ikinagulat ng mga kurimaw, ang isang multi-talented young actor ng Kapa­milya network, aba’y ‘kasing-blockbuster’ ng huling pinagbidahang pelikula kung ‘pumasyal’ sa sauna. Sabagay, may katandaan ang syota ng young actor at hindi nakakapagtakang maghanap ng batang masahista. Ang pinaka-latest na naispatan ng nakaraang linggo, walang iba kundi ang isang hunk at bida sa mga soap opera mula sa Kapuso network -- si Actor W! (www.mgakurimaw.blogspot.com)

Saturday, October 4, 2008

oct 4 2008 abante tonite issue

Gabinete, may private army!
(Rey Marfil)

Sandamakmak ang nagsisilbing bodyguard ng isang aroganteng kampon ni Pangulong Gloria Macapagal- Arroyo, animo’y meron itong sariling private army at laging nasa giyera kapag pumapasok ng opisina.
Sa report na nakalap ng TONITE Spy, walang binatbat si Executive Secre­tary Eduardo Ermita, maging ang ilan pang gabinete ni Mrs. Arroyo na nakalinya sa defense department at national security agencies sa asta ng aroganteng gabinete.
Ang rason, kasing-dami ng mga langgam sa presidential garden ang nagsisilbing bodyguard at security ng aroganteng gabinete ni Mrs. Arroyo, hindi pa kabilang ang sangkaterbang back-up vehicles, na animo’y susugod sa giyera ang opisyal.
Ang nakakasukang nadiskubre ng mga nag­lipanang kurimaw sa pre­sidential palace, na-triple ang gastusin ng opisina ng aroganteng gabinete ni Mrs. Arroyo simula nang maupo ito sa departamento kumpara sa mga pinalitang opisyal dahil animo’y ‘tubig’ kung magpakarga ng gasolina at ‘sinasagad’ ang gas allo­wance na ibinibigay ng pamahalaan.
Bagama’t walang kinalaman sa national security ang papel sa Malacañang, dalawang tauhan ng Philip­pine National Police-Traffic Management Group (PNP-TMG) ang nagsisilbing hagad, sakay ng tig-isang motorsiklo, ng aroganteng gabinete.
Maliban sa dalawang uniform PNP-TMG personnel, dalawa pang tauhang nakasakay ng motorsiklong naka-Enduro ang nagsisilbing ‘sweeper’, as in civi­lian clothed subalit parehong armado ng de-kalibreng baril.
Ang malupit sa lahat, lima hanggang anim pang back-up vehicles o convoy ang nakabuntot sa service vehicle ng aroganteng gabinete ni Mrs. Arroyo, kinabi­bilangan ng mga de-otsong makina na sasakyan.
Dahil ipinagbawal ang pagkakaroon ng maraming convoy at security, itinatago ng aroganteng gabinete ni Mrs. Arroyo ang mga nagsisilbing private armies, as in isang hagad at back-up vehicle lamang ang pinapapasok sa parking lot kapag pumapasok ng Malacañang.
Clue: Astang-hari sa kalsada ang aroganteng gabinete at madaling maglaho kahit takip-silim. Ito’y ex-member ng Lower House kung kaya’t nangangarap makarating ng Upper House at mahilig sa katagang ‘nationwide’ sa press conference. (www.mgakurimaw.blogspot.com)

Friday, October 3, 2008

oct 3 2008 abante issue

Ex-Palace official ‘kinotongan’ ng BMW

Kabaliktaran sa imaheng ‘maka-bayan at maka-mahirap’ kapag nagsasalita sa mga maralitang taga-lungsod, siyang dupang sa pera ng isang adviser ni ex-Pa­lace official, patunay ang lantarang ‘pambubukol’ kaya’t nakabili ng bagong modelo ng sasakyang BMW.


Hindi maitago ni Mang Teban ang matinding pagkadismaya matapos madiskubreng nakabili ng bagong modelo ng sasakyang BMW ang isang nagpapakila­lang lider ng militanteng grupo, sa pamamagitan ng ‘pa­ngongotong’ at ‘pambubukol’ sa pondo ng tanggapan ng kaniyang amo.
Ang matinding revelation sa lahat, hindi man lamang nakitaan ng konting kahihiyan o delicadeza sa katawan ang dating lider ng militanteng grupo dahil harap-harapan pang ipinaparada ang bagong modelo ng BMW sa kanyang amo.


Nang minsang ipinatawag ang dating lider ng militanteng grupo sa bahay ni ex-Palace official, hindi nakapagpigil ang kanyang amo at diretsahang ibinulong sa ibang bisita na siya mismo ang bumili ng service vehicle ng una.


Sa pag-aakalang iniregalo ang bagong sasakyan sa kanyang adviser, ang kulay itim na X-5 BMW nakaparada sa kanilang harapan, napa-Wow ang kausap at pinuri ang pagiging galante ni ex-Palace official.


