Monday, September 15, 2008

sept 15 2008 abante tonite issue

Senador nangangati kapag ‘di tinatamaan ng flash ng camera
(Rey Marfil)

Katulad ng kasabihang ‘hindi nalalayo ang puno sa bunga’, may pinagmanahan kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang isang mestisuhing kampon sa Upper House matapos tularan ang pagiging obsessed sa photo opportunity, as in photo ops.
Bagama’t maagang bumababa ng session hall bago sumapit ang alas-tres ng hapon, katulad ng itinakda ni Senate President Manuel ‘Manny’ Villar Jr., nakahiligan ng mestisuhing senador ang magpa-picture sa mga bisita, animo’y nangangati ang katawan kapag walang makitang flash ng camera na nagkikislapan sa kanyang harapan at pakiramdam nito’y hindi buo ang maghapong trabaho kung walang picture-taking sa mga bisita.
Nangunguna sa limang miyembro ng Upper House na tinaguriang ‘the late senator’ ang mestisuhing senador, patunay ang pinakamaraming naitalang late sa attendance report ng Senate Secretariat subalit saksakan ng ‘Reklamador’, as in inangalan ang sistema sa roll call at nagawa pang pagdudahang pinagkakaisahan ito.
Taliwas sa pagdududa ng mestisuhing senador na pinagkakaisahan, walang ibang dapat sisihin kundi mismong sarili dahil paulit-ulit itong nali-late at hindi magawang baguhin ang pag-uugali sa pagdalo ng sesyon, katulad ang sobrang obsessed sa photo ops at pangangating magpakuha ng litrato sa tuwing nakakasalubong ng mga kabataang estudyante sa 2nd floor habang papasok ng session hall.
Halos ilang minutong pakalat-kalat sa labas ng hallway ang mestisuhing senador at pinapatulan ang lahat ng mga estudyanteng nagpapa-picture at kung sinu-sino pang miron kung kaya’t madalas itong inaabutan ng national anthem at opening prayer.
Ang malupit sa lahat, kahit nasa loob ng session hall, hindi pa rin mapigilan ng mestisuhing senador ang pangangati sa photo ops dahil pinupuntahan ang mga estudyanteng nagpapa-picture sa magkabilang gallery kaya’t kapag nagsimulang mag-roll call, pagkatapos ng national anthem at opening prayer, ito’y nasa labas pa rin ng session hall.
Clue: Hindi matatawaran ang kabaitan ng mestisuhing senador subalit maraming nagtaas ng kilay kung lehitimong nanalo. Ito’y meron letrang ‘L’ sa kabuuan ng pangalan at apelyido, as in Laganap ang dayaan kaya’t nakaupo. (www.mgakurimaw.blogspot.com)

Thursday, September 11, 2008

sept 11 2008 abante tonite issue

May ‘pinagpalang-tao’ sa C5 road!
Rey Marfil


Sa latest survey ng Pulse Asia, may petsang July 1-14, hindi pa rin nagbabago ang pulso ng publiko sa mga kampon ni Mrs. Arroyo -- ito’y walang pinag-iba sa final tally noong nakaraang 2007 mid-term election. Sa ranking ng 23-mi­yembro ng Upper House, alinsunod sa performance and trust rating, puro kampon ni Mrs. Arroyo ang nangulelat sa ranking -- sina Lito Lapid (36%), Dick Gordon (41%) Migz Zubiri (41%), Manong Johnny Enrile (44%), Lolo Joker Arroyo (44%), Kuya Gringo Honasan (44%) at Lola Miriam Defensor-Santiago (46%). Never mind si Pong Biazon (44%), ito’y magreretiro sa 2010. Ibig sabihin, ‘kiss of death’ kapag nagpaendorso sa misis ni Jose Pidal sa 2010 national election ang sinumang reeleksyunistang senador.
Ang pinakamasakit sa panig ng pitong kampon ni Mrs. Arroyo, ito’y tinalo ni Sonny Trillanes (50%) sa trust ra­ting. Ika nga ni Jerome Tang, ‘partida pa iyan’ -- ito’y nakabilanggo, eh paano pa kung binigyan ng ‘passes’ patu­ngong Senado ng Supreme Court? Hindi lang iyan, namu­mukod tanging si Bong Revilla (53%) sa administration bloc ang nasa tuktok, kasama sina Chiz Escudero III (79%), Loren Legarda (78%), Mar Roxas (74%), Manny Villar, (72%), Mr. Noted Pangilinan (67%), Noynoy Aquino, Alan Cayetano (64%), Ping Lacson (63%), Jinggoy Estrada (63%), Pia Cayetano-Sebastian (61%), Nene Pimentel (57%), Jamby Madrigal (52%), Edgardo Angara (50%). Take note: 53% ang passing grade dito.
***
Sa wakas, matutupad din ang pangarap ni Chavit Singson na makarating ng Senado dahil ipinatawag ni Biazon sa reward system, aba’y gustong ‘ibalato’ sa MILF members ang P25 milyong pabuya sa ulo nina Kumander Bravo at Kuman­der Umbra Kato. In fairness, maganda ang suhes­tyon ni Singson laban kina Kato at Bravo lalo pa’t ‘pera-pera’ ang laba­nan sa mga halang ang bituka. Kaya’t magkaka­alaman kung gaano kalakas ang ‘Boses ng mga taga-probinsya’ nga­yong nagkasabit-sabit si Chavit. At kahit ‘hot seat’ ang uupuan ni Lolo Chavit sa Senate, at least nakatabi nito ng upuan ang mga ‘sey-ney-tors’, ika ni ex- Comelec chairman Ben Aba­los samantalang si Water Boy Prospero Pichay, nanati­ling pa­ngarap ang maitanim sa Senado.
Pakatandaan ng publiko, kahit lumalawa sa tubig ang Local Water Utilities Administration (LWUA), walang katiyakang mabubuhay ang isang tanim at kapag nasobrahan sa dilig ang petsay, ito’y mamamatay. Kaya’t mas makakabuting huwag nang pangarapin pang tumubo ni Pichay sa Upper House. Sa huling Pulse Asia survey, 16% lamang ang trust rating ni Water Boy, katabla si Mang Inton, as in GSIS chairman Winston Garcia -- ito’y napakalayo sa 21% ni Jun Lozada nagkumpirma sa ‘Sec. may 200 ka dito’. At habang may panahon, bakit hindi mag-ala Lozada keysa muling malanta sa senatorial election. Mabuti pa nga si DA Secretary Arthur Yap (23%), mas pinagkakatiwalian ng publiko kumpara kina Mrs. Arroyo (19%), Boy Nograles (22%) at Joe De Venecia (22%). Naka-half rice pa iyan!
***
Walang pinag-iba sa ‘3-1 instant coffee’ ang press conference ni Villar sa P200 milyong ‘tongpats’ ng C-5 Road, aba’y tatlong presidentiables ang ‘tinuhog’ nang humarap sa Senate media. U­nang binakbakan si Lacson, kasunod ang magdyowang Mar Roxas at Ate Koring, pinakahuli si Chiz Escudero. Ang nakaka­gulat sa lahat, pati si Dick Gordon sumawsaw at nakipirma sa resolus­yon -- ito ba’y konektado sa ‘Senate coup’ o gustong madamay sa away in aid for reelection at masabing ‘Presidentiable din?’ Anyway, dedma si Roxas nang tanungin ni dzRH radio repor­ter Florante Rosales sa session hall kung siya ba ang tinutukoy ni Villar na ‘nagtatago sa ibang saya’.
Katulad ng pelikulang pinagbidahan nina KC Concepcion at Richard Guttierez, ‘For the First Time’ nasaksihan ng Se­nate media kung paano namula ang tainga at napikon si Villar, pati press release ni Escudero sa performance at trust ra­ting, ito’y binaterya. Ang hindi pa alam ng publiko, eh kung sinong Pontio Pilato mula sa mala­king religious group ang makikinabang sa ibang parte ng C-5 Road extension -- ito’y hiwalay sa double entry ng P200 milyong napondohan ng Department of Budget and Management (DBM). Mantakin n’yo, P1 bilyon ang hinihinging bayad sa right of way ga­yong P390 milyon lamang ang kabuuang halaga ng proyekto. Sad­yang ‘pinagpala ang taong ito’ at posibleng magkahimala lalo pa’t ‘siksik, liglig at umaapaw’ ang pabor na nakukuha kay Mrs. Arroyo.(www.mgakurimaw.blogspot.com)