Subalit nang malaman nito ang katotohanan, kaagad kumambiyo si ex-Palace official at laking gulat ng ma­laman nitong nakabili ng bagong X-5 BMW ang da­ting lider ng militanteng grupo na tumatayong adviser ng una dahil sa ‘pambubukol’, as in ‘tinitira’ ang salaping ibinibigay ng kanyang amo o campaign donation para sa mga local officials.


Pintahan n’yo na: Nagbabalak pang makabalik sa poder si ex-Palace official kahit limitado ang termino habang ang dating lider ng militanteng grupo na tumatayong adviser nito’y meron letrang ‘C.R’, as in Corrupt at Raket ang bumili ng mga ralliyista.

Thursday, October 2, 2008

oct 2 2008 abante tonite issue

Onli in da Pilipins, Mr. President!
Rey Marfil


Kapag nagkataon, si Manny Villar ang ‘1st Senate President’ na nakasuhan sa committee on ethics, simula nang makamtan ng Pilipinas ang kasarinlan sa kamay ng mga Amerikano - ito’y malaking dagok sa imahe ng mister ni Maam Cynthia na nangangarap sa trono ng mister ni Jose Pidal. Nagkataon o sinadya, halos magkapareho ang eskandalong kinasasangkutan ni ex-President Manuel Quezon bilang Senate President noong 1933- ito’y may kinalaman sa real state. Kaya’t ipanalangin ng mga supporters ni Lolo Manny, ito’y ma-absuwelto sa committee on ethics kundi maagang mana-knock out (KO) sa presidential derby ngayong pang meron sumusungkit sa Senate Presidency.
Umiikot lamang ang nangyayari sa pulitika at ‘sila-sila rin ang nagkikita sa finals’. Hindi ba’t si senador Joker Arroyo ang ‘No. 1 contender’ bilang Speaker of the House subalit ibinigay ni ex-President Joseph ‘Erap’ Estrada kay Villar ang ‘go signal’? Si Lolo Joker din ang ‘No.1 mortal enemy’ ni Villar sa Lower House at nag-akusa ng corruption at conflict of interest sa mga ‘propriedad’ pero ngayo’y ‘No.1 Defender’ sa Upper House at magka-tropa sa Wednesday Club, as in nakalimutan humigit-kumulang 20-pages privilege speech noong August 17, 1998 sa Lower House?
Si Lolo Joker din ang ‘No.1 mortal enemy’ ni Erap sa impeachment trial at nagpasakit ng ulo bilang prosecutor kaya’t meron Clarissa Ocampo at walk out na naganap pero ngayon katabi ng upuan at ka-jamming sa meeting ng majority bloc si senate pro-tempore Jinggoy Estrada na anak ni Erap, plus Villar na nag-akyat ng impeachment complaint sa Upper House at si senador Prancaceus Pangilinan, alyas Mr. Noted nagbulag-bulagan sa reklamong dayaan ng kampo ni Da King, as in Fernando Poe Jr., sa presidential canvassing sa Batasan?
***
Napag-usapan ang ethics committee, animo’y nagkataon din ex-wife ni Atty. Ariben Sebastian - si Juliana Pilar ‘Pia’ Cayetano ang nakaupong chairperson ng komite - ito’y Ate ng katukayo ni Joselito Cayetano-si Alan Peter na ‘No.1 chatterbox’ ni Villar sa isyu ng double insertion o tongpats ng P200 milyong C-5 Road project gayong ‘No.1 best friend’ ni opposition senator Panfilo ‘Ping’ Lacson noong May 2007 election at ‘buddy-buddy’ sa anti-corruption kontra Jose Pidal at kampon ni Mrs. Arroyo. Pero ngayon, ‘mala-Halimaw sa Banga’, ika ni Aling Matet ang katagang lumalabas sa bunganga ni Boy Watusi laban kay Lacson. Dito masusubukan si Ate!
Ama nina Pia at Alan Peter ang huling nasampahan ng complaint sa ethics committee - ang namayapang si senador Renato ‘Compañero’ Cayetano na isinangkot sa P80 milyon sa BW Resources scandal gayong laway lang ang kapital sa kumpanya ni Dante Tan. Take note: Isa si Compañero, kasama ang namayapang si senador Robert Barbers sa ‘No.1 mortal enemy’ ni Lacson noong 12th Congress nang akusahang kidnapper, money launderer, drug trafficker at kung anu-ano pang kasong nilikha ng Palasyo, gamit si Ador Mawanay at Rosebud, a.k.a Mary Ong subalit ito’y kinalimutan ni Lacson at tinulungan si Boy Watusi sa kanyang laban kontra sa kanyang Tito Mike. Anyway, iisa ang track record ng mag-amang Cayetano, parehong na-ethics dahil sa pera at kasinungalingan at ngayo’y kapamilya ang timon sa imbestigasyon ng tongpats.
Ang mister ni megastar Sharon Cuneta - si Mr. Noted ang chairman ng ethics committee at ‘No. 1 nagkula’ sa BW resources scandal ni Compañero na ngayo’y ka-tropa sa Wednesday Club ni Villar at ka-berks sa majority bloc nina Pia at Alan. Take note: Si Mr. Noted ang abogado nina SPO2 Ed Delos Reyes at SPO2 Dela Cruz - ang whistleblower sa Kuratong Baleleng na nagsabing shootout. At si Mr. Noted din ang nanawagang ‘ceasefire’ sa Lacson-Villar war, as in kalimutan ang double entry. Ang tanong lang, meron bang ipinanalong kaso si Pangilinan?
Ang dating spokesman ni Erap - si Boying Remulla, ngayo’y Congressman ng Cavite ang ‘author’ ng reklamo laban kay Compañero at nagpatalsik kay Pangilinan sa fraternity pero ngayo’y ‘happy together’ at nagtatawagan pang ‘brod’ nina Lolo Joker at Dick Gordon. Hindi lang iyan, kapartido rin ngayon nina Villar at Boy Watusi si Cong. Boying habang ang nakakabatang kapatid-si ex-Cong. Gilbert Remulla ang spokesman ng Nacionalista Party (NP) na dating kasama ni Lacson noong 2004. Maging si Iloilo Vice Governor Rolex Suplico na taga-hawak sa mapa ng C-5 Road nang magpagtawag ng press conference, ito’y nagsilbing campaign manager ni Lacson sa Visayas at Mindanao region pero ngayo’y NP member. Talagang ‘Onli in da Pilipins! (www.mgakurimaw.blogspot.com)