Wednesday, September 10, 2008

sept 10 2008 abante tonite issue

Presidentiable nagselos sa interbyu!
(Rey Marfil)

Kung namamalimos ng interbyu sa mga mamamahayag ang isang kunyong miyembro ng Upper House, mas malupit ang inugali ng isang presidentiable matapos pagselosan ang mga kapwa mambabatas na paboritong kunan ng sound bite.
Nasaksihan ng TO­NITE Spy kung paano magselos ang presidentiable matapos makitang pinagkakaguluhan ng mga mediamen sa loob ng session hall ang ilang kasamahan habang bokya sa ambush interview ito.
Bago nagbukas ang sesyon, kanya-kanyang diskarte ang mga mediamen kung sinong senador ang kukunan ng sound bite sa loob ng session hall at ‘pinakamabenta’ ang dalawang bagitong solon.
Sa maikling sandaling inilagi ng mga mediamen sa loob ng session hall para maghanap ng ma-interbyu, nilalagpasan lamang sa kanyang upuan ang presidentiable.
Nakaramdam ng ma­tinding inggit at selos sa katawan ang presidentiable dahil kung anong init ng mga kasama­hang mambabatas sa interbyu, ito’y bokya at luhaan sa media exposure kung kaya’t nakapag-isip ng diskarte para mapansin ng Senate reporters.
Ang nakakasuka lamang, hindi nakiusap sa Senate reporters ang presi­dentiable para mainterbyu at mahingan ng komento sa mga naglalakihang headlines sa peryodiko bagkus nangonsensya ang solon, animo’y meron itinagong tape recorder at camera sa mga mamamahayag.
Nang mapadaan sa kanyang upuan ang Se­nate media, sa pangunguna ng mga television reporters, diretsahang nagparinig ang presidentialbe tungkol sa ginawang ‘pagtabla’ ng mga mamamahayag, gamit ang li­tanyang ‘mahina na ako sa inyo’ subalit hindi pa rin nabola para kunan ng sound bite ito.
Bagama’t hindi pa-suwelduhan ng presidentiable, mismong mamamahayag ang nahiya kung kaya’t kaagad dumepensa at inirasong ibang isyu ang itinanong sa dala­wang bagitong senador, kasabay ang paghingi ng sorry upang ipakita ang pagkadiyahe rito.
Clue: Lahat ng diskarte para maiangat ang popularidad, kabilang ang pagkunyaring matapang sa mga isyu, ito’y ginagawa ng presidentiable kahit takbuhin sa mga laban. Masunurin sa ate at ina ang presidentiable, as in Mama’s Boy. (www.mgakurimaw.blogspot.com).

Tuesday, September 9, 2008

sept 10 008 abante tonite issue

Dream Team: Ping-Mar!
Rey Marfil


Sa pinakabagong Social Weather Station (SWS) survey, nakapagtala ng 52% net approval si Senate President Manny Villar Jr., sa hanay ng ‘Top 5 government officials’, malinaw din ang pagiging consistent ng mister ni Mam Cynthia sa presidential survey ng nakaraang Hulyo -- ito’y nakakuha ng 22% at kakapiranggot lamang ang abante ni Vice President Noli De Castro Jr., (26%), maging sa Pulse Asia survey, nadagdagan ng 12% gayong 9% ang huling tala nito. Kaya’t hindi nakakapagtaka ang maagang pagsiksik ni dating House Speaker Jose de Venecia Jr., aba’y mahirap nga namang mapagsarhan ng pintuan, ito’y mababasa at mauulanan sa labas ng bahay ni Villar.
Malinaw ang deklarasyon ni Villar sa birthday party ng anak ng namayapang si Da King: walang urungan ang pagtakbo sa 2010. Sabagay, kahit walang makuhang ‘sponsor’ o campaign donors, barya kay Mam Cynthia ang P3 bilyon hanggang P10 bilyon at hindi kailangang galawin ang mga lupaing minana sa mga magulang sa dami ng subdivision na ipinatayo sa buong Pilipinas. Iyan ang malaking problema ng boypren ni Korina Sanchez, ito’y kailangang magpaalam sa kanyang ate at ina bago makapagbuhos ng pera. Kahit ‘rich girl’ at miyembro ng alta-sociedad ang kaibigang si Donya Consuelo, alyas Jamby Madrigal-Valade, malabong ilista sa tubig ang utang at kalokohan kundi maghahanap ng OR (official receipt) si Mam!
‘Two things’ kung bakit umangat ang popularity rating ni Villar, ito’y nakuha sa ‘Sipag at Tiyaga’, katulad ang pagtulong sa mga minaltratong overseas Filipino workers (OFWs), pagtugon sa mga nasalanta ng kalamidad, at matinding exposure sa larong billiards. Ang malaking problema ni Villar, ito’y maagang nagdeklara ng giyera sa hanay ng mga presidentiables kaya’t asahang ikakabit sa pamumulitika ang bawat galaw at aksyon. Higit sa lahat, maraming maghahangad sa pagbibitiw ni Villar bilang timon ng Upper House.
***
Kung merong ‘Redeemed Team’ sa Beijing Olympics, maituturing na ‘Dream Team’ ang ‘Ping-Mar tandem’ sa 2010. Imposible subalit posibleng mangyari ang pagsasanib-puwersa nina opposition Senator Panfilo ‘Ping’ Lacson at Senador Mar Roxas II. Kung nag-iisip ng panalo at ‘long term power’ ang ina at magulang ni Mr. Palengke, maging girlfriend na si Ate Koring, bakit hindi paghandaan ang 2016? Take note: 51 years old si Roxas ngayon at kapag nanalong Vice President, ito’y 59-anyos lamang sa 2016, as in 65 years magreretiro bilang Presidente. Higit sa lahat, malabong humirit ng ‘extra-term’ si Lacson lalo pa’t 67 years old sa 2016 at merong isang salita at paninindigan, hindi katulad ng mga bolerong pulitiko kaya’t nakakasiguro ng endorsement si Mr. Palengke.
Kapag natuloy ang ‘Ping-Mar tandem’ -- ito ang ‘team to beat’ at siguradong pupusta lahat ng negosyante. Hindi kailangang magpagka-praning sa demolition job at paglabas ng press releases si ex-Usec. Bobby Capco na inaakusahang adik ni ex-PCSO media consultant Robert Rivero sa Senate hearing para maiangat ang image ni Mr. Palengke. Sa ngayon, napakalaking problema ang peace and order, economy, corruption at palakasan system sa government offices. Ibig sabihin, napakadaling ibenta sina Lacson at Roxas sa botante kahit hindi magbayad ng media coverage dahil kumpleto ang ingredients upang solusyunan ang mga problemang ito. Higit sa lahat, magkatropa sa Solid 8 ang dalawa at hindi kumplikado ang pagsasanib-puwersa lalo pa’t independent si Lacson at maraming kaibigang taga-Liberal.
Sa huling SWS survey, may petsang June 27-30, inokupahan ni Lacson (16%) ang No. 4 habang No. 5 si Roxas (13%) at kapag pinagsama ang kanilang puwersa, halos ga-hibla ang kalamangan ni De Castro (31%). Take note: bumababa ang rating ni Uncle Vice, maging si Loren Sinta habang umaakyat si Lacson kahit wala pang pera at hindi maagang nangangampanya sa probinsya.(www.mgakurimaw.blogspot.com)