Wednesday, October 1, 2008

oct 1 2008 abante tonite issue

Gabinete ni GMA kinumander ang media vehicles
(Rey Marfil)

Kundi lang anak ng gabinete ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, mapagkakamalang ‘carnapper’ ang pamilya ng opisyal matapos ‘ikumander’ ang sasakyan ng mga mamamahayag na nagko-cover sa kanyang departamento.
Sa impormasyong nakalap ng TONITE Spy, sobrang dupang sa kapangyarihan at uhaw sa libreng serbisyo ang bagong saltang gabinete ni Mrs. Arroyo, patunay ang pagkumander sa mga service vehicles ng mga mediamen.
Bago napasok sa Malacañang ang aroganteng gabinete ni Mrs. Arroyo limang service vehicles ang naka-assigned sa mga mediamen upang magamit sa coverage subalit nagbago ang lahat makaraang makatuntong ng presidential garden ang kumag.
Ang rason, pina-recall ng aroganteng gabinete ni Mrs. Arroyo ang lahat ng service vehicles sa motorpool partikular ang mga naka-assigned sa mga reporter dahil walang magamit ang anak nito.
Mula sa limang service vehicles nagsisilbing ‘press bus’ ng mga mamamahayag sa coverage, naging apat ang sasakyan ng mga mediamen at pinakabagong modelo ang pina-recall ng aroganteng gabinete ni Mrs. Arroyo hanggang nauwi sa dalawang unit.
Makaraang ipagamit ang bagong Toyota Revo sa kanyang anak, ipina-recall din ng aroganteng gabinete ni Mrs. Arroyo ang bagong Mitsubishi Adventure bilang service vehicle ng kanyang chief of staff na nagkataong pamangkin nito at isa pang Toyota Revo na ipinapagamit naman sa mga staff.
Ang nakakalungkot, dalawang kakarag-karag ang sasakyang natira sa motorpool bilang service vehicles ng mga mediamen kung kaya’t siksikan ang mga reporter sa press bus lalo pa’t humigit-kumulang dalawampu ang regular passenger dito.
Habang siksikan at pinagpapawisan ang mga mediamen sa coverage, sakay ng press bus, pakuya-kuyakoy sa malamig na bagong modelo ng sasakyan ang anak, pamangkin at iba pang staff na binitbit ng aroganteng gabinete.
Ang masakit sa panig ng mga mediamen, ginagamit lamang sa paglalakwatsa ng anak ng aroganteng gabinete ang bagong modelo ng sasakyan na naunang naka-assigned sa media coverage habang naka-standby lamang sa parking lot ang dalawa pang kinumander ng mga pamangkin at staff nito.
Clue: Pangprobinsya lamang ang diskarte ng gabinete ni Mrs. Arroyo at nagkaroon ng ‘war shock’ matapos dalhin sa Metro kung saan napakabanal ng surname subalit arogante sa press conference. Ito’y kapangalan ng makatang tauhan ng First Family at meron letrang ‘S’, as in Santo Santito sa palasyo. (www.mgakurimaw.blogspot.com)