Saturday, September 6, 2008

sept 6 2008 abante tonite issue

Senador, namalimos ng interbyu
(Rey Marfil)

Kung anong kunat sa buhay, siya namang galante magpainterbyu ng isang kun­yong miyembro ng Upper House matapos umastang pulubi sa harap ng media para makunan ng sound bite, as in namalimos ito ng atensyon.

Sa halip kaawaan, pinag­tawanan ng mga naglipanang kurimaw sa Upper House ang “pamamalimos” sa interbyu ng kunyong senador, kalakip ang hangaring maiangat ang popularidad matapos ikunsiderang presidentiable ang kumag.

Nasaksihan ng TONITE Spy, kung paano namalimos ng interbyu ang kunyong senador, ilang minuto bago magbukas ang sesyon kung saan mistula itong pulubing nakatambay sa ilalim ng Quiapo underpass at ta­nging pagkakaiba lamang ng porma, ito’y naka-Amerikana at air conditioned ang puwesto.

Bago magbukas ang ses­yon, naispatan ng kunyong senador ang isang lady radio reporter mula sa Kapuso network kung kaya’t kaagad nagparamdam ng interbyu ang mambabatas, gamit ang katagang “Anong balita natin ngayon?”

Taliwas sa inaasahan ng kunyong senador, isang katagang “Wala po Sir” ang kasagutan ng lady radio reporter, sabay salang ng tape recorder sa ibang senador na pinagkakaguluhan ng Se­nate reporters, as in tinabla at nilampasan lamang dahil walang isyung maaaring maitanong sa mokong.

Ilang segundo pa, isa naman television lady reporter mula sa “Team Kapamilya” ang napadaan sa kinatatayuan ng kunyong senador at mabilis din nagparamdam nang interbyu ang solon, kasabay ang pag-uulit sa naunang itinanong nito.

Katulad ng kasagutan ng lady radio reporter, ganito rin ang nawika ng television lady reporter at nilagpasan ang kunyong senador para makisali sa mediamen na nag-interbyu sa ibang senador.

Ang ikinagulat ng lady radio reporter, ito’y muling nilapitan ng kunyong senador at muling binati, kasabay ang pag-uulit sa naunang tanong, as in nagmamakaawa itong tanungin sa isyung panlipunan.

Dahil magulo magbigay ng statement ang kun­yong senador at wala rin sa isyu para kausapin ng mga reporter, sablay ang pagpaparamdan sa Senate reporters, as in luhaan sa interbyu ang kumag.

Higit sa lahat, ipinagbabawal ng Office of the Sergeant at Arms (OSAA) ang mga haosiao o pekeng reporter na pakalat-kalat sa hallway o gallery, o sa loob ng session hall kaya’t bokya sa interbyu ang kunyong senador.


Clue: Saksakan ng kunat ang kunyong senador subalit naging galante matapos ikunsidera ang pangalan bilang isa sa presidentiable. Ito’y nakapasok sa pulitika, gamit ang isang kapamilya at meron letrang ‘C’ sa gi­ven name, as in Corn.(www.mgakurimaw.blogspot.com)

Thursday, September 4, 2008

sept 4 2008///abante tonite issue

Sino ang tunay?
Rey Marfil


Hindi maagang nagkainitan kundi matagal nang nag-uupakan ang mister ni Las Piñas Congw. Cynthia Villar at boypren ni Ate Korina Sanchez. Ang nakakalungkot, kung kailan nagsimulang pumasok ang ‘Ber Month’, mas lalong umiinit ang banggaan nina Senate President Manuel ‘Manny’ Villar Jr., at Senador Manuel ‘Mar’ Roxas II gayong parehong ipinagpala at sumisimbulo ng kapanganakan ni Jesus Christ ang given name. Hindi lang isyu sa 2010 presidential race ang topic, aba’y tuloy ang pasiklaban kung sino ang lehitimong tambay ng palengke, maliban kung magpakilala rin kargador sa pier ni ex-Usec Bobby Capco kahit inaakusahang adik ni ex-PCSO media consultant Robert Rivero sa Senate hearing?
Sa interview ni Mareng Nimfa Ravelo sa dZBB radio noong nakaraang Linggo, animo’y kakapiranggot ang paglalarawan ni Villar sa Liberal Party (LP) ni Roxas kumpara sa Nacionalista Party (NP). Sabagay, kasya sa isang bus ang buong Liberal kasi presidential chopper ang pangsundo ni ex-presidential chief of staff Mike Defensor. Ang eksaktong ‘quote’ ng mister ni Mam Cynthia ‘Well sa akin syempre mas malaki ang NP kaysa LP at mas malaki ang Kampi sa aming lahat.’ Ang resbak ni Roxas nang makausap sa cellular phone ng Spy ‘Hayaan mo siyang managinip.’ Ito’y sinundan noong Lunes sa session hall ng katagang ‘tatlo ang Ramon Magsaysay awardee’ ng Liberal.’ Ang tinutukoy ng boypren ni Ate Koring -- sina Naga Mayor Jessie Robredo, Isabela Gov. Grace Padaca, at ex-Senate President Jovy Salonga.
Maging mediamen, nalito nang magbilang sa daliri kung sino ang mas maraming miyembro sa pagitan ng Liberal at Nacionalista lalo pa’t nahati sa dalawang paksyon ang itinitimon ni Roxas nang tumugtog ang ‘Hello Garci CD’ ni GMA at ilan dito’y libreng namamangka sa Ilog Pasig. Hindi ba’t napalusutan si Roxas ni ex-Cabinet secretary Silvestre ‘Yoyong’ Afable sa pagtayong legal adviser ni Atty. Camilo ‘Bong’ Montesa sa GRP-MILF peace panel gayong director general ng Liberal Party? Ang problema ni Roxas, hindi naman padamihan ng medals ang labanan sa 2010, katulad ng ipinagmamalaking ‘Ramon Magsaysay awardees’ at masyado pang malayo ang 2012 Olympic games!
***
Napag-usapan ang banggaan ng dalawang Manuel, malulupit ang text messages na umikot, katulad ang mensaheng ‘This morning on dzMM, after non stop of mocking and attacking the administration, Korina ended by saying ‘Tuwang-tuwa sigurado ang mga taga-Malacañang at nagdadasal silang huwag na tayong babalik Ted (Failon). Korina, please be reminded that in 1995. GMA was the No. 1 Senator and in 1998 as Vice President. She got more votes than Erap. If you believe Mar don’t need the support of all administration people their relative, friends and allies, then you’re wrong! Mar cannot get solid opposition vote because Villar, Loren (Legarda) and Ping (Lacson). Please pass this to Mar’. Take note: hindi pa nagpa-file ng certificate of candidacy ang mga iyan pero grabe kung mag-upakan!
Ang nakakatawa lang, pasiklaban din sina Villar at Roxas kung sino ang ‘original tambay’ ng palengke at isa sa nai-save ng Spy ang mensaheng ‘Galit si Korina sa kampanya ni Senator Villar na nasa palengke siya. Bakit, eh kasi si Villar talaga ay nagmula sa palengke! Si Mar kaya lang naman tinawag na Mr. Palengke kasi may-ari ng palengke ang kanilang pamilya sa Farmers’. Sabagay, ‘Ko-Recto’ ang nagpadala ng message at pangsosyal nga naman ang Farmers Market kumpara sa Divisoria at talipapang tinambayan ng bossing ni Miss A.
Kahit hindi balikan ang family background ng dalawa at isentro ang pagkukumpara sa Mr. Palengke at ST commercial, malinaw na pagtitinda ng isda ni Villar habang si Roxas nagsasayaw lang sa palengke. Mantakin n’yo, pati paghalo ng graba pinasukan ni Manny at sa malamang ‘namulutan pa ng askal at tumira ng gin’ noong tinedyer. Iyon nga lang, litaw ang kampo ni Villar bilang ‘suspetsado’ sa text brigade kahit ipagpalagay pang meron ‘third party’ na nag-operate para pagsabungin ang dalawang Manuel at makinabang ang ipinu-push nitong standard bearer. (www.mgakurimaw.blogspot.com)

Wednesday, September 3, 2008

sept 3 2008 abante tonite issue

Senador, nagmistulang maamong tupa sa tauhang sinibak
(Rey Marfil)

Dati-rati’y sinisigawan at minumura ng matandang senador ang isang tauhang sinibak at inaakusahang bopols sa pamamalakad ng kanyang opisina, ngayo’y nabaliktad ang mundo ng dating mag-amo dahil matinding pagsisipsip ang ginagawa ng mambabatas dito.
Sa report na nakalap ng TONITE Spy, kontodo-sipsip ngayon ang matandang senador sa dating chief of staff, kasunod ang pagkakadiskubreng makakatulong sa kanyang political career ang opisina ng huli, maging sa karelasyong personalidad na nag-ambisyong makapag-state visit sa iba’t ibang bansa.
Kung astang-tigre ang matandang senador sa panahong pinapasahod at pinapakain sa kanyang palad ang dating chief of staff, animo’y maamong tupa ang mambabatas kapag nakikipag-usap sa dating utusan, as in napa­kamalumanay magsalita at hindi makabasag pinggan ang kumag.
Sa panahong hawak sa leeg ng matandang senador ang dating chief of staff, halos hindi makain ng hayop kung magmura ang mambabatas at madalas umaalingawngaw sa kanilang opisina ang katagang ‘bobo at tanga’ ang tauhan.
Higit sa lahat, walang patawad ang matandang senador dahil simula ulo hanggang paa kung sabunin ang dating chief of staff kapag nagkakamali ng diskarte sa pagpapatakbo ng kanilang opisina, as in sobrang perfectionist ang mambabatas.
Kung anong sama ng ugali sa nagdaang panahon, sobrang amo ngayon ng matandang senador sa dating chief staff at kapag nakakausap sa Upper House, ito’y meron pang kasamahang tapik sa balikat, sabay bigkas ng katagang ‘Ayos Bata’ gayong “Ang bobo mo talaga at Ang tanga-tanga mo” ang madalas litanya ng mambabatas sa dating tauhan.
Ang nakakadismaya lamang, hindi nakikita ng matandang senador ang magandang ginagawa o kontribusyon ng dating chief of staff bago tuluyang sinibak matapos magkaaberya noong 2004 election ang kanilang kampanya.
Ilang taon namalagi sa ibang bansa ang dating chief of staff at nakahanap ng magandang trabaho makaraang bumalik ng Pilipinas, kasama ang isa pang nagsilbing chief of staff kung saan konektado sa pulitika ang linya ng kanilang opisina.
Clue: Hindi matatawaran ang husay ng matandang senador sa paglikha ng batas, maging sa pangtitsiks, patunay ang pakikipagrelasyon sa kapwa-mambabatas. Ito’y meron letrang ‘E’, sa palayaw, as in Engot mag-Tagalog habang merong let­rang ‘V’ ang chief of staff, as in Victory ang publiko kapag nalinis sa 2010 ang halalan, sa pamamagitan ng kumpanyang itinitimon ng dating tauhan. (www.mgakurimaw.blogspot.com